Isang gabi, isang laro, at pitong magkakaibigan.
Magsisimula ang lahat sa isang simpleng laro ng Mafia, Doctor, Police, at Detective—isang pampalipas-oras para sa isang panggabing galaan.
Sa simula, puro tawanan at asaran lang. Nagpapagalingan sa pagpapanggap, nagtuturuan, at naghahanapan kung sino ang nagsisinungaling.
Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang ilaw... at may isang hindi na nagising.
Ang akala nilang laro lang, naging totoong bangungot. Ang mga papel na nabunot nila sa papel—Doctor, Police, Detective, at Mafia—ay naging totoong responsibilidad at panganib.
Walang pwedeng lumabas sa silid, walang pwedeng magtiwala, at bawat isa ay may itinagong lihim.
Sa bawat pagpatak ng orasan, kailangang mahanap ng Detective ang tunay na mamamatay-tao bago pa maubos ang mga manlalaro. Liligtasin ba sila ng Doctor, o mas mauuna ang baril ng Police?
At higit sa lahat... sino sa mga kaibigan nila ang nagtatago sa likod ng maskara ng Mafia?
In this game of trust and betrayal, one rule remains: Trust no one.
*****
Author’s Note
Welcome to Who is the Killer!
Get ready for a game where trust is a luxury and survival is the ultimate prize. Will they unravel the mystery, or will the darkness claim them one by one?
Happy reading, and enjoy the thrill!