K I L L E R 14: ༻─────── ·☠· ───────༺ Gulat silang napalingon sa akin, parang tumigil ang paghinga ko dahil sa sobrang kabang kumalat sa buo kong dibdib. Mamatay na ako, iyon kaagad ang una kong naisip biglang napatayo si Luther sa kinauupuan niya at mabilis na humakbang papalapit sa akin. Natatakot ako sa kaniya, sa kanila. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na 'to ay parang naging ibang tao sa mata ko si Luther. Parang hindi na siya 'yong lalaking minahal ko ng dalawang taon dahil sa mga nasaksihan ko. Habang papalapit siya ay paatras ako nang paatras. Kita ko kung paano siya masaktan dahil sa ginawa kong pag-atras. Mas natakot ako dahil baka kung anong gawin nila sa akin. Akmang hahawakan niya ako ng sumigaw ako. "Huwag mo akong hahawakan! Huwag kang lalapit!" takot na sigaw ko a

