KEN Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang sabihin kay Maxwell ang tungkol sa medical mission na pupuntahan ko. Napag-usapan namin ito dati ngunit hindi siya pumayag. Pero hindi ko naman p'wedeng talikuran ang misyon na ito dahil lang sa ayaw niya. Simula nang magsama kami, wala naman kaming pakealam sa kung ano ang gawin namin sa buhay namin. Ni wala nga kaming pakealam kung pareho pa kaming humihinga. This whole marriage set-up is really nothing to the both of us. Ako? Ginagawa ko lang ito dahil sa anak namin. Siya? Ginagawa lang niya ito dahil sa pangalan niya. "Moma, okay ka lang?" tanong ni Koko, kanina pa ako nakauwi galing sa duty ko, at wala akong pasok ngayon. Isang buwan na lang din ay papasok na siya. Na-enroll ko naman na siya at nakabili na rin kami ng kakailanganin niya

