CHAPTER 19
Silang dalawa lamang ang laman ng mahabang table sa dining area kaya naman malaya si Mattew pagsilbihan ang mahal niyang si Princess.
"Sweetie, fried rice or plain rice? " si Matthew na ngiting ngiti sa dalaga sa kanyang pagtanong. Titig na titig naman si Princess sa mapuputi nitong ngipin na pantay pantay.
"Tsk fried rice. " mahina nitong sagot.
Matapos malagyan ng friedrice ay nilagyan narin niya ito ng bacon ay scramble egg at vegetable salad sa gilid ng plato nito. Tulad lastnight ay nangialam nanaman ito sa kanyang kakainin. Akma nanaman siyang susubuan.
"I can eat by myself Mattew. At wala namang nanunuod para magpakitang gilas ka. "
"Di ko ito ginagawa para sa iba sweetie. Ginagawa ko ito kasi mahal kita. At handa akong magpaalipin sayo mahal ko. Lahat lahat gagawin ko. Ituturing kitang reyna ng puso ko pangako yun sweetie.... "
"Dumali ka nanaman! Ilang babae na sinabihan mo ng ganyan Mr. Revilla? Kasama ba dyan si Myca? Sally? Veronica? Lacy? Aimie? Ohhh my gosh I can't remember the other girls! Would you like to help me to recite?" si Princess na tumalim ang mata sa binata.
"Look sweetie, it's only you. Hindi ako naging sweet sa kanila ever since. Its just a fling. Ikaw lang ang pinaglalaanan ko ng oras tulad nito. Pangako ko yan. Ikaw lang. " mula sa puso niyang pahayag.
Umiwas ng tingin si Princess sa mata ng binata pero hinawakan nito ang kamay ng binata na may hawak na kutsara at isinubo ang laman nito sa bibig na ikinatuwa ni Mattew.
"Kumain ka na. Ako na ang magpapakain sa sarili ko...." wala paring emosyon nito dito.
"No sweetie. I can eat too while I'm serving you. " tanggi nito sa dalaga at ang kutsarang hawak niya na ginamit sa dalaga ay siya rin niyang ginamit sa kanyang pagkain na ikinagulat ni Princess.
"Theres nothing wrong about that sweetie. Wala akong nakakahawang sakit at isa pa i kiss you many times kaya we share our saliva already. Here! " na siya namang sinubuan na napilitan nanaman siyang sumubo muli.
Matapos nilang kumain ay aakyat na sana ng hagdan si Princess ng mapansin niyang sumusunod ito sa kanya.
"Hey Mr. Revilla, saan ka pupunta? Hintayin mo ko dyan sa sala."
"No. I'll come with you. I need to brush my teeth sweetie.... And I believe na pwede parin tayong magshare sa iisang toothbrush. "
"What! Your crazy Mattew! Kakaluko ka!!! Hintayan mo ako dyan at ibibigay ko sayo kailangan mo" at tumalikod ito sa kanya.
Ngunit taliwas ang ginawa ni Mattew. Nauna pa itong naglakad sa kanya at tinungo ang pintuan ng kwarto ni Princess. Agad siyang nakapasok sa loob at bagamat na humanga siya sa loob ng kwarto ay nagmadali parin itong pumasok sa loob ng banyo. Mabilis niyang nakita ang toothbrush ni Princess at siya niyang ginamit na pansipilyo ng kanyang ngipin.
"Ahassssist!!!!! Revilla!!!! Ang kuliiiittttt mo!!!! Bilisan mo na nga lang dyan!!!!" si Princess na biglang namula ang pisnge kundi sa nahihiya ito na naipagamit niya ang sarili niyang toothbrush. As in ang gamit niyang toothbrush.
"Yes sweetheart!" nagawa pa nitong sumagot.
Pagkatapos magsipilyo ay agad nitong hinubad ang rubber shoes at humiga sa kama ni Princess. Ang kama niyang malaprinsesa ang estilo. Ang kwarto niyang kulay pitch at napakagirly ang dating.
"Wag mong sasabihin na dito mo pa ko hihintayin? " ang dalagang nakapameywangan sa harap ng binata.
"We still have one and half hour sweetie kaya matutulog muna ako. Masyado akong napuyat sa kakaisip sayo kagabi. Take your time Mahal ko. Just kiss me if your done! " at ipinikit na niya ang kanyang mga mata.
"What the f**k!!! "
"Yeahhhh I love you!!! " at dumapa habang yapos nito ang kanyang unan.
***
Simple lamang ang suot ni Princess ng sila ay umalis. Naka denim crop top ito ng mustard at light blue denim pants. Nagsuot din siya ng mustard cap at inilagay niya ang makapal niyang kilay. At sinadya niyang maglagay ng makapal na gums.
Hindi na nagulat si Mattew sa kanyang nakita kanina at ginusto pa niya itong gayon ang hitsura upang siya lamang ang makakapagnasa rito. Tinulungan pa nga niya itong maglagay ng nunal sa may malapit sa ilalim ng mata. Siya rin ang naglagay ng lipstick sa labi ng fiancee niya at ninanakawan pa niya ito ng halik.
Hindi na umaalma si Princess sa mga ginagawa sa kanya ng binata. Hinahayaan na rin niya itong akbayan siya.
"Sweetie, wag ka na kayang magcap. Mas babagay sayo ang walang cap para kitangkita ang ganda mo!!! " nasabi ni Mattew na nangingiti sa dalaga.
"Ha! Ha! Ha! " tanging nasagot ni Princess.
Kakapark pa lamang nila sa parking area ng MOA at nasa loob parin sila ng kotse at hindi pa bumababa. Kinuha niya ang sumbrero nito at inihagis sa likuran.
Dumikit ito sa kanya at inilapit ang kanyang mukha sa dalaga.
"I love you sweetie...... Napakaganda mo parin mahal ko....!" Nangingiti nitong sabi.
"Baliw!!!!! May masabi ka lang noh... Tsk! Eh halos atakihin ka nga noong una mo kong makita ng ganito!!! Wag mo nga akong pinagluluko Mr. Revilla! Lets go na! I want to eat special halo halo first. " at itinulak ng bahagya ang mukha nito.
Ngunit bago pa ito muling makakilos ay siniil niya ito ng halik at pasimpleng kinuha ang gums nito. Sa hindi inaasahan ay tumutugon na si Princess sa bawat paghalik nito. Tumagal pa sila sa loob ng kotse ng dahil lang sa halik. At ng matapos si Mattew na mapagtagumpayan angkinin ang labi ng dalaga ay muli niya itong pinupog ng halik sa mukha.
"I promise Tita Jewel and your two Tatay na hihintayin kong maikasal tayo mahal, bago kita paliligayahin ng subra.... Haissst! Ayaw kitang tigilang halikan mahal ko!!! Pero kailangan ko ng pigilan talaga ang sarili ko ngayon, pero promise di ako magsasawang halikan ka ng paulit ulit. At sa halik mo at sapat na para masaya mo ko ng ganito. I love you Princess. "
"Enough. Give me back my gum and lets go. Tsk! "
***
Natatawa si Mattew kapag ang mata ng mga nakakasalubong nila ay panay ang sulyap sa kanyang katabi na inaakbayan at halos yakapin at halikhalikan.
"Halllaaahhh!!!! Haba ng hair ni ate!!! Ang gwapo ng boyfriend!!!! " tili ng isang bakla
"Wowww bonggeshhhoooissss!!!! Pashare ng gayuma ate!!!!" segunda ng kasamahan nito na ikinahalakhak ni Mattew.
"Baliwwwwww!!!" nausal ni Princess.
"Hey guys meet my fiancee!!!! She is so lovely princess I swear!!!! I really love this woman promise!!!! " sigaw ni Mattew na nakaagaw sa karamihan at pinagmulan na ng sarisaring kumento.
"Ah ah!!!! Baliw ka talaga Mr. Revilla!!! " sagot ni Princess na itinatago ang mukha.
"Sweetie ohhh come'on be proud of it!!!!! Mas maganda ka sa kanila!!!! At tuwang tuwa pa ito habang yakap siya na sa kasalukuyan silang nasa maraming bench sa loob ng mall.
Maya maya lamang ay lumapit ang tatlong kalalakihan sa dalawa.
"Mattew Revilla!? Is that really you!? Oiiii bro! Long time no see ahhh!!! " na tinapik ang balikat nito.
"Harry Lopez? Christian Garcia? Anthony Sy? Tama ba ako!? " si Matthew na sinisipat ang kanyang isipan upang alalahanin ang mga nasa harapan.
"Of course! Kamusta!!! I saw you shouting. Proud boyfriend ahhh!!!! " si Christian na nakapemeywangan.
"Of course I am. Meet my fiancee, my only Princess. Sweetie look at them my colleagues !" si Mattew na ipinihit paharap ang nobya.
Biglang natawa si Christian at Anthony. Si Harry lamang ang titig na titig dito .
"Did I meet you before Miss?" si Harry na napapaisip dahil sa matang taglay ni Princess na ikinangiti ni Princess.
"You have a sharped eyes. Nice to see you again Mr. Harry Lopez. "
"Yes you are! It's you!!! Hindi ko makakalimutan ang mga matang yan! And your voice. Wowww!!!! What a coincidence! I am so happy that I meet you again! " bulalas ni Harry na nagawang halikan ang pisnge nito na ikinagulat ni Mattew na hindi niya agad naiiwas.
"Patay! Pati si Bro nabulag na!" nasabi ni Christian.
"Magkakilala kayo? " si Mattew na inilayo ng kunte ang fiancee niya.
"Yes, we meet sa Shangri-la last mascara grandball" tugon ni Harry na di maalis ang mata sa dalaga.
"Stop staring my fiancee Harry! She's mine." sa seryuso na nitong boses.
"It's that true? And who is that man that night? Lahat ba ng pumapalibot sayo ay inaari ka na ay lady? " pagtataka naman niyang tanong.
"His my older brother. I don't want to be rude but, we have date so excuse us. " at muli niyang inakbayan si Princess at hinila na palayo.
Napailing na lamang si Harry sa kanyang nakita.
"Hey Harry! Gising! Wag mong sabihin na nadali karin ng susong yun? " si Christian na natatawa.
"Ginaguma yun tol!!! Putcha si Mattew yun eh, chickboy! Mga hot babies ang chicks nun at hindi papatol yun sa ganun! " segunda ni Anthony.
"Asshole! Big-time yun bro! Prinsesa yun! " si Harry na lumayo sa dalawa at naghanap na ng makakainan.
***
"f**k! " mura naman ni Mattew na kahit pabulong ay rinig parin ni Princess.
Nasa loob na sila ng isang classy restaurant ay naiinis parin ito at muling tiningnan ang nobya habang naghihintay ng kanilang inorder.
"What!? " si Princess na nagtataka.
"Can we put more on your face sweetie? Can you wear some contact lences or wear some of your eyeglasses? Tsk!!! Hindi pala dapat kita dinadala sa ganitong crowded! That f*****g man, how can he recognized you? Let me wipe your chicks, ayaw kong may humahalik sayo, that bastard! " problemadong boses at mukha ang mababakas kay Mattew.
"Baliw ka ba! Tumigil ka nga dyan. Para kang bata! Hmm excuse me and I'll use powder room muna." si Princess na tumayo at pumunta ng CR.
She's enjoying the day with Mattew dahil sa way na ipinakikita nito sa kanya. Gusto niyang maniwala na sa kanya lang ganito si Mattew. Ngunit may side din ng kanyang isip na isa parin ito sa strategy ng binata upang magpa-ibig ng babae.
Matapos gumamit ng CR at naghugas siya ng kamay at kumuha ng wet tissue sa isang sealed na pouch. Inalis niya ang kanyang gums at itinago ito sa kanyang sling bag. Gusto niyang kumain ng marami dahil kanina pa siya nagugutom. She remembered na sumasabit ang mga kinakain niya kapag gamit niya ito.
Habang hinihintay naman ni Mattew ang nobya ay namataan niyang papasok ang grupo ni Harry at nagpapasalamat siyang hindi siya nito napansin. Ngunit may hindi pa siya inasahan na kasunod ng mga it na parang may hinahanap. Siya si Liza. At ng magtagpo ang kanilang mga mata ay may kung anu sa kanyang damdamin na nagpakaba. Bigla siyang natakot na baka makita ito ni Princess. Liza is one of his kafling na magaling sa kama.
"Babe! " si Liza ng makalapit kay Mattew na biglang napatayo naman ang binata sa kanyang kinauupuan.
"Kinocontact kita many time pero iniignore mo bawat tawag at text ko... Mabuti nalang at nasa kabilang building lang ako nung one of my friend saw you. " si Liza na naluluha at biglang yumakap kay Mattew.
"What the hell Liza! What are you doing!? Anu bang problema mo. And tapos na tayo ah! " si Mattew na hindi malaman ang gagawin ay pinipilit niyang maalis ang pagkakayakap nito dito.
Nakaalis ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Listen babe, I'm four weeks pregnant. We know both na hindi ka gumamit ng protection and I know na this is yours. Please Mattew. You know my dad as well, he gonna kill me once he knew this! Pati ikaw mapapahamak! " naiiyak niyang wika dito.
"f**k! " salitang lumabas na lamang sa bibig ni Mattew na sinabayan ng paghalik ni Liza.
At mula sa eksenang ito ay lumabas sa harapan ni Mattew si Princess.
Sa di rin inaasahan ay nakahakot sila ng viewer sa loob ng restaurant. Isa na dito ang napunta sa gawing likuran ng dalaga na si Harry.
Pilit na kinalas ni Mattew ang sarili sa mga kamay ng babaeng nakagapos sa kanyang leeg na sumisiil sa kanya ng halik.
Nanlilisik naman ang mga mata ni Princess na puno ng kalungkutan.
At ng mapagtagumpayan na makawala kay Liza....
"Princess..... Sweetie..... Let me explain.... " si Mattew na biglang namutla na akmang lalapit sa dalaga.
"Stop. Don't move and stay there. " malaautoridad na wika nito ngunit malumanay.
"And who are you!? " si Liza na nagpupunas ng luha at nagtataka na tumingin kay Princess na para pang nagulat.
"Sweetheart please sakin ka makinig... She's nothing. Please.... She's from the past. You know that I love you.... Please" nanginginig na boses ni Mattew.
"Babe!!! What the hell! Ehhh wala namang sinabi to sakin eh! Kahit buntis pa ko ngayon at stress, look hindi siya nababagay sayo!" nang-iinsulto nitong sabi. "Sino ba sya!? " dagdag pa nito.
"Stop Liza!!!! Don't ruin my life please!!! She's my everything! I love her... She is the one I want to marry!!! She's my fiancee!!!" si Mattew na nakatitig sa mata ni Princess na nagbabadyang lumuha.
"What!!!? " natatawang taking nito.
"Are you pregnant? " kalmadong tanong ni Princess.
"Ohhhh f**k pare look ang ganda na ng labi nya!!!! Mangkukulam ba toh? Oh baka ako ay nagagayuma narin!!!? " si Christian na gulat na gulat at nakiusyuso sa di kalayuan.
"Tanga!!! Eh pati ako? kitang kita ko rin eh!!! Oi bro si Harry nasa likuran niya!!! Ang bilis naman nyang napadpad dun! " si Anthony naman na napansin ang kasama.
"Yes I'm pregnant at si Mattew ang ama! Sino ka ba!?" naiiritang boses ni Liza.
"His future wife to be sana. I will be engage on that man behind you after six days. But because of you, you save my position being a princess of my family. If mapatunayan ngang sa kanya ang ipinagbubuntis mo, thank you in advance Miss. I'll be free from his curse. And you Mr. Revilla stay away from me this time hanggang di mo napapatunayang wala kang responsibilidad sa iba. Dont ever cross on my way. " si Princess na kalmado ang boses at tumalikod na ngunit niyakap ito ni Mattew na nanginginig ang katawan at garalgal na ang boses.
"Please sweetie... I love you! I love you! I love you! Please remember that babalikan kita. Aayusin ko to. Mahal na mahal kita sweetheart!!!" si Matthew na nagpipigil na umiyak.
Sa pagkasabi nito ay lumapit si Drey at tinapik ang balikat ng binata hudyat para sa kanya upang bumitaw na sya sa pagkakayakap.
Lalapit sana si Harry ng bigla na lamang may dumikit na apat pang pumalibot sa dalaga kaya naman napailing na lamang siya.
"Hey bro, sino ba yun!? She's really strange! Bakit ang daming bantay? f**k she's a witch! wala naman yun kanina eh!?" si Christian na sinundan ng tingin ang papalayung si Princess ng makabalik sa table nila si Harry.
"Tsk! Search the CNC magazine bro. The cover photo. She's the only Princess in Cannor's grandchild. The billionaire princess. Goddammit asshole!!! " si Harry na naiirita na sa kanyang mga kasamahan.
Agad namang sumunod ang mga kasama nito na ikinagulat nila ng makita nga ang sinasabi ni Harry.
"Whattttt the fuckkkk!!!!! She's a Goddess goddammit!!!!! " si Anthony na nabighani sa ganda ng kanyang nakita.
"f**k you Harry!!!! Bakit ngayon mo lang ito nasabi!!!! Ang gago mo naman eh!!!! " si Christian naman na sisingsisi.
"The father of Mattew is Senator Matthias Jong Revilla, and I don't know kung pano sila nagkaroon ng connection sa mga ito. Masyadong malihim ang pamilya Cannor bro and ito ang kauna-unahan na nagpublic sila ng pamilya. Karamihan sa mga business nila ay mga subCEO lamang. At para maging miyembro ng pamilya nila, sa pito na yan lamang ang magiging daan. The f**k thing is she's the only princess!!!! At mailap sila sa tao!!! Di mo lang sila namamalayan na nakakasalamuha na natin dahil magaling silang magpanggap. May rumor na nakapag asawa na sa mga magkakapatid ng mga simpleng babae. And may rumor din na they are mostly nasa ibang bansa. f**k! But this is not about money bro, tinamaan talaga ako sa babaeng yun. "
****
"Yes, you can get a paternity test while pregnant with the safe and patented Certainty Non-Invasive Prenatal Paternity test from DDC. This advanced DNA test requires only a blood sample from the mother and a simple cheek swab from the possible father, and can be performed as early as seven (7) weeks into the pregnancy. Dahil sa (4) four weeks palang ang dinadalang tao ni Miss Liza, we need to wait almost one month para malaman kung sayo ba ang pinagdadalang nito. " paliwanag ni Doctor Montalban sa dalawa bago nila nilisan ang clinic nito.
"Anu ba Mattew! Kailangan bang gawin pa natin ito. I told you sayo ito! " si Liza na nagpupumilit. "You need to marry me soon Babe. Sasabihin ko na kay dad na buntis ako at hindi ako papayag na tatakbuhan mo nalang ako just because of that witch!" dagdag pa nito.
Naunang umalis si Liza sakay ng kanyang sasakyan. Habang si Mattew naman ay nakatanggap ng balita kay Don Cannor na dalawa pa sa kanyang nakarelasyon ay buntis rin. Pinagbawalan na rin siya muna ng matanda na lumapit sa kanyang apo hanggang hindi pa naisasaayos ang lahat. Ngunit makikipagtulungan ito upang malaman ang katutuhan.
Lumipas pa ang ilang araw ay nabalitaan na lamang niya na si Princess ay sumama sa kanyang mga magulang na umuwi ng London. At kasabay nito ay ang ama ni Liza naman ay biglang napasugod sa bahay ni Senator Jong.
Galit na galit ito ng malaman na si Mattew ang itinuturong ama nang dinadala ng kanyang anak.
"Where is your son Senator Jong. I want to talk to him. " salubong nito sa ama ni Mattew.
"Sir Gadon, until na hindi mapapatunayang kay Mattew ang dinadala ng anak ni Miss Liza ay hindi ko maaaring maibigay sa inyo ang kalayaan ng aking anak. " malumanay na wika ni Senator.
"What the hell are you talking about!? Dahil ba ito dun sa babaeng sinasabi ng anak kong kinahuhumalingan ng inyong anak!? " namumulang mukha na tugon nito dahil sa galit.
"Yes. " derecho niyang sagot. " Ang aking anak ay nakaarrange marriage na po sir three years ago. Hindi masamang maghintay ng isa pang buwan upang makasiguro sa lahat Sir. One month lang po ang hinihingi naming palugit. Kung siya man ang ama ay pananagutan niya. Hindi kami tatakbo sa anumang responsibilidad. " matatag nitong wika.
"Kalukuhan! Who is the hell behind of this at parang hirap kayong bitawan ang usapang iyan! Anong meron sa pamilya ng mga yun na wala sa pamilya ko Senator!? Anak ko ang nangangailangan ng atensyon ngayon!"
"It's not about that sir. Im sorry to say this pero mahal ng anak ko ang babaeng pakakasalan niya. Ito ang pinakadahilan kung bakit ayaw sumuko ng anak ko sa sitwasyong ito."
"There will be no one month Senator. Ikakasal ang anak nyo sa anak ko as soon as possible sa ayaw o gusto nyo or magpapatawag ako ng media upang pabagsakin ang pangalan mong iniingatan! " banta ni Mr. Gadon.
"You can't do that Sir. Dahil kapag ginawa nyo yan, hindi ako ang makakalaban nyo. Maaapektuhan ang mga business na iniingatan nyo. If im not mistaken, malaki ang shareholder ng taong ito sa company mo sir Gadon. " si Senator na naupo sa couch at inirelax ang katawan sa pagsandal sabay hilot nito ng kanyang nananalig na sentido.
"What are trying to say Senator? " si Mr. Montalban na napapaisip sa sinabi ng kausap.
"Ang taong pakakasalan ng anak ko ay ang nagiisang anak na babae ni Miss Jewel Cannor Sir. Sa totoo lang hindi lang anak mong si Liza ang pinaiimbistigahan nila ngayon. May dalawa pang babae na sinasabing si Mattew ang ama na pinagdadalang tao nila. Nakakahiya na nagkaroon ako ng anak na sugapa sa babae Sir pero hindi ko masisisi ang anak ko dahil babae na ang mismong lumalapit sa kanya.... At kapag lumabas na hindi anak ni Mattew ang batang dinadala ng tatlong babae, diba mas lalong nakakahiya? Mas lalaki ang gulo? We better to wait for the right time, sa ngayon yan muna ang puwede nating gawin. Thank you for your understanding sir. Sana makipagcooperate kayo. Mag-iingat kayo sa pag-uwe. " pahayag ni Senator na buo parin ang loob na magsalita at iniwan ang bisita sa sala.
Si Mr. Gadon naman ay walang naisagot sa ama ni Mattew. Tahimik itong lumabas ng compound ng Revilla.
At ng makauwe ito sa kanilang subdivision ay agad siyang pumasok sa kanyang opisina sa loob ng bahay. Binuksan nito ang list ng kanyang company profile at inalam ang estado ng kanyang kompanya. Dito niya nakita na almost 60% na ang shareholder nito sa sarili niyang company at 35% na lamang ang sa kaniya. Hindi man lamang niya napansin ang mga bagay na ito sa nakalipas na buwan.