Chapter 2: Un/Forgotten Memories

1422 Words
Hindi rin nagtagal si Ryzen. Nagkuwentuhan lang kami at konting kamustahan pagkatapos ay nagpaalam na rin siya agad. Maaga pa raw kasi ang trabaho niya bukas kaya kailangan niya nang umuwi. Nag-offer pa si Ryzen at Erina na ihatid ako hanggang sa sakayan ngunit agad ko ring tinanggihan. Nirason ko na maglalakad lang ako para magpawala ng tama ng alak kahit ang totoo ay wala na akong pera para ipamasahe. Pauwi sa apartment kung saan ako tumutuloy ay madadaanan ang convenient store kung saan ako nagtatrabaho. Si Shein ngayon ang bantay hanggang bukas ng alas-dos ng madaling araw. Humingi ako ng pabor na siya muna ang magbantay dahil may get-together kami ng mga kaibigan ko. Luckily, wala siyang gagawin kaya pumayag din siya. Sa kaniya pa rin naman mapupunta ang sahod ko ng isang araw kaya hindi na rin masama. Pagbukas ko ng glass door ay sinalubong niya agad ako ng ngiti mula sa counter. "Akala ko may party kayo ngayon ng mga kaibigan mo? Pauwi ka na niyan?" Tanong niya. Daumaan muna ako sa counter upang batiin at sagutin ang tanong niya. "Pauwi na. Inuubos ko raw kasi ang pulutan kaya pinauwi na nila ako," biro ko na sinakyan niya naman. "Halata nga. Mukhang nagbalot ka pa?" Natawa na lang kami pareho. Saka ako dumiretso sa usual na binibili ko. "By the way, dumating ba yung kinukuwento mo sa akin?" Tanong niya na nagpahinto sa akin. "Yeah, apparently they are doing great. And..." Ilang saglit pa bago ako nakapagpatuloy sa pagsasalita. "They are getting married soon," dugtong ko na may pait na ngiti. "Agad-agad? Hindi naman nalalayo ang edad niyo diba? Magpapatali na agad siya?" Gulat na tanong niya. "Nagulat nga rin ako nang makita ko yung sing-sing niya. I wonder how it feels to get married at an early age?" I ask more to myself than her. "Same," Dagdag niya. "Welcome, sir!" Bati niya sa kakapasok lang na customer, habang ako ay busy sa pagpili ng flavor nang bibilhin ko. It was just a crush. But I can't help to feel hurt. Specially, knowing that we've been together for so long but I never admit to him what I feel. I keep it for so long because I'm afraid. One time he ask me to have dinner with him. I gladly accepted his invitation without second thought. Sobrang saya ko at halos hindi na ako makatulog dahil sa trabaho at pagtitipid. I doubled my job just to earn more money in preparation of our dinner. Ang daming tanong sa isip ko ng mga oras na iyon. Magkano ang kailangan ko para sa dinner namin? Saan? Anong isusuot ko? I was very excited. But it turns out to be cancelled. It was embarrassing because I prepared too much. But what embarrassed me more in that moment was having to worry about money for a petty dinner when I'm already struggling to pay my expenses. And here I am again, worrying of spending my last pocket money for my morning food. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko at ang nagbabara kong lalamunan. Pati na rin ang nag-iinit kong mga mata na isang pitik na lang ay siguradong tutulo na ang luha. Nangmakuha ko na ang lahat ng bibilhin ko ay agad na rin akong dumiretso sa counter. Isa-isa niyang ini-scan ang mga kinuha ko. "Sayo yung coffee. Thank you sa pag-cover sa akin ngayon. Next time ililibre kita ng dinner," pasasalamat ko sa kaniya. "Nah, walang problema. Dagdag kita ko rin naman ito kaya ayos lang. That will be three hundred forty-five pesos," sagot niya saka ko kinuha ang wallet ko. Napatulala na lang ako ng ma-realize ko na kulang ang pangbayad ko. Nawala sa isip ko na bumili pala ako ng biscuit at mineral water kanina after class. "Short ako ng forty pesos..." Sagot ko na nakatulala pa rin sa wallet ko. "I appreciate your gesture. Let's do without the coffee. I'm sure may pinag-iipunan ka kaya two hundred lang ang dala mo." It's always like this. Forget what I want, even those things that I need I can't even buy. No matter how hard I work, I never have enough. That last string that I'm holding was cut off. I feel the hot liquid flowing on my face from my eyes. Bigla akong tinamaan. Parang yung alak na ininom ko ay ngayon lang na proseso ng utak ko. Agad na lumabo ang mga mata ko dahil sa patuloy na pagtagas ng luha. "Hala siya. Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. "Hey, it's okay. Mukhang lasing ka na nga," biro niya na may mahinag tawa. "Let me pay for her." Baritonong boses mula sa likod ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Unti-unti ko nang nararamdaman ang alak sa katawan ko. Tila inipon muna ito at ngayon lang isinampal sa akin. Binigay niya ang kaniyang credit card kay Shein pati na rin ang mga babayaran niya. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa matapos siya. Hindi pa rin nagpoproseso sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya natutulala ako at bumagal bigla ang pagproseso ng utak ko o kulang lang ako sa tulog. "Wait!" Tawag ko sa kaniya ng tuluyan nang magproseso sa utak ko ang nangyayari. Nakalabas na siya convenience store kaya hindi niya na ako narinig. Kinuha ko ang binili ko na binayaran ng lalakeng customer at saka ko siya hinabol. "Sandali!" Tawag ko ulit sa kaniya. Nilingon niya naman ako kaya naabutan ko pa siya. "Salamat," sambit ko. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad na sinabayan ko rin dahil doon din ang direkiyon ng apartment na tinutuluyan ko. "It seems you are too drunk," simula niya. Napangiti na lang ako habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Buti na lang at medyo madilim kaya hindi niya makikita ang nakakahiyang mukha ko. "Ahh, medyo. Nag-bonding kasi kami ng mga kaibigan ko." Masayang sagot ko. Para akong may mood swings. Kanina lang ay umiiyak ako, ngayon nakangiti na ulit ako. "It seems you had fun." Napansin niya rin siguro ang pagbabago ng tono ko kaya niya nasabi iyon. "Yeah, it's kinda fun. Though I became the whole topic," kuwento ko. "Bakit naman?" Tanong niya. Saglit siyang lumingon sa direksiyon ko kaya alam ko na interesado rin siya. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "They asked me what will make me happy. Sinabi ko sa kanila na one hundred thousand pesos ang magpapasaya sa akin. And they make a big deal of that." "One hundred thousand pesos? What would you even do with only that?" Curious na tanong niya. "Not again... By the way, thanks again. Give me your number so I can pay you back," nakangiting sabi ko habang nakatingala sa kaniya. He's really tall. Though I can't see his face clearly because of my blurry eyes due to alcohol and the darkness of night, I know he is handsome. "Don't worry about it. It doesn't even cost that much. Not even cost me five hundred pesos," sagot niya na ipinagsawalang bahala na lang ang tanong. "But it cost much for me since I couldn't even pay for it." Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa pag-amin ko. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Nagsalubong ang mga mata namin nang lingunin niya ako. "What if I give you the money?" Tanong niya bigla. "You mean the five hundred pesos?" "One hundred thousand pesos," seryosong sagot niya. "Would that make you happy?" Ramdam ko na ang hilo at unti-unting pagbagsak ng mga talukap ng mata ko. Ngunit nagawa ko pang sagutin ang tanong niya. "I think so..." Pagkatapos no'n ay tuluyan na akong nilamon ng kalasingan. Naghalo na ang ang antok, pagod at alak sa katawan ko. Hindi ko alam kung nananaginip na ba ako o totoo pa ang mga nangyayari. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay umaga na. Bumangon ako mula sa pagkakahiga upang mawala ang antok na dala ng kakulangan sa tulog. Na istatwa na lang ako at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ko ang paligid ng kuwarto ko. Pera. Nagkalat ang asul na pera sa buong kuwarto ko. Isa-isang bumalik ang mga memoryang kanina lang ay hindi ko maalala. Ang lalaking kasama ko umuwi. Ang mga perang winithdraw namin mula sa ATM machine. Ang paghubad ko ng mga damit. At... At ang paghatak ko sa kaniya at paghalik. "What. The. Fuck... What happened?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD