K I L L E R 19 ༻─────── ·☠· ───────༺ Inihanda ko ang aking ngiti pagkapasok namin sa gymnasium kung saan ginaganap ang night ball para sa graduating students. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Lureth, bahagya niya akong nginitian bago hinila papasok. Bumungad sa amin ang madaming estudyante, nakaayos din ang stage at may mga naglalakihang ilaw. "Smile and ready to die," bulong niya. Napailing ako sa sinabi niya, kung sana ay gano'n lang kadali. "Napano 'yang mukha mo?" takang tanong ko nang makita ang pasa niya sa gilid ng labi. Wala naman iyan kahapon, na magkasama rin kami. Napailing si Lureth saka kinapa ang pasa niya. "Nadapa ako, pasalamat na lang ako at medyo napigilan ng mga kaibigang bato 'yong isang bato. Kung hindi baka tanggal na ang ulo ko." Natatawang aniya. "Alam mo

