bc

The Punishment

book_age18+
9.7K
FOLLOW
66.3K
READ
billionaire
forbidden
HE
powerful
bxg
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Si Denisse ang dahilan ng aksidente ng kaibigang si Bennett na halos ikalumpo nito. Isang taon itong hindi nakalakad. Akala niya ay kaya niya nang takasan ang ginawa dahil pinagtakpan siya ng kaibigan sa pamilya nito.

Pero iyon lang pala ang akala niya. Nang umuwi ang kaibigan sa Pilipinas matapos dalhin sa Hawaii ng pamilya nito para doon magpagaling, sinisingil na siya sa kasalanang nagawa niya.

Ipinagkasundo siya ng ama kay Bennett para makabawi siya sa pamilya Guererro. Wala namang problema sa kanya na makisama sa pamilya ng matalik na kaibigan. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang kapatid nito na nakita niya sa kauna-unahang pagkakataon.

Dominico Guererro. Ang lalaking maniningil sa kalokohang ginawa niya kay Bennett limang taon na ang nakalilipas

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ohhh, faster, honey!" Mula sa bibig ng isang babae ang sunod-sunod na ungol na kumawala sa lalamunan nito. "Ahh, you're so good..." "I'm coming, honey! Uggghhh!" sagot naman ng lalaking kaniig. Hindi lang ang sagutan at ungulan ng dalawa ang maririnig kung hindi ang paglangitngit ng kama sa maliit na studio-type na apartment na iyon. Napakuyom ng palad si Dominico. Napakasakit na matuklasan niya mismo ang pagtataksil ng babaeng kaisa-isa niyang iniibig. "Ahhh! You're so good!" "Oh, I love how your p***y is so tight, Lilia. My c'ck is in love with you!" "Yes, honey, my p'ssy is yours forever." Tumalikod na siya para lumisan sa lugar. Lahat ng tsismis ng mga kamag-anak nila na nagtataksil ang kasintahan niya habang wala siya sa Pilipinas ay napatunayan niyang lahat ngayon. Noong una'y hindi pa niya gustong paniwalaan. Kailangan pa niyang puntahan mismo sa inuupahan nitong apartment para masaksihan kung gaano nagpakasasa ang kasintahan sa pakikipagniig sa ibang lalaki. Tumuloy siya sa isang bar para maglasing. Gusto niyang kalimutan ang sakit sa pamamagitan ng alak. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan bukas dahil ang alam ni Lilia ay bukas pa ang uwi niya galing sa Hawaii. Sinadya niyang agahan ang uwi para kumpirmahin ang palaging sinasabi ng pinsan na may bago nang kinalolokohan ang kasintahan niya. Isang foreigner na matagal nang naninirahan dito sa Olongapo at balak nang magtayo ng negosyo para mamalagi na dito nang tuluyan. Habang siya ay nagpakalunod sa pagtatrabaho sa Hawaii para makaipon ng engrandeng kasal na pinapangarap ni Lilia, ito naman pala ay tumalikod na sa sinumpaan nilang pangako sa isa't isa. Hindi niya alam kung paano lulunurin sa alak ang sarili ngayon para mawala ang sakit sa dibdib niya. Kasintahan niya si Lilia college pa lang sila. Sa Hawaii sila nagkamabutihan dahil pareho silang Pilipino at palagi itong nakadikit sa kanya. US Citizen na siya dahil na-petisyon siya ng Uncle at Auntie niya na inampon siya noong maliit pa lang. Si Lilia naman ay high school pa lang noon na nakahanap ng foster parents na kukupkop dito at madala ito sa Hawaii para pag-aralin. Mataas kasi ang pangarap nito at pursigidong iahon ang pamilya sa kahirapan. Habang nasa kolehiyo ay sabay silang nangarap at nagplano. Ang gusto nito ay makabili ng lupa sa Maynila at makapagpatayo ng mansyon. Gusto rin nito ng engrandeng kasal kaya't pinaghahandaan sana niya dahil balak na nilang magpakasal kaya sila uuwi sa Pilipinas. Kasal na naudlot nang naudlot dahil nagastos niya ang perang naipon dahil kailangang dalhin ang kapatid niyang si Bennett sa Amerika para doon ipagamot. Habang umiinom ng alak ay binalikan niya sa isip ang dahilan kung bakit naubos na naman ang pera niya na dapat ay para sa kinabukasan nila ni Lilia. "Ano ba'ng nangyari sa kanya, Ma?! Paanong hindi siya makalakad?!" tanong niya sa tunay na ina nang tawagan siya nito at humingi ng pera para sa pagpapagamot ng bunsong kapatid. "Niyaya ni Denisse na mangarera ng kabayo. Ayun, nahulog dahil hindi naman talaga marunong ang kapatid mo." "At sino namang tangang magyayaya kay Benette na mangarera gayung wala naman tayong kabayo sa bahay?!" May malawak silang lupain sa Botolan na isa rin niyang sinusustentuhan dahil ayaw ng mga totoo niyang magulang na mawala iyon. Hindi na kumikita ang hacienda mula nang ma-stroke ang Papa niya at napabayaan na ang pamamalakad ng niyugan nila. Pinauna niya doon si Lilia para makapagbakasyon ito nang matagal sa Pilipinas. Pero ang balak niyang pagsunod ay naudlot dahil kailangan na naman ng Mama niya ng perang pampagamot naman sa ospital. Malaki raw ang pinsala sa binti ni Bennett na maaaring hindi na ito makalakad. "Pasensya na, anak. Kapag nakatapos ang kapatid mo'y hindi na kami hihingi ng sustento sa inyo dahil nangako naman siya na ibabangon niya ang niyugan. Pero ganito naman ang nangyari." Mula sa kabilang linya ay panay ang singhot ng Mama niya sa pag-iyak. At dahil malalim ang pagmamahal niya sa totoo niyang pamilya, hindi naman niya kayang tiisin na unahin muna ang kapakanan ng kapatid bago ang engrandeng kasal nila ng kasintahan. "Hindi ho ba tutulong ang nakadisgrasya kay Bennett?" "Ang pamilya ni Denisse ang sumagot sa pagpapagamot ni Bennett sa ospital dito sa atin. Pero kailangan siyang madala sa Maynila sabi ng mga doktor kung gusto nating maibalik pa ang paglalakad niya. Kulang ang pasilidad ng mga ospital dito sa bayan natin." Wala siyang ideya kung sino si Denisse. Matagal na siyang hindi umuuwi sa Pilipinas dahil kailangan din ng ama-amahan niya dito sa Hawaii ng presensya niya. Bukod pa sa kailangan niyang kumayod nang kumayod para maibigay ang marangyang buhay na pinapangarap ni Lilia. "Sige ho, wala hong problema, Ma, magpapadala ho ako ng pera." "Maraming salamat, anak. Kahit nasa Hawaii ka na ay nadadamay ka pa rin sa problema namin dito sa Guererro Farm. Mabuti na lang apat na buwan pa mula ngayon ang kasal mo. Balak muna naming isanla ang kalahati ng niyugan para maibalik ang lahat ng gagastusin mo kay Bennett ngayon." Nakahinga naman siya nang maluwag kahit paano. Maisasanla man ang malawak nilang lupain, mababawi naman niya ang perang kailangan niya para kay Lilia. Saka niya na iisipin kung matutubos pa ba ang lupa dahil mas mahalaga ngayon ang pagsagip sa kapatid niya. Nang maisanla nila ang lupain ay nagdesisyon pa sila ng Mama niya na sa Amerika ipagamot si Bennett. Nawalan na kasi sila ng pag-asa matapos sabihin ng doktor sa Maynila na kailangan nang putulin ang paa nito. Naurong pa ng apat na buwan ang kasal nila ni Lilia. At ngayon nga na maayos na kahit paano ang kalagayan ng kapatid niya, panahon naman para asikasuhin ang personal niyang buhay. Pero may bali-balita nang may ibang kinalolokohan ang kasintahan niya. Sa Olongapo kasi ito tumuloy dahil ayaw nitong mamalagi sa farm na kinababagutan nito. Pinapadalhan niya ang kasintahan sa pambayad sa upa sa apartment habang wala pa itong trabaho. Pagkatapos ng kasal ay babalik silang dalawa sa Hawaii katulad ng una dapat nilang plano. Pero ngayon ay magsisimula na naman siya sa wala. Babalik siya sa Hawaii nang bigo sa pag-ibig at sa pangarap. Matapos maglasing ay sa isang mumurahing motel siya tumuloy. Bukas na niya kokomprontahin ang kasintahan. Makikipagkalas na rin siya at tatalikod na sa pinaplano nilang kasal. Kinabukasan ay maaga siyang nagtungo sa apartment ng kasintahan. Siya pa ang sinisi nito kaya daw ito bumaling sa ibang lalaki. "Alam mo namang ayokong bumalik sa hirap, Dom. Okay na sana eh, nakaipon na tayong dalawa para sa future natin. Pero anong ginawa mo? Wala ka namang ginawa kung hindi humingi ng pasensya dahil nagastos mo ang pera natin para sa kapatid mo. Hindi na sila ang pamilya mo, hindi ba? Ipinaampon ka na nila kina Daddy Johnny pero gusto mo pa ring sa hacienda tayo ikasal kahit ayaw ko." "Sila pa rin ang tunay kong pamilya, Lilia. Gusto lang ni Mama noon na makatuntong kami sa Amerika kaya ako ipinaampon sa kapatid ni Mama." Nakapag-asawa kasi ang tiyahin niya ng isang sundalong Amerikano noon. Pero hindi nagkaanak ang dalawa. At dahil hindi naman maayos ang kita ng niyugan ay nagpasya ang kapatid ng Mama niya na ito ang magpaaral sa kanya. Pero malinaw sa kanilang lahat na arrangement lang 'yun para magkaroon siya ng Green Card. "Nalaman kong isinanla ng Papa mo ang kalahati ng lupain niyo. Ano naman ang susunod mong iisipin? Ang pagtubos sa lupa? Ang kinabukasan na naman natin ang maantala? Alam mong pagod na 'ko sa hirap, Dom. Kaya ako pumayag na magpakasal tayo kasi nangako ka na sapat ang pera natin para matupad ang pangarap natin ng marangyang buhay." "Hindi ko puwedeng talikuran ang pamilya ko, Lilia," malungkot niyang pahayag. "Ipapadala ko ang pera mo sa banko. Ibabalik ko rin ang mga nagastos mo na para dapat sa kasal natin. I'm sorry if I wasn't able to give you the life you wanted. Goodbye." Malungkot niyang nilisan ang Pilipinas pagkatapos. Sa Hawaii niya na ibinuhos ang lahat sama ng loob at sakit ng pagkabigo sa pag-ibig. Hindi na siya sumubok na magmahal ulit. Lahat na yata ng trabaho ay pinasok niya para lang makalimutan ang sakit ng pagtataksil ni Lilia. Mabilis siyang nakaipon ulit. Napagtapos din niya ng pag-aaral si Bennett na doon na rin nanirahan sa Hawaii. At thirty-three years old, he became a successful businessman. He was desired by many women too. Pero walang lugar sa kanya ang pag-ibig sa ngayon. Natubos na ang lupang naisanla nila noon. Gusto ng kapatid niya na bumalik sa Pilipinas para pangasiwaan ang farm katulad ng pangako nito noon sa mga magulang nila. Pero duda siya kung kaya nito dahil mula nang gumaling ito at doon na nag-aral sa Hawaii ay panay naman barkada ang inatupag nito. Ang katwiran ni Bennett, nabigyan ito ng pangalawang buhay kaya hindi dapat sayangin. Live life to the fullest, ika nga ng kapatid. "Umuwi ka rin dito muna, anak," pagkumbinsi ng Mama niya sa kanya. "Uuwi rin ang Mommy Mercy mo dahil nalulungkot lang siya sa pagkawala ng Daddy Johnny mo. Ano ang gagawin mo d'yan mag-isa?" "Napakaraming trabaho sa hotel, Ma," sagot naman niya sa kabilang linya. "Yun nga din ang dahilan kaya gusto kitang magbakasyon, puro ka na lang trabaho. Ni hindi mo na napaglaanan ang sarili mo. Wala ka na ba talagang balak mag-asawa, anak?" Palagi na lang siyang kinukulit ng Mama niya pagdating sa pag-aasawa. Hindi rin naman talaga niya masagot kung bakit hindi na siya nagkaroon ng interes sa ibang babae. Limang taon din silang naging magkasintahan ni Lilia. Pakiramdam niya'y naibuhos niya na lahat ng pagmamahal na meron siya sa dating kasintahan. "Si Bennett na lang ho ang pag-asawahin niyo nang magtino. Hindi na napirmi sa bahay kakagala sa buong dako yata ng Amerika. Sigurado ho bang pamamahalaan niya ang niyugan?" "Aba'y ewan ko rin d'yan sa kapatid mo. Na-spoiled naman kasing masyado sa 'yo kaya ayan, lahat ng gusto nasusunod." "Siya lang naman ang kaisa-isa kong kapatid eh. Pero sige ho, sasamahan ko siya pag-uwi sa 'tin nang makita ko kung seryoso nga ba talaga siya sa pamamahala sa lupain natin." "Mabuti naman, anak. Itawag mo kaagad kung kailan ang flight niyo nang makapaghanda kami ng makakain, hane? Miss na miss ko na kayo ng kapatid mo." "Sige ho, Ma. Magpapa-book muna kami ng ticket nila Mommy at Bennett." Matapos makausap ang ina ay binisita niya muna ang hotel na mina-manage niya ngayon. Hindi sa kanya ang hotel pero ang coffee shop at restaurant doon ay pag-aari niya bukod pa sa iba pang coffee shop niya sa ibang lugar pa sa Hawaii. Kumikita nang maayos ang mga negosyo niya roon at malaki ang kita niya bilang General Manager sa hotel ng isang malapit na kaibigan. Pero tama ang Mama niya, kailangan niya rin minsan ang magbakasyon at ipahinga ang sarili sa trabaho. Kinabukasan ay nakakuha na siya ng ticket para sa dalawang bakasyon niya sa Pilipinas. Ito lang ulit ang bakasyong matatamasa niya mula nang maghiwalay sila ni Lilia. Ang balita niya ay nasa Olongapo pa rin ito na kasalukuyang namamahala ng supermarket kasama ng asawa nitong Amerikano. May panghihinayang pa rin siyang nararamdaman. Kung sana'y nakapaghintay at nakapagtiis nang kaunti si Lilia noon ay naranasan din nito ang marangyang buhay na kaya naman niyang ibigay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook