( Noelle )
After that intimate kiss sa pagitan namin ng binata hindi na ako lumabas ng cr. Kahit na ilang beses pa ako nitong kinatok para lumabas.
Narinig ko pa kung paano nito sigaw sigawan ang taong nagdeliver ng kung ano sa binata.
"What the heck do you want?" asik nito sa delivery boy after nito buksan ang pinto.
"Sir pasensya na po. Delivery lang po."
"Dapat mas inagahan mo. May IMPORTANTE akong ginagawa."
Rinig na rinig kong pinagdiinan pa nito ang 'importante'. Kawawang delivery boy. Humingi ito ng pasensya sa binata.
Bakit bigla ang init ng ulo nito? Samantalang napaka-amo nito sa akin kanina.
Nag-init ang tigkabilang pisngi ko sa narinig. Ang importante ba na sinasabi nito ay ang ginagawa namin kanina.
Mahinang napamura ako dahil naaapektuhan na naman ako dahil lang sa alaala na iyon sa pagitan namin ni Daver kanina. Ilang beses kong ipinilig ang ulo.
Muntik na. Muntik ko ng ibigay dito ang kabibe ko.
Tumitig ako sa sariling reflection sa salamin. Kitang kita na namamaga ang labi ko. Ang kanang kamay ko ay unti-unting umangat at hinawakan ang labi ko. Naalala ko kung paano ako halikan at panggigilan ng binata kanina lamang. Napailing ako at marahas na napabuga ng hangin.
"Punyeta talaga!" mahinang tili ko.
Sobrang kahihiyan ang ginawa ko. Wala akong mukhang maihaharap sa binata. Iniisip na siguro ni Daver ngayon na ang bilis kong makuha, na isa akong marupok na babae. Na pa-hard to get pa ako no'ng una bibigay rin pala ako sa isang halik at sa ilang haplos lang nito.
"Bakit nga ba ako bumigay?" titig na titig kong tanong sa sariling reflection sa salamin. "Haist!" napo-prostrate na sinabunutan kong muli ang sariling buhok at ginulo-gulo iyon.
"Are you planning to sleep there or what? You've been there for almost an hour."
Napakislot ako ng biglang magsalita ang binata sa labas ng pinto ng cr kasabay ng mahinang katok.
Hindi ako sumagot. Ayokong lumabas, nakakahiya.
"Dito na nga lang kaya ako matulog?" parang tanga na turan ko.
Ilang oras pa ang ginugol ko sa cr hanggang sa hindi na ako kinukulit ng binata.
"Nakatulog na siguro siya."
Huminga muna ako ng malalim saka unti unting binubuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa nakaawang na pinto. 'Wala na siya.' Saka ko lang binuksan ng mas malaki ang pinto.
Muntik na akong mapasigaw ng makita ang binata na nakadapa sa kama na ang suot lamang ay brief nito. 'Walang hiya talaga ang lalakeng ito. Napakahubadero talaga.'
Marahan akong humakbang papalabas ng kwarto ng binata ngunit napatingin ako sa suot ko. Napailing ako. "Hindi pwedeng ito lang ang suot ko."
Bumalik akong muli sa kwarto nito at patingkayad na lumapit sa closet nito. Naghalungkat ako roon ng jeans or slacks basta may maisuot ako sa pang-ibaba. Delikado kapag long sleeve lamang ang suot ko. Although mahaba iyon at para na ngang dress ko pero hindi pa rin pwede. Mas mabuti na ang nag-iingat.
Matapos makapagbihis ng slacks ng binata na halos sumayad na sa haba, itinupi ko iyon at humiga na sa sopa. May kumot akong dala at isang unan. Nagtalukbong at nagsimula ng matulog. Kung ano man ang binabalak gawin ng binata mamaya habang ako'y tulog paniguradong mabilis akong magigising.
-----+++-----
Kinabukasan
Marahan na nag-unat unat muna ako sa ilalim ng kumot. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Napuyat ako kagabi dahil sa inaalala ko ang binata, baka bigla akong puntahan sa sopa at ituloy ang ano mang naudlot na ginagawa namin at baka hindi ko na magawang pigilan pa ang susunod na mangyayare.
Napadilat ako bigla ng maalala kung may suot pa ako. Dali dali kong sinilip ang sariling katawan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita na may suot pa naman ako at kumpleto pa naman.
Halos ayoko na bumangon dahil napakasarap humiga. Ang lambot ng kama. Teka--- Napakunot noo ako. 'Kama?'
"s**t!"
Napabangon ako bigla at napanganga na lang sa gulat ng makita na nasa kwarto na ako ng binata.
"Paano ako napunta dito? Wala akong maalala na lumipat akp dito."
Napasinghap ako at mabilis na napatakip ang dalawang kamay sa aking bibig habang nanlalaki ang mga mata.
"Paniguradong mabilis magigising Noelle? Talaga ba? Bruha ka talaga self. Wala kang kamalay malay na dinala ka ng Daver na 'yun sa kwarto niya." napakagat ako sa labi at sinabunutan ang sariling buhok.
Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala pa rin namang nagbago. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ako pinagsamantalahan ng binata habang natutulog.
"So, you're awake now sleeping beauty."
Napatakip ako ng kumot sa sarili ng makita ang binata sa pinto.
Isang masarap na nilalang ang bumungad sa kwarto at sumandal sa hamba ng pinto. Topless na naman ang binata. Hindi talaga uso ang damit dito. Hindi ko maiwasan na hagurin ito ng tingin mula ulo hanggang sa masarap nitong katawan. Pagdating talaga sa binata hindi nagiging maganda ang pwisyo ng utak ko. Iniwas ko ang mga mata dito dahil nagkakasala na talaga ang buong pagkatao ko. Unti unti kong ibinaba ang kumot. 'Ang OA Noelle, hindi ka naman hubad.' Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan at napapahiyang umayos ng upo.
"Teka! Wala ka yatang pasok sa trabaho?"
"Yup!"
"Ahh!" tumatango tangong usal ko na lang ng hindi pa rin tumitingin dito.
Ibig sabihin makakasama ko buong maghapon ang hubaderong lalakeng ito? Pakiramdam ko nag-init ang buong lugar. 'Paano ako makakakilos ng maayos kung naririto siya buong maghapon?'
"Why? Any problem with that?" biglang pagsusungit nito.
"W-wala naman." mahinang sagot ko kahit na gusto ko talagang wala rito ang binata.
Ayokong muli na mapalapit o madikit man lang sa binata. Kahit nga ganitong malayo kami sa isa't isa hindi na nagiging maganda ang epekto sa katawan ko iyon pa kayang magkadikit kami? Jusko! Nag-iiba ang pwesto ng utak ko at hindi ako makapag-isip man lang ng matino. At saka, aminin ko man o hindi attracted talaga ako sa binata.
Gwapo si Daver. Masarap este maganda ang katawan. At yung abs! Pakshet! Feeling ko inaanyaya akong haplos haplusin iyon. Siguro dahil alaga nito ang katawan sa pag-gi-gym.
Kailan pa ako naging mahilig sa abs? Si Cherry talaga ang may kasalanan nito. Nilason niya ang utak ko kakakwento niya sa mga lalake nito.
Matangkad rin ang binata na halos hindi man lang ako lumampas sa balikat nito kahit na ba 5'4 naman ang height ko. Magaganda ang bilugan at brown nitong mga mata na kung tumitig ay para na ako nitong dinadala sa ibang dimension, nahihipnostismo ako. Natutunaw ako sa mga titig nito. Mahahaba ang pilik mata dinaig ba ako. At napansin kong may black earing pala siya sa kaliwang tainga. Bagay, mas naging hot siya tingnan. Ang ilong.....mga vakla! Ang tangos, nakakainggit. At ang labi. Napahinto ako ng ilang segundo at napatitig lamang doon. Ang mga labi na ang sarap humalik. Ang mga labi na mainit at.....
"Are you done checking me out baby?"
"Huh?" lutang na tanong ko.
Tumawa lang ito.
Natulala ako habang tinititigan ang binata na tumatawa. Kumikinang ang mga mata nito. Parang nag-slow motion ang mga galaw ng binata. Ang sarap titigan nitong tumatawa, napaka-gwapo nito na parang ang bait-bait, sweet, at maalaga.
"Come on, we need to eat. I cooked breakfast." habang may ngiti pa rin sa labi saka tumalikod at umalis na sa pagkakasandal sa hamba ng pinto.
Isinara ko ang bunganga ko ng marealize na nakanganga pala ako. Panandaliang lumayas ang utak ko kanina at ngayong narealize ko ang nangyare parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko, nakakahiya! 'Pinagpapantasyahan ko ba ang binata?'
Kaloka! Hinawakan ko ang aking dibdib habang inaalala ang itsura ng binata kanina. Bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Hindi maaari! Kay Gerald ako may gusto at hindi pa ako nakaka-move on kaya't bakit ako nakakaramdam ng ganito kay Daver?" naguguluhang turan ko sa sarili habang nakayukong nakatitig sa mga kamay na nakapatong sa aking mga hita na natatakpan ng kumot.
This is insane! Attracted ako sa binata, I admitted. Lust ba ito, dahil naaakit ako sa physical na anyo ng binata? O dahil sa kanya ko lang naramdaman ang mga hindi ko pa naramdaman sa kahit na kaninong lalake?
Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Kailangan kong dumistansiya sa kanya, hindi na nagiging maganda ang epekto sa'kin. Pero paano? Kung araw-araw kaming magkikita.