KEN Ito ata ang unang pagkakataon na nasagot ko siya ng gano'n. Kapag usapang ang anak namin, hindi ako papayag na tratuhin ang anak ko ng gano'n. Naiintindihan ko naman ang galit niya, ngunit hindi naman niya kailangang umabot sa ganito. Katulad nga ng sabi niya, sinira ko ang plano niya. Sinira ko ang relasyon nila ni Ate. Sinira ko ang buhay nilang dalawa. Okay lang sa akin na sirain niya ang buhay ko, pero huwag naman sanang umabot na pati si Koko idamay niya sa galit niya sa akin. "Ken, okay ka lang?" tanong ni Luna na as usual ay nandito sa opisina ko. "Kanina pa 'yang pagsalubong ng kilay mo. Natatakot na ang ibang nurse sa'yo. Nag-away na naman ba kayo?" Hindi na rin naman bago para sa akin ang pagtatalo namin ni Maxwell. Kaya nga madalas, mas pinipili ko na lang talagang iwasa

