KISS

3228 Words
CHAPTER 18 Kararating palang ng magulang ni Princess ay nagkaroon na agad ng masayang pag-uusap sa loob ng mansion ng mga Cannor. Muling nakumpleto ang pamilya. Ang mga anim na batang nagsisipag ingayan at kulitan sa mga tito, lolo at lola. Ang kambal na babae na Rexj na buhat ng dalawa niyang tatay. Ang mga magulang ni Jewel na hindi mapigilang tumawa dahil sa pagpapakitang gilas ng mga apo nila sa tuhod. At si Jewel na nakayakap sa mahal niyang lolo na si Don Franco Cannor. Abalang abala naman ang mga kasambahay sa loob upang ayusin ang napakahabang mesa sa kanilang dining area. Kanya kanya silang gawain at may ilan na tumutulong sa Chief Cook ng mansion. At habang sila ay nagsasaya ay napansin na nilang may dumating nang sasakyan sa labas ng gate. Agad na tumayo si Jewel at ang matanda upang salubongin ang bisita na sinamahan naman ni TJ. Titig na titig si Mattew sa babaeng nakasuot ng off shoulder bodycon floral elegant dress na kahit naka step in lamang ito ay nababagay parin sa taglay niyang ganda. Ang maladyosa nitong mukha na kung hindi siya nagkakamali ay halos magkamukha sila ng kanyang si Princess. Maputi lamang ito at malaporselana ang kutis at si Princess naman ay may pagkapinay ang kulay. May katabi itong binata na nakaakbay sa magandang babae at sa palagay nito ay maaaring magkasintahan ang mga ito. Hindi rin siya magpapahuli rito. Mag-aalasingko palang ng hapon. Sa suot niyang perfectly men's solid 3/4 sleeve casual loose tops button dress shirts at puting T-shirt sa loob na tenernuhan ng fitted pants at nakapagpalitaw naman ng kagwapuhan niya na masisiguro niyang nababagay siya kay Princess. Naunang bumaba ang kanyang mga magulang na siyang una ring nakapagparking. Siya naman ay sumunod rin na may hawak itong dalawang boquet ng bulaklak. Ay isa ay dilaw na rosas na ayon sa mom niya ay gusto ng ina ni Princess. At ang isang boquet naman ay ang punpun ng sunflower na para naman sa dalaga. "Senator Jong and Mrs. Pearl Revilla, welcome to our humble home." pagbati agad ni Jewel sa mag-asawa at bumeso. "Guys meet my grandfather Don Franco Cannor..... " "Sir, kinagagalak po namin kayong makilala in person. " Si Senator Revilla na nakipagkamay sa matanda. "Sa inyo po pala nakamana ng dugo si Miss Jewel Don Franco. Napakagwapo parin po ninyo sa edad na 80's at napakalakas pa! " Ano po ba ang sekreto ng pamilya at umaapaw sa pagiging young ang dugong nananalaytay sa inyo? Bigla po tuloy akong naexcite sa future apo ko to be!" nawika naman ng asawa ni Senator bago humalik sa matanda na ikinatuwa naman nito. "Speaking of future apo. I like that!!! May be this is Mattew, your son? " si Don Cannor na nakatingin sa binata. "Magandang hapon po inyo. Kamusta po? Kinagagalak ko po kayong makilala in person Lolo Franco. " na kinuha pa nito ang palad upang magkano. Nakatingin naman si TJ sa binata ng walang emosyon at ang mga mata ay nanunuri. "Son, siya ang inay ni Princess. Meet Miss Jewel Lyca Cannor." Nagulat man Mattew sa kanyang narinig ay agad nitong iniabot ang dilaw na rosas. "Magandang hapon po Tita. This is for you po. " sabay halik sa pisnge nito. "Thank you young man. " na inabot naman ang mga rosas. "Meet my son too, TJ or you can call him Uno. Isa sa mga quadruplets ko at kuya ni Princess. Napatingin ng maigeh si Mattew sa binata at agad na naglahad ng kamay. "Nice meeting you Kuya TJ. " "Don't dare to call me kuya at mas matanda na pa sakin! " Singhal nito dito. "Im sorry. May be I can call you Uno instead. " agaran nitong sagot. "Ohhh my God Miss Jewel kahit sa anak mong lalaki ay hindi nagpapatalo. Don Franco Cannor, talagang ang lakas po ng dugo ng Cannor, im sure proud Lolo is here! " si Mrs Pearl na tunay na nasisiyahan. "Yes of course Mrs Revilla. Thank you! Thank you! Lets get inside at matutuwa ka pa sa iba ko pang mga apo. " si Don Cannor na talagang natutuwa rin sa mga papuri ng asawa ng Senator. Bigla namang kinabahan si Mattew dahil sa binigay na tingin sa kanya ni Uno. Kaniyang nakipagkamay ito ay ang bigat ng kanyang kamao na hindi naman siya nagpatalo. Manghang mangha ang pamilya Revilla sa kanilang nakikita. Modern european style ang istelo ng bahay . Napakaliwanag sa loob dahil sa napakalaking chandelier na nakagawi sa may hagdanan patungong second floor. Makikita ang buong pamilya sa loob ng sala na agad namang sinalubong ni Princess sina Senator Jong at Mrs Pearl wearing her new style elegant waist hugging slimming slit v-neck short-sleeve dress. Ayaw man niyang salubungin ng pagbati si Mattew dahil galit siya rito ay napilitan parin ito. Hahalik sana siya pisnge ng binata ng hinapit ng binata ang beywang nito at siniil ng halik at niyakap. "Im sorry sweetie... I'm just jealous that time that's why I can't control my emotion. I promise that I will not do that anymore.... " "What did you did huh Mattew!?" si Rexj na agad lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Umangat ng tingin naman si Mattew upang makita ang pinagmulan ng tinig sa alam niya ay kay TJ. "Parang ang bilis atang nagpalit ng damit si Uno" bulong ng isip niya. Lahat ng mga mata ng naroon ay nasa kanila. Nagulat siyang nagsipaglapitan ang mga lalaki na nakapagbigay sa kanya ng sunod sunod na paglunok ng laway. "It's nothing mga kuya. Ayan nanaman kayo!!!! " agaran na sagot ni Princess na kumalas sa pagkakayakap ni Mattew. "Mattew! Would you like to tell this to us or should we're going smash your face? " si Jacobr naman ang nagsalita. Ang lahat ay naghihintay ng kasagutan. "I-I hurt her feelings. I'm got jealous w-when I saw her wearing my brother clothes. " may tensyon niyang boses. "That's enough boys. " saway ni Jewel sa mga anak. " Ahmmm Mattew, those are the quadruplets. Rexj, Timj, and RJ and you meet TJ already. At yung Triplets ko naman ay si Nathantielt and Jacobr at ofcourse your fiancee mo. Medyo malilito ka sa ngayon dahil magkakamukha ang mga kuya nya... Boys the parents of Mattew is here too. Be nice. " si Jewel na napakalambing parin ng boses bagamat may pagbabanta sa mga anak nilang lalaki kaya napilitan naring makipagkamay sa binatang si Mattew. Nakipagkamay rin ang mga bata kay Senator na kumukurap ang mga mata at sinusuri kung may pagkakakilanlan ang mga bata at humalik naman sa ina ni Mattew ang mga ito na natutulala naman. "I told you Mrs Revilla matutuwa ka sa mga apo ko! Only her mother knows their name ng hindi nagkakamali for the quadruplets. Yun naman ang asawa ng una kong apo na si TJ. Sya si Kisses with my three apos.. That woman knows his husband too even magsama ang apat. The other one is Hanna na asawa naman ni Jacobr, may tatlong apo narin ako sa kanya. If im not mistaken you know his father already. And that lady is the new member of the family. The wife of Rexj, Patricia with new twin princess Cannor and soon Mattew and Princess can give me lots of apo too. " si Don Cannor na napahalakhak. "Mattew ang dalawang tatay ng mapapangasawa mo, ang tatay Timothy at tatay Rex ni Princess. Kaya ngayon palang tumino ka na hijo dahil marami na silang huhunting sa iyo kapag nagluko ka." dagdag pa nito na nakapagpaputla sa mukha ni Mattew. "Senator and Mrs Pearl my parents are also here. Mr. Frankie Rowel Cannor and Mrs. Jenny Cannor." si Jewel na itinuro ang mga magulang at bumati ang mga ito sa isat-isa. Bumati rin si Mattew sa mga ito at muling bumalik sa tabi ng fiancee nito. Ang mga mata ng mga kapatid nito ay nakasubaybay sa kanya kaya naman hindi siya mapakali sa tabi ng dalaga. Nagsama sama sila ngayon sa sala ang nagkwekwentuhan ng kung ano ano. Napalagayang loob namang ng pamilya Cannor ang mag-asawa na Revilla. Si Mattew naman ay sumasagot lamang kapag may itinatanong sa kanya. Hindi talaga niya iniexpect na marami pala itong kapatid na lalaki at natitiyak na nga talaga niyang nahihirapan siya. Magkatabi ang dalawa sa mahabang coach na kanilang inuupuan habang ramdam niya na may mga kapatid itong nakatitig sa kanilang dalawa. "Drink this. " si Princess na iniabot ang mango juice sa binata ng hindi tumitingin "Princess sweetie.... " tanging nasabi nalamang nito at iniabot ang baso. Agad siyang uminom ng sapat at ibinalik sa table ang baso. At ng magkaroon siya ng pagkakataon ay kinuha nito ang kaliwa nitong kamay at ikinulong sa kanyang mga palad. Umiwas na lamang siya ng tingin sa mga kapatid nitong lalaki. Si Princess naman ay ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay ng binata. Pinipilit niyang iwaksi ang kanyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. "Why don't we talk about the date of the engagement party. Lets do that next week already, what do you think Mattew?" "That's a good idea po lolo" na agad naman nitong tugon. "Then the wedding will be after two days of the engagement!" agad na wika nito na ikinagulat ng lahat. "No. It's no lolo. Bakit ang bilis naman po ata ng kasal lolo? Its supposed after five months pa po ang engagement right....? " si Princess na nagsalita na. "Ganun din naman yun apo ko, ikakasal parin kayo. Wag na nating patagalin pa. Kailangan magkaroon na ulit ako ng mga apo. " "Lolo , I'm sorry but I'm object!" si TJ na unang nagsalita. "Me too!" sabay sabay na wika ng mga kapatid na lalaki. Tahimik lamang ang mag-asawang Senator at natatawa naman sina Timothy at Rex. "Lolo, they can have the engagement party soon but the wedding, can we move that after two years?" si Nathanielt naman na naglakas loob na magsalita. "Do you have a girlfriend Nathanielt? If you have papayag ako at kayo ang una kong ipapakasal. " "Soon lolo... " sagot nito. "I don't need your soon Nathanielt. Replace Princess on her wedding! Timj? RJ? " ang matanda na tumaas ang boses. "You dont have girlfriend yet..... See.... Or should im going to set it to three of you? " na hindi parin mawala ang tensyon nito sa boses kaya tumakas na si Jewel sa lolo nito upang mabawasan ang pag-init ng ulo ng matanda. Tumahimik naman ang mga binatang anak ni Jewel. Ang mag-asawang Revilla at si Mattew ay hindi magawang magsalita ng mga oras nayun. Si Don Cannor na mula sa tinig palang nito ay nakakatakot ng salungatin. "Or if you all guys don't want princess got married soon after the engagement, I will ask Jewel to give me apo instead of Princess. " mga salitang gumimbala sa magkakapatid na kinatuwa naman ng mga asawa ni Jewel. "Princess sweetheart, no choice. Sorry. But sis you should marry that man na.... Tsk! " si TJ na muling nagsalita. "Lolo, it's no for the wedding. I agree for the engagement party but marrying him after two days.... I can't give it to him. " si Princess na muling nagsalita at si Mattew naman ang akmang magsasalita na rin. "Don't talk for a while Mattew. Just keep listening first. " si Princess parin na pinanlakihan ng mata ang binata. "And what is your reason for rejecting this? " si Don Cannor na handang makinig sa apo. "We both know na this man have lots of woman. Wala pang isang buwan na tumitino ito lolo. How about sa araw araw na may nakatabi siyang babae sa kama ay may nabuntis siya? May nakalusot? How about my future? " "How did you know? And sweetheart, I used-" si Mattew na naputol sa pagsasalita dahil sa pagsaway ni Princess. "Shut up! " saway nito kay Mattew. "Lolo should im going to tell it to you the lists of womans of this man for the past three months?" si Princess na nakatingin parin kay Mattew na nashock sa narinig. Bigla namang tumawa si Don Cannor sa sinabi ng apo nito at ikinapula naman ng mag-asawang Revilla. "I see... I see... Give me the list of that girls hija. Kailangang madaliin parin ang kasal ninyo at may be one month is enough. Ipapahanap ko ang mga babaeng iyan at babayaran ko narin para pumayag lamang sila na magpasuri kung sila na ay nabuntis ni Mattew. Ok na ba yun!? " Napangiti naman si Mattew sa kanyang narinig na ikinainis ni Princess kaya panitik nito ang ilong ng binata. Matapos ang usapan sa sala ay sama sama naman silang nagsipagkainan sa mahabang table. Napuno ito ng katahimikan at ng oras na upang lumisan sa Mansion ang pamilya Revilla ay inihatid naman sila ng mag-asawang Timothy, Jewel at Rex kasama si Princess sa maindoor. Humalik si Princess sa magulang ni Mattew at tuluyan na itong nagpaalam at sumakay na sa kanilang sasakyan. At si Mattew naman ay ganun rin sa magulang ni Princess. Pagkatapos nito ay muli siyang yumakap sa dalaga ng mahigpit at humalik sa labi nito. "Good night sweetie.... I fetch you tomorrow morning. And thank you at pumayag kang makipagdate sakin.... I love you! " malambing nitong wika sa dalaga. Ngunit ang dalaga ay nanatili lamang nakatitiig dito ng walang emosyon na napansin naman ni Mattew. "Tsk! Go home Mattew. " tugon niya rito. "Okay. Mamimiss kita.... " "Anong miss pinagsasabi mo eh magkikita pa naman tayo bukas? Ilang oras lang tayong maghihiwalay." nakaarko nitong kilay para sa binata. "Your cute doing that sweetheart. Ayaw na kitang malayo sa tabi ko thats why mamimiss kita.... " "Ohhhh, ganyan ka ba sa mga babae Mr. Mattew Revilla. Puwede ba, wag mong gagamitin sakin ang mga salitang yan. Tsk! Mauna na ko sayo, go home Mattew. " at tumalikod na ito sa binata na sinundan na lamang ng malungkot na tingin ni Mattew. "Mattew son, magbabago din sayo ang tingin ng anak ko. Ipakita mo lang na totoo yung feelings mo sa kanya. Respect her until you got married okay. At habaan mo rin ang pasensya sa mga kapatid nya. She is my only daughter kaya mga protective ang mga kuya nya. Just be good. You can go home now son. Mag-ingat ka. " **** Hindi pinatulog nung gabing iyon si Princess. Di mawala sa isip niya ang bawat halik sa kanya ni Mattew. Ang bawat yakap at haplos nito sa kanyang kamay na alam niyang maingat ito. Ngunit pumapasok rin sa kanyang isipan na ang lahat ng yun ay madalas niyang ginagawa sa mga babae nya. Naiinis siya sa mabilis na galawan sa kanya ng lalaki. Gusto niya itong itaboy palayo sa kanya ngunit ayaw naman niyang maging bastos sa harapan ng magulang at pamilya niya at higit sa lahat ay taksil ang kanyang katawan at puso na ayaw sumunod sa kanyang isip. Harap harap na nitong inaya siya sa harap ng kanyang pamilya na makipagdate. At higit sa lahat ay lalo pa nitong sinasadyang maging sweet sa kanya sa harapan ng marami kahit nalalaman niyang marami na itong natamong pasa dulot ng mga pagsipa niya kanina nung sila kumakain. Sinadya kasi nitong tumabi sa kanya na ikinainis ng kuya RJ niya dahil sinang-ayunan pa ito ng kanyang lolo. Pilit talaga silang pinagdidikit ng matanda. Si Mattew naman ay hindi rin makatulog dahil ang mukha ni Princess ang kanyang naiisip. Ang maliit at malambot nitong labi na masarap halikhalikan. Ang katawan nitong maganda ang pagkakahulma na masarap yakapin. Inaamin niyang nagsesexyhan rin ang kanyang mga nakarelasyon ngunit mas kakaiba ang kay Princess na nagbibigay buhay sa kanya. Ang Princess na ipagdadamot niya kahit kanino at kahit pa sa kanyang mga kapatid. Ang mga mata nitong tinutunaw siya kaya nawawala siya sa sarili kapag tinutubigan nito. Ang mabango niyang balat at malastraberry nitong hininga. "Akin ka lang Princess... After one month your officialy be mine. You will become Princess Revilla. Matututunan mo rin akong mahalin sweetie.... " bulong niya sa kawalan. **** Hindi pumasok sa trabaho si Mattew dahil binigyan siya ng leave ni Don Cannor upang makasama ang dalaga bago ang engagement party kaya naman si RJ ang nag-aasikaso ngayon ng PAMD. Siya narin ang humarap sa new investor nila ni Mr. Billgates. Maaga ng dalawang oras si Matthew sa punag-usapan nila ng dalaga ng ito ay nakarating sa mansion . Ngunit halos wala naring tao sa loob ng mansion maliban kay Don Franco Cannor na kakwentuhan niya habang umiinom ng kape. Nagulat naman si Princess ng bumaba siya ng hagdanan upang kumain ng umagahan at nakita niyang kausap ng kanyang lolo ang lalaking di nagpatulog na kanya katabi. Agad siya nitong sinalubong ng yakap at siniil nanaman siya ng halik na nakakaaddict at tutugun na sana siya rito nung tumigil ito. Naramdaman ito ni Mattew kaya muli niyang inulit ang paghalik sa dalaga. Ngunit nabigo siya na naramdaman ulit yuon. "Early love birds..... " nawika ng matanda. "Good morning sweetheart" bati sa kanya ni Mattew na pinupog pa siya ng halik sa mukha. "I really miss you! Napakaganda mo parin at ang sarap ng labi mo kahit bagong gising ka.... You so hot. " si Mattew na hinagod ng tingin ang katawan ng fiancee niya. Ngayon lamang niya napansin na she's still wearing a silver women satin sexy bowknot lace lingerie na v-neck sleepdress underwear . "f**k! Bakit kasi ang aga mo!!!!" na muli siyang umakyat sa taas para kumuha ng bathrobe. Bigla niyang naisip kanina na nawala nanaman siya sa sarili at nagpaapekto sa halik nito. Uminit din ang kanyang katawan sa sensasyon ng sarap ng bawat halik sa kanya. Napabuntong hininga nalamang siya. At muli ay naalala niyang si siya nagbrush ng teeth ng siya ay magising. Tanging nagmouthwash lamang siya.... "Shiiiiitttt ka talaga Mattew! Napumapadyak ang paa habang naglalakad. Natutuwa naman si Mattew sa kanyang nakikita lalo na sa bawat pagindayog ng maganda niyang puwet at bilugan niyang hita ng muli itong umakyat. "Sabay na kayong magbreakfast hijjo at ako ay may aasikasuhin pa sa mga naging babae mo. Tsk Tsk! Ikakasal nalang sana kayo pero dahil sa marami ka palang naikama matatagalan pa para ako ay magka-apo! Iwasan mo nang dumukit pa sa ibang babae kung ninanais mong makuha pa ang puso ng mapapangasawa mo. Manang mana yan sa kanyang ama na si Rex. Matalas ang mata kaya mag-ingat ka. Hinding hindi ka makakalusot dyan. Nagpahanda na ko ng makakain ninyo! " at tumayo na ito pumasok sa isang malaking silid na kung hindi siya nagkakamali at silid aklatan sa mansion. Napansin naman niyang bumababa na ang kanyang prinsesa na balot na ng bathrobe. Nakatingin rin ito sa kanya habang bumababa. Ayaw niyang kumurap sa kanyang nakikita. At ng tumapat ito sa kanya ay mabilis niya itong inakbayan at hinalikan pa sa ulo. "Halik ka ng halik Mattew! Tumigil ka nga! Ang dumi dumi ng bibig mo't ang dami mo ng hinalikan! At isa pa bumitaw ka nga sakin at ang bigat ng kamay mo! " pagtataray ni Princess. "Wala na kong hahalikan kundi ikaw lang mahal ko pangako yan!!! " agad namang sagot ni Mattew na alam niyang may diin at hinanakit ang bawat salita ng dalaga. Ramdam talaga niya na galit ito sa pagiging womanizer niya. At inaamin niyang nagsisisi siya sa pagkahumaling sa s*x.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD