Kabanata 8

2944 Words
Infected Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. I found a long sleeves polo black striped dress resting on his bed, naroon din ang bag ko. I took a shower and fixed myself before going out of the room. "Going to work?" Nakasalubong ko si Azar sa hagdan. Napatigil ako sa pagbaba. He's shirtless, gray shorts lang ang suot niya at nakapaa pa. Pawis na pawis din, pinupunasan niya ang buhok gamit ang towel. "Saan ka galing? Ang dungis mo." Kunot ang noo na tiningnan niya ang sariling katawan. "Sa labas," he looked at me. "Nag-work out." "Akala ko ay mayroong gym sa taas?" "Tumakbo ako sa gubat," aniya. "You're going to work now? I prepared breakfast. Kumain ka muna sa baba, maliligo lang ako." Tumango ako. I was about to step down when he draw near me. Umatras ako pero ang dalaydayan ng hagdan ang sumalubong sa likod ko. Nilagay niya sa mag-kabilang gilid ko ang mga braso niya. "Give me my morning kiss," he demanded. "You had enough kisses last night. Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa labi ko?" Nakataas ang kilay kong tanong. Ngumuso siya, umiling. "Maligo ka na at magbihis. Ihahatid mo pa ako sa trabaho," utos ko na kinakunot ng noo niya. "Ang bossy mo," sabi niya. "My morning kiss," he closed his eyes and pursed his lips. Inatras ko ang ulo para makita ng klaro ang mukha niya. I studied his features. His thick black shaped eyebrows are to die for, as well as his long lashes, it made me want to cut it. His manly narrow nose, his thin red lips which he pursed even more, then his chiselled jaw. Tumingin ako sa nakapikit niyang mga mata. "Open your eyes," he did. Those deep dark brown eyes are really attractive. Para siyang nangungusap, malamlam pero kadalasan ay nagpapabatid ng panganib. I leaned on and captured his lips. It was just a short kiss, hinabol niya ang labi ko nang humiwalay. "Go and fix yourself, ang pawis mo." "You don't mind if I sweat above you in bed, tapos ngayon ay nandidiri ka?" I rolled my eyes and put my palm on his bare chest. Naramdaman ko ang lamig doon. Marahan ko siyang tinulak. "Go to your room, Azar," sabi ko at bumaba na. I went to the kitchen and ate breakfast. I decided to go out to breathe fresh air after. I closed my eyes and smiled. Ang sarap sa pakiramdam ng lugar. I listened to the sounds caused by nature. If I were to choose where to live, I'd probably pick a place like this. Away from the city, polluted surroundings, away from any kind of toxicities. Minulat ko ang mga mata nang marinig ang pagbukas sara ng pinto sa likuran ko. I turned around and saw Azar on his back, locking his house door. Bumaba siya pagkatapos sa tatlong baitang na hagdan. "Catch," may hinagis siyang susi sa direksiyon ko. I immediately catch the key. Nagtataka ko iyon tiningnan bago siya binalingan. "This is for?" "Spare key. Kung gusto mong tumambay sa bahay ko, feel free." Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. "Bakit naman ako tatambay sa bahay mo?" Natigil siya sa paglalagay ng dalang bag sa back seat ng sasaakyan. "You like this place, right?" I nodded. "Yeah, but it doesn't mean I would come here alone." The side of his lip rose up. "Mas gusto mong pumunta rito kung kasama ako, ganoon ba?" Umiling lang ako at hinagis pabalik ang susi sa kaniya. "Huwag ka ngang magsalita ng masama, kinikilabutan ako," nakangiwi kong sambit. Natatawa niyang sinarado ang pinto ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob at gano'n din siya. He turned on the engine and starts driving. "Lalabas ka mamayang gabi?" Sinulyapan ko siya. "Club? Yes, with friends." Tiningnan ko ang suot niya. He's wearing a black three-piece suit. Sa trabaho ang diretso niya, pero ano kaya ang trabaho niya bukod sa isa siyang club owner? Umiwas ako ng tingin. The talked we had last night came rushing back. I couldn't answer his question because I don't know what to do if ever. Mabibigyan ko lang iyon ng kasagutan kung totoo man na tao ang lumikha sa mga bampira. Pero imposible. Vampires were born vampires. "Sa akin ka ngayong gabi hanggang linggo?" "Oo, sinabi ko na iyan," kumunot ang noo ko. "Tumutupad ako sa usapan, Azar. Kaya huwag kang mag-alala, sisipot ako." "I'm not worried," he sighed. "Alam ko naman na sa akin ka, pero baka hindi rin ako makapunta sa club ngayong gabi. As you can see, your friend here has a business to fix first." "That's fine, just focus on your business." "Should I focus on you then?" "What?" Baling ko sa kaniya. "You're also my business, Emory." "I'm not," mariin kong sabi. "Magmaneho ka na lang, bilisan mo." Mas pinili kong pumikit sa byahe, hindi na namalayan ang tuluyan kong pagtulog. Ginising niya lang ako nang nasa building na kami. The whole morning was tiring. Ilang meetings ang dinaluhan ko bilang proxy ni Mama Astrid. She was out, again. I tried to contact her but I couldn't reach her. Wala ni isa sa mga pinsan ko ang nagparamdam, even my brother, Simeon. I was in the middle of signing papers when I heard a knock on my door. Tiningnan ko ang orasan bago iyon pinapasok. "Lunch po, Ms. Emory?" I glanced at my mother's secretary, I nodded at her. Nilugay ko ang sariling buhok at hinubad ang suot na salamin saka tumayo. Inayos ko ang mga dokumento sa mesa at kinuha ang bag sa sofa, nilagpasan ko siya habang sinusuklay ko ng daliri ang buhok ko. Sumunod naman siya agad. "Sa canteen na ako magl-lunch, join me," sambit ko. "May sinabi ba si Mama Astrid sa 'yo kung saan siya nagpunta? O may iba pa ba siyang bilin?" "Wala po, Ms., ang naging bilin niya lang sa akin ay sabihin sa 'yo na ikaw raw po muna ang pumalit sa kaniya habang wala siya." Ngumiti ako sa bumating empleyado, pagkatapos ay malalim na huminga. "Wala rin ba siyang sinabi kung kailan siya babalik?" "Wala rin po..." mababa ang boses niya sa likuran ko. Napadaan kami sa isang departamento na ikinatigil ko sa paglalakad dahil sa isang grupo ng empleyado na nagtitipon. Ang isa sa gitna nila ay may hawak na cellphone at ang lahat ay roon nakatutok. Sinenyasan ko si Ms. Ang, kaagad naman niya sinuway ang mga iyon pero tuluyan na nilang nakuha ang atensiyon ko nang may nagsalita sa isa sa kanila. "Vampires are real!" Nabato ako sa kinatatayuan. "What did you say?" "Ms. Emory, may kumakalat po kasi na video tungkol sa mga krimen na nagaganap kailan lang, gusto niyo po bang panoorin?" Lumapit ang isang empleyado sa akin at nilahad ang hawak na cellphone.Kinuha ko iyon at binasa ang caption doon. My heart started to pound hard as I slowly clicked the play button. Vampires are real was the caption, a woman's small voice was the first thing I heard from the video. "Ms. Emory..." tawag ni Ms. Ang, inilingan ko lang siya at tinuloy ang panonood. The woman who took the video was hiding, meters away from her hiding place was a vampire killing human. She was trying her best not to make any sound. Nasa ilalim ng ilaw sa kalye nangyari ang pagpatay, sa huli ay iniwan ng bampira ang biktima nito. Doon nagtapos ang video.  Napahawak ako sa isang cubicle roon, nanghihina. Kinuha ni Ms. Ang ang cellphone sa kamay ko at siya na ang nag-abot sa empleyado. "Kagabi po iyon nangyari at nasa balita na rin po ang tungkol doon. Same findings..." The video has a million views now. Pihadong nagwawala na naman ang taong bayan, nanghihingi ng kasagutan mula sa gobyerno. But the government is still keeping their mouth shut! How would they explain that video?! Binalingan ko si Ms. Ang. "Please track the owner of that video, I need it as soon as possible, Ms. Ang." "Pero..." "Do it." Umalis na ako roon. I tried to contact Mama Astrid again as I made my way back to my office. I lost my appetite to eat after watching the video. Vampires are really trying to start a war between humans. No... they already started a war and I don't have any idea how to put an end to it. Ilang ulit kong tinawagan si Mama hanggang sa makatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya. Mama Astrid: Is there a problem? My forehead knotted. Is she not informed? Ako: Vampires. She replied immediately. Mama Astrid: What about them? Ako: May video na kumakalat, Ma. It was a vampire killing human. Mama Astrid: That's why we need to inform the public about the Vyn. It'll help them. Nilapag ko ang cellphone sa mesa. Napahilot ako sa sintido. If vampires learn that we're the one who made the Vyn, they would hunt us down. Pero dahil naman doon ay mabibigyan ng proteksiyon ang mga tao. Still, the government should make a move regarding this matter. The possibilities of vwars is high. Hindi ito dapat binabalewala. Nang sumapit ang hapon ay na-trace na nga ang babaeng kumuha ng video. Wala akong sinayang na oras, umalis agad ako para puntahan iyon. The Waze inside my car led me to a small town. Nagtanong-tanong ako sa mga tao roon. "Nasa dulo pa ang bahay niya..." nag-pasalamat ako sa babae na napag-tanungan ko. Mabilis kong natunton ang bahay dahil mayroon akong nakitang mga pulis roon. Agad ko iyon nilapitan. "Good afternoon, Sir. I'm here for Marisole Enriquez. The woman who uploaded the video. Is she here?" tanong ko. Tumango ang pulisya. "Magandang hapon, ah... Opo, nasa loob ng bahay niya. Ano ang sadya niyo, Ma'am?" Inipit ako sa likod ng tainga ang buhok na tumakas. "I want to talk to her." "Samahan ko na po kayo sa loob," he offered. I smiled lightly. "Sige po..." Hinatid nga niya ako sa loob. Nagtanong pa ang pulisya tungkol sa ibang bagay, buong-puso ko naman iyon sinagot. When I entered her house, what I saw almost took my breath away. May lalaki sa harap niya na para siyang inaalo. Napatingin sa akin ang lalaki. "Sino ka?" "Emory Du Marais," I glanced at the woman. "I would like to talk to her alone." Mariin akong tiningnan ng lalaki bago tumango. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng babae. I studied her. She's not okay, I'm sure. Ngayon pa lang ay nag-guilty na ako dahil kailangan kong ipaalala na naman sa kaniya ang nakita. "Vampires are real..." she whispered. "Nakita mismo ng mga mata ko ang nangyari! Hindi ako maaaring magkamali! Vampires are real and they're trying to dominate the world." I almost jumped in my seat when she harshly raised her head to me. Her eyes are bloodshot, dark circles under her eyes and bags are visible. Pati ang buhok niya ay hindi nasuklay. She's a mess. "Tell me what you saw..." mahinahon ang boses ko. "A vampire..." ngumisi siya, masama ang tingin sa akin. "Vampires are real. Sila ang walang awa na pumapatay sa mga tao para maging pagkain nila! Last night, I witnessed how that monster killed my best friend! It wasn't the first time..." "What do you mean it wasn't your first time?" Humalakhak siya. "Iyon ang pangalawang beses na nakasaksi ako ng bampira. Last night... I took a video for the public to see! Nang sa gayon ay mapilitan na ang gobyerno na isiwalat ang katotohanan," tumawa ulit siya. "Pero ano ang nakuha ko? Baliw raw ako! Hindi raw totoo ang nakuha kong video! Edited at iba pa..." "What did you saw?" "Vampire... fangs, blood, red eyes... those are real. Vampires are real." Tumango-tango ako. "I believed in you, Marisole. What you saw was real, vampires are real. For now, you have to rest and clear your mind. Kapag maayos ka na—" "Ipapadala mo rin ako sa mental hospital? Inaakala mo rin ba na nababaliw na ako, huh?!" She stood up and went straight to me. Hindi ako nakakilos sa kinauupuan nang walang pakundangan niya akong sinakal. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit. Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig at pilit siyang nilalayo sa akin. Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. "You have to regain your strength, Marisole. Then face the public! If you want them to believe you like I do, then get back to yourself first." I tried to be calm. I know I'm putting her to a dangerous situation but there's nothing we could do! Hindi puwede na pabayaan ang ibang tao na hindi maniwala at hayaan sa kanilang sinasabi. Kami ang mawawasak dito! Nang hindi siya bumitaw ay mahigpit kong hinawakan ang palapulsuhan niya at malakas siyang tinulak. Napaupo ulit siya dahil doon. Galit pa rin ang mga mata niya na tumingin sa akin. She gritted her teeth. "Naniniwala ka sa akin? Bakit?" Hinabol ko ang paghinga. "Because I saw one before..." because I was a vampire hunter. It was hard at first convincing her to listen. Pero hindi ko siya sinukuan noong araw na iyon, hanggang tuluyan na siyang bumigay. That's what I came here for. Kapag maayos na siya, makapag-isip siya ng mabuti. If she really wanted people to believe her and be saved, she would come up with a plan. "I'll leave everything to you..." was my last words before I left. Kakapasok ko pa lang sa sasakyan nang tumawag si Azar. Hinayaan ko iyon pero nang tumawag ulit siya ay sinagot ko na. "Horny?" I greeted. "Don't go out tonight," aniya. Sumandal ako sa upuan. "Why though? I want to have fun tonight, Azar. Huwag kang hadlang." "Isasara ko ang A Club. Kaya huwag ng matigas ang ulo, Emory." I rolled my eyes. "Maraming club sa gilid, maraming pagpipilian." "I'll be there... Sa bahay ka na..." mababa ang boses niya. "Ayoko, pinapagod mo lang ako every time we're together kaya, pass," sinabayan ko iyon ng tawa. "Emory..." I chuckled again. "I'll stay at home, don't worry." I heard him sighed. "That's good, babe. I'll pick you up tomorrow, hmm? Let's have a barbecue." "Damihan mo ang pork..." "Sure..." Silence. "Where are you?" "Pauwi na. I was about to drive home when you called." May narinig akong kaluskos sa kabilang linya. "I'll hang up now. Call me if you're home. Got it?" Dumiretso na ako sa condo pagkatapos. Tinext ko lang si Azar na nakauwi na ako. Gumagabi na rin kaya nagluto ako ng hapunan. Nag-empake rin ako ng iilang mga gamit dahil bukas hanggang linggo ay sa bahay ni Azar ako mananatili. Naglinis na rin ako ng condo. I was busy vacuuming the living room when I heard the doorbell. Kinuha ko ang cellphone sa mesa at nabasa ang mensahe ni Mama Astrid. It says she would come. Pero gabi na, ano naman kaya ang sasabihin niya? I opened the door and she immediately went inside. Naiwan ako sa bungad ng pinto. "Ma?" Umupo siya sa sofa at pinag-krus ang mga binti. Sinara ko ang pinto at umupo rin sa harap niya. "The government will release an official statement tomorrow. Hindi ko lang alam kung ano na namang kasinungalingan ang ipapalabas nila. But we'll see." I stared at her in disbelief. "You were out because?" "I met the President," ngumisi siya sa akin. "I just offered him something that would change his life. Ang hindi ko lang nasisiguro ay kung susunod sila sa pinag-usapan namin. Pero bahala na... sila ang mawawalan." "And what did you offer? Kung susunod sila sa pinag-usapan niyo, tiyak na malaki ang ipinangako mo sa kanila." She checked her nails. "Something dangerous..." "Dangerous?" Tumayo siya, umangat naman ang tingin ko sa kaniya. "Mallory told me she moved out already. Hindi niya masabi sa 'yo dahil hindi naman kayo nagkaka-abutan. Bumili siya ng sariling condo," pag-iiba siya sa usapan. Akma na siyang aalis nang tumayo ako. Napalingon siya sa akin. "Is it possible for a war to happen between us and vampires if they continue killing humans?" I asked even when I already have an idea. "Vampires dominating humans... they might rule the whole world if we won't make a plan." Matagal niya akong tinitigan bago siya bumuntong hininga at umiwas. "They're starting a war, but just a little push, honey. Matatapos din natin ang digmaan na sinisimulan pa lang nila." "Are you planning something, again?" She smiled. "I'm doing this for us. So, stay out. Leave everything to your mother..." "Mama..." Umalis na siya. Para akong mangmang na walang alam sa mga nangyayari. Mama Astrid is keeping everything to herself and that's what makes me frustrated! Bakit hindi niya binabahagi sa amin ang nalalaman niya? Ang mga plano niya! I want to help! But how?! I don't even know how and where to start! Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na tawag. Ang mga pinsan ko iyon, lahat ay may mensahe na pare-pareho lang ang laman. Iyon ay ang tungkol sa nangyari. Agad akong bumangon at kinuha ang laptop saka ito binuksan. Then news after news welcomed my sight. The government released an official statement, saying vampires do exist. It was followed by their promising words. Our company name was mentioned, too. Saying we made protection for humans to be safe. But the Vyn is not enough! "Stay home and be safe everyone! We're trying our best to stop death from happening again over the same reason..." sinara ko ang laptop matapos mapanood ang isang video roon. Nonsense! They mentioned about cure and all! Pinapalabas nila na may gamot para sa uri nila pero pinanganak silang ganoon! What are they trying to imply here? That those vampires were infected?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD