K I L L E R 18 ༻─────── ·☠· ───────༺ HINDI ko alam kung paanong nangyari, Yuri and Luther are now dating. Napuno ng galit ang puso ko habang nakatingin sa kanila sa field, they are with their friends. Hindi ko alam kung paano pero nang makita ko si Luther kahapon ay kasama na niya si Yuri, magkahawak kamay pa sila. Palihim kong naikuyom ang aking kamao habang nakatingin sa kanila, wala akong makitang kalungkutan sa mukha ni Luther, ang kanyang ngisi ay mas nakapag-init ng aking mata, nagbabadya ng tumulo ang luha. Hindi ko alam kung paano ito nagawa ni Yuri, she told me to stay away from Luther. Parang wala na akong natirang tiwala para sa iba. "Matutunaw 'yan." Napabuntong-hininga ako saka napalingon sa nagsalita. Si Lureth. Sa lumipas na araw ay lagi niya akong kinakausap, feel

