KILLER 9

1082 Words

K I L L E R 9 ༻─────── ·☠· ───────༺ Kasalukuyan akong nasa ospital at nagbabantay kay Marco. Hindi talaga kinakaya ng konsensya kong nabugbog siya ng dahil sa akin at kung hindi pa ako dumating no'n ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya dahil kay Luther. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Luther sa kanya. Kanina ay parang hindi ko na siya kilala, nakita niya ba kami ni Marco nang tanghali? Pero hindi naman sapat na dahilan iyon para gawin niya ang bagay na iyon. Napatayo ako nang unti-unting bumukas ang mata niya. "Marco?" tawag ko sa kanya, pinapanalangin ko na sana ay ayos lang siya. Hindi ko alam kung na-report na ito sa school kanina dahil uwian na nang nangyari. Sana talaga ay maging maayos ang lahat, siguradong mapapagalitan si Luther sa ginawa niya o mas malala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD