( Noelle )
'Papayagan kaya niya ako?'
Tumingin ako sa kwarto ng binata na kinaroroonan nito ngayon.
's**t! Kinakabahan ako.'
Huminga ako ng malalim saka tumayo sa pagkakaupo sa sopa at nagsimulang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ng bumalik ako malapit sa sopa. Nagdadalawang isip ako. Nakailang ulit ko iyon ginawa ng bigla lumabas sa kwarto nito ang binata.
"What are you doing?"
"Ano... wala lang." sagot ko habang napapakamot sa batok.
"Say it and make it past. Marami pa akong trabaho na gagawin."
'Ang sungit naman ng hubadero na ito.' ismid ko sa isip. Naririto sa bahay tapos puro pa rin siya trabaho.
"Ganito kasi." nahihiya akong napakamot sa batok. "Pwede ba akong umuwi saglit sa bahay?"
Kumot ang noo nito.
"Saglit lang ako. Kukunin ko lang sana ang mga gamit ko." turan ko saka tumingin sa suot na damit pa rin ng binata na long sleeve. "Puro kasi damit mo ang isinusuot ko."
Umiwas ito ng tingin at mahinang nagtanggal ng bara sa lalamuna.
"Wait here."
Matapos iyon sabihin ng binata lumabas ito ng pinto. Nagtatakang napatitig ako sa pinto na kasasara lang.
"Saan 'yun pupunta? Galit ba siya?"
Ilang minuto rin ang nagtagal bago bumalik ang binata. Napansin ko ang tatlong paper bag na dala dala nito pagpasok sa pinto.
"Here. Get change before you leave." anito at inabot sa'kin ang mga paper bags.
"A-ano 'to?"
"See it for yourself." masungit na naman na turan nito saka ako tinalikuran at dumeretso sa kitchen.
Napaismid ako. Akala mo laging may period ang binata, dinaig pa ako sa kasungitan.
Pumasok ako sa kwarto nito at saka binuklat ang mga paper bags.
"Shaks! Ang gaganda naman ng mga ito."
Bunulat-lat ko ang mga iyon, isang pares ng damit at short, isang dress at....."Bra at panty?" nakaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi.
Napahawak ako sa dibdib ko. Alam nito ang sukat ng dibdib ko sa isang hawak pa lang. Sa isipin na iyon para akong ibinalik sa mga oras na nakahawak ang palad ng binata at pumipisil pisil doon. Ngunit mabilis ko rin iyon pinalis sa aking isipan.
Matapos kong maligo nagbihin na ako ng dress na binili ng hinata. Saktong sakto iyon na parang sinukat sa akin. Magaling pumili ang binata dahil paborito ko ang kulay niyon. Isang lavender dress iyon na spaghetti style at pa-backless with laces sa laylayan. Humahakab iyon sa balingkinitan kong katawan. Tumingin ako sa reflection ko sa salamin, nagsuklay at ng makontento lumabas na ako sa sala.
Naroroon ang binata sa sopa at prenteng nakaupo. Marahan akong lumapit sa kinaroroonan nito, sakto lang iyong nagbigay din ako ng distansiya para sa aming dalawa. Titig na titig ito at hindi iyon kinakaya ng sistema ko. Humawak ako sa sandalan ng sopa malapit sa binata dahil nanginginig ng bahagya ang tuhod ko. Tiim kasi itong nakatitig sa akin at hinagod ako mula ulo hanggang paa. Nahihiya ako, baka panget at hindi bagay sa akin ang dress na binigay nito.
"Let's go." anito saka tumayo sa pagkakaupo sa sopa.
"Huh?"
Naguluhan yata ako sa sinabi nito.
"I said let's go."
"Sasamahan mo ako?" gulat na turan ko. Napalapit ako ng mabilis dito.
'Akala ko ba marami siyang ginagawa about sa trabaho?'
"Yes? Bawal ba?" pagsusungit pa rin nito na nakakunot noo.
Hindi pa rin makapaniwala na tumango ako. "Pwede naman." Sumunod ako rito ng maglakad ito papunta sa pinto. "Mas okay na rin makakalibre ako ng pamasahe." mahinang turan ko.
Lumingon ito na parang narinig ang sinabi ko. Nginitian ko lamang ito ng pagkalaki-laki ngunit ini-snob lamang ang beauty ko.
'Sungit! Hmp!'
Hindi na ako nagulat ng makababa kami napunta kami sa parking. Sumunod lamang ako sa kanya at napa-wow. Ang ganda ng kotse niya. Isang black na Lamborghini. 'Shems! Ang ganda!'
"Get in."
Mabilis naman akong sumunod sa sinabi nito. Aba! Bihira tayong makakasakay sa ganito kagandang sasakyan, so might as well sulitin na natin diba.
Mukha namang wala lang sa binata ang excitement na nararamdaman ko kahit mukha na akong parang bata na igagala sa manila zoo, seryoso pa rin kasi ito. Minsan napapaisip na lang ako, may second personality ba itong si Daver? Minsan kasi ang bait niya at ngumingiti rin naman, minsan ay mean madalas pala malandi ito at madalas din masungit na seryoso.
Sinabi ko lang sa binata ang address ng bahay ni nanay Beth at nakuha rin naman agad nito. Napangiwi ako ng malapit na kami roon. Naalala ko maliit na eskinita ang papasukin papasok sa kinaroroonan ng bahay namin kaya naman alanganin akong napatingin kay Daver.
"D-dito ka na lang Daver. Hindi kasi makakapasok ang sasakyan mo sa loob."
"Is it far from here? Maraming tao, okay lang ba na maglakad ka mag-isa d'yan? Samahan na lang kita."
Napanganga ako dahil sa mga sinabi nito. 'Concern ba ito sa'kin?' Napangiti ako ng lihim.
"Malapit-lapit lang naman. Ako na lang ang papasok baka kasi matikitan pa ang sasakyan mo dito kapag iniwan mo."
Hesitant ito ngunti wala ring nagawa.
"Be careful." mahinang turan nito saka iniwas ang tingin at nagsuot ng sunglasses.
Napatitig ako sa binata.
"Babalik din ako kaagad." ngiting ngiti na lumabas ako ng sasakyan nito.
Wala si nanay Beth ngayon doon at malamang nasa club ito ng mga oras na ito. Nasa tapat na ako ng pinto namin at wala nga doon si nanay Beth, naka-lock iyon. Mabuti na lang talaga hindi ko dinadala kung saan ang susi. Binuklat ko ang pato malapit sa ilang halaman na nasa paso at kinuha roon ang susi. Mabilis ko rin naman nabuksan iyon. Mas okay na rin na wala roon si nanay Beth, hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko.
Matapos kong makuha ang mga kakailangan na gamit lumabas na rin ako. Ini-lock ko ang pinto at ibabalik na sana ang susi sa pinagtataguan ko ng may nagsalita sa likuran ko.
"Naririto ka pala ineng."
Napalingon ako. Si aling Marife iyon na katabing bahay lang namin. Nginitian ko ito ng alanganin. Paano kung magsabi ito kay nanay Beth na nanggaling ako rito?
"Ang tagal mong nawala. Nagbakasyon ka ba?"
"Naku, hindi po. Stay in na kasi ako sa trabaho ko. Kumuha lang ako ng ilang gamit ko."
"Ganoon ba. Madalas kasi magpunta dito ang iyong nobyo na si Gerald, hinahanap ka. Ako ang madalas mapagtanungan dahil wala rin naman ang iyong nanay Beth."
Napatitig ako sa kanya. Bakit ako hinahanap ni Gerald? Samantalang siya ang nagmadaling makipaghiwalay sa akin noon.
"Ex na po. Hiwalay na po kami ni Gerald." Seryosong turan ko.
Kinapa ko ang aking dibdib ngunit wala na ang sakit doon, na dati'y nagpapasakit ng ulo ko kakaisip kung bakit nakipaghiwalay ito sa akin.
"Favor lang po sana ate Marife, huwag niyo po sana sasabihin kay Gerald na nakita niyo ako rito maging kay nanay Beth po. Ito'y paki-usap lang po sana."
Nagtataka itong napakunot noo. Ngunit 'di kalaunan ngumiti rin ito at tumango.
"Oh siya, mag-ingat ka ha."
"Maraming salamat po. Tatanawin ko po itong utang na loob ate Marife."
"Naku! Wala iyon basta't mag-iingat ka."
Kumaway ako rito nang medyo malayo na ako, ngumiti naman ito at kumaway rin.
Malapit na ako sa sasakyan ni Daver ng bigla may humigit ng braso ko.
Nagulat ako sa biglaang paghawak nito kaya't hindi nakaiwas. Mula sa tagiliran ko naroroon si Gerald ang kanina lamang na pinag-uusapan namin ni ate Marife.
Bakit ngayon pa?
"Noelle! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ang tagal kitang hinanap."
Hindi ko inasahan ng bigla ako nitong yakapin. Itinulak ko ito ngunit lalo lamang iyon humihigpit. Bakit ngayong yakap ako nito hindi na nagugustuhan ng katawan ko ang pagkakadiit ng katawan namin.
"Bitawan mo ako Gerald. Ano ba?!' naiiritang piksi ko.
Tumingin ako sa kotse ni Daver. Nasa malapit lamang ito at hindi ko alam kung nakikita kami nito. Bakit pakiramdam ko ayaw kong makita nito na kausap ko si Gerald?
Inilayo naman ako nito sa katawan nito ngunit hawak hawak pa rin ako sa dalawang balikat.
"Namiss kita Noelle. I'm sorry, bumalik na tayo sa dati. Promise hindi ko na uulitin iyong nagawa ko. Naguluhan lamang ako noong mga panahon na 'yon."
'What the heck?!'
Gano'n-gano'n na lang 'yon? Na para bang kapag ginusto nitong bumalik tatanggapin ko siya ulit na parang walang nangyare. 'Wow! Ang gwapo ha! Niknik mo Gerald.'
"Hindi na ako babalik sa'yo kaya't bitawan mo ako." piksi kong muli. Ngunit hindi ako nito binitawan. Medyo nasasaktan na ako dahil humihigpit na ang hawak nito sa akin.
"Hindi mo ba siya narinig? Bingi ka ba?"
Nagulat kami pareho ni Gerald ng nasa tabi na namin si Daver. Hinawakan nito ang isang braso ko at hinigit ako palayo kay Gerald. Nabitawan naman ako ng huli at gulat na napatitig kay Daver.
"At sino ka naman? Huwag kang makisawsaw sa away namin ng girlfriend ko."
Nagpanting yata ang tainga ko sa narinig. 'Girlfriend?' Sasagot na sana ako ng bigla itago ako ni Daver sa likuran nito ng hindi ako binibitawan.
"Sinong nagsabi na girlfriend mo siya? Ang pagkakaalam ko ako ang boyfriend niya. So back off." maangas at seryoso nitong sagot kay Gerald.
Napamulagat ako sa sinabi ni Daver.
My heart started to beat faster lalo na ng higitin ako nito mula sa likuran nito, isinandig ako sa tagiliran nito at yakapin mula sa aking baywang. Nakangangang tiningala ko ito at tinitigan ito. He is smiling with his sunglasses on. Marahan nitong ini-angat ang sunglasses kaya naman kitang kita ko ang makalaglag panty nitong mga ngiti.
'Shet! Natutunaw ako.'