K I L L E R 15: ༻─────── ·☠· ───────༺ Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, kaagad kong inilibot ang aking paningin. Napaupo ako sa kama habang salo ang ulo dahil sa hilo. Unti-unting bumalik sa aking alala-ala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Naalala ko pa ang nangyari hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nandito na ako ngayon sa condo ni Luther. Nasaan na sila? Hindi ko alam ngayon paano ko siya papakisamahan, hindi ko alam ang gagawin ko pero unang-unang pumasok sa isip ko ay ang isumbong sila at layuan sila. Mahal ko si Luther pero mali ang ginagawa nila, maling-mali talaga. Wala na ba silang konsensya? Paano nila naaatim na pumatay ng tao, nakakakilabot. Kaagad akong tumayo at lumabas sa kwarto para kausapin sila. Akala ko si Luther ang maabutan ko sa sala

