Pagbalik ni Dominico sa bahay nila ay kausap ng mga magulang nila si Bennett. Hindi man niya gustong makinig ay may kinalaman si Denisse sa pinag-uusapan ng mga ito. At dinig na dinig rin naman hanggang sa labas ang pag-uusap na iyon. "Simula ngayon ay hindi ka na puwedeng sumama sa mga kaibigan mo, Bennett. Hindi ka na rin aalis ng bahay nang wala kaming pahintulot. Siguradong pinababantayan ka na ng mga Silvestre para masigurong maayos na lalaki ang mapapangasawa ni Denisse. Hindi ka ba nahihiya?" Napakunot ang noo niya sa galit na narinig sa ama. Pinagagalitan nito ang kapatid niya. "Makinig ka sa Papa mo, anak. Mabuti nga at mabait ang mapapangasawa mo. Marunong pa sa buhay. Ano pa ba ang hahanapin mo?" Mas mahinahon ang Mama niya sa pakikipag-usap sa kapatid pero tumaas pa

