KEN It is three in the morning when I got home. Dim ang ilaw sa kabuuan ng bahay. Naging marahan ang aking galaw nang mapasok ko ang kwarto namin ni Maxwell. Tanging ang lampshade lang na nasa gilid ang ilaw. Kitang-kita ko naman siya na mahimbing pa ang pagkakatulog. Nagtungo ako sa walk in closet para magpalit ng pantulog. Nag shower naman na ako kanina sa hospital. Kinuwento sa akin ni Luna ang ginawa niya sa opisina ni Maxwell. Sa totoo lang, halos masabunutan ko talaga siya. Though I know she only did that because of what I said to her. But I didn't expect her to make a scene at Maxwell's office. That's so not her. Seriously. Mas naging marahan ang aking paggalaw habang papaakyat ako sa aming kama. Baka kasi magising ko siya, hindi pa naman ako ready na kausapin siya. Minsan ng

