CHAPTER 12
Hindi mapalagay si Rexj. Maghapon na siyang paikot-ikot sa kanilang lugar at sa maaaring puntahan ni Pat. Ngunit walang Pat kahit saan.
Matapos silang ikasal ni Pat ng ganun kabilis at bigla naman itong naglahong parang bula. Halos mawalan na siya ng lakas dahil hapon na ay hindi parin niya ito makita. Hindi pa siya kumakain mula ng siya ay magising.
Wala ring nakakaalam na siya ay ikinasal. Mula ng sila ay ikasal ay sa kubo na sila ng babae namalage. At matapos ang gabi ng Linggo na kanilang pinagsaluhan na kahit pagod siya galing sa court upang magperform ay pinaligaya siya ng kaniyang asawa. Ang mga bagay na di nila ginagawa sa pakikipagtalik ay ginawa niya. Ang handjob at blowjob lahat lahat.... At ngayon ay pinagsisihan niyang halos alas nuebe na siya nagising.
At sa kanyang pag gising at makikita lamang niya ang isang sulat. Sulat na kailan man ay di niya matanggap. Kalakip nito ang mga perang pilit na ipinagkasya sa subre at nagkakahalagang thirty thousand.
"f**k!!!! " sigaw ni Rexj.
***
"Sir confirm po nakalabas ng Mindoro ang inyong asawa sakay po ng SuperCat. Gamit parin po niya ang pangalan niya sa pagkadalaga sir. Patungong Manila rin po ang kanyang sinakyang bus. Sa Cubao po ito huling nakita base po CCTV. "
"Gawin nyo ang lahat upang makita sya. Balitaan nyo ko agad kung may bagong lead kayong makukuha. "
Humugot nanaman siya ng buntong hininga. Dalawang buwan na ang nakakalipas. Nakuha na niya ang kopya ng marriage contract sa munisipyo. Hindi pa sana ito ibibigay sa kanya at sinasabing hindi pa ito naayos.
Mabuti na lamang at ang Mayor na nagsilbing ninong nila noong kinasal sila at siya ring kumasal ay nagkataon nasa ibaba. Ang tangi na lang niyang gagawin ay maisubmit ito sa isang agent na makakatulong sa kanya upang mahanap ang kanyang asawa.
***
Ngayon ang unang araw niya bilang CEO ng Cannor Network Channel Station. Sa kanya ibinigay ng kanyang lolo Franco ang pangangalaga nito. Halos 15 years narin itong napabayan bagamat malaki parin ang kinikita nito dahil sa patuloy na pagmamahal ng mga taong sumusuporta at kumakalampag parin sa rating ng industriya.
Nagsipaghilira ang lahat ng may mataas na tungkulin sa loob ng main instance ng company upang salubungin si Rexj gayun din ang ang mga nag-aabang na reporter.
Mula ng siya ay bumaba sa passenger seat ng kanyang sasakyan at walang emosyon itong pumasok sa main entrance ng company, walang pinansin na mga tanong ng kahit isang reporter at mula sa pagkapasok ay nagmasid na siya.
Mapapansing maraming humanga at napatigil sa kanilang ginagawa lalo na sa lobby.
Ang makisig na si Rexj Cannor GreenCantos ay lantaran ng inilabas ang tunay niyang anyo. Sinalubong siya ni Mr. Arim Sanchez. At ang mga camera ay patuloy na nagkikislapan.
"Good morning Mr. Cannor. We welcoming you to be our new CEO of CNC!" pagbating pormal ni Mr. Arim.
"Good morning Mr. Arim, kindly send me to my office now. And tell to all head of department that I need there report before the end of the day." agarang utos nito sa may Mr. Arim.
Magkakaroon ng salo salo after office hour upang lubos na ipakilala sa lahat na siya na ang magpapatakbo ng station na ito ngunit sa unang araw palang nito ay di nila inaasahan na masyado itong maghihigpit.
Marami na siyang nakitang anumalya sa loob ng company noong araw na iyon. Nagpaset na agad siya ng mag-oaudit sa accounting. Ang salo salo ay biglang pinacancel at pinalitan ng pangkalahatang pagmemeeting.
"Ang gwapo nya kahit napakastrickto..... Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagwapo..... Walang sinabi yung mga artista natin. Papatok si sir kung magmomodelo din siya!!! Anu sa tingin nyo po Maam Lee?" isa sa staff ng production department.
" First time kong makita ang anak ni Maam Jewel, grabe di ko talaga lubos maisip na magkakaanak sya ng ganyan kagwapo. Although dyosa talaga ang ganda ng apo ni Don Franco. Bigla kasing nagsilent ang buhay nya simula noong binihag sya sa Basilan. Tapos namalayan nalang namin na bukod kay Sir Timothy ay ikinasal din sya sa isang agent na laging nakabantay sa kanya. Pero walang nakakaalam kung ilan ang mga anak nila maliban kay Mita Mira na PA nito ni Maam Jewel at hanggang ngayon sa anak naman niya ito magsisilbi. " wika ni Mrs. Lee na dating secretary ni Mr. Timothy Green na ngayon ay Head Production na.
"Magkakaroon na tayo ng maayos na bunos at sahod kung pag-iigihan natin ang ating trabaho. Sana lang tulad ni sir Timothy ay agad niyang mahuli ang mga anumalya sa company na toh. Pati tayo ay nadadamay. Magtrabaho na tayo. "
Titig na titig naman ang mga mata ni Rexj sa mga unang dokumentong ipinasa sa kanya mula sa accounting. Maingat niya itong sinusuri. Hindi bumabangga ang mga ito sa lumalabas na pera. Lalo na may ipinasa rin na dukumeto ang ibang departamento regarding sa mga request nilang expenses. May dalawang tao ang mabilis niyang nakita sa bawat transaction. Isa si Mr. Ortigas na head ng Finacial Department
At sa bawat income na pumapasok sa kanila mula sa bawat palabas na pumapatok ay may mga nakikita rin siyang anumalya. Milyunes ang nawawala sa bawat palabas.
Muli siyang naghire ng mga proffisional na tao sa mga sumunod na araw upang suriin ang mga iba pang dukomento.
At lumipas lamang ang isang buwan ay walang pasabi sabi na may mga pulis ng pumasok sa loob ng company habang mayroon silang malawakang pagpupulong.
Gulat na gulat ang mga tauhan sa loob at marami naring reporter ang nasa labas ng station. May lead ang mga ito sa mangyayari ngayong araw. Naiwan ang higit sa sampu na kapulisan sa baba habang ang kalahati nito ay umakyat sa ikalabing limang palapag.
Si Rexj ay matatag na nakatayo sa gitna ng karamihan. Lahat ay nagbubulungan na parang mga bubuyog. Ngunit may iba rin namang nakamasid lamang.
"Akala mo napakagaling na niya sa posisyon niya! Katatapos lamang niya sa pag-aaral at kung umakto ay akala mo'y bihasa na!! Huh! Kahit siya ang may-ari na nitong company na ito ay wala pa rin siyang alam kung paano patakbuhin ang negosyong ito! Masyado syang mayabang! " nayayamot na sabi ng isang tao na di kalayuan sa karamihan.
"Hayaan mo na Mr. Ortigas. Uupo lamang siya sa kanyang trono pero tayo parin ang makikinabang. " segunda naman ng kasamahan niya.
"Huwag kayong pakampanti! Kinakabahan ako sa araw na ito. Pinaimbestigahan ko ang lalaking iyan na nasa harapan natin. At ang nakalap kong impormasyon ay nag mamay-ari siya ng pinakamalaking imbakan ng langis sa Europa. Dagdag pa rito ay may dalawa siyang Hotel and Restaurant sa Makati na kumikita ng malaki!" si Mr. Albufera na pinagpapawisan ng malamig.
"Anong sabi mo!? That's impossible! Wag mo kong patawanin Mr. Albufera! "
At sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Rexj.
"Bago ang lahat, ilan sa inyo ang hindi dapat naririto! Alam nyo sa sarili ninyo kung sino sino kayo! " panimula ni Rexj na ngumiti ng nakakaluko.
"None of you has the right to steal. The money you stole is enough for the employees. I will never keep you in my power any longer. At sinisiguro kong maibabalik lahat ng mga ninakaw nyo na dapat ay para sa mga empleyado ko!!! "
At sa pagsasabi nito ay pumasok na ang mga pulis at isa isa ng kinuha ang mga nainvolve sa nakawan.
Pagkatapos nito ay sinimulan na niyang kausaping ang mga natirang empleyado.
"From this day there will be a big change. Give me your loyalty and serve CNC faithfully if you love your job. I will not tolerate each of you to rob me even though you are paid enough. I hope that everyone here will join in the rise of the new CNC station. You can back to your work now. " maikling pahayag ni Rexj sa lahat.
At mula sa araw na yun ay marami ring napromote sa kanilang puwesto.
***
Nag-aalala si Jewel sa kanyang anak na si Rexj. Mula ng umuwe ito galing sa Mindoro ay tahimik at laging mainit na ang ulo niya sa ibang bagay. Hindi rin ito nagpapakita o tumatawag manlang sa kanya.
Matapos na masupil niya ang mga taong naging sakim sa pera ay mas lalo itong naging abala.
Tatlong buwan na ito sa kanyang trabaho. Tatlong buwan naring walang balita ang kanyang tauhan na naghahanap kay Pat.
****
-London-
"Sayo lang nakikinig ang anak natin mahal ko. Hindi ka namin pinigilan na umuwi ng Pilipinas at maaari ka naming samahang umuwe kung nanaisin mo..." wika ni Rex na naabutan nanaman niyang malalim na nag-iisip ang kanyang asawa.
"Yes I wanna see him. I know that my son needs me now. I want tomorrow Mahal. Hindi ako mapalagay at alam kong may mabigat siyang nararamdaman ngayon. Both of you stay. Kami na ni Kim ang byabyahe. " pagkasabi nito ay yumakap ito sa asawa.
Pagkalapag palang ng private plane na sinasakyan ni Jewel ay hinanda na niya ang sarili. Agad itong sumakay sa kotse at dumeretso sila ni Kim sa company ng anak.
Walang nakakaalam sa kanyang pagdating bukod sa kanyang Mita Mira na sumalubong sa kanya.
"Sweetheart!!!!! Ohhh my darling!!!!! You look fabulous!!!! Ang dyosa ng mga dyosa!!!!! Welcome back!!!! I really miss you hija!!!!! Ang alaga ko ay walang pinagbago at lalo pang gumanda!!!! I love it!!!! " si Mr. Arim na naluluha ng muli niyang nasilayan si Jewel.
Yumakap naman si Jewel sa baklang naging emosyonal at humalik.
"I miss you more Mita!!!! Marami akong pasalubong sayo! Nasa kotse. Stop crying okay. Salamat sa pagguide sa anak ko Mita ha. Send me to him please at gusto ko na siyang yakapin. How he is!? "
"Manang mana sayo hija!!!! Napakaaggresive ng mind nya. Malaki ang pinagbago ng company for three months only and soon makukuha na ang perang nawala. But..... there something wrong with his eyes. Napakalungkot ng mga mata nya. Come I send you to him. "
Ang lahat ng mga naroon na madadaanan nila at nakakakilala sa kanya bumabati. At ang iba naman ay natataranta.
"Everyone work!!! The mother of CEO is here! " wika ng isa sa nakakakilala.
"She is!? She look so young.... I though she is a girlfriend.... wowwww ... shocking yun ha!!! "
Mabilis nilang narating ang twenty-fifth floor kung nasaan naman ang pinakagitnang bahagi ng building na napili ni Rexj na mag opisina.
Si Jewel lamang ang pumasok sa loob ng opisina ni Rexj matapos itong kumatok.
"Mr. Arim what is that!? " si Rexj na hindi man lang pinaglaanan ng tingin ang pumasok sa may pintuan.
Seryuso itong nakatitig sa mga papeles . Napagmasdan ni Jewel na namayat ang kanyang si Rexj at matamlay ang kulay nito. Halos wala itong tulog kung hindi siya nagkakamali. Bagamat nakakapag-ahit parin siya ng kanyang balbas.
"Can you give me a warm hug my son!? " malambing na boses ni Jewel.
Napalingon naman si Rexj sa kinaroroonan ng kanyang ina at hindi niya namalayang tumayo ito agad at mabilis pinuntahan at niyakap si Jewel ng mahigpit. Lumuha ito ng palihim.
Matapos yumakap ay umupo sila sa coach. Hindi pinilit ni Jewel si Rexj magsalita sa halip ay pinahiga niya ito sa kanyang hita.
"Take a nap my son. Hindi kita iiwan." sinasabi nito habang hinahagod ang buhok ng anak.
Nakatulog si Rexj ng halos apat na oras sa kanlungan ng ina. Tuloy tuloy sana ang tulog nito kung hindi niya narinig ang malamyos na boses ng ina habang tinutungki-tungki nito ang kanyang ilong.
"Wake up my son.... Wake up... you need to eat. Nagpahatid na ko ng kakainin natin mahal ko.... It's 12 noon. Hindi pa sana kita gigisingin kaya lang yung tiyan mo kanina ko pa naririnig...." si Jewel na napakalambing ng boses
"Inay mamaya na please..... Gusto ko pa sa tabi mo..... " lambing ni Rexj.
"My son.... I'm always here for you, don't forget that. May problema ka dito?" na itinuro ang puso nito.
"I am willing to listen kapag handa ka ng mag open up sakin. You already grow up my son pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ako sa iyo... That ring in your finger.... protect it dahil yan ang puso mo ngayon na huwag mong susukuan... Sa ngayon, come ,kakain ka na. " at agad nitong iniupo ang anak. Tumayo siya upang kunin ang pagkain ni Rexj at sinubuan siya nito hanggang sa makatapos at nagpaubaya naman ito.
Pinainom ng tubig at dinala sa sink at sya mismo ang nagtoothbrush sa anak.
"I miss this mom..... " ngiting ngiti si Rexj na winika ito.
***
Sa mainlobby ay nakatayo si Mr. Arim at Agent Kim. May shooting sa baba at alam niyang magkakagulo maya maya lang dahil sa di inaasahang pagdating ng mga susunod pa niyang panauhin. Ang magkakapatid na sina TJ, Timj, RJ, Jacob , Nathanielt at Princess.
Nalaman nilang umuwe ang ina at si Rexj ang unang pinuntahan. Hindi sang-ayon ang magkakapatid na si Rexj lamang ang maglalambing sa kanilang ina. Lalo na si TJ na mas malapit sa nanay.
Nakahanda na ang security sa labas ng sunod sunod na itim na kotse ang pumarada at sabay sabay silang lumabas at sabay sabay ring nagsipagtanggalan ng sunglasses.
Mabilis ang camera na nagsipagflash na agad na pinatigil ni Kim.
Ang mga leeg ay nagsipaghabaan sa pagsunod sa deriksiyon ng mga ito.
"Mita!!!! Nasaan ang inay!? " si Princess na agad lumapit at humalik kay Mr. Arim.
"Pabigla bigla kayo ng pagdating, malalagasan ako ang buhok nito sa inyo.....! "
"Mr. Arim where is my mom!? " isa pang tanung mula kay TJ.
"Halikayo! Sumunod kayo sakin! " aya ni Mira habang sinundan na siya ng lahat.
Panay naman ang tilian ng ibang kababaihan sa kanilang nakikita lalo na't binabati rin sila ng mga anak.
"Mr. Arim, who she is? " tinig ni Nathanielt ng matuon ang kanyang pansin sa babaeng nakatingin sa kanya habang nagshoshooting naman ang mga ito.
"Ahhh alaga ko yan... Our young model here hijo. Ipapakilala kita later after the shooting. Pero may kapalit. " agad na wika habang naglalakad.
"Ayyyy tuso ka parin.... " , si Nathanielt na napapailing.
"Of course! Abah limang taon ko ng hawak ang babaeng yan at hindi ko pinapadapuan sa langaw!"
"Fine!!! Anong kapalit!?"
"Whooooahhhh bro!!!! Seriously!? Yes she's beautiful pero marami pa dyan na hindi hawak ni Mr. Arim! " tinig ni Timj.
"For sure tinamaan ka noh! Malaki ang magiging kapalit nyan bro! " segunda pa ni TJ.
"My dear quadruplets , walang makukuha ng libre ngayon noh.... Isa pa, para naman yun sa company ng kapatid nyo. Wait darling hijo. May dimple ka kaya ikaw si Nathanielt, be my model. Ipapartner kita sa kanya! Deal!? "
"Deal! " nangingiting sagot nito.
Sa puntong ito ay narating nila ang elevator. At ilang sandali pa ay agad na silang pumasok sa loob ng opisina ni Rexj ng walang paabiso. Ito ang eksenang kanilang nasaksihan.
"f**k bro! Hindi mo ba magawa ng kusa yan at ang inay pa nagpupunas sayo! Hindi ka nalang maligo!!! " si TJ na naghubad ng polo shirt niya.
"Inay ipagpunas nyo rin ako ng katawan, ang init sa labas eh, pinagpawisan ako agad oh.... " dagdag ni TJ na lumapit sa ina at yumakap matapos dumampi ng halik sa labi.
Nagsunuran naman ang iba pa na nagsipaghubad narin ng damit na lumapit sa ina. Nahuli naman ang nag-iisang babae.
"Bayan!!!! Tumigil nga kayo mga kuya!!!!! Ako lang ang dapat ginaganyan ng inay eh!!!! Ikaw kuya TJ may asawa ka na kaya di na pwede!!! Ikaw kuya Jacobr dun ka kay ate Hanna!!! At ikaw Kuya Timj dun ka sa sinusundan mong babae!! Kuya RJ dun ka sa secretary mo!!! Ikaw kuya Nathanielt isusumbong ka ni Mita dun sa gusto mong girl! Si kuya Rexj kasi pabebe!!!" nayayamot na wika ni Princess ng hindi siya makasingit sa ina.
"Tsk! wala ka talagang pinapalampas samin Princess ahhh, para kang si inay " tugon naman Rexj.
Si Mr. Arim naman ay nanlalaki ang mga mata sa kanyang nakikita. Mga Adonis ang katawan!!!
"Boys magcover naman kayo sa magazine ohhhh!!! Kahit isang beses lang. Para sa pagsalubong ng bagong CNC sige na!!!!! Matagal na kayong tumatanggi sakin pero sana naman puwede na ngayon!!! " si Mr. Arim na umiral muli ang kakulitan at kagustuhang makuha ang pagsang-ayon ng mga bata.
"Set a date Mita for the kids this week. And boys help Rexj your brother to promote his company. Show him that were here for him ok....." tinig ng ina.
"Sure mom..... Hey bro mahal ang talent fee ko ha.....! "
"Me too" sabay sabay nilang wika.
"Yes!!!!! " sigaw ni Mr. Arim na agad lumabas ng opisina ni Rexj.
"Hey boys bihis na. Inaalalayan ko lang ang kapatid nyo." si Jewel na ipinagpatuloy ang pagpupunas kay Rexj.
"We love you bro! Don'forget that okay!!! Baka nakakalimutan mong quadruplets tayo kaya nararamdaman ka namin!" si RJ na tinapik ang balikat ng kapatid. At pumunta sa couch upang umupo. Sinundan naman siya ng iba pang mga kapatid kaya si Princess ay nakasingit upang makayakap sa ina.
"Nay..... Miss na kita. Nay ayaw ko ng magpakasal kay Mattew!!! Womanizer naman yung anak ni Senator eh!!! Baka makuha nun ang virginity ko ng agad agad bago pa kami mag devorse eh...."
"How did you know my princess eh nextyear pa naman kayo magmemeet nun personally base sa pinag-usapan namin ng parents niya, sa picture mo palang naman sya nakikita diba ? "
"Pinasubaybayan ko na sya nay.... Syempre kailangan ko syang pag-aralang mabuti kung paano ko sya pakikisamahan.... Kung si ate Hanna pala nakatuluyan nun eh, kawawa pala sya dun...." sumbong nito sa ina.
"Malay mo naman magbago sya anak kapag nameet ka nya diba... Sa ngayon enjoy yourself being single ok. " payo naman ng ina.
Sama sama na sila ngayon sa paikot na couch.
"Hey anong merun at lahat kayo ay narito ha!" panimula ni Rexj
"Wala lang. Inay saan ka tutuloy? How many days po? " si Princess na itinaas ang paa at inipit ito sa hita kung saan sa sariling binti siya naupo.
"Hmmm one week honey. I'm with your Kuya Rexj condominium. " agad nitong tugon.
Napangiti naman si Rexj sa kanyang narinig.
Agad naman naglabasan ng mga cellphone ang mga bata at kanya kanyang tawag.
"I'll be leave for one week. Cancel all the meetings. Walang aabala sakin. Its that clear? And tell to my PA na ipadala ang personal needs ko sa address na isesend ko. Bye. " halos iisa ang mga sinabi ng mga ito sa mga kausap sa phone.
"Tsk!!! Heyyyy!!! I just have two rooms in my unit!!! " si Rexj na umalma sa lahat.
"Kahit isang room lang bro, okay lang, sama sama tayo!!! Alangan namang suluhin mo si inay! Hindi pwede yun!!! " sigaw ni Jacobr.
"Ikaw Uno at Jacobr, may mga asawa kayo ah, hindi nyo ba uuwian?" taka nitong tanong.
"Susunod sila bro. "sabay nilang sagot dito na ngiting ngiti.
"Sa akin si inay tatabi!" agad na sabi ni Rexj.
"Kuya Rexj sayo naman ako tatabi ha..." si Princess naman.
"Okay lang bro! "sabay sabay nilang wika.
" Tsk, kahit ba sa work ko nandito rin kayo!? "
"Yes. We help you. Diba nga may shooting tayo. So one week tayong magkakasama bro. "
Napailing naman si Rexj sa kanyang narinig pero natutuwa siya at totoong kailangan niya ang mga ito.