BROTHERS

3058 Words
CHAPTER 16 Si Senator Jong Revilla ay mainit ang ulo na naghihintay sa dalawang anak niya na sina Mores at Mattew. Habang si Mark naman ay sinamahan ang ama na maghintay rin sa mga ito ngunit salubong na ang kilay. Tumawag si Senator kay Princess kanina upang kamustahin ang buong maghapon ngunit nabanggit nito na alam na ni Mattew na siya si Princess dahil sa biglang paglitaw ni Mores. Maya maya lamang ay narinig nito ang unang pagpasok ng sasakyan ni Mattew na sinundan naman ng sasakyan ni Mores. "God damn you Mores!!!!! How dare you to ruin my day!!! Bakit ka ba umuwe ha!!!" agad na sigaw ni Mattew pagkababa pa lamang ng sasakyan. "f**k you! Kung ipagpipilitan mo parin na fiancee mo si Princess your crazy nut! Di mo pa pag-aari si Princess! And she will be mine!!!! " sigaw ni Mores Agad naman na kwenilyuhan ni Mattew si Mores. At ganun rin ito sa kanya. "Don't dare me Mores! " sigaw naman ni Mattew . "Enough! God damn asshole! Ano kayo mga bata!? " sigaw naman ni Senator Jong na lumabas ng bahay ng marinig ang mga boses ng dalawa. "Talk to him dad! Bigla bigla nalang susulpot na parang kabuti!" si Mattew na bumitaw sa kuwelyo ng kapatid at pumiglas upang makawala. "f**k! I'm going to rest now. " at umalis na ito sa may garahe. "Hey Mattew wag mong sabihing nahulog ka narin kay Princess?" si Mark na nakahalukipkip ang mga kamay sa harapan na sinalubong ang kapatid. "Not really." agaran nitong sagot pero ang totoo at may kakaiba siyang nararamdaman dito mula pa noong una niya itong makita. Agad itong umakyat patungo sa kanyang kwarto. Nakakaramdam siya ng inis. Gusto niyang ipagdamot ngayon ang babaeng iyon sa hindi niya malamang dahilan. "f**k!!!! " sigaw niya na omecho sa buong kabahayan saka ito pumasok sa kwarto niya. Agad siyang dumericho sa banyo at naligo. Si Mark naman ay pumasok narin sa kanyang kwarto. Umupo ito sa gilid ng kanyang kama at malalim na nag-iisip. Napahilamos na lamang ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Nagbago ang lahat sa kanya ng makilala niya si Princess. Nagwawala naman si Mores sa kanyang kwarto. Mahihirapan nanaman siyang makalapit sa babae tulad ng dati. Kailangan na nanaman niyang makagawa ng paraan upang makalapit dito. Mali ang ginawa niya kanina. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili ng makita niya si Princess. Ang huling araw na nagkita sila ay noong magtapat siya sa dalaga ngunit nagkataon na may asawa na siya. Naging mailap sa kanya si Princess simula noong araw na iyon. Pinag-aralan niyang mahalin muli ang kanyang asawa ngunit talagang ang laman ng kanyang puso ay si Princess. Pagkatapos noon, tatlong taon niyang hindi nakita ang dalaga. Walang nakakaalam kung nasaan ito, nandito lang pala siya sa Pilipinas at nalaman pa niyang isenet-up ng kasal sa bunso nilang kapatid na nakapagbibigay sa kanya ng sakit sa ulo. Hindi siya papayag. Hindi siya susuko na makuha ang babaeng itinitibok ng kanyang puso. Muli siyang lumabas ng kwarto at tumungo kung nasaan ang kwarto ng kanyang ama. Hindi mapalagay si Mattew. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas ito ng kwarto at tutungo sana sa bar upang kumuha ng alak ngunit nakita niya ang kapatid na panganay na pumunta sa kwarto ng magulang. Pinagbuksan naman ni Mrs. Pearl ng pinto ng panganay niyang anak. "Mom.... Dad.... Please.... " na lumuhod agad sa harap ng magulang. "Give me a second chance for this..... Sinisiguro ko na sya na huli. Mahal na mahal ko si Princess dad..... Tulungan nyo ako..... " narinig ni Mattew na pakiusap nito sa ama. "Son! " si Senator na bumuntong hininga. "This is crazy! just because of that girl nagkakaganyan kayo! Mabuti pa sigurong kumalas na ako sa arrange marriage na ito. Yun ang makakabuti para sa inyo.... " dagdag nito bago pumasok ng banyo. "f**k!!!! " si Mattew na napamura muli sa kanyang narinig. "Mom, you set me for this, at ngayon naumpisahan ko dahil lang kay kuya bibitawan nyo!? No I can't. Sa akin magpapakasal si Princess no matter what! Me and Don Franco Cannor have already a deal for this. Kahit umatras si Dad sa usapan may matutuloy na kasalan this is now between me and Princess. " at tuluyan na itong tumalikod. Narinig naman ni Mark ang sinabi ng kanyang kapatid na si Mattew. Ngayon palang ay tama siya sa kanyang hinala. Hindi man aminin ni Mattew ang kanyang nararamdaman ay maaaring wala na siyang laban. Pero umaasa parin siya na mapapansin siya ng dalaga lalo nat malinis ang kanyang hangarin at lalo na kinausap rin siya ng matanda. Kinabukasan ay maagang pumasok si Mattew sa kanyang trabaho. Inaasahan niyang makikita na niya si Princess ngunit si Cecil na siyang nag assist sa kanya kahapon ang nakaupo sa table nito. "Where is she!? " "Good morning Po. Sir ang fiancee nyo po ay mawawala ng ilang araw. Wala pong nakakaalam kung nasaan siya ngayon. Sa inyo na po kami deriktang lalapit SA lahat ng transaksyon. Pinasasabi nya po na wala kayong dapat alalahanin at tutupad parin ang pamilya niya sa pinag-usapan. May isa pa po.... Ang kinaroroonan nyo ngayon ay ang pinakapuso nya kaya huwag nyo pong dudungisan lalo na daw po ng mga babae nyo.... " mahina nitong wika sa huling pangungusap na ikinatuwa niya. "So ang gusto pala ng babaeng ito ay siya lang dapat Tsk! " bulong ng isip nya. " Nasa loob na po kayo ng kanyang pinagdadaluyan ng buhay, kapag sinubukan nyong malihis ng landas sa rules niya , agad pong papalit sa inyo si Sir Mark. Just to let you know lang po na si Sir Mark ay nasa Marketing Department na po at pinag-aaralan na po niya ang bintahan. " "What!? " gulat niyang tugon at nasagot ang katanungan niya kanina kung bakit wala ito noong sila ay nag-agahan. Naglalaro sa isipan ni Mattew ang lagi niyang naririnig. Ang "puso" at ang "daloy ng kanyang buhay". Pinakikilala ba sa kanya ng dalaga ang kinakaharap niyang magiging buhay kapag sila ang nagkatuluyan? Sinabi narin ni Cecil ang mga schedule niya ngayong araw. May mga files muli itong ibinigay na kanya at ito ay pinag-aralan niya sa loob ng thirty minutes. Kahit isang araw lamang niyang nakasama ito at namimiss niya ang babaeng naglalaro ng gums. Ang babaeng nagtataray sa kanya at sumasagot. Ang babaeng hindi niya mapatulan at galitin tulad sa mga babaeng ayaw niya. Matapos ang maghapon na trabaho ay nagmadaling umuwe si Mattew. Napagdesisyunan nitong maggym sa kung saan siya madalas pumunta kapag siya ay nasstress. Napagkasunduan din naman ni Princess at ng kuya niya na si Timj na maggym sa Taguig noong oras na yun. Tumuloy sila sa isang classy at luxurious gym center. Ito ay ang Kerry Sport Manila Gym. Alas sais emedya palamang ng hapon ay naroon na sila. Matagal na para sa kanila ang dalawa oras at kalahating minuto na pamamalageh nila sa loob. Kung kayat napagdesisyunan na nilang umuwe pasado alas nuebe ng gabi. Si Mattew naman ay isang oras lamang ang itinagal sa loob ng gymnasium at umayaw na ito. Pinili nitong maupo sa may malaking bench na nagsisilbing mini plasa sa labas ng building kung saan ay mayroong mga nagtitinda. Malinaw nya ring naririnig mula sa kanyang ang nag-uusap. "Ang tagal tagal nyo naman pong bumalik ulit dito ate... Sino po ang kasama nyo.... " tinig ng isang batang nagtitinda ng sampaguita. "Pasensya na ha.... Ito na bang lahat ng sampaguita mo? Akina at bibilhin ko nang lahat...." si Princess na nakangiti at kinuha lahat ang sampaguita nitong hawak. Kumunot ang nuo ni Mattew na parang pamilyar ang boses na yun. "Kuya pengeng pera... " si Timj na nag-abot ng isang libo. " Nga pala, Letty siya si kuya Timj. Oh ito, ok na ba toh? " "Woww salamat ate Princess!!!! Ang bait bait mo talaga!!!! Sa uulitin!!!! Aalis na po ako!!!! Kuya Timj salamat po hehe! Babayy!! At tumatakbo na itong palayo. Dito na lumingon si Mattew sa kanyang likuran ngunit kasalukuyan na itong nakatalikod sa kanya at naglalakad patungo sa parking area. Nakita niya ang pigura ng likuran nito na nakasuot ng fitted stretchable black leggings at loss grey jacket na nakahood. Sinubukan niya itong habulin ngunit may malaking bulto ng tao na humarang sa kanya at kilala niya ito. Ito si Drey na isa sa tauhan ni Princess. Nagkatitigan lamang silang dalawa at ang height ng mga ito ay halos pantay lamang. Nang masiguro na ni Drey na nakasakay na ang magkapatid sa sasakyan ay tumalikod narin ito kay Mattew ngunit nag iwan ito ng salita sa binata. " Relax Mr. Revilla. Huwag mo lang dudungisan ang ibinigay nyang pagkakataon at baka ikasisi mo pagpinabayaan mo. " **** Iisa ang sinabi ng kanyang ama at ni Drey. Anong meron kay Princess at lumalabas talagang babasaging babae ito na dapat ingatan. Hindi parin niya ito nakikita ng walang kung ano sagabal sa kanyang mukha kaya misteryuso parin sa kanya ang mukha nito lalo na nung napansin niyang sa kanila nakasunod ang mga mata ng mga tao na naroon. Gusto niyang magbar ng gabing yun upang magenjoy ngunit may parang pumipigil sa isang sulok ng kanyang damdamin. Tulad kanina na lumapit sa kanya si Vanessa at gusto nitong makipaglaro sa kama ngunit sa halip na patusin ay iniwan niya ito matapos tumanggi. Kinabukasan ay maaga itong pumasok. Nakahanda na muli sa kanyang table ang mga files na kailangan niyang basahin. Ibinigay narin sa kanya ang lahat ng schedule noong araw na yun. Kasama sa files ang profile ng mga taong aattend sa mascaras grandball. Isa rin ito sa mga nakakadagdag sa kanyang isipin ang sinabi sa kanya ng matandang yun na kapag si Billgates ang makukuha niya ay walang alinlangan ito na siya ang susuportahan, ngunit kapag si Mr. Mcathur naman ang makukuha niya ay pinapangako nito nahindi niya pakikialaman ang di sinasang-ayunan na arrange marriage para sa apo. Nakadagdag pa sa kanyang isipan na once na wala siyang nakuhang deal sa gabing iyon at papasok ang kanyang kapatid na si Mark upang siya muli ang susubok. Sumapit ang araw ng Sabado. Nakasuot si Mattew ng isang magarbong native modern white toxedo na yari sa hibla ng pinya na ipinasadya sa kanya ng pamilya Cannor at sapatos na may kakaiba ang dating na ibinagay sa kasuotan. Gayun din kay Mark na nakasuot naman ng modern Parisian outlook na yari sa mamahaling muwebles ng tela. Nababagayan rin ito ng mga mascara na nababagay sa kanilang kasuotan. Humanga ang magkapatid sa mga kasuotan ng mga panauhin sa loob. Tama nga si Don Franco Cannor. Maraming dumalo rito na gustong makakuha ng atensyon upang pansinin ang kanilang mga negosyo. Nagkalat ang mga investor rito at ang mga gustong makasungkit ng malalaking isda sa larangan ng negosyo ay nag-uumpisa ng mangawil. Agad na umikot ang paningin ni Mattew. Kanina lamang ay may natanggap itong larawan ng dalawang tao na pilit hinahanap ng kanyang mga mata. Hindi siya maaring makampante sa oras dahil sa kapag nauhan siya ng ibang negosyante sa loob ay masasayang ang pagod niya. Inaamin niyang masyado siyang nahihirapan. Malawak ang ballroom. Maraming tao. Nakakahilo. Napapamura siya sa isipan. Ng bigla na lamang may malambot na palad na humawak sa kanyang kamay at nagpatianod naman siya kung saan siya nito dadalhin. Umakyat sila sa open stair patungong second floor kung saan napag-alaman niyang may ballroom area parin. Nakasuot ito ng creamy dirty night gown at nakalugay ang kanyang buhok na nakapulupot na kulot ang dulo. She look like a princess of the night na sinusundan ng mga matang madadaanan nila. At ng marating ang itaas na bahagi ng grandball, dito ang pinakamagandang spot upang malayang matanaw ang lahat ng mga panauhin sa ibaba. "From your left side, look straight, sa may bar area naroon si Mr. Mcarthur, sa likuran mo naman ay si Mr. Billgates. Goodluck Mattew. " tinig ng malambing na boses. Tama nga ito sa kanyang sinabi. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Hindi niya aakalain na dadaan pa siya sa ganitong sitwasyon at naiisip na niyang umayaw na lamang dahil kalukuhan na ang bagay na ito. Maraming babae at hindi lang ang princess na yun ang kukuha ng kanyang puso. Napatitig siya ngayon sa babaeng kaharap na balot ng mascara ang mukha. Ang maskara niyang agaw pansin dahil sa mga diyamanteng nakapalibot dito. Kaya naman pala pinagtitinginan ito. Hindi man niya lubos na makita ang mata nito ay natitiyak niyang napaganda nito. Kasalukuyan ring nakatitig ito sa kanya. Naiinis na siya ngayon. Naiirita ng ibinaba nito ang kanyang mascara upang tuluyang makita ni Mattew ang kanyang mukha. Dito napaawang ang bibig niya ng mapagsino ang kaharap. Ang labi nang dalaga na hindi niya makakalimutan. Ito ang babaeng kinahuhumalingan ng kanyang dalawang kapatid. Ito ang dahilan ng pagbabago ng kanyang kuya Mark mula sa pagiging babaero ay napatino ng maladyosang mukha nito. Ang iniibig ng kuya Mores niya dahilan upang iwan ang unang asawa at piliin ang tinitibok ng puso. At ngayon naman ay halos bumayo ang taksil niyang puso sa pagtibok nito na pati pala siya ay mabibiktima. Bahagya itong lumapit sa kanya upang dumikit na akala moy sumasayaw tulad ng karamihan. Awtomatiko namang pumulupot ang malalamig na kamay ni Mattew sa beywang nito. Nabibinge siya sa nararamdaman niya at nakakasiguro siyang naririnig ito ng dalaga. "Gusto ko ring sabihin sayo na there will be a new set up for the arrangement of marriage. Si kuya Mores, he talked to my parents for this. I am not suppose to be here pero grandpa ask me to tell it to you personally. " si Princess na inilapit ang bibig sa teynga. "I have to go Mattew. Kakausapin ko pa si Mark. " wika nito na aakma na sanang umalis ngunit bago pa man ito makaalis ay niyakap na siya nito ng mahigpit. "Wag mong isipin na pinag-lalaruan ng pamilya ko ang pamilya mo Mattew. Naging komplikado lamang ang set-up na toh dahil sa pakiusap ng mga kapatid mo. Gusto ko ring sabihin na i hate it na ikasal ako sa isang womanizer coz I deserve na magkaroon ako ng asawang matino like my father. I am a free woman to love pero dahil mahal ko ang pamilya ko, I sacrifice my happiness. Kahit anong gawin ko, hindi ko na magagawa pang lumaya sa sitwasyong ito..... Unless after the wedding I demand to divorse...." Mula sa pagkakayakap ni Mattew ay siya na rin ang kumalas at agad na kumuha ng kopita ng alak at agad itong nilaklak. "I'm sorry for doing this. Its really complicated sweetie but that divorse you wanted to have after the wedding can't be happened. Dahil sinisiguro kong sayo lang tumibok ng ganito ang puso ko kaya i need to keep you from the button of my heart. At sisiguraduhin kong mapapatibok ko rin ang puso mo. " Saka niya hinalikan si Princess sa labi ng mariin at iniwan ito sa kanyang kinaroroonan upang lapitan naman si Mr. Billgates. Inilapag nito ang kopitang hawak sa service crew na dumaan. "To Honorable Mr. Billgates, this is for you. " malakas niyang wika halos hindi parin siya pansinin nito kaya naman sinimulan na nito ang magpatunog ng sapatos. Napanganga naman si Princess sa kanyang nakita ng ito ay mag modern tap dance . Humahanga ito sa bawat pagtap ng kanyang sapatos na nakagawa ng pansin sa lahat ng naroon maging si Billgates ay pumihit na upang manood. Lumapit naman ang quadruplets sa tabi ni Princess kasama pa ng dalawa na sina Nathanielt at Jacobr na parepareho ang mga kasuotan. "My dearest Princess mapapaibig ka na kaya ng fiancee mo??? " wika ni Nathanielt sa likuran nito. "Nag-eeffort bro. Tsk ang lakas narin ng tama nito sa prinsesa.... " si Jacobr na natatawa. "He accepted the challenge of Lolo even though hindi naman kailangan ng investor sa negosyo mo sis.... Tsk! Kapag nakuha nya ang deal na toh, makukuha nya na ang loob ng matanda for sure... " si Rexj na nakatuon ang mata kay Mattew. " Ito pa, alam mo bang nag-eefort si Mark sa baba my little sis.... Makukuha nya na rin ang loob ni Mr. Mcarthur. Gagaya ka ata kay mommy na dalawa ang hubby ahhh!!! Tsk! I can't believe this happening! " si Timj na ang mata ay nasa ibaba. "Iisa lang ang iibigin ko kuya noh, pero wala pa sa kanila.... Hehe" agaran sagot ni Princess. "Wala pa eh, nagpahalik ka na! " si Timj na tinapunan na ng pansin ang kapatid. "Kuya!!!! eh sa nahalikan nya na agad ako eh..... " pigil na boses naman ni Princess. "Tsk nasarapan ka naman sis.... Yung totoo nagustuhan mo diba.... " si TJ naman naman na nakapamulsahan. "Kuya!!!! Ang higpit nyo.... Alam nyo ba yun...?" si Princess na nakaismid na ang bibig. " This is just a warm up bro. It can't be happened. Nagsisimula palang sila. Hey little princess, wag ka munang bibigay ha. That kiss earlier i warn you, iwasan mo muna at baka hindi ka pa naikakasal ay buntis ka na. " si RJ na napapailing. "Kuya!!! hindi noh.... kakaluko talaga kayo ha.... " "Naku! Wag kang magsalita ng hindi tapos, lalo pa na sanay sa mga babae ang nakapalibot sayo, baka mapa ahhhh ohhh ka na rin ha... " natatawa namang dagdag ni TJ. "Shout up Kuya!!!!! Kuya Drey send me home na nga!!! Tsk!!! " si Princess na nagmamadali ng umalis at namumula. "Pahirapan natin..... Isa pa yang Mores na yan eh... " si Timj na nakakaramdam ng inis ng maalala ang isang kapatid nito. "I think pinapaimbistigahan na ni mommy si Mores. Regarding naman dito kay Mark aside from being single dad, nothing else since she meet our Princess tumigil na sya sa pambababae. The mother of his kid are also married na kaya wala ng maghahabol. Si Mattew nalang, just to make it sure na walang sabit toh bago makascore sa kapatid natin. Ayaw ko ng pagiging matinik nya Tsk! Makakalusot to kapag di nabantayan ang satin. " si TJ naman na nag-aalala sa babae niyang kapatid. "Nathanielt ikaw na ang kumausap kay kuya Drey. May anim na buwan pa bago ang nasabing usapan ng engagement. Wala muna sanang makakalapit ni isa sa kanila sa Prinsesa. Hindi ko gusto ang nangyayari. "Sure" na agarang sagot ni Nathanielt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD