KEN
Simula nang magtalo kami ni Max tungkol sa anak naming si Koko, hindi pa kami nag-usap. Ni hindi ko na siya naabutan sa bahay sa tuwing uuwi ako, paggising ko naman ay wala rin siya. Ngayon ang uwi ni Koko galing sa kaniyang bakasyon. Baka mamaya mapansin pa niya na hindi na naman kami okay ng ama niya.
Nabaling ang tingin ko sa aking selpon nang tumunog ito. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Papa. Sinagot ko naman agad ito.
"Papa, nasa airport na kayo?" agad na tanong ko.
Kahit papaano naman ay naging maayos ang relasyon namin ni Papa nang maisilang ko si Koko. Andoon pa rin ang coldness niya ngunit kahit papaano ay nakakapag-usap kami ng masinsinan.
"Moma, I'm on my way home na po."
Mas lalo akong napangiti nang marinig ko ang boses ng aking anak. Isang buwan ko rin siyang hindi nakasama dahil nagbakasyon siya sa aming probinsiya. Noong una syempre ayaw pumayag ni Max, pero wala rin siyang nagawa sa huli.
"Okay, behave and don't stress Lolo."
"Yes Moma. I love you. Bye!"
Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap namin. Maya-maya ay tumunog ang pintuan senyales na may papasok. Agad na kumunot ang aking noo saka ko chineck ang oras. Bakit ang aga naman ata niya ngayon?
Hindi nga ako nagkamali, si Max nga. Mukhang aburido na naman ito. Hindi ko siya pinansin, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa laptop. Pansin ko na tinanggal niya ang kaniyang coat at niluwagan niya ang kaniyang necktie. Huminga ako ng malalim saka naglakas loob na magsalita.
"Pauwi na sila," saad ko kahit alam kong wala rin naman akong matatanggap na sagot mula sa kaniya.
Binalingan ko siya ng tingin. Bahagya akong napatigil nang magsalubong ang mga mata namin. He just finish drinking water and now he is closing the lid while staring at me. What the hell is wrong with him again?
"Sinasabi ko lang para hindi ka magulat na bigla na lang susulpot si Koko."
Sobrang hirap para sa akin na banggitin ang salitang 'anak natin' sa kaniya, dahil alam ko naman na ang tingin niya pa rin sa nangyari sa aming dalawa ay isa lamang malaking kasalanan at hindi sinasadya.
Lagi pa rin niyang pinapaalala sa akin na wala lang ang nangyari sa aming dalawa. Na ginagawa lang niya ito dahil sa batang nabuo naming dalawa. Kaya katulad ng sabi niya, I destroyed his plan... and he will make sure that no matter what I plan in my life... he will also destroy it too.
*doorbell rings*
Mukhang nandito na sila. Tumayo ako at tinungo ang monitor. Sila na nga. Agad kong binuksan ang pintuan at hindi pa man ako nakakapagsalita ay isang mahigpit na yakap agad ang natanggap ko sa aking anak.
"Moma! I missed you!" masayang saad niya. Binuhat ko siya.
"I missed you too, Baby. How's your travel? Hindi ka naman ba napagod?" Binalingan ko ng tingin si Papa. "Pa, thank you sa pag-aalaga at bantay sa batang makulit na ito," nakangiti saad ko.
"Wala iyon. O siya, hindi na rin ako magtatagal. Sadyang hinatid ko lang ang apo ko."
Humalik sa akin si Papa saka kay Koko bago ito tuluyang umalis. Ni hindi man lang nagpakita si Max para magbigay galang. Akala mo wala ring naitulong si Papa sa pagtakbo niya eh.
"Dada!"
Pilit ang aking ngiti nang mabilis na tumakbo si Koko palapit kay Max na tinalo pa ang robot. Mas may pake pa nga ata ang AI sa kaniya.
"You're here early! You know, I'm coming home na po? I missed you, Dada!"
Nagmano at humalik sa pisngi si Koko. Hindi maipagkakaila ang kasiyahan niya.
"Change your clothes now, you've been in a long travel," saad nito na tila walang pakealam sa sinabi ng kaniyang anak.
Max is always like this... he treats us both as if we shouldn't be existing to his life. Sa tuwing ganito ang nagiging trato niya kay Koko, hindi ko maiwasang masaktan para sa anak ko. Hindi rin naman niya ginusto na maisilang para maranasan niya ang ganitong malamig na trato mula sa kaniyang ama.
"Okay Dada!"
Nanatiling nakangiti ang anak ko kahit na yung ama niya mukhang hindi natutuwa sa kaniyang nakikita. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang aking sistema. Ayokong ipakita kay Koko na hindi kami okay ni Maxwell kahit na halos isumpa na namin ang isa't isa.
"Let's go to your room, Baby."
I extend my hand that she instantly reach, still she's smiling brightly at me. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin si Max na lagi na lang may kalaban dahil sa mukha niyang hindi maipinta.
"How's your vacation, Baby? Nag enjoy ka ba?" tanong ko habang tumitingin ng damit sa kaniyang closet.
"Opo, super enjoy. Nag ride po ako ng horse together with Lolo, we even visited some of the beautiful beaches there. I will tell some stories too later kay Dada. He will surely be happy with my stories."
Hindi mawala ang excitement sa kaniyang tinig habang nagkukuwento siya sa akin. Nang masiguro kong nakapagpahinga na siya ay inalalayan ko siya sa banyo para mag shower. Nang matapos ko siyang mabihisan ng pantulog ay bumaba kaming pareho.
"Dada!"
Muli siyang tumakbo palapit kay Max na abala sa kaniyang trabaho. Nakasuot pa ito ng salamin at nakadekwatro. Tutok na tutok siya sa kaniyang binabasa.
"Gusto mo pong mag tell ako ng story about my vacation?"
Gusto ko sanang sabihin sa anak ko na huwag na siyang mag effort kaya lang ayokong mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Hinayaan ko na lang silang dalawa at nagtungo sa kusina upang maghanda ng pagkain namin. Dahil meron si Koko, sabay-sabay kaming kakain. Kahit hindi naman kami maayos ni Max ayoko namang makita iyon ng anak ko.
Habang naghahanda ako ay naririnig ko ang masayang tinig ni Koko.
"Dada, that place is so beautiful. We should go there as family soon too."
Family... sarkastiko akong natawa. Pekeng pamilya kaya kong ibigay sa anak ko, pero yung totoo? Imposible iyong mangyari. Kung wala lang si Koko, hindi naman ako pakakasalanan ni Max kahit na may nangyari pa sa aming dalawa. Kung wala si Koko siguro ay masaya na siya ngayon kasama si Ate. Kung wala si Koko... Ken, ano ba naman itong iniisip mo.
Hindi nagtagal ay tinawag ko na silang dalawa para kumain.
"At saka every day po akong nag p-play kasama po ng mga anak ng mga farmers. They are all so kind."
Tanging si Koko lang ang nagbibigay ingay sa aming hapag kainan.
"Ano na nga ulit name ng friends mo ro'n?" tanong ko saka ako bahagyang naglagay ng kanin sa kaniyang plato.
"Maya, Dixie, Fred, Adi, and Jwin," nakangiting saad niya. "But Moma sa friends po not always good naman, of course sometimes we fight. Look!"
Hindi ko naiwasang magtaas ng kilay nang ipakita niya ang magaling na niyang sugat sa kaniyang siko. Gumapang agad ang pag-aalala sa akinf sistema. Walang nasabi si Papa tungkol dito.
"What happened to that?" tanong ni Max na tila hindi nagustuhan ang pinakita ni Koko.
"It's already okay. Magaling na po siya. And Jwin apologized to me. I accept his apology. Hindi naman din po niya na mean... we are just playing po and he is running after me."
Nanatili siyang nakangiti na tila ba wala lang sa kaniya ang nangyari.
"Let me see, Baby?" mahinahong tanong ko.
Lumapit ako sa kaniya at chineck ng mabuti ang kaniyang siko. Napakagat labi ako dahil nag marka na ang sugat sa kaniyang siko.
Saglit kong binalingan ng tingin si Max na hindi talaga natutuwa. Hindi na rin siguro nasabi ito ni Papa dahil alam niyang mag-aalala lang ako.
"Does your father tell you about this?" tanong ni Max. Bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon?
Magsasalita palang sana ako nang magsalita si Koko.
"Don't be mad, Dada, It's done na po. I told Lolo not to tell you about this because I know you might make me go home po agad. At saka po bata lang po kami. We are still learning things. At saka wala po ito sa bituka hehe."
Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa huli niyang sinabi. She is indeed a bright kid. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Koko ang ugali niyang ito. Lahat kasi ng bad na nangyayari ay lagi niya lang tinitingnan ang positive side nito.
Nang matapos naming kumain ay dumiretso sa sala si Koko para manood, naiwan naman ako sa kusina kasama si Max.
"That kid was hurt and yet your father didn't even say anything about it?"
Halata sa tinig nito na hindi siya natutuwa. Kunot ang noo nito na akala mo pasan na naman niya ang mundo.
"That kid you're talking about has her own name. And just so you know she is your daughter," may diing saad ko. "Mahirap ba talaga para sa iyo na tawagin siya sa pangalan niya? O kaya naman tawagin siyang anak?"
Kung makapagsalita kasi ito ay akala mo hindi niya anak si Koko. Nakakairita talaga siyang kausap. Umirap ako ng bongga nang muling magsalubong ang aming mga mata. Pagkakwa'y walang imik itong umalis. Ken, konti pa. Habaan mo pa lalo ang pasensiya mo.
Nang matapos kong mag-ayos ay nilapitan ko si Koko na abala pa rin sa panonood.
"Moma, okay lang po mag watch di ba? Hindi pa naman po bed time."
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Oo naman. Just watch and don't worry," saad ko saka ko hinalikan ang noo niya.
Nilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid.
"Don't worry about your Dada. Baka nag w-work na siya sa office niya," nakangiting saad ko.
Medyo strict kasi talaga si Max. Kung maaari ay ayaw niyang manood si Koko ng mga cartoons kasi nga wala naman daw itong matututunan. Boring kasi childhood niya kaya bitter. For sure ay hindi niya naranasang manood ng mga cartoons.
"Moma, gusto ko na pong mag school outside," nakangiting saad niya.
Nakuha niya ang aking atensyon dahil sa sinabi niya. Anak, maging ako ay gusto rin kitang pag-aralin sa normal na paaralan. Sa susunod na pasukan ay kindergarten na siya.
"Some of my playmates went to daycare center. One time Lolo let me go with them. I had so much fun po. It's so different po sa mga nale-learn ko with Teacher Noimy."
Halata sa tinig niya ang kasiyahan habang nagkukuwento siya. Katulad nga ng sabi ko kay Max ayokong ipagdamot sa anak ko ang experience na pumunta sa paaralan at normal na makapag-aral.
"I will talk to Dada, okay?"
"Thank you, Moma."
Pero hindi ko maipapangako knowing Max. Kung anong sa tingin niyang tama, iyon ang gagawin niya.
Nabaling ang tingin ko sa aking selpon nang tumunog ito. Tumayo ako at tinungo ang veranda bago ko sinagot ang tawag.
"Why? Is there any problem?" I asked as soon as I answer the phone call.
"Dra. code blue."
Tiningnan ko si Koko na nanonood habang nakikinig sa mga sinasabi ni Nurse Bea.
"Okay. I'm on my way."
Pinatay ko ang tawag at pinuntahan si Koko.
"Baby, I need to go. Emergency call."
"It's okay, Moma."
Umalis ito sa kaniyang pagkakaupo.
"Where are you going?"
Nakuha ni Max ang atensyon ko. Sakto pupuntahan ko palang sana siya. Nilapitan ko siya.
"May emergency sa hospital kailangan ko ng umalis." Mas lalo akong lumapit sa kaniya. "Let her watch until eight," mahinang saad ko. Pinasadahan ko ang aking relo, she still has enough time to watch.
Nakataas ang kaniyang kilay na mukhang hindi sang-ayon sa aking sinabi.
"That's her favorite. Make her happy at least."
Muli kong binalingan si Koko. Ngumiti ako nang ngumiti siya sa akin.
"Alis na ako. I'll be back as soon as I'm done. Sleep well, okay?"
"Opo, Moma. I love you."
Humalik ito sa akin at yumakap. Akmang aalis na ako nang magsalita si Koko.
"How about goodbye kiss to Dada?"
Napatigil ako sa kaniyang sinabi.
"Ikaw talaga. Alis na ako..."
Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang lumapit sa akin si Max at walang pagdadalawang isip na hinawakan ang mukha ko at hinalikan ang aking noo.
"You said make her happy," he said in a plain tone.
This asshole.
---