Simula

2579 Words
            Simula  "One, two, three..." Maingat na hinakbang ko ang mga paa habang walang boses na nagbibilang. My eyes were sharp, ears up, and waiting for the right time to release the string. My heart was beating so fast due to excitement, and my mind was shouting for more. Malalim na ang gabi at ang mga ordinaryong tao ay tiyak na mahimbing na ang tulog. Nakakainggit isipin pero naalala ko, iba pala ang timezone namin. Tulog ako sa umaga at gising naman sa gabi. I'm not complaining though, as I always make sure to enjoy my night. Tiningala ko ang ulo at nilibot ang tingin sa pasilyo ng pangalawang palapag. Ang mansiyon na matagal ng inabandona ay nagsisilbing taguan ng mga immortal na walang puwang sa mundo. May malaking butas ang mataas na bubong ng mansiyon, kaya tanaw na tanaw ko ang buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan. I smirked when I saw a glimpse of red hiding in the dark corner. Slowly, I moved my hands holding a bow towards it. "Got 'yah..." I whispered and released the string. Nakita ko ang pagkintab ng dulo ng palaso nang tumama rito ang liwanag mula sa buwan. Sigurado akong hindi iyon malulusutan ng kung sinumang malas ang matatamaan. My target was injured and weak. I was sure that the creature wouldn't make it. I dropped my arms when I heard a loud thud. "Mahina ang pasok ng swerte sa 'kin ngayong gabi. Isang bampira lang ang napatay ko! I'm so disappointed!" mangiyak-ngiyak na kuwento ni Mallory, pinsan ko sa father side. "It was because your name means unlucky, Mallory." We were heading back to our campsite. Isang misyon na naman ang natapos namin sa gabing ito. I imagined our ancestors giving us a standing ovation because of our great work. Well, we deserved that. I deserved it. Nilakbay namin ang madilim na kakahuyan. Ang buwan ay sumisilip sa bawat tangkay ng naglalakihang puno. Naglilikha ng ingay ang bawat hakbang namin sa lupa na napupuno ng tuyong dahon at kahoy. Hindi na ininda ang posibilidad na baka ay may bigla tumalon sa amin. Subukan lang nila. "How about you, Ry? Ilan?" Ngumisi ako sa kaniya. "I lost counts." I killed four tonight. Sa mansiyon, sa may tabing ilog, at kagubatan. Noon ay nanginginig pa ako sa takot tuwing sumasama ako sa misyon, ngayon ay hindi na. Years of training made me strong and heartless. I never acknowledge those creatures and will never be. They deserved to die. "Ang daya mo! C'mon, Ry! Spill it. Ilan ang nabiktima mo?" pamimilit niya. "Three? Five? Seven? Or nine? But I didn't see any vamps aside from my victim! Kaya siguro ay... two!" she made a peace sign while smiling widely. "I killed four." "Four?!" her eyes widened. "Sabihin mo nga, may alam ka ba kung saan sila nagtatago? Grabe ka naman! Wala kang balak i-share?" Natanaw ko na ang nagbabagang apoy mula sa malayo. Malapit na kami, kaunting lakad na lang. Gusto ko ng umuwi at magpahinga pero bukas pa kami makakauwi. Kaya naman sa tabi ng ilog kami matutulog muna ngayon. May iilang tents din ang itinayo. "Palipat-lipat sila ng lokasyon, Mal. Kung sasabihin ko sa 'yo kung saan, hindi mo na rin sila madadatnan sa tambayan nila sa susunod," kaswal kong sambit. Sa oras na may makaalam kung saan sila matatagpuan, awtomatik na lilipat sila ng pagtatambayan. Kaya nga kailangan na magaling kami hindi lamang sa pakikipagbuno, pati na rin sa isipan. We are trained to be alert at anytime and anywhere because they might get a chance to kill us. Our clan's major rule is to never underestimate a vampire. But I'm not really a good follower. In our world, yes, vampires do exist. They exist to suck human's blood until nothing left, and we— hunters exist to kill them. "They're here!" sigaw ng kapatid ko nang matanaw kami. "Sa wakas at dumating din! Ang tagal niyo, kanina pa ako nagugutom." Binelatan lang siya ni Mallory. Si Simeon, ang kapatid ko ay abala sa pagpapaypay sa iniihaw niyang karne. Samantalang si Kuya Aamon, ang nakakatanda naming pinsan ay patuloy na sinisilaban ang apoy na magtutunaw ng pilak. Si Lolo Gaspare ay abala sa pagpupunas ng kaniyang palaso. "Siguradong maraming kawawang bampira na naman ang dumaan sa mga kamay ni Emory. So, kumusta? May sugat ka ba?" si Mama na pinipiga ang towel. Si Mallory ay kaagad namang sumabat. "Naku, Tita Astrid! She killed four tonight! Walang sugat o gasgas. Clear na clear pa rin ang skin..." "How about you, Mallory?" Hinayaan ko silang mag-usap. Nilapag ko ang mga gamit malapit kay Kuya Aamon. Nilingon niya ito at tiningala ako. "Bruises, Emory?" Umiling ako. "Wala, Kuya..." Pinagpatuloy niya ang ginagawa. "Maligo ka na at kakain na tayo. Huwag kang lumayo, Ry." Tumango ako. Si Kuya Aamon talaga ang paborito kong pinsan sa lahat. Kaya nga minsan ay sa kaniya ako nagpapa-baby o 'di kaya'y hinihikayat na kampihan ako tuwing napagsasabihan. Umalis na ako. Hinubad ko ang dyaket at sinampay. Pumasok ako sa campsite at kinuha ang panligo. Tuwalya, shampoo, conditioner, sabon at iba pa. Kung nasa bahay ako, tiyak na ibabad ko pa ang mahaba at itim na itim kong buhok sa hot oil. "Sabayan mo na si Emory maligo, Mallory. Huwag kayong magtagal at kung maaari ay diyan lang kayo sa tabi..." rinig kong sabi ni Mama nang lumabas ako sa tent. Kumilos naman kaagad si Mallory. Hinintay ko siya hanggang sa lumabas siyang may tuwalya sa balikat. Nauna na akong lumakad sa ilog, medyo sa madilim na parte ako dahil hubo't hubad akong naliligo. Sumunod naman si Mallory. Lumusong ako sa tubig hanggang umabot iyon sa taas ng dibdib ko. "Alam mo, Ry... naisip ko na paano kapag binalikan tayo ng pamilya ng mga pinatay nating mga bampira? Tapos maghihiganti sila..." Inipon ko ang tubig sa mga palad at binuhos sa balikat ko. Si Mallory ay hindi mapakali. Siguro nag-i-imagine na naman ng mga posibleng mangyayari. "They wouldn't even dare to do that, Mal. Kung may plano nga ang iba sa kanila, dapat matagal na nila tayo sinugod. Pero umabot na sa henerasyon natin, wala pa ring nangyayari." Mula pa sa ninuno ni Lolo Gaspare nagsimula ang trabaho namin. Tumatanggap kami ng utos mula sa gobyerno, binabayaran naman kami bilang kapalit. Tumanda na nga si Lolo Gaspare, namatay na si Lola, pero wala pa rin akong nababalitaang pagsugod. Kaya nga ay hindi na ako nababahala. "I'm just worried. Hindi ko lang maiwasan isipin ang posibilidad..." aniya. Sumisid ako sa ilalim. Ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig sa buong katawan ko, sinabayan pa ito ng simoy ng hangin. Nilinis ko ang katawan ko mula sa dulo ng buhok ko hanggang sa dulo ng kuko sa paa ko. Umahon kami matapos ang ilang minuto. Binihisan ko ang sarili ko ng cotton short at isang maluwang na suweter. Ikinulong ko sa towel ang basa kong buhok. Sabay-sabay kaming kumain habang nagk-kuwentuhan. Minsan ay sumasabay ako, pero sa lahat, si Mallory at Simeon ang pinaka-aktibo. Walang hiya pa nga nilang nilahad ang tungkol sa mga pribadong usapin. "Kaya ikaw, practice safe s-x muna! Bata ka pa para maging ina, Emory..." paalala ni Mama. Tumango ako pero lumabas naman sa kabilang tainga ang bilin niya. I'm taking pills for birth control but I haven't experience real s-x yet. But it doesn't mean that I'm inexperienced when it comes to that. I had flings. We kissed, made out, even did foreplays but no penetration happened. "Virgin pa iyan si Emory, Tita. Marami na nga po akong pinakilala pero laging no deal naman siya..." halakhak ni Mallory. "Hindi na nga po ako magugulat kung tatanda siyang dalaga. Na-i-imagine ko ang isang matandang masungit na si Emory dahil hindi kailanman nadiligan." Ngumisi ako at hindi na iyon pinatulan. Iniligpit namin ang mga kalat pagkatapos kumain. May tatlong tents kaming itinayo. Sa isa ay si Lolo Gaspare, ang isa naman ay kila Simeon at Kuya Aamon, tatlo naman kami nina Mama at Mallory sa isa pang malaking tent. Pinupunasan ko ng basang towel ang balikat ko nang tawagin ako ni Mama. Nasa bungad siya ng tent, nakaupo at pinagmamasdan ako. Si Mallory ay nasa loob na't mahimbing na ang tulog. Pati na rin ang iba. Ako at si Mama na lamang ang hindi. Hindi rin kasi ako makatulog. Sasakit lang ang ulo ko kung pipilitin ko ang sarili na umidlip. "Is this what you want?" tanong niya sa mababang boses. Natigilan ako. Tiningnan ko si Mama ng diresto, tinatantiya. Walang bahid ng kung anumang ekspresiyon ang mukha niya. Ang malalalim niyang mga mata ay sa akin nakatutok. Tumikhim ako't umiwas ng tingin. Ang binti ko naman ang pinunasan ko. Hindi makasagot sa tanong na ibinato. "No one f-rced you to become one of us, Ry. You joined without asking any questions. Ganoon din ang mga pinsan mo, pati ang Kuya Simeon mo. Hindi man lang kayo nagdalawang-isip..." Naging mabagal ang paggalaw ng kamay ko. Bata pa lang ay may ideya na ako sa pamilyang kinagisnan ko. Wala sa amin ang hindi pumapayag na hindi mapabilang sa kinakaharap naming trabaho. Hunting became part of us, it's more than earning money, more than anything. Noon pa lang ay gusto ko ng tumulong. Hindi ko tinatanong ang pamilya ko kung bakit naging ganito dahil alam ko at nasaksihan ko ang ginawa nila para sa mga tao. At age of twelve, I was trained to kill a vampire. I developed my skills through training and while doing so, my eagerness to protect the public kept on growing. I never stopped no matter how tired I was. Puwede ko naman piliin na mamuhay ng normal katulad ng iba, pero hindi ko ginawa. Nilingon ko si Mama. "Hindi ko naman po kayo kailangan kwestyunin. Alam ko kung bakit at para kanino natin binubuwis ang buhay ng bawat isa. Kaya wala po akong karapatan..." sabi ko. Umiling siya. "Puwede mo naman talikuran ang buhay na kinalakihan mo pero, pinili mong manatili kahit alam mong delikado. Ry, as your mother, I need you to enjoy your life like any other people. Kayo ni Mallory... hindi iyong tuwing gabi ay hawak niyo ang sandata niyo." I just pursed my lips, not wanting to say anything. Pumasok na si Mama sa tent. Ako naman ay sinampay ang towel na ginamit sa pampunas. Uminom muna ako ng tubig bago sumunod. I zipped the zipper of our tent and lie down beside my mother. Sa gilid niya ay si Mallory na padapang natutulog. Nakatalikod naman sa akin si Mama. Malalim akong humigit ng hangin para lang marahas itong ibuga. Ginawa kong unan ang kanang braso ko, ang isa ay nasa ibabaw ng tiyan ko. Ang ingay na nilikha ng puno ang huli kong narinig bago ako tuluyang makaidlip. Sa mahinang kaluskos nagising ang diwa ko. Pupungas-pungas akong bumangon. Tiningnan ko ang mga katabi ko at nakitang mahimbing pa silang natutulog. Humikab ako para lang umawang ang bibig dahil sa naririnig. Those familiar sounds... I could hear their voices, but I can't see their shadows. Bumaling ang ulo ko kay Mallory nang bigla siyang bumangon. Nagising din yata dahil sa ingay. "Vampires, Ry..." bulong niya. Marahan akong tumango. "Yeah, and it's still dark. Sa tingin ko ay sobra sa lima ang nasa labas." Her mouth formed an 'o' shaped followed by curses. "s**t! s**t! Iyong mga gamit natin, nasa labas!" gigil niyang bulong. "What should we do?!" Inabot ko ang bag at kinuha ang flashlight. Pinailaw ko ito at tumingin sa puwesto ni Mallory. Doon nagising si Mama. "Vampires, Tita Astrid. Sinasalakay na tayo!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mallory. Natanaw ko ang kabilang tent na lumiwanag din, iyon ang kay Lolo Gaspare. Bumaling ako sa gilid ko at ganoon din ang nangyari sa tent nila Simeon. It seems that we're all aware of our situation right now. "Calm down, Mallory. We are surrounded by Vervain. Hindi sila makakalapit sa atin..." pag-aalo ni Mama. Sumangayon ako. Vervain is one of the vampire's weaknesses. They wouldn't dare to come near us if they don't want to get burn. Ilang beses na itong nangyari pero hindi pa rin magawang masanay ni Mallory. She's still scared. "Are we going to wait 'till the sun beam at them?" I asked, rolling my eyes. Is this another episode of Me: Counting Sheep until I fall asleep? Mabagal ang oras kapag binabantayan kaya mas masarap na lang matulog. Pero sigurado akong hindi naman ako makakatulog. "Uh... not again," Mallory whispered and lied down. I heard my mother sighed. "Dala niyo ba ang cellphone niyo? Magpatugtog na lang kayo para makatulog tayo..." ani Mama. Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone sa bag. I typed my password and tapped my music application. Akma kong pipindutin ang play button nang umangat ang tingin ko para lang makita kung paano mawalan ng liwanag ang tent ni Lolo Gaspare. Sabay-sabay kaming tatlo napamura. I dropped my phone and hurriedly unzipped our tent. Without thinking, we went out. Mallory called Kuya Aamon and Simeon. Kaagad naman silang lumabas. Kumuha ako ng kutsilyo. Dinaluhan namin si Lolo Gaspare. The voices were still there. We couldn't see them maybe because they were hiding somewhere. Nang mabuksan namin ang tent ni Lolo, bumungad sa amin ang kinatatakutan naming mangyari. "Lolo!" When the ugly vampire turned her face to us, Kuya Aamon was fast enough to poured the hot molten silver towards its face. I equipped my knife with silver and without wasting any second, I stabbed it through the vampire's heart. Diniinan ko pa ito bago binitawan ang hawakan ng kutsilyo. She collapsed above my lifeless great grandfather. Natahimik kami. This is one of those things we learned to normalized. It was normal. What we're seeing right now is f*****g normal. My mute grandfather, Lolo Gaspare, is now dead. With a hole on his heart and bites all over his body. And this... is why vampires deserve to die. Tumalikod si Mama. Hinagod ni Simeon ang likod niya habang tahimik siyang tumatangis. Si Mallory ay napaupo sa lupa, si Kuya Aamon ay nasa tabi ko, nakatingin sa katawan ni Lolo. "Let's burn the bodies. Kukuha lang ako ng gas..." ani Kuya Aamon. Umiling ako. "At least not Lolo's body, Kuya..." kinagat ko ang ibabang labi. "Let's bring him home, ipapa-cremate natin. Katulad ng kay Lola. Sabi niya, kapag nawala siya, gusto niyang tumabi kay Lola Adra..." I stayed brave. Lolo Gaspare once mentioned that he wanted to be cremated like what we did to Lola Adra, his wife, my Mama Astrid grandparents. We burned the vampire's body and stayed in the campsite until morning. "Hey, Ry. You'll be fine..." Hindi ko magawang ngumiti sa mga kaibigan. They didn't know. We told our close friends that Lolo Gaspare died because of heart attacked. Wala silang ideya sa mundong ginagalawan namin. Only the government. "I thought we were surrounded by Vervain? What happened? Bakit nakalusot pa rin ang bampirang iyon? Pinatay niya si Lolo!" si Mallory isang linggo pagkatapos maging abo si Lolo Gaspare. "I made sure that there was a Vervain outside and inside his tent, Mallory. I checked it before I went to sleep. But, Lolo Gaspare threw them away..." si Kuya Aamon. Silence dominated the whole room. "Why would he do that?" "Lolo Gaspare badly wanted to rest, Mal. With Lola Adra." Nanghihina siyang umupo sa upuan. My mother was out for something. Kuya Aamon, Simeon, and Mallory were all here inside our house conference room. Nakakapanibago ang katahimikan. We all turned our head towards the door when my mother came in. Wearing a maroon long squarepants and white crop top, heels tickling in the marble, she walked in front holding a brown envelope. "Let's not accept orders from the government for the meantime..." she announced. Sabay-sabay kaming tumingin kay Simeon nang bigla siyang tumayo. He slammed his palms on the table and looked at us one-by-one. "Any objection, Simeon?" He turned his head quickly to our mother. He shook his head and stood up straight. "Thank you, Mommy! It's time for us to celebrate! And girls... more girls to fucked..." pahina nang pahina ang boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD