KEN "Ken." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako nang abutan niya ako ng kape.. Tumabi siya sa akin. Pareho kaming nakatingin sa tahimik na paligid ng hospital. "Problema?" tanong ni Doc Marcus, isa siyang neurologist. "Wala, may iniisip lang." Humigop ako sa kapeng ibinigay niya. "Pumupunta ka lang naman dito kapag may problema ka. Kilala kita, Ken." Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Okay lang talaga ako. Gusto ko lang talagang pumunta rito para makapag-isip." Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pag-uusap namin kanina ng mga interns. Hindi ko rin kasi inexpect na lalabas sa bibig ng intern ang pangalan ng ate ko. Sobrang sarap siguro sa pakiramdam na kahit wala ka rito ay ikaw ang hinahanap-hanap pa rin ng karamihan. Madalas sabihin sa akin ni Mama, bakit daw hindi ako

