K I L L E R 17 ༻─────── ·☠· ───────༺ Isang na simula ng iniiwasan ko si Luther. Pasalamat na lang ako at hindi niya ako nakikita, kadalasan ay sa room lang ako, hindi na masiyado sa canteen at tumatambay sa bench. Hinihintay ko na lang matapos 'tong school year na 'to, tapos uuwi na ako sa probinsya namin. Si Marco, hindi ko alam kung bakit nagpalipat siya ng section. Dahil ba 'to kay Luther? Hindi ko na alam. Ayoko man aminin pero namimiss ko na si Luther kahit galit man ako ay hindi ko kayang wala siya, sa lumipas na dalawang taon ay kami ang magkasama, nakakapanibago. Isang linggo na rin akong nakikitulog kila Yuri. Noong una ay ayoko pero nagpumilit siya kalat na rin kasi sa school na nakipaghiwalay ako kay Luther. Doon muna ako nila Yuri dahil baka puntahan daw ako ni Luther at

