bc

Break Me But Heal Me

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Rene John Roa III is a young bachelor CEO of the famous ROA'S DEPARTMENT STORES. But despite with all the assets he owns, hides a man suffering from Alexithymia- A type of condition who lacks in emotional awareness and had difficulties in identifying and distinguishing emotions, kaya tinagurian siyang "Cold Bachelor".

Takot lahat sa kanya ang mga empleyado niya dahil ni minsan, hindi pa siya nakitang ngumiti ng mga ito. Ayaw din niyang nakakakita ng ibang expression sa mukha ng kanyang kaharap kundi "Poker Face" lang dapat.

Until one day, He met Elyne Mae Gumbao- ang pinsang author ng Doctor niyang si Adam na may Dissociative Identity Disorder. Paano kung ang pagaling ng disorder ni Elyne ay muling bumalik mula ng magtagpo ang landas nila ni Rene John?

Makakaya ba nilang tanggapin ang isa't-isa? Makakaya ba ni Rene John mahalin ang babaeng may iba't-ibang personality na pinapakita? Mapapagaling ba nila pareho ang pusong sugatan nila na hatid ng mga nakaraan nila?

Can they break, but heal each other's pain?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Nakita mo diba? Nakita mo na hindi ako ang tumulak kay Kuya diba?!" Galit na pagsusumamo ng binatilyong si Rene John. Pero gaya kanina ngiting nakakaloko lang ang sinagot ng kausap. "M-Mae". Bulong ng binatilyo na tila naguguluhan sa inaakto ng dalagita. "Ano naman ngayon kung nakita ko? Wala akong pakialam sa buhay mo o ng kahit na sino, sa susunod na haharangin mo dinadaanan ko baka sumunod ka na sa Kuya mo." Mataray na sabi ng dalagita bago iwinakli ang dalawang kamay ng binatilyo na nakapatong sa balikat niya at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan ang naguguluhang si Rene John. Akala niya matutulungan siya ng dalagita na malinis ang pangalan niya sa pamilya niya. Pero bakit ginagawa ito ng dalaga sa kanya? Bakit ayaw siyang tulungan nito? Nakalimutan na ba nito ang pagkakaibigan nila? O ang nararamdaman nila sa isa't-isa? Akala niya pareho sila ng nararamdaman, O baka... Akala lang niya ang lahat? Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, ay ang pag-agos din ng mga luha sa mga mata na kanina pa niya pinipigilan. Saan ba siya nasasaktan? Sa hindi siya matulungan nito o sa isipin na baka siya lang pala ang nagmamahal dito at wala pala itong nararamdaman para sa kanya? Mas lalo siyang napaiyak sa isiping iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Akala niya masakit na ang puntong pinagbintangan siya ng sarili niyang pamilya, pero mas masakit pala kapag tinalikuran ka ng babaeng ni sa panaginip hindi niya inisip na tatalikuran siya. Nang makita niya ang isang truck na sobrang bilis na minamaneho ay wala sa katinuan na naglakad siya papunta sa gitna ng kalsada. "Kung wala man lang din maniniwala sa akin, mas mabuti pa na mawala na lang din ako. Hindi ako mamamatay tao, hindi ako ang pumatay kay Kuya." Umiiyak na sambit niya habang nakatingin sa sasakyan na bumubusina papunta sa kanya, hindi ito makapreno dahil sa sobrang dulas ng daan. Nang papalapit na sa kanya ang sasakyan ay pumikit siya. "Hanggang sa muli." Bulong niya pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
232.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook