CHAPTER 6: Kontrata

1386 Words
( Noelle ) Hindi ko na nakita pa ang binata simula ng iwan ako nito sa bahay nito kahapon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta o kung babalik pa ba siya. Ayoko naman umalis ng hindi ako nagpapaalam ng maayos kahit na nga ba may matinding nangyare sa amin kahapon. May utang pa rin ako dito na kailangan kong bayaran at magpapasalamat na rin ako dahil hindi nito tinuloy ang pagkuha sa aking p********e. He still has a conscience after all and that's a good think. Naghalungkat ako ng pwedeng iluto sa refrigerator ng binata dahil nagugutom na ako. Napa 'wow' na lang ako dahil puno ng laman iyon, puro bottled water nga lang. "Kumakain pa ba ang taong iyon?" napailing siya. May nakita akong tatlong itlog bukod doon wala na. "Ayos na 'to." Matapos kunin ang tatlong itlog isinara ko na ang ref. at dumiretso sa kitchen. Hinanap ko naman ang pinaglalagyan ng bigas. Nahanap ko naman agad iyon sa isa sa mga drawer niya dito sa kitchen. Nagsaing muna ako saka ko niluto ang itlog. May nakita rin akong de lata roon, spam, niluto ko na rin. Hindi naman siguro mamasamain ng binata ang ginawa kong pagluluto, nagugutom na kasi talaga ako. Hindi rin kasi ako kumain kagabi. Idagdag na lamang nito sa utang ko ang mga pagkain na niluto ko ngayon. Matapos kumain wala pa rin ang binata. Inabala ko ang sarili sa paglilinis ng bahay nito. Hinugasan ko na rin lahat ng hugasing mga plato. "Babalik pa kaya ito?" iyon ang nasa isip ko habang hawak ang vacuum ng biglang bumukas ang pinto. Dali dali akong lumabas ng kwarto nito na katatapos ko lang linisin. And there he is, shock na nakatingin sa akin. Wearing a white long sleeve na itinupi nito ang manggas hanggang sa lampas ng siko. Ang ilang butones ay nakabukas habang ang coat nito'y hawak sa kaliwang kamay at ang kanang kamay naman nito'y nakasilid sa bulsa nito. He is a damn gorgeous man. Nasa pinto lamang ito at nakatitig sa akin. Ang mga matang matitiim kung tumitig at para bang hinihipnotismo ako ng mga iyon tuwing dadaop sa akin ang kanyang pansin. Normal pa ba ako? Nasa ganoong posisyon lamang kami ng mga ilang segundo ng ang binata ang unang nagbawi ng tingin. Napakurap ako ng ilang ulit. Bakit parang nakaramdam ako ng disappointment sa ginawang pag-iwas ng tingin sa akin ng binata? 'Bakit Noelle, inaasahan mo bang susunggaban ka ulit niya, matapos mong umiyak iyak kahapon?' Para akong baliw na nakikipagtalo sa isip sa sarili ko habang nakasunod ang mga mata sa binata na dumaan sa harapan ko na walang lingon-lingon sa akin at dumeretso sa kwarto nito. 'Ouch naman day!' Wala yata sa tamang huwesyo ang aking utak ngayon dahil sumunod pa ako sa kwarto ng binata. Hindi naman ito nagsara ng pinto na para bang iniimbitahan at inaasahan akong papasok sa loob. Napanganga ako at mabilis napatalikod ng makita ang binata na naghuhubad. 's**t ka talaga Noelle!' Bakit ba ako pasok ng pasok sa kwarto niya ng hindi nag-iisip at hindi man lang nagpapaalam. "What do you want?" narinig kong tanong ng binata habang ako'y nakatalikod pa rin sa kanya. Kasing lamig ng aircon sa kwarto nito ang boses ng binata ngayon. Hindi agad ako nakasagot. 'Bakit siya nagsusungit?' Naririnig ko ang mga yabag nito na papalamit sa akin. Para akong naistatwa roon. "Bakit hindi ka pa umalis?" "Ano..... Ano kasi." Para akong tanga na hindi makapagsalita. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. 'Gumana ka brain. Ano ba?!' "Binigyan kita ng pagkakatain na umalis. So why are you still here?" Ang seryoso ng tono ng boses nito. Aalis naman talaga ako. Gusto ko lang magpaalam ng maayos sa kanya diba. Iyon lang naman 'yon. Kumbinsi ko sa sarili saka mabilis na lumingon. Hindi ko napaghandaan na nasa likod ko na pala ang binata. Muntik pa akong matumba ngunit mabilis naman ako nitong nahawakan sa braso kaya't hindi ako bumagsak. Kinakabahan ako. "Careful." Sa nanlalaking mga mata nilingon ko ito. Ang mainit na palad nito'y nagbibigay na naman ng kakaibang kilabot sa aking katawan. Simpleng palad lamang iyon ng binata pero ganito na magreact ang katawang lupa ko. "S-salamat." mabilis kong binawi ang braso sa binata na agad rin naman nitong binitawan. "Kung tapos ka na sa ginagawa mo." tumingin ito sa hawak kong vacuum. "Pwede ka ng umalis." masungit na sambit nito saka ako tinalikuran. "Pero.....Paano yung utang ko? Malaking halaga 'yun? Saan ko ba dapat bayaran? May bank account ka ba?" tanong ko rito. "Gcash kaya?" napangiwi ako sa huli kong tanong. Hindi ko kasi alam kung mayroon siya no'n, pero halos lahat gumagamit na ng gcash. "Don't mind it. You can leave." nakatalikod na sagot nito. Napamulagat ako sa sinabi nito. Teka! 3 million 'yun! Hindi na niya ako pagbabayarin? "Pero malaking halaga 'yun. Libre na 'yun?" Ang swerte ko naman. Mabait pala ang binata. "Then, are you willing to give up your body?" humarap itong muli saka humakbang papalapit sa akin. "H-hindi!" Napaurong ako. Ang mga titig nito'y nagbibigay kilabot na naman sa buong katawan ko. Ano bang mayroon sa binata at ganito ang epekto sa'kin? Hindi lang naman ito ang lalake na nakita kong nakahubad ng damit. Huminto ito. "Then, it settled. You can leave." "Hindi pwede!" Napakunot noo ito sa sinabi ko. "Ayokong may pinagkakautangan. Babayaran kita." "Then, pay it now." ma-autoridad na turan nito. "Teka! Teka, wait lang. Wala naman akong ganoon kalaking halaga ngayon. Huhulog hulugan ko na lang. Or kahit ano gagawin ko para lang makabayad sa'yo." "Anything?" "O-oo, kahit a-ano." Napasubo yata ako. "Teka!" "What?" naiirita na nitong tanong. "Gagawin ko lahat, except sa..... katawan ko." For a minute tahimik lamang itong nakatitig sa akin. Kinakabahan tuloy ako. Baka kasi ipilit pa rin nito. Ano bang meron sa katawan ko? Hindi naman ako kasing sexy ni Cherry at mala-cocomelon ang dibdib para pag-aksayahan nito ng pera at oras. "Then, be my personal maid." "Sige!" lutang na sagot ko. "Good. Wait for the contract. I don't waste more time at ayoko ng iniisahan ako." Teka ano daw? personal maid niya? "Magiging katulong mo ako?" "Yes!" pagsusungit na naman nito. Napakamot ako sa ulo. Ang problema ko na lang. "Anong oras ba ako dapat pumunta dito sa unit mo para maglinis? Umaga at gabi?" "You will stay here." anito at walang pakundangan na naghubad ng pants nito sa harapan ko. 's**t ka talagang lalake ka!' Mabilis akong tumalikod. Hindi ba siya talaga marunong makiramdam? Hindi ba siya nahihiya? Alam kong sexy, yummy, macho at masarap ang katawan niya pero dapat mahiya naman siya sa katulad kong birhen pa ang mga mata, konte. Ah basta! Bastos siya. "Ayoko!" Ayoko ngang tumira dito lalo na kung araw araw kong makikita ang masarap este ang mahalay na lalakeng ito. Dahil sa lalakeng ito nadudumihan na ang isip ko. Hindi ko napaghandaan ng mabilis itong tumayo sa kama at lumapit sa kinatatayuan ko sa may pinto habang ako'y nakatalikod pa rin. He closed it, inikot niya ako at isinandal ako roon. "Bakit ba ang complicated mong kausap? Kung ayaw mo, mabilis naman akong kausap." Napasinghap ako at napigil ang hininga. Sobrang lapit niya. Sa nanlalaking mga mata hindi ko mapigilan na titigan ang mga mga nito, pababa sa labi niya hanggang sa adams apple nito na kitang kita kong gumalaw matapos nitong lumunok. 'At s**t lang! Bakit ang sexy?' "Ibabalik na lang kita kay Mr. Chen." Namutla ako sa sinabi nito. Nawala ang mahahalay na imahenasyon ko. Ayoko! "Para wala na akong problema, babawiin ko lang ang pera ko. Tapos ang usapan." ngumisi ito. "Wait! Wait! Sige. Payag na ako." "Good." Bahala na. Mas okay na rin siguro ito. Kaysa naman mapunta ako sa matandang hukluban na iyon. "Sa isang kundisyon." Mataman itong tumitig sa akin. "No touching." nahihiyang turan ko. Ngumisi ito saka kinagat ang pang-ilalim na labi. Napatitig na naman ako roon. Shit! Ang landi talaga ng hudyo. Parang tinutunaw ang puso ko. "We never know. Sa'kin okay lang, paano kung ikaw ang hindi makapagpigil?" anito saka humalakhak. Ano daw? Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa ulo. "No way!" Naiiskandalong sagot ko. No way, pero bakit nakailang lunok ako habang nakikitang tumatawa ito at kinakagat ang labi? Naaakit ako, este nababaliw na nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD