CHAPTER 7: Passionate Kiss

1871 Words
( Noelle ) Matapos namin magkapirmahan ng kontrata ng binata doon ko nalaman ang pangalan nito. Umalis na rin ito agad upang pumasok sa office. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga mula pa kaninang umaga pag-alis ng binata. Naririto ako hawak-hawak ang vacuum ni Daver Mclarenz, that's his name. Sa totoo lang, pamilyar ang pangalan ng binata sa akin, mula kaninang makaalis ito hindi na nawala ang kunot sa noo ko. "Daver Mclarenz? Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya?" Naalala ko pa ang sinabi nito bago ako umalis. 'Don't you dare leave, miss Noelle.' Swear! Nagtayuan ang mga balahibo ko ng banggitin nito ang pangalan ko at maalala kung paano ito tumingin sa akin. Nanginig ang katawan ko dahil sa alaala na iyon. Nagpagpag pa ako ng mga braso. Hindi ko kinakaya ang binata. Inabala ko na lamang ang sarili sa paglilinis ng bahay s***h condo unit ng binata. Hindi naman iyon sobrang marumi ngunit hindi maiiwasan na may nakakaligtaan na ang binata marahil dahil busy ito sa trabaho. Hindi ko man lang naitanong kung ano nga ba ang exact na pinagkakakitaan o trabaho ng binata. Ang alam ko lang isa itong mayaman. Itinabi ko muna ang vacuum sa gilid ng sopa at umupo sa harap ng mini table nito. Mula sa ilalim ng table ay may mga papel akong nakita doon at hindi ko alam kung itatapon ko na ba ang mga iyon. Baka kasi importante pala ang iba roon. Ginawa ko na lang kinuha ko lahat ng papel at inilagay sa ibabaw ng table para malinis ko ang ilalim, pupunasan ko na rin dahil maalikabok na iyon. "Bakit napakabigat naman nito?" Nahirapan akong kunin ang iba dahil may mabibigat doon. "Ano ba ang mga ito?" Nang makuha ko na, nakakunot na tiningnan ko ang mga iyon. Isa na namang bungkos na papeles ngunit napa-wow ako ng may magazine doon. Nakabukas iyon kaya't hindi ko alam kung about saan ba ang magazine. "Ay s**t! Bold ba ang mga 'to?" napangiwi ako. Isinara ko bigla iyon ngunit nabitawan ko bigla ng makita ko ang whole body picture ng binata doon. Nakaupo ito sa sopa habang seryosong nakatitig sa kumukuha ng picture dito. Sa nanginginig na kamay, kinuka kong muli iyon at pinakatitigan ang larawan ng binata. Nakasulat doon ang buong pangalan nito. Daver Mclarens A hot young billionaire sabi sa magazine. "Shaks! Bilyonaryo ang lalakeng iyon? Seryoso? Gaano ba siya kayaman?" Napaisip ako. Naalala ko ang binitawan nitong halaga mabili lamang ako. "3 million. s**t! Hindi birong halaga 'yon." Habang tinititigan ko ang larawan ng binata para akong pinagpapawisan ng malagkit. Kung makatitig kasi ito para akong tinutunaw. Para itong buhay na buhay. Larawan lang iyon pero iba magreact ang katawan ko. "Jusko! Noelle. Nababaliw ka na!" turan ko sabay tawa ng pilit saka ako tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. Hinagis ko ang magazine na iyon sa ibabaw ng sopa. Nadedemonyo ang utak ko. Bigla akong nakaramdam ng init kahit nakabukas naman ang aircon. Maghapon akong naglinis sa bahay ng binata. Alas- singko na ako natapos at doon lamang ako nakaramdam ng gutom. Matapos kumain naligo na ako. Wala pa rin akong maisusuot kaya naman nanghiram na lang ako ng isang long sleeve sa binata. Natawa ako dahil mukha na iyong dress sa akin. Matangkad kasi ang binata at malaki ang pangangatawan. Tinitigan ko ang kabuo-an ng bahay ng binata. Napangiti ako, malinis na iyon. Umupo ako sa sopa. Ngayong wala na akong magawa, ngayon ko naalala si Nanay Beth at si Cherry. "Kamusta na kaya sila?" tanong ko sa kawalan habang nakahiga sa sopa at nakalaylay ang basang buhok sa sahig. Gusto ko sanang tawagan si Cherry upang makibalita at kumustahin sila ngunit wala naman akong contract number nito dahil ang cellphone ko naiwan sa bahay ni nanay Beth. "Kapag ba nagpaalam ako kay Daver, papayagan kaya niya ako?" Gusto ko sanang mabisita si Cherry upang makibalita, kukuha na rin ako ng ilang gamit na naiwan ko sa bahay kaso baka hindi ako payagan ng binata. "Magpapaalam ako bukas. Papayag naman siguro siya, saglit lang naman ako roon. Hindi ko siya tatakbuhan." Nasa ganoon akong pag-iisip ng may biglang kumatok. Napalingon ako sa pinto kung saan may kumakatok. Sino ang bibisita kay Daver ng ganitong oras? Tumingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa pinto. Alas-nuwebe na ng gabi. Wala pa naman ang binata dito dahil hindi pa umuuwi after nito umalis kaninang umaga at pumasok sa office. Bakit nga kaya ginabi na naman ang binata ngayon? Uuwi kaya siya? At sino ang bisita nito ngayon? Nakakunot noo na lumapit ako sa pinto ng maulit ang katok. Halos gibain na nito ang pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla kong naisip. Pwede ko bang buksan ang pinto? Paano kung kakilala nga iyon ng binata tapos magtaka na may ibang tao rito. Anong gagawin ko? Baka ipahamak ko pa si Daver. Kumatok na naman ito. "Hey! Noelle. Bingi ka ba? Buksan mo ang pinto." rinig kong sigaw ng tao sa labas. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang boses ng binata. Natatarantang binuksan ko ang pinto. Wala ba siyang susi? Nakatukod ang isang braso nito sa gilid malapit sa pinto at pasiring siring ito. "Lasing ka ba?" "I miss you." Hindi ko napaghandaan ng bigla itong lumapit sa akin at hawakan ako sa tigkabilang pisngi. Dahil sa gulat hindi ko alam ang gagawin ko. Ang maiinit na palad nito'y nagbibigay ng kakaibang init sa aking buong katawan. Sa nanlalaking mga mata tinitigan ko ito sa mga mata nitong malamlam na titig na titig sa'kin. Naaamoy ko ang hininga nito na may halong amoy alak. Ngunit kahit na gano'n hindi iyon mabaho tulad ng madalas kong naaamoy sa mga tambay na nag-iinuman sa aming lugar ni nanay Beth. Napapikit ako ng tumama muli sa pisngi ko ang hininga nito. Yung pakiramdam na gusto kong hawakan pa ako nito ng mas mabuti. I want him to touch me. I want to fell him too. Normal pa ba ako? Unti-unting umangat ang aking dalawang kamay na wari'y may sariling isip iyon, inilagay sa dibdib ng binata, dinama iyon. Napahingal ako maging ang binata ay ganoon din. Mabilis ang t***k ng puso nito na parang katulad ng sa akin ngayon. Ano ba itong kaba na nararamdaman ko? Bakit ako hinihingal? "I miss you." masuyong ulit na turan ng binata saka tinawid ang pagitan ng aming mga labi. Hindi ko iyon napaghandaan. Ang mainit na labi nitong may kaonteng lasa ng alak ay nagpapatuliro sa akin. Daver kissing her with so much passion and gentle that she can't resist. Tumutugon ako sa ritmo ng mga halik nito sa paraang alam ko. Narinig ko ang marahan na pagsara ng pinto nito. Pinagpalit nito ang pwesto namin. Isinandal ako nito sa kasasara lamang na pinto. Hindi ako marunong humalik pero dahil sa binata mabilis akong natuto. Ang t***k ng puso ko ay pakiramdam ko'y sasabog sa sobrang bilis. Ang init ng aking katawan ay para ng sinisilaban. Nanghina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko'y tutumba ako ng ang mga braso nito ay marahan na pumulupot sa aking beywang at mas hinigit ako nito upang magkalapit ang aming mga katawan. Natutuliro ako at hindi ko na kaya pang mag-isip. Ang gusto ko lang ay ang mga labi nitong marahan pero may konteng gigil na hinahalikan ang aking labi. Ang mainit nitong katawan na nakadikit sa aking katawan ay nagpapataas ng init sa aking katawan. Nagsimulang maglakbay ang mga palad nito sa aking katawan. Sa bawat madapuan ng mga kamay nito'y napapaliyad ako at nagrereact ang aking katawan na para bang ako'y napapaso. Halos mahigit ko ang aking hininga ng lumapat ang mainit na palad nito sa aking pang-upo, pumisil-pisil iyon doon habang ako'y masuyo pa ring hinahalikan sa labi at saka ako binuhat. Umangat ako, upang hindi matumba ipinulupot ko ang aking dalawang binti sa beywang ng binata habang nakasandal pa rin sa pinto. Bago lahat ng iyon kay Noelle. Lahat ng ipinaparamdam sa kanya ng binata kaya naman kahit sinasabi ng utak niya na tumigil na ay hindi niya magawa. Ang katawan niya'y parang may sariling isip. Halos masabunutan ko na si Daver dahil sa panggigigil habang patuloy na tinutugon ang mga halik nito. Naramdaman kong humakbang ang binata habang buhat buhat pa rin ako. Naramdaman ko na lang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Nasa ibabaw ko ito. Hindi ako binigyan ng pagkakataon ng binata na mag-isip la dahil mabilis nitong pinaglapat muli ang aming mga labi. At sa pangalawang pagkakataon tumugon ako. Dahil doon mas naging agresibo ang binata. Iniwan nito ang aking labi at marahang bumaba ang mga halik sa aking leeg. Tumayo ang aking mga balahibo dahil sa sensasyon na ipinapadama ng binata. Marahan na umangat ang katawan ng binata at tinunghayan ako. Nagsimula itong magtanggal ng botones sa polo nito habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko magawang i-alis ang mga mata sa binata habang sexy nitong tinatanggal ang botones. Kada matatanggal ang botones napapalunok ako. Unti-unti ko kasing nakikita ang dibdib nito. Napalunok ako ng masilayan muli ang perpektong katawan ng binata. Napasinghap ako ng muli inangkin nito ang aking mga labi. Naramdaman kong unti-unti na rin nitong tinatanggal ang botones na suot kong long sleeve na pagmamay-ari rin ng binata. Tumama ang hininga nito sa aking tainga na nagbigay kilabot sa aking buong katawan. "You look so damn sexy in my long sleeve." bulong nito. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi dahil sa sensasyon na ginawa nito na pagbulong sa aking tainga. Napapikit ako ng mariin ng marahang halik halikan ng binata ang punong-tainga ko. Napapaarko ang aking dibdib kasabay ng paghigit ng hininga dahil feeling ko kakapusin ako ng hininga. Umangat ang mukha nito. Naramdaman ko ang munting lamig sa aking balat at makita na hantad na pala iyon sa binata. Hindi ko man lang naramdaman na nahubad na nito ng tuluyan ang suot ko. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ko ng makita na titig na titig sa katawan ko ang binata. Napatakip ako bigla sa aking dibdib dahil sa kahihiyan. "Don't be. You're so beautiful." malamyos na turan nito. Inalis nito ang mga braso kong nakaharang sa aking dibdib at ginawaran na naman ako ng nakakalasing nitong halik. Bakit hindi ako tumatanggi? Tumugon akong muli habang ramdam na ramdam ko ang mainit nitong palad sa ibabaw ng aking suot na bra. Humahagod at pumipisil-pisil iyon doon. Para akong sinasapian dahil napapaarko ako at hindi alam ang gagawin sa nakababaliw na sensasyon na ipinaparamdam ng binata. Ready na ba ako? May kumatok ng ilang ulit sa pinto nito. "May kumakatok?" lulong pa sa sensasyon na bulong ko. "Don't mind it." bulong rin ng binata. Naulit ang katok at malakas na iyon. Dahil doon na para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naitulak ko ito ng hindi sinasadya. "f**k!" mariing mura nito. "Who the f**k is that?" gigil na dagdag nito. Marahas itong tumayo at bumaba sa kama saka padabog na lumabas ng kwarto. Nanginginig kong inayos ang pagkakabotones ng suot ko. "Gaga ka talaga Noelle! Ano bang ginagawa mo?" inis na pumasok ako sa cr. "Nakakahiya!" nasabunutan ko ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD