K I L L E R 8
༻─────── ·☠· ───────༺
Naglalakad kami ni Luther ngayon sa hallway papasok sa na sa classroom ko. Kahit ayaw ko man magpahatid sa kanya ay mapilit siya, kahapon ay parehas kaming hindi nakapasok dahil sa nangyari.
Gusto ko pa rin mahuli ang killer pero parang natakot na ata ako, noong gabi na iyon doon ko napatunayan na hindi namin kaya.
Masiyadong maraming pwedeng mangyari. Hindi pala gano'n basta-basta iyon.
Napangiti na lang ako nang bumaba ang aking tingnan sa mga kamay namin na magkahawak. Tila wala siyang pakielam sa ibang babae kahit pinagtitinginan na siya.
Hindi ko naman itatangi na may itsura si Luther kumpara sa ibang lalaki rito. Bukod doon ay gustong-gusto ko kung paano niya itrato, hindi niya ako pinipilit kung ayaw ko, lagi niyang pinaparamdam na ako lang.
Ang cute niya.
Nasa kanya ang aking shoulder bag, para siyang bakla dahil kulay pink pa iyon pero wala siyang pakielam ata dahil direderetsyo lang kaming lumalakad kahit pa nililingon na siya ng iba.
Nang nasa harap na kami ng room ko ay iniharap niya ako sa kanya at iniabot ang bag ko.
"Sabay tayo mag-lunch ha," paalala niya habang iniipit ang buhok ko sa likod ng aking tainga.
"Opo."
"Don't talk to other male species, 'kay?"
"Opo." Natatawang sabi ko kahit hindi ko rin sigurado.
"Listen to your Professors."
"Yes, Sir."
"Tell if something bad happen, all right? Message me."
"Sure, Daddy," biro ko dahil para siyang tatay ko kung magpaalala.
"Do you love me?"
"Opo," mabilis na sagot ko.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi bago niya kagatin ang ibabang labi, tingnan mo 'tong lalaking 'to. Ang aga-aga, kinikilig.
"Sige na hubby, pumasok ka na. Baka ma-late ka na. Ingat," sabi ko habang tinutulak siya palayo, pakiramdam ko kasi ay pinagtitinginan na kami ng mga ka-klase ko.
Napasinghap ako nang mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"Take care wife. I love you." Hindi na niya hinintay ang sagot ko, kaagad na siyang tumalikod habang kumakaway.
Natatawang pumasok na sa loob, binigyan naman ako ng mga classmate ko ng mapanuksong tingin na kanina pa pala kami pinapanuod ni Luther sa labas. 'Yong iba parang sila pa 'yong kinikilig.
Napakunot ang aking noo nang makita si Yuri na masama ang tingin sa akin. Kumurap siya at napalitan iyon ng isang matamis na ngiti.
'Baka namamalik mata lang ako.'
"Kumusta April? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" malumanay na tanont niya.
Paano niya nalaman?
"Oo nga, April. In-excused ka nong kaibigan ng b-boyfriend mo kahapon, sabi may sakit ka raw, ayos ka na ba?" dagdag ni Madel.
"A-Ayos lang naman, medyo sumama lang talaga ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko.
Mas lumapit sa akin si Madel at bahagyang bumulong. "Sayang wala ka kahapon, nahuli na 'yong killer," sabi niya.
Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Totoo?
Tumango si Yuri saka bumuntonghininga. "Nakita siyang walang buhay malapit doon sa kabilang building."
Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya, nandoon kami noon. Paano nangyari iyon? Nahuli ba siya ng guwardiya?
"P-Paano?" buong kuryosidad na sabi ko.
"Hindi pa alam pero kahapon ng umaga, natagpuan 'yong katawan ng killer na napapaliguan ng pintura, wala naman saksak e, ewan. Tingnan mo 'yong kumakalat na picture." Inilabas ni Madel ang kanyang phone at ipinakita sa akin ang isang larawan.
Lumakas ang kabog ng puso ko nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakadapa sa damuhan habang napapaliguan ng pinturang pula.
Patay na siya? Ibig sabihin tapos na lahat ng pagpatay na mangyayari? Pero paano siya namatay?
"Bagay lang sa kanya iyan, ang dami ng nawala dahil sa kanya," ani Yuri habang masama ang timpla ng mukha animong badtrip siya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla naman dumating ang guro namin kaya natahimik na kami, katulad noon mga nakaraan ay parang walang nangyari, parang walang namatay.
Lumipas ang oras, nakatanggap ako ng text galing kay Luther, isang oras bago magtanghalian.
Hubby ♡
I'll fetch you later Wife.
Ako:
No need Hubby kitakits
na lang sa canteen. May ichi-
chika pala ako sa'yo.
Hubby ♡
All right. Can't wait to see you,
I have a gift for you. :)
Pagkatapos ng klase ay tumayo na ako at inaayos ang gamit ko humarap ako kila Yuri na ngayon ay aalis na rin.
"Sabay ka sa amin April?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Next time na lang siguro, kasabay ko kasi si Luther," sabi ko at ngumiti.
Ngumiti siya ng tipid. "Oh sige ingat," aniya at lumabas na sila, kumaway pa sa akin si Madel.
Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay hindi ko maiwasan maisip ang nangyari, wala na ang killer. Mapapanatag na ako.
Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa akin, ang Presidente sa aming klase, itsura pa lang ay halatang matalino siya, kita ko naman iyon dahil sobrang active niya sa mga academic namin.
"President Marco," bati ko sa kanya.
"Maka-Marco ka naman." Natawa kami pareho.
"Bakit pala?"
May kinuha siya sa bulsa niya. "Here nahulog mo kanina buti nakita kita rito." Sabay-abot niya sa akin ng ID ko.
Nagulat naman ako dahil doon. "Hala! Salamat Marco, nahulog ko pala," aniko at tipid akong ngumiti.
"Walang anuman, sige una ako, April." Tumango ako at pinanuod siyang lumayo.
Dumeretsyo na ako sa canteen, nakita ko naman kaagad sila Luther at mga kaibigan niya sa madalas naming lamesa.
"Hi April," bati ni Tristan.
"Gusto mo April?" alok naman sa kin ni Harold sa hawak niyang burger, ngumiti ako at umiling lagi silang ganyan, lagi nila akong inaalok ng pagkain nila.
Nagsimula na rin akonh kumain ng kanin dahil mayroon na silang na order, bumaling naman ako sa lalaking katabi ko.
"Hubby anong problema?" tanong ko nang makitang nakasandal lang siya sa upuan niya at naka-krus ang mga braso sa sariling dibdib at deretsyo lang ang tingin.
Parang galit?
"Pst..." tawag ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran.
"Hubby kain na oy!" Tinapik ko ang balikat niya. Napalunok ako nang tumingin siya sa akin gamit ang blankong mukha.
'Anong nangyari rito?'
"Don't mind me, just eat," matigas na usal nito bumaling naman ako sa mga kaibigan niya tinaasan ko sila ng kilay para ipahiwatig kung anong problema ni Luther nagkibit-balikat lang sila.
Baka naman wala lang sa mood? Imbes na kulitin ay hinayaan ko na siya.
Natapos ang lunch ay hindi man lang siya umimik ni hindi na rin niya ako hinatid. Natapos ang buong klase at uwian na, tiningnan ko ang phone ko pero wala man lang siyang text.
'Napapano ba ang hubby ko?'
Hindi maganda ang pakiramdam ko feeling ko may hindi magandang mangyayari at hindi ko namalayan naglalakad na ako papunta mga classroom na bakante papunta sa rooftop.
Napahinto ako sa paglakad nang may narinig akong kalabog dali-dali ko 'yon pinuntahan.
Natatulos ako sa kinakatayuan ko nang makita kong sinisipa-sipa ni Luther si Marco. Bugbog sarado na ito at nakapikit na, halos umubo na siya ng dugo. Nakatayo sa gilid ang mga kaibigan niya, si Harold at Tristan.
"Tama na!" sigaw ko.
Napatingin naman siya sa akin kitang kita ko ang galit sa mata niya.
Napapano ba siya?
Sobrang kabog ng puso ko bago tumakbo papalapit kay Marco upang tingnan ang kanyang lagay, itinapat ko ang aking daliri ko sa tapat ng kanyang ilong. Humihinga pa!
Thank God! He's breathing!
Binalingan ko si Luther ng matalim na tingin bumigat na rin ang aking paghinga. Ano bang ginagawa niya? Paano niya ito nagawa?
"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya.
Kita ko ang paghinga niya nang malalim, ang paggalaw ng dibdib niya na animong may pinipigilan gawin. Nakakuyom ang kanyang kamao, natakot ako sa dilim ng kanyang mukha, ngayon ko lang iyon nakita.
"Are you choosing that nerd over me?" may halong panunuyang usal niya kita ko ang sakit sa mata niya.
"You are being paranoid, Luther!" sigaw ko at tumayo.
"Kayong dalawa dyan lumabas kayo diyan alam kong nandiyan kayo tulungan niyo ako dalhin sa ospital si Marco," seryosong usal ko, nanginig ang kamay ko inaayos ang damit ni Marco na sira na.
Dahan-dahan lumabas naman si Tristan at Harold mula sa dilim. Kumakamot sila sa ulo nila animong hindi alam ang idadahilan sa akin. Tiningnan ko sila, wala silang nagawa kung 'di buhatin si Marco papalabas.
Susunod na sana ako nang bigla akong yakapin ni Luther mula sa likod at nagsalita.
"It hurts. It hurts when I imagine that you will choose him over me. Ano naman ang laban ko sa kanya? Matalino at matino siya. Samantalang ako ay tarantado. I can't lose you w-wife," aniya napapikit ako at dahan-dahan tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin para rin akong sinaksak nang marinig ang boses niya puno ng kakaibang emosyon.
"Saka na tayo mag-usap," mahinang sabi ko at naglakad palayo sa kanya.
_________________