CHAPTER 11
Kaagad na bumalik si Rexj sa kubo ng kanyang nobya kasama si Basty upang samahan itong magdeliver ng kanyang mga paninda. May tricycle silang dala upang mabilis na maideliver agad ang mga putong kanyang paorder. Fiesta ngayong araw.
"Baby ko akina na ang unang idedeliver, ihahatid ko na. Kanino ba itong naunang apat na bilao!? " paunang pagbati ni Rexj sa kasintahan at niyakap ito muna ng patalikod. "Goodmorning baby loves namiss agad kita!! " lambing agad nito ng makayakap.
"Ilang oras palang tayo magkahiwalay baby ko,.... Unahin mo yung kay Aling Marta, sunod kay Mang Tomas, kay Nanay Lucy at Nanay Maria ang huli. Bayad na ang mga iyan kaya ikaw na ang bahala baby ko ha. May 6 pa akong paorder at bultuhan pa ito, kaya go na para matulungan mo pa ako pagbalik mo,,,, mhuaaah!!! " si Pat na agad na hinalikan si Rexj sa labi at bumalik ang atensyon sa pagluluto.
"Yes ma'am! Aalis na po ako. Babalik ako agad. " paalam nito at hinakot na ang dalawang malalaking bilao gayun din si Basty.
Agad nilang narating ang bahay ni Aling Marta. Halatang busy ang nasa loob ng bakuran dahil nakita pa niyang nangangatay ito ng pato.
"Aling Marta, ito na po ang order nyo!!!! Happy fiesta po!!! " sigaw ni Rexj.
"Kwatro ikaw pala!!!! Salamat sa paghatid nito ha!!!! Happy fiesta rin. Punta kayo dito mamaya at tayo ay mag-iinuman ha!!!" Paanyaya nito.
"Punta rin po kayo sa court Aling Marta at may live band pong ihahandog ang kapitan natin!!!! Paalam po!!! "
"Sige pupunta kami at ipagreserve nyo na kami ng table ha, pupunta ako para makapagbayad na sa table!!! Kasipag naman na nobyo ka ni nene eh!!! Ingat!!! " dinig pang wika ni Aling Marta kay Rexj.
Sunod nilang pinuntahan ang bahay ni Mang Tomas ang ama ni Benjie.
"Mang Tomas ito na po ang order ninyo. Happy fiesta po!!! " bati ni Rexj.
"Ganun din sayo, halikayo pasok muna at magkape muna. May suman narin na ginawa ang misis ko" paanyaya nito.
"Naku hindi na po at magdedeliver pa po kami. Kailangan matapos ko na at makatulong po sa baby my love ko. "
"Ohhhh sige sige!!!! Kaswerte nyo naman sa isa't isa at masisipag eh!!!! Punta kayo mamaya ha!!! Magkita tayo sa court narin mamaya!!! "
Sa daan ay marami ring bumabati sa kanila. Nakilala narin si Rexj bilang Kwatro ng mga ito dahil sa larong basketball na nagawa pa ng team nila at representative ng barangay na maging champion bukod rito ay nakilala rin siya dahil pinakilala siya ni Pat na kanyang nobyo.
Kaagad silang bumalik sa kubo.
***
"Bakit ganito, walang f*******: account, twitter, kahit anu wala eh, may cellphone naman sya.... Daig pa sya ng mga katutubo dito na naglipana ang mga account nila sa f*******:, si Arab lima na agad ang mukha na lalabas. Tsk! sa tuwing sinisearch ko ang pangalan ni Kwatro ang lumalabas ay confidential!? Pag Cannor, naman yung top billionaire ang lumalabas na details. So may be Rexj Cannor is a first name? Hmmm kasi kung Green? Cantos.....? Yung Green more in business related din at ang Cantos ganun rin!? Pero ang lastname ng nanay nya ay Cannor!? Ay ang gulo!!!! Dinaig pa ang bulbol ko!!! Pero kahit naman lastname ko na Arroyo ganun din naman eh..... But anyway nagkataon lang siguro. Ang importante maikasal si Pat. Legal naman ang kasal dahil nagmamahalan naman sila eh......" maagang maaga pa si Nica sa kanyang table habang nakatitig sa monitor ng kanyang computer.
"Friend.... Anong ginagawa mo at ang aga aga ay nakabusangot ka na... Salubong na agad ang kilay mo at kinakausap mo pa ang sarili mo.... Ibigay ko na kaya ang korona ni Maam Rose sayo. Hehe" si Sarah na kararating lamang sa kanyang table.
"Wala friend may senesearch lang ako..... "
"Help kita magaling ako dyannnnn.... Tao? Bagay? Hayop? "
"Tao friend.... pero okay na. Tara labas na tayo at may flag ceremony pa. "
"Teyka, wala pa naman.... Magreretouch lang ako ha..... Nga pala balita ko ililipat ka na daw ulit, Visayas ka nanaman dadalhin. Sa Aklan ata? Tama ba ako!? Mamimiss kita girl. Bakit kasi nauso pa yang switching employee na yan ehhh.... Mag-iingat ka dun ha..... "
"Naku matagal pa yun girl, two months pa tayong magkakasama. Parang pinapaalis mo na ako ehhhh...." biro nito sa tinuring niyang bestfriend.
"Di yun totoo ha.... Mahal lang kita.... Ang two months na sinasabi mo mabilis yun, alam mo yun, na kapag kasama mo ang gusto mong kasama ay bumibilis ang oras, pero kapag feel mo na ayaw mo naman sa kasama mo ay subrang bagal naman ng oras..... Ganun ako sayo mabilis ang oras!!!! Lukahe ka!!! " may bahid ng pagtatampo kay Nica.
"Di na mabiro, love din kita girl.... Hala bilisan mo na ang pagretouch.... Andun na sila ohhh.... "
****
Naabutan ni Rexj ang nobya na naglalagay ng kahoy sa pugon. Gandang ganda parin siya dito na pilit ang pagkapusod ng kanyang buhok paitaas kung kayat may mga hibla ng buhok na nakaalpas. Agad itong yumakap muli mula sa likuran.
"Miss na talaga kita Patrice Martinez...... Hmmmm bango parin ng baby ko.... "
"Amoy usok na nga ako baby ko ehhh.... Baby ko tapos na toh, tabi ka muna at baka ka mapaso.... Malakas rin ang apoy. Hmmmm baka madagdagan yang peklat mo kapag na outbalance tayo rito.... "
"Yessss boss tatabi na po, kiss mo muna ako.... " na agad namang pinupog ng halik ni Pat sa mukha ang nobyo.
"Oh siya tabi na.... ilalagay nalang sa bilao toh, tulungan mo ko na kunin sa hulmahan ha at Baby ikaw na ang bahala sa pagdedeliver ... Ako naman ay maglilinis dito para maaga tayong makaalis. Punta tayo sa parke, maraming palabas daw dun eh. " sabi nito habang gumagawa ang mga kamay.
"Baby ko after lunch nalang tayo pumunta. Gusto kong magpahinga ka muna.... Para mamayang gabi join rin tayo sa kasiyahan sa court..."
"btaby ko gusto ko maghappy happy tayo ngayon.... Mamayang tanghali tayo magpahinga para sa gabi may lakas tayo..... " na ngumiti sa nobyo ng napakasarap.
"Yunnnn ohhhh nakuha mo baby ko. Sige payag ako. Pero gang five rounds tayo mamaya ha!"
"Tsk! Kayo siguro yung naririnig kong ingay sa gabi noh, kahit malakas ang sound ng mobile disco eh talagang nangingibabaw ang ungol ng isa sa inyo!!!! " si Basty na sumagot na sa usapan ng dalawa at may nakakalukong ngiti.
"Hala Basty, hindi ako yun ha!!!! Imposibleng marinig mo kami eh maingay naman sa kwarto mo!!! " agad na depensa ni Pat habang namumula ang pisnge.
"Okay lang yun baby ko. Wag mong intindihin yan, basta happy tayo...." sagot naman ni Rexj.
Tinapos nila agad ang mga gawain. Si Pat ay naligo matapos maghugas ng mga ginamit niya sa pagluluto. Nagbihis ito ng off shoulder yellow na bestida at nagsuot ng rubber shoes. Habang si Rexj naman ay nakafitted maong na may butas sa tuhod at nakadilaw na fitted na T-shirt. Nakarubber shoes din ito at naka-unique Gucci round sunglasses. They look like a perfect couple.
Inubos nila ang oras ng umaga sa parke. Nanuod ng mga palabas tulad ng street dance. Kumain ng mga street food. Sumilong sa ilalim ng puno habang kumakain ng ice cream.
Pinagtitinginan ng mga kabataan sila Rexj at Pat. Inggit na inggit ang mga ito sa magkapareha. Dahil kahit na may peklat si Rexj sa mukha ay lumalabas parin ang kagwapuhan nito.
"Baby narinig ko kanina maganda raw sa bayan ng Roxas. Dalawang oras ang byahe mula rito may masasarap sa kainan daw dun. Pinakisuyuan ko si bossing Basty na isama tayo. Nasa labas na sya, tara na! "
"Ang lakas mo talaga sa amo mo baby ko, di man lang tumanggi!? "
"Close kami eh, isa pa may sadya yun dun baby ko, kasama si ama sa byahe, makikisabay lang tayo." nangingiti nitong wika.
Agad na silang lumabas ng parke at kita nga nilang inaabangan nga sila ng mga ito.
Narating nila ang bayan ng Roxas. Nagpaiwan sila sa harap ng Jollibee. Tatagpuin na lamang sila sa Munisipyo mamaya.
"Wala rin palang pinagka-iba baby ko.... Hehe tara humanap nalang tayo ng makakainan...."
"Kuya saan may masarap na makakainan dito!? " tanong ni Pat sa driver ng traybike.
"Sakay po kayo Maam, hatid ko po kayo sa harapan ng Sto Niño Church. De calidad po ang pinaka delicacies na kainan dito. Subok na po yun at bagay po sa inyo doon. May isa rin po ang Tita Cors pero open po yun." agad na sagot ng matandang driver.
"Sa de-calidad nalang po manong. Magkano po papunta roon? "
"20 pesos Sir. Sakay na po. " magalang nitong sagot.
Agad na sumakay ang dalawa sa trybike na minamaneho ng matanda. At dinala nga sila nito sa may ikatlong palapag ng building at nakita nila ang di gaanong kalaking simbahan. Malapit lang pala ito ay sumakay pa talaga sila.
Agad silang pumasok sa loob kung saan ay may pasilyo paakyat. Pumili sila ng mauupuan at nag order naman si Rexj ng kanilang kakainin. Matapos kumain ay bumalik sila sa parke ng Roxas at doon na lamang naghintay sa mag-ama.
Lumipas ang isang oras ay bumalik na ang mga ito.
"Ama bakit parang problemado po kayo!? " si Rexj na nakita ang pagkabalisa ni Kapitan Simon.
"Nagkaroon ako ng problema sa vocalist ng banda hijo. Galing kaming Odiong Hospital. Gusto kong kumpirmahin na siya yung naaksidente sa Barangay Mabaho. Eh mamayang gabi nayong palabas. Bibisita si Mayor Fallena satin mamaya. Tayo kasi ang may malaking pundong nalikom. Wala na akong mahanap na pwedeng maipalit..... Nagpaikot ikot na kami sa bayan at kakilala ko. " namumutla at walang buhay nitong pahayag.
"Umuwe na po tayo Ama. Asikasuhin nyo nalang po ang ibang bagay. Huwag nyo na pong alalahanin ang vocalist. Ako na po ang bahala dun. "
"Ay oo nga pala!!!!" sigaw ni Basty. "Umuwe na tayo Ama. Solve na po. Si Kwatro na ang bahala dun ama. Magtiwala lang po tayo! Masaya toh! "
"Anong ibig sabihin ni Basty, baby ko?"
"Hmmm, haharanahin kita mamaya. Sa harap ng mga mamamayan ng Bulalacao. "
"Charrrooot marunong ka ring kumanta? Ang alam ko naggigitara ka lang eh... " si Pat na di makapaniwala.
"Ehhh Pat akala mo lang yun si bos- ah ano yang bata ko pa!!! daming alam yan!!!! Basta paglaga mo na yan mamaya ng salabat Pat para di mabilis sumuko ang lalamunan nya. Mapapalaban yan mamaya! Masaya toh! " si Basty na muntik nanamang madulas.
"Nakakatuwa naman hijo at nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ngayon. Hayaan mo hijo may mobile disco pa naman na sasaklolo kapag napagod ka. Ang laki talaga ng naitulong mo.... Salamat talaga. " pahayag ni Kapitan Simon.
Ng makauwe sila ay agad na dumeretcho si Rexj sa court upang asikasuhin at kilalanin ang mga kasamahan habang si Pat ay dumeretcho na sa kwarto nila upang maligo at natulog.
Pinag-aralan ni Rexj ang mga nota na nakalatag sa folder.
Matapos ang isang oras ay muli na siyang bumalik sa bahay nila Basty at naligo habang masarap na natutulog ang kanyang si Pat.
Pagkatapos niyang maligo ay hindi niya mapigilang panggigilan ang mga bilog na hita ng dalaga. T-shirt niya ang suot ng dalaga at wari niya ay nakapanty lamang ito. Mabilis nanamang nag-init ang kanyang katawan. Kaya kahit tulog ay ginising niya ito ng mainit niyang halik. Ibinigay naman ni Pat ang ninanais ng kanyang nobyo.
Alasais palang ng hapon ay dumadagundong na ang disco mobile na mas lalo pang lumakas ngayon. Isang Linggong selebrasyon ito ng Barangay para sa lahat . Dahil ang baranggay nila ang umuwi ng maraming papuri at award mula sa Munisipyo.
Tulad ng bilin ni Basty ay ginawan niya ng salabat ang nobyo. Marami ring hinanda ang mag-asawa. Lalo na at nagpakain rin si Rexj sa mga katutubo ng palihim. Kumain muna sila ng hapunan bago pumunta sa court.
Okupado na ang lahat ng mga table sa loob ng court. Gayun din na naukupahan narin at naisara ang kalye sa harapan ng court at nilagyan narin ng mga karagdagang pang mga table. Maraming mga taong nakipagkaisa.
Nagsasayawan naman ang mga disco light sa paligid at higit sa lahat ay pinagkalooban sila ng maayos na panahon.
"Magandang gabi sa inyo mga kaibigan!!! Sama sama po nating palakpakan ang ating mga sarili dahil nagkaisa tayong lahat sa gabing ito. Mga kasamahan, pakiusap lang po, ang alak ay ilagay lamang sa tiyan at huwag ulo ano po. Tayo ay narito para magsaya. Pero yung magwawala sa gabing ito ay papaalalahanan ko lamang po na marami tayong sundalong nakakalat. Hindi ko kayo matutulungan kung lalabag kayo sa peace and order. Muli gusto ko ring sabihin sa inyo na salubungin natin ng masigabong palakpakan ang ating butihing Mayor Fallena!!!! Narito na po siya upang samahan tayo sa gabing ito. Marami pong salamat Mayor!!! Mga kaibigan ating dinggin si Mayor at may gusto po siyang iparating satin... Mayor inaanyayahan po namin kayo sa entablado. " pahayag ni Kapitan Simon
Umakyat naman si Mayor sa itaas at siya ang nagbukas ng kasiyahan sa gabing iyon.
Habang nagpapatugtog ng mobile disco ay pumuwesto naman ang grupo ng banda upang magpasaya sa lahat. At ng matapos ang tugtog ay sinalubong ng palakpakan ang pagpasok ng The Black Band.
Si Rexj ay nakafitted black pants na halos gutay gutay na ang mga hibla ng tela na pantalon at naka white TShirt na walang manggas at bukas ang tagilirang bahagi ng damit na at kunting kunti nalang ay kakalas na ito. tenernuhan din ito ng itim na malaking panyo sa kanyang ulo. At nakaconverse shoes lamang ito na kulay puti. Hawak nito ang kanyang gitara na nakaconnect sa mobile.
"Mic test tsk tsk tsk! Mic test!! Magandang gabi po sa inyong lahat!!! Happy fiesta Barangay Maahas!!! Dahil bilog ang buwan, para sa inyo ang awitin ito!!! Let's start the party!!!!! " panimula ni Rexj sa masiglang boses.
Sa pagkakasabi nito ay bumanat na boses ni Rexj.
--.Ako'y sayo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na ---
Si Patrice naman ay napanganga sa kanyang naririnig. Mula ng maging sila ni Rexj ay hindi pa niya ito naririnig kumanta ngunit ang mag gitara ay marami ng beses at siya pa ang taga awit nito. Tagusan ang boses niya sa buo niyang katawan. Ang boses ni Rexj na masculine ang dating ay makalaglag panty. Maging sila Nica at napatigalgal. Nagsipaghiyawan ang lahat.
--- Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan
Ayokong mabuhay ng malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humiga
Sa'n kaya?
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan
Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang t***k ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan ----
Pagkatapos ng awiting ito ay masigabong palakpakan ang maririnig.
"Salamat po mga kaibigan.... At muli ang susunod ko pong kakantahin ay inaalay ko sa aking pinakamamahal na babae, Miss Patrice Martinez. Gusto ko rin pong sabihin na maaari po kayong magrequest ng awitin sa minimum fee po na 100 per song. Ngunit sa matataas po na nota ay mataas din po ang singil. Halagang 300 po mga kaibigan. Ang malilikom po na pundong ito ay mapupunta sa itatayong paaralan para sa mga batang gustong makapag-aral. Kaya po suportahan po natin ito. Music maestro.... " wika ni Rexj at muli ay maririnig ang instrumentong tumutugtog ngayon.
"I love you Patrice Martinez!!!" muli niyang wika.
Si Patrice naman ay kinikilig sa kanyang puwesto habang katabi niya si Nica.
Ang awiting "wanted".
--- You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you
Like everythin' that's green, girl, I need you
But it's more than one and one makes two
Put aside the math and the logic of it
You gotta know you're wanted too
'Cause I wanna wrap you up
Wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah, I wanna make you feel wanted
Anyone can tell you you're pretty
You get that all the time, I know you do
But your beauty's deeper than the make-up
And I wanna show you what I see tonight
When I wrap you up
When I kiss your lips
I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
'Cause, baby, I wanna make you feel wanted
As good as you make me feel
I wanna make you feel better
Better than your fairy tales
Better than your best dreams
You're more than everything I need
You're all I ever wanted
All I ever wanted
And I just wanna wrap you up
Wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah, I wanna make you feel wanted
Baby, I wanna make you feel wanted
You'll always be wanted ---
Pagkatapos ng awiting ito ay nasundan pa ng mga request. Mga awitin ng air supply, rivermaya at mga sikat na awitin ng 80's at 90's. Todo suporta naman si Patrice sa nobyo sa pag-abot ng inumin nito na gawa sa salabat at minsan naman ay maligamgam na tubig.
Tinapos ang kasiyahan ng alas dos ng madaling araw upang kinabukasan ay muling magbukas ng maaga. Bitin man ang gabi ay nakiisa parin sila.
Umagang umaga palang ay maagang nagising si Ina at kapitan dahil sa mga taong nasa labas ng bahay. May kanya kanya itong mga dala tulad ng buwig ng saging, buko, pinya, mais, kamote at kung anu anu pa.
"Para po saan yan mga kaibigan!? " magalang na tanung ni Kapitan.
"Kapitan magandang umaga po!!! para po ito sa inyong bisita na nagpasiya samin kagabi!!!! Yung si Kwatro po. Ang galing kumanta!!! Nasaan na po siya!? " wika ng isang nangunguna sa lahat.
"Ganun po ba.... Natutulog pa po kasama ng kanyang nobya. Para mamaya po ay makakanta ulit.... Ako na po ang bahala mag-abot nito sa kanya. Salamat po ng marami. Dito nya na po ilagay ang mga iyan.. " na itinuro ni Kapitan ang mahabang lamesa sa harapan ng bahay.
***
Mabilis lumipas ang mga araw at araw araw rin silang nakakatanggap ng mga produkto mula sa mga kaibigan. Halos mapuno na ang bodega ng mga pagkain. Dinagsa rin ang baranggay ng mga dayuhan at kahit mga taga-roxas ay nakarating din sa lugar dahil sa boses na taglay ni Rexj. Kaya naman ang inaasahan nilang halaga ay halos trumipli pa sa inaasahan. Malaki ang pasasalamat ni Kapitan Simon kay Rexj.
Araw ng Sabado, pilit na ginising ni Patrice ang nobyo. Inihanda nito ang mga susuutin. Puting polo at itim na pantalon at siya naman ay puting bestida.
"Bilisan mo baby ko at baka malate tayo!!!" si Patrice na bihis na at ang nobyo naman niya ay naliligo pa.
Agaran namang tinapos ni Rexj ang paliligo.
"Saan ba tayo pupunta at napakaaga pa....!!! Inaantok pa ko eh." wika nito na nagpapaubaya na siya ay binibihisan ni Patrice.
Ngumiti lamang si Patrice. Dalawang damdamin ang makikita sa kanyang mga mata. Ang kasiyahan na ikakasal siya sa mahal niya at kalungkutan na iiwan narin niya ito bukas.
Kung maaari lamang na hindi na siya umalis sa poder ng lalaki ngunit mahal din niya ang ama. Kaya naman kukunin niya ang ama at kakausaping bitawan na nito ang lupa. Babalik siya.