Kanina pa hindi mapakali si Dominico sa labas ng emergency ng ospital habang ginagamot ng mga doktor si Bennett. Nabangga ang kotseng minamaneho nito dahil sa mabilis na pagpapatakbo sa highway. May nakasalubong itong malaking trak sa kurbada patungo sa kabilang baryo at nakaladkad ang kotse. Agaw-buhay ngayon ang kapatid niya na pilit nire-revive ng mga doktor. Tuliro siya ngayon pati ang Mama't Papa niya. Kanina ay nandito ang mga Silvestre maliban kay Denisse na wala daw ginawa kung hindi ang umiyak. Kotse nito ang ginamit at ito ang kasabwat ng kapatid niya para kitain nito ang babaeng kinalolokohan ni Bennett sa bar. Ito ang sinisisi ng Papa niya ngayon dahil sa pangungunsinti kay Bennett na patulan ang Marinella na 'yun. And he wanted to blame her too. Again. Kung bakit ka

