Natanaw na ni Denisse si Dominico na papasok sa coffee shop kaya ngumiti siya nang matamis kay Enrico na kapatid ng ex-boyfriend niyang si Conrad. Hindi sana niya haharapin ang kuya ng ex-boyfriend niyang gusto pa siyang isangkot sa kaso nito sa iligal na droga. Pero nang malaman nitong nasa Hacienda Luna na siya ulit ay hindi na siya tinigilan ng tawag ni Enrico. Kapag nalaman ng Papa niya na hinarap niya ulit ang pamilya ng dating kasintahan ay kagagalitan siyang talaga. Dinala niya si Enrico sa Luna Hotel para pag-usapan ang resort na itatayo ng pamilya nito. Noon pa naman nila napag-usapan na siya ang kukuning arkitekto roon. Hindi naman niya matanggihan ang kuya ng dating kasintahan dahil kasama niya sa proyektong ito ang mga kaibigan ding young engineers at architects. Hindi k

