HIV

3671 Words
CHAPTER 17 Nagsimula ng lumayo si Princess sa kanyang mga kapatid. Agarang na itong bababa ng hagdanan sa itaas ng walang suot na mascara kaya naman ang kanyang mukhang bilugan na napakaganda ay agad na masisilayan. Habang ito ay patungo na sa hagdanan hindi maiwasang maraming nakasunod na mga mata sa kanya. At ang unang naglakas loob lumapit sa kanya ay naglahad ng paanyaya na siya ay alalayang bumababa. Pinagbigyan niya ang unang lumapit na naglahad ng palad huwag lamang itong mapahiya. At ng marating nila ang baba.... "Thank you Mr. -?" "Harry Lopez my lady.... And you are? If you don't mind....? " na hinalikan ang likuran ng palad nito. "Princess Cannor GreenCantos. " nakangiti nitong tugon. " From a Cannor family... What a nice name..... May I -?" naputol nitong sasabihin ng biglang sumulpot sa likuran ng lalaki si Mark at nagsalita. "Excuse me..." singit ni Mark na agad tumabi sa dalaga at hinawakan nito ang bukas nitong likuran. "Excuse me? " si Harry na medyo nagbago ng tono ng pananalita. "She's with me Mr." walang emosyon nitong sagot sa lalaki. "Lets go honey. " Naramdaman naman ni Princess ang napakainit nitong palad. At ayon sa kanyang pandama ay hindi ito normal. Agad itong lumipat sa harapan ng lalaki at hinubad ang maskara. "You look pale Mark. Are you okay? " nag-aalalang tanong nito. " Don't worry honey, nung nakita kita kanina, malakas na ulit ako. " nangingiti nitong sabi. Sinalat naman ni Princess ang noo nito at leeg. "You are not. Let's go to the hospital. Ahm Mr. Lopez thank you again. Mauna na kami. " na kahit nag-aalala sa binatang katabi at nagawa parin niyang ngumiti sa binatang si Mr. Harry Lopez. Sumang-ayon na lamang ang mukha ni Mr. Harry Lopez dito. Sumakay na sila sa sasakyan ng dalaga. Isa sa mga bantay ni Princess ang nagdala ng kotse ni Mark. "Send me home instead honey. " si Mark na isinandal ang kanyang likuran at ulo sa leather foam ng upuan sa passenger. "Lend your head on my shoulder Mark." na iginiya ang ulo nito sa balikat niya. "Kuya Drey, to the nearest hospital please." sunod na winika nito sa personal guard. "I'm okay.... pagod lang ito. " sagot nito. "I insist. At least before I send you home ay malapatan ka na ng first aid.... " "Thank you honey.... I love you... " nasambit ng labi nito na ikinangiti ng dalaga. "Rest for a while Mark.... I wake you up nalang kapag malapit na tayo. " Hindi na nakasagot si Mark dahil nakatulog na ito sa balikat ni Princess. "Kuya sa bahay nalang niya.... I call Doctor Fernandez already na pumunta nalang sa bahay nila Senator. I text my grandma narin na malalate tayo ng uwe." "Ok Miss." Pinagbuksan sila ng gate ng security guard ng makita si Mark. Nagising narin ito at inalalayan naman ni Princess at Drey ang binata na si Mark na maglakad sa hallway. Maaaring tulog na ang mga tao sa kabahayan dahil alas onse na ng gabi kaya walang sumasalubong sa kanila ngunit maya maya lamang ay may katulong na lumabas. "Good evening po. Napaano po si Sir Mark!? Naku wala pa naman po sila Senator at Señora ngayon.... Mamaya-maya pa po ang uwe nila... "natatarantang wika ng matandang katulong. "Ganun po ba... Manang padala nalang po ako ng mainit na tubig at bimpo sa kwarto nya. Alcohol narin po. Kailangan lang po bumaba ng lagnat nya bago dumating si Doktora. Salamat. " si Princess na nakisuyo sa matanda. "Ay sige po Maam sige po! " ang matanda na agad sumunod sa pakiusap ng dalaga. Agad na silang dumiretcho sa itaas. Bagamat nahihilo na si Mark at umiikot ang paningin ay naituro parin nito ang kwarto niya. Hindi kalakihan ang kwarto ng lalaki ngunit napakaorganized ng kanyang mga gamit. Napansin pa nito ang mga tropeyo ng mga napanalunan nitong laban sa basketball. Marami rin itong collection ng mga sportcars. Inihiga nila si Mark sa kanyang kama at sumunod naman kaagad ang katulong. Lumabas naman ng kwarto si Drey. "Manang tulungan nyo po akong palitan sya ng kasuotan. Maaari nyo po ba akong abutan ng maluwag na damit o kaya sando po?" pakiusap nito. "Opo ma'am, kukuha po ako sa closet niya." na agad pumunta sa closet ng binata. Napatingin rin siya sa kanyang suot at nahihirapan rin ito sa kanyang kasuotan. "Manang ok lang po kaya na humiram ako ng isang T-shirt nya at short po?" "Ayyy ok lang po yun Maam. Di naman po siguro magagalit si sir Mark at girlfriend nya naman po kayo.... " "Ay hindi pa po ganun.... Basta po manang pahiram nalang po.... " naguguluhang sagot ni Princess. Agad naman siya nitong binigyan ng damit at agarang nagbihis ng short at T-shirt at inihanger ang kanyang hinubad na gown. Matapos magbihis ay saka niya hinarap si Mark. Pagkatapos hubaran ng damit ay pinunasan niya ang binata. Maganda angbkatawan ng binata at humahanga siya rito ngunit sanay narin naman siya sa katawang kanyang nakikita dahil sa mga kapatid niya. Isa rin siya sa nag-aalaga kapag nagkakasakit ang kanyang mga kuya at inaalalayan niya ang kanyang mommy. "Princess...... Honey.... " si Mark sa mahina niyang boses na nanghihina at pilit na minulat ang mga mata. "Magpahinga ka na Mark.... Hiniram ko muna damit mo ha.... Don't worry sasamahan muna kita until dumating sila tita.... " at hinaplos nito ang mukha ng binata na kaagad namang masisilayan ang ngiti sa labi nito. Pinagtulungan naman nila ng matandang bihisan si Mark. Pinasuutan rin nila ito ng pajama. Maya maya lamang ay dumating na si Doktora Fernandez. Matapos suriin ang binata at pinainom ng gamot ay natulog na ito ng mahimbing. "Kailangan lamang nya ng pahinga Miss Cannor. Maaaring masyado syang nag-iisip noong mga nakaraang araw kaya naman bumigay na ang kanyang katawan. At ang pananakit ng kanyang ulo ay di nya dapat ipinagsasawalang bahala. Kaya kung maaari sana makapagunwind sya. At para makasiguro, kailangan bukas ay magpasuri sya. Sa ngayon huwag kalilimutan ang mga gamot nya na painumin sa tamang oras. Yun lang Miss at aalis narin ako. " mahabang bilin ng Doktora. "Maraming salamat po Doktora. Ipapahatid ko na po kayo kay kuya Drey para safe po kayong makauwe. " "Oh sige, hindi na ako tatanggi. Oh paano. Mauuna na akong umuwe. " paalam na nito. Nakaalis na sila Doktora at Drey nang dumating naman ang mag-asawang Senator. Nagulat pa ito ng makita ang dalaga kaya agad namang nagsalaysay si Princess ng mga nangyari. Kasalukuyan na silang nasa kwarto ni Mark habang ang Senator ay nasa sarili nilang kwartong mag-asawa. Pinaliwanag niya sa ina ang mga ibinilin ng doctor . At pagkatapos nito.... "Hija ipinaayos ko na ang guest room. Tumawag narin ako sa inay mo na bukas na kita pauuwiin. Wag ka ng mag-alala kay Mark at bumaba na ang lagnat niya. Bukas na bukas din ay magpapatest kami kaya magpahinga ka na hija. Wag ka na ring mag-alala sa personal guard mo at pinaayos ko narin ang isang kuwarto na malapit sa iyo. " si Mrs. Pearl na sabay nilang nilisan ang kwarto ng binata. Sa hallway ay di inaasahang masasalubong nila si Mattew na gulat na gulat pa itong makita na sila ay nanggaling sa kwarto ng kuya niyang si Mark. Bumati naman ang anak sa ina sa pamamagitan ng halik. "Hija yung kwarto mo nasa kaikatlong pinto. Iwanan ko muna kayo ha. " si Mrs. Pearl na umalis. "Why are you wearing his clothes ? Anong ginagawa mo sa kwarto nya? " may diin nitong tanong at naniningkit ang kanyang mga mata kay Princess. Kasabay nito ay nanginginig angbkanyangbmga kalamnan. "Dont think too much Mattew. Di ka pa ba pagod? You can take rest too... " nakangiti pa niyang tugon dito. "f**k!!! damn it!!!! What are doing in his room!? " sigaw kaagad nito sa harapan ni Princess kasabay ang pagsuntok nito sa pader na kinagulat niya. "Its not what you think Mr. Revilla!!!! I told you don't think too much!!!! " mabilis naman niyang sagot dito ng may diin. "May sakit ang kapatid mo kaya ako nasa kwarto nya! His not feeling well where we are in that party, nagkataon naman na pauwe na ko so I offer him a ride!! I ask manang to lend me some clothes that I can wear while I'm not comfortable on my gown! Why should I'm going to explain this to you!!! Shitt!!!! We are not officially in engagement status at lalong hindi pa tayo kasal pero kung sigawan mo ko damn it! " si Princess na nagwalk out sa harapan ng binata at patakbong tumungo sa baba at binuksan ang maindoor. Si Mattew naman ay agad na pumunta sa kwarto ng kapatid at nakita niya itong mahimbing na natutulog at may cool fever sa kanyang noo. "Frank send me home! I don't want to stay here long!" wika ni Princess sa isa niyang bantay na nakaduty ng magdamagan at sumakay kaagad sa kanyang kotse. Agad na sumunod si Frank sa utos ng amo at sumakay narin sa sasakyan at pinaandar. Habang si Mattew naman ay patakbong tumungo sa harapan ng sasakyan upang pigilan ito. "Wait wait wait wait wait!!! " pagpipigil nito. "Look! look! look! baby sweetie I'm sorry I'm sorry! " na pumunta sa gawi kung nasaan si Princess at kinakalampag ang bintana nito. "Open this sweetie.... I'm sorry.... I'm sorry.... I just love you so much.....im sorry sweetie.... " si Mattew na nagsusumamo na siya ay pakikinggan. Salubong naman ang kilay ni Princess na tumitingin sa tinted window ng kanyang sasakyan upang tingnan ito. "Dahhhh!!! Let's go Frank. I want to rest. " utos nito sa kanyang guard na agad na pinatakbo ang sasakyan matapos magbosina. Nagsipaglabasan naman ang mag-asawa na naguguluhan. Ala una impunto na ng gabi ay gising parin sila. "What happened?" tanong ng kanyang ama. " I lost of control dad. Di ko mapigilan mapagtaasan siya ng boses dahil sa selos.... Yeah I got jealous when I saw her wearing my brother clothes. " pag-amin niya sa ama nito. Napailing nalang ang ama niya na si Senator Jong sa narinig. Ang mga anak niyang lalaki ngayon ay napatino ng iisang babae ngunit ginugulo naman ang mga puso. Mali talaga na sumang-ayon siya sa switching marriage ng kasal niya sa pamilya Manalo to Cannor. Sana pumayag nalang siya na wala ng kapalit noong nagustuhan ng isa sa anak ng Cannor ang mapapangasawa sana ni Mark na si Hanna. "Oh my god hijo, your hands.... It's bleeding.... Come at gagamutin ko muna. " ang ina niyang akma ng hihilahin ang anak dahil sa pag-aalala. "Give me her phone number dad please.... I need to talk to her. I know I hurt her feelings.... It's really my fault. Kanina Lang I am so happy dahil nakuha ko ang investor na si Billgates. I am so excited for tomorrow but I ruined it now. " seryuso nitong wika na ikinatawa ng ama ng bahagya. "Not now son. Itulog mo muna yan. Atleast nakuha mo na ang suporta ng Lolo nya and you know her now. Hindi siya tulad ng mga babaeng nagkakandarapa sayo at masisindak sa ugali mo. Ibahin mo sya. And one more, if you really love her, matuto kang magtiwala. Respect that lady at nag-iisa lang sya. Nakahanap ka na ng katapat mo." nakangiti nitong sabi. "And ones you meet her mother nga pala be responsible and respectful specially her family too. Her mom like your brother already. Kaya pagbutihin mo nalang ang panliligaw mo anak at sa tingin ko equal na kayo ngayon dahil sa nagawa mo. Sa totoo lang kahit sino sa inyong tatlo ang mapipili niya ay wala na din akong magagawa dahil nariyan na. Mauuna na akong magpahinga sa inyo. " pahayag ni Senator bago siya pumasok sa loob at umakyat habang ang mag ina ay tumungo sa kitchen upang lapatan ng pangunang lunas ang sugat niya sa kamao. Halos limang oras lamang ang naitulog niya ng muli siyang magising at nagmamadaling maligo at pumasok ng trabaho. Kailangan niyang maayos ang lahat ng documents na kakailanganin sa darating na signing contract event na gagawin. Maaga ring umalis ang mag-ina na Mark at Mrs. Pearl upang tumungo sa family doctor nila. Dumaan si Mark sa mga test at agad naman nilang nakuha ang resulta nito. " Mr. Revilla, you never use injection right for any drugs? " panimula ng doctor. " Never Doc ." "And you never been hospitalized at nasalinan ng dugo?" "Nope. I'm not. " " Then dahil binata ka, nakuha mo ito sa pakikipagtalik. Gumagamit ka ba ng condom when you having s*x with your partner?" Hindi agad makasagot si Mark sa katanungan ito ng kanilang doctor. Napaisip ito ng maigeh at narealized nito na hindi siya nakagamit noong nagbar hoping sila ng biglaan ng kanyang tropa. Naalala nitong may nakatalik siya at magaling magpaligaya ang babaeng ibinigay sa kanya. Napasapak siya sa kanyang nuo. "It's positive Mr. Mark. Ilang beses ko na itong pinasuri para makasiguro. Isa sa sympstom ng HIV infection ay ang pananakit ng ulo mo at ang lagnat. For now all you need to do is to drink the the prescribe medicine that suit for that infection. We all know na walang gamot para puksain ito pero sa iniinom mo mapapatagal parin nito ang buhay mo. Still, pwede ka paring makipagtalik pero just make it sure use condom so that hindi ka makahawa. Kissing is okay too. " "f**k! " si Mark na napamura sa kanyang nalaman. Ang kanyang ina naman ay halos hindi makapagsalita. Umuwe sila ng bahay ng halos naubusan ng lakas. Dumeritcho si Mark sa kanyang kwarto at pinili nitong mapag-isa. Kung kelan pa sya sana napatino ng iisang babae ay mawawalan pa ng saysay. Now he hates being a womanizer. Dapat simula pa ng sinabi sa kanya ng ama na ikakasal siya kay Princess ay tumino siya noon tatlong taon na ang nakakaraan. Dapat inalam nya muna ang babaeng pakakasalan niya ay ang iniibig niya ngayon. At sana hindi siya nagrebelde noong araw na yun at nakabuntis pa ng karelasyon.... Ngayon ay parang gumuho ang kanyang mundo. Mahal na mahal niya si Princess... *** Maaga namang nagpabook ng flight si Princess patungong London. Gusto niyang umuwe sa kanyang ina at doon muna manatili bago ang engagement kung sino man sa dalawa. She don't care about Mores ngunit napag-alaman niyang uuwe ang magulang kaya sasabay nalamang siya sa pag-uwe. Si Mores... kapatid lamang ang turing niya dito mula pa umpisa. Nasira lamang ito ng malaman niyang mahal na siya nito. Hindi pa siya umiibig kahit kanino. At kung tutuusin nga'y gusto niya na sya ay baby parin ng kanyang inay at ng kanyang mga kapatid. Ngunit si Matthew. Ang halik ni Matthew na nagpapagulo sa kanyang damdamin. Bakit niya naiisip ang binata. Nang halikan siya ni Mattew ay nakaramdam siya ng kilabot na ayaw niyang tanggapin sa sarili. Ang pabango nito sa katawan na naaatract siya tulad ng ginawa niyang pagdikit nalang dito noong gabi. Hindi niya dapat ginawa yun. Para sa kanya , that man is a womanizer. Kaya kahit sana sa anim na buwan man lang ay hindi ito makipagtalik sa ibang at matuon ang pansin nito sa kanyang negosyo. Gayunpaman ay may damdamin rin siya sa kapatid nitong si Mark. Damdamin na nalalaman parin niyang hindi pa ganun kalalim tulad ng nararamdaman niya kay Mattew. At gusto lang niyang mangyari ngayon ay sana isa sa kanila ay tumino at iparamdam sa kanya na nag-iisa lamang siya. Ngayon niya nararamdaman ang kahalagahan ng salitang marriage. *** Nalaman ni Mattew ang kalagayan ng kanyang kapatid noong araw na yun. Mabuti na lamang at wala siyang gaanong schedule ngayong araw at natapos niyang maaga ang lahat ng documents. Pinaasikaso nalamang niya sa Legal department ang mga papeles na gagamitin sa contract. At ng magkaroon na oras ay agad rin siyang pumunta sa kanilang family doctor upang magpasuri. Nais niyang makasiguro na healthy siya at walang magiging hadlang sa kanya kay Princess. Hindi niya nagustuhan ang resulta para sa kanyang kapatid. Iisa ang ugali nila sa babae. At napapamura siya dahil sa kapabayaan ng kuya niya kaya nangyari ito sa kanya. Naiisip nya pa lamang ang babaeng nakasalin sa kanyang kapatid ay gusto niyang pagbayarin ito . "Your healthy Mr. Mattew. Mag -ingat lang lalo na sa pakikipagtalik ng walang proteksiyon. Best solusyon, mag-asawa ka na at ng iisang babae lamang ang nagagamit. Alam mo ang ibig kong sabihin hijo. Ang nangyari sa kapatid mo ay hindi magandang biro. Nalulungkot ako sa future nya pero sana suportahan nyo ang kapatid nyo. Mahihirapan syang tanggapin ito sa simula pero turuan nyong maging matatag. " ito ang pahayag sa kanya ng Doctor bago siya lumisan sa clinic nito. Pauwe na siya ng bahay ng may tumawag sa kanyang phone. Unregistered number. "Yes hello. " bati niya. "Hijo, its me Lolo Franco. I inviting you for a dinner tomorrow. I send you the address. Yun lang. See you then. " si Don Cannor na agad ring nawala sa linya at kasunod ang address via messages. Mababakas ngayon sa mukha ni Mattew ang kasiyahan. Umaasa siyang makikita niya ang dalagang si Princess at makahingi siya rito ng paumanhin sa nagawa niyang pananakit dito ng damdamin. Tahimik ang kabahayan ng siya ay makauwe. Sinabi lang ng kanyang mommy na nagpapahinga ang kuya Mark niya sa kanyang kuwarto. Ang kuya Mores naman niya ay may inaasikaso. Kaya kinabukasan ay muli siyang pumasok ng trabaho at umuwi parin ng maaga. Nang makarating siya ng bahay ay nadatnan niyang kumpleto sa sala maliban sa kuya niyang si Mark. Ang kuya Mores niya na may kopitang hawak, ang Ate Precious niya na katabi ng kanyang ina at ang Ate Michell niya na may hawak na isang taong gulang na bata. Ang ama naman niya ay malalim na nag-iisip. "You won bro. " si Kuya Mores niyang nagsalita. "What do you mean?" agaran nitong tanong rito. "Tsk! Wag mong sabihing wala ka paring alam! Dont fool us at alam kong alam mo ang sinasabi ko! " naiiritang sabi nito bago tumayo at iniwan sila. "What's his talking about dad?" pagtataka niyang tanong dito. "You already know about your kuya Mark hijo. Sa ngayon di pa natin siya makausap at gusto niyang mapag-isa. And about your kuya Mores. He got an email from Europe. May nakarelasyon ang kuya mo roon at nabuntis nito. The family of Cannor knows about this already. " "Kaya ba pinapupunta ako sa Mansion ngayon ng matanda dad? " "Yes. We are going there. Your mom and I will company you. Pag uusapan natin ang araw ng engagement nyo with the elders. " "You better get ready son. Your two sister will stay here para samahan ang kuya mo. " "Hey bunso, congrats! Sana mameet namin yang nagpatino sayo. Pero bunso balita ko bunso rin yang mapapangasawa mo. Naku, magiging aso't pusa kayo nito. Tsk! Ikaw ang lalaki kaya dapat intindihin mo ang ugali ng mapapangasawa mo." payo ng kanyang ate Precious. "Mag papoge ka na ha at aalis kayo nila mom and dad. Ayusin mo ugali mo dun ha. Be professional bro dahil big-time ang family nila. What a lucky man! Akalain mo yun bunso prinsesa pa talaga ng pamilya ang mapapangasawa mo. Naku kapag may kapatid na lalaki yan, for sure papahirapan ka ng mga yun. Goodluck sayo! " segunda naman ni Michell. "Yeaaahh thanks. Akyat muna ako. " si Mattew na hindi malaman kung matutuwa o hindi sa balita. Ang bilis ng pangyayari. Ilang gabi siyang di pinatulog sa pag-aalalang tatlo silang magkapatid na umibig kay Princess. Ngayon naman ay naiwan na siya. Nag-aalala siya ngayon kung papaano niya mapapaamo ngayon ang dalaga gayung nagalit ito sa kanya. Mabilis lang sa kanya ang magpa-ibig ng babae. Ngunit pagdating kay Princess ay tumitiklop siya at nawawala sa sarili. At ngayon ay kinakabahan siya sa araw nato dahil ngayon lamang niya makikilala ang pamilya nito. *** Sa mansion ng Cannor family ay nag-ipon-ipon naman ang magkakapatid at ano mang oras ay darating narin ang kanilang mga magulang. Habang naghihintay sa mga ito alas tress ng hapon ay si Princess ang kanilang napagkaisahan. "Ohhh come'on sis, anong oras ka na inihatid dito yesterday night and then sasabihin mo walang nangyari!? Princess may ginawa na ba sayo si Mattew kaya ganyan ka't nagtataray ha little sis? O baka naman yung Mark ang may ginawa sayo!? " si TJ na ang mga mata ay nanunuri at naghihintay ng kasagutan. "Stop this kuya.... Walang nangyari pwede ba. Sa tingin mo ba bibigay ako ng ganun ganun nalang... I'm still a baby girl." "Good! " sabay na wika ng lahat. "Ayyyy bakit kasi nag-iisa lang akong babae dito! May be I can ask mommy to have pa... Gusto ko na ng kapatid na babae." "Hey hey princess wag na wag mong sasabihin sa harap nila tatay yan ha.... Mahal na mahal ka lang namin kaya ganito kami sayo. Kung puwede nga lang na huwag ka ng magpakasal at ako nalang ang mag-aalaga sa inyo ni inay gagawin ko. " si Rexj na katabi niya at humalik sa ulo nito. "It's true Princess, mahal ka namin kaya gusto lang namin na sa matino ka mapunta. Ano ba na ang lagay sayo ni Mattew...? Sabi ni inay, siya na raw. " "Ayyyy ang sweet talaga ng mga kuya ko.... Wait.... Una sa lahat ay di naman pwedeng dalaga ako habang buhay kuya.... Pangarap ko lang talaga na magkarun ng matinong asawa na mamahalin ako tulad ng pagmamahal nila tatay kay inay. At dahil si Mattew na nga ang natira, sana lang tumino ang mokong na yun. Napakaseloso kasi niya. Honestly, I like Mark more than Mattew kuya..... I dated him once. He so gentleman and lovable man. He knows how to comfort me when I'm beside him. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at naging biglaan ngayong araw. " "Tsk! Of course he does! Womanizer nga diba.... !" agad na sagot ni Timj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD