Kabanata 3: Ibang Kulungan

2001 Words
KEN Naunang umuwi si Max kesa sa akin dahil ipinatawag pa ako ni Chief sa kaniyang opisina. Nag-usap lang kami tungkol kay Max. Wala na rin naman akong nagawa nang ipilit niya sa akin na ako ang magiging Doctor ni Max sa tuwing kailangan niya medical assistant. Pati ba naman trabaho ko papasukin niya? Naging maayos naman ang mga resulta ng tests ni Maxwell. Sadyang masyado lang niyang ginalingan sa trabaho kaya bumagsak ang katawan niya. Nang makauwi ako ng bahay ay nadatnan ko si Max sa sala na abala na naman sa mga papel sa kaniyang mesa. Nasa tabi niya si Robi na nakatayo at nagpapaliwanag sa kung ano man. Nagtuloy ako sa paglalakad at tinungo ang aking kwarto. Kahit kailanman hindi ako nangealam sa kung anong ganap niya sa buhay. He is doing good din naman. Nang bumaba ako ay wala na si Robi. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain. "Robi went out to buy us food." Napahinto ako sa aking ginagawa nang magsalita siya. "Okay," simpleng sagot ko saka muling sininop ang aking mga gagamitin sana. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Good." Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng beer in can. "Teka," pigil ko sa kaniya nang akmang iinumin niya ang alak. "Hindi ka puwedeng uminom nito. Kagagaling mo lang sa hospital." Kumunot agad ang kaniyang noo na tila ba hindi siya sang-ayon sa aking sinabi. "As a Doctor speaking, listen." "Tsk." Nilayasan niya ako sa kusina saka muling bumalik sa sala. Sinundan ko naman siya. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin sa mga papel sa mesa. "Kumusta yung business trip mo?" lakas loob na tanong ko, kahit alam kong hindi rin naman niya ako sasagutin. Katulad ng sabi ko hindi kami madalas mag-usap. Para lamang kaming invisible sa isa't isa, ngunit sa nangyari ngayon at bilang doktor hindi ko puwedeng ipagsawalang bahala ang nangyari. Mamaya may nangyari sa kaniya kasalanan ko na naman. "Kumusta ang pakiramdam mo?" muling tanong ko dahil wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya at mukhang wala talaga akong makukuhang sagot. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang pulang folder sa mesa saka ito binuklat at binasa. Listahan ito ng mga project proposal. Alam ko naman na hindi siya kurakot at talagang transparent siya sa mga funds. Siya? Mangungurakot? Kahit nga hindi siya tumakbong pulitiko mayaman siya. Ikaw ba naman kasi ang isang anak ng Montiez. “Report ng Disaster Preparedness Task Force. Why is it like this? Bakit walang nakalagay kung paano magre-respond kung may multiple trauma cases na sabay-sabay. Wala silang scenario para sa mass casualty.” Kumuha ako ng highlighter. Tutal, naumpisahan ko ng mangealam, sulitin ko na. Mas matanda ng tatlong taon si Maxwell sa akin. He is now thirty-three, and I'm thirty. "Hindi updated ang list ng rural clinics. Some of the clinics are already closed since the pandemic happened.” Mataman ko pa ring binabasa ang report. Ayoko sanang makialam sa kaniya kaya lang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayoko pa namang nakakabasa ng mga maling information. "I don't need your medical lecture.” “You approved this without even considering the situation? Tignan mo — ‘yan, may tatlong barangay na wala pang permanent nurse." Naitikom ang aking bibig dahil sa talim ng tingin niya. "Tsk. What do you know? Am I asking for your opinion?" “Ang problema kasi sa'yo, mas gusto mong sundin ka, kaysa kwestyunin ka. Kung ayaw mong makinig sa akin bilang doctor, makinig ka sa akin bilang mamamayan ng bayan mo. Kung sabagay hindi naman kasi kita binoto.” Ito na ata ang pinakamatagal naming diskusyon. Hindi kasi maatim ng aking sistema ang nabasa ko lalo pa't tungkol ito sa kalusugan ng mga tao. Ibinaba niya ang binabasa niya. Umupo siya ng maayos habang naka dekwatro pa, naka cross arms pa ito... at matamang nakatingin sa akin. “Anong revision ang gusto mong makita?” Napatigil ako dahil sa naging tanong niya. Umupo ulit ako at kinuha ang papel. “Unahin mo ang mga walang healthcare access. Sa mga medical mission na isinasagawa ng hospital, maraming mga tao sa karatig bayan ang nangangailangan ng medical assistance. Mula sa bata hanggang sa pinakamatanda," mahabang paliwanag ko. "Yung last na medical mission na pinuntahan namin, kawawa ang mga tao ro'n, napakalayo nila sa public hospital... kailangan pa nilang tumawid sa ilog, dahil hindi pa tapos ang tulay. Dito sa sentro, mukhang maayos ang buhay ng mga tao, pero sa mga malalayong barangay? Nakakapanlumo," mahabang litaniya ko. Wala naman akong narinig na sagot sa gago at hindi na ako umaasa pa. Kaya muli akong nagsalita. Nasayang lang ang speech ko. "At speaking of medical mission..." At ngayon nakuha ko na ang atensyon niya. Salubong ang kilay nito na tipong hindi niya gusto ang kaniyang narinig. "Where?" "Military camp. You see, kailangan ng ating military ng katulong sa paggamot ng mga..." "You're not going." Napamaang ako sa kaniyang sinabi. Kita mo talaga ang ugali ng gagong ito. "Bakit hindi? At sino ka para magdesisyon para sa akin?" Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumunta ako sa medical mission pero kung makahindi siya, akala mo naman siya talaga ang magdedesisyon sa buhay ko. "I'm your husband." Kapag ganitong sitwasyon talaga lagi niyang ginagamit ang salita na asawa ko siya, at ang lagi ko lang naman sagot at mag-asawa lang kami sa papel, wala ng iba. "But that's my duty as a doctor. Hindi ko iyon puwedeng tanggihan dahil lang sa ayaw mo." Mas lalong hindi naipinta ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. "I will be going with my team and other Doctors too. Hindi naman siguro kami dadalhin doon kung alam nilang mapanganib. Humupa na rin naman ang gyera doon sa ngayon." Mataman lang siyang nakatingin sa akin na tila ba hindi siya kumbinsido sa mga sinasabi ko. Huminga ako ng malalim. "Let's just talk about that some other time." Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan saka tinungo ang pintuan. Nagtaas ng bahagya ang aking kilay. "Let's eat." Muli akong huminga ng malalim bago ako sumunod sa kaniya. Naging tahimik ang dinner naming dalawa. Sa isang iglap para na naman kaming naging hangin sa isa't isa. Katulad nga ng sabi niya pag-usapan na lang namin ito sa susunod at mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa susunod na iyon dahil. Kinabukasan tanghali na akong nagising dahil gabi naman ang duty ko. Lumabas ako ng aking kwarto habang kinukusot ang aking mga mata. Grabe, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa ko siyang kausapin kagabi ng matagal. "I got a call from my parents." "Ay gago!" bulalas ko dahil sa gulat. Binalingan ko ng tingin si Max na mukhang kanina pa hinihintay ang paggising ko. "Eat and take a bath afterwards. They are waiting for us." Chineck niya ang kaniyang relo. "Just take your time," pagkakwa'y saad niya. Napailing na lang ako. Pagkaraan ng isang oras ay nakaalis kami ng bahay. Si Max ang nag drive at nakasunod sa amin si Robi. Hindi nagtagal ay narating namin ang bahay ng kaniyang magulang. Naunang naglakad si Max samantalang nasa likod niya ako. "Hija!" nakangiting bati sa akin ng kaniyang ina. Mabilis na lumapit ito sa akin para humalik at yumakap. "How are you? Bakit parang pumapayat ka naman ata?" Binalingan niya si Max na nagtuloy lang sa paglalakad. Siguro ay pupuntahan niya ang kaniyang ama sa office nito. "Kailan pala uuwi si Koko?" pagkakwa'y tanong niya nang makaupo kami sa sala. Hawak pa rin nito ang aking kamay. "This coming week, Mama." "Okay good. Ako naman ang babawi sa kaniya. So hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit parang pumayat ka ata? Ini-stress ka ba ng asawa mo?" Nanatili akong nakangiti. "Hindi, Mama. Pagod lang siguro ito dahil sa trabaho. Pero okay po ako." "Sigurado ka? Alam kong doktor ka, kaya lang sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo." "Ikaw po dapat ang mag-ingat, Mama. Iniinom mo ba vitamins mo? Baka mamaya hindi ka na naman nakikinig sa doktor mo." Bahagya itong tumawa. "Ano ka ba, hija? Nakikinig na ako sa kaniya. Ayoko ng mamalagi sa hospital. That place is so boring." Nagkuwentuhan lang kaming dalawa sa mga ganap namin sa buhay. Akala mo naman sobrang tagal naming hindi nagkita. Naging maayos naman ang pakikitungo ng pamilya ni Maxwell sa akin lalo na ang kaniyang ina na talagang parang anak na ang turing niya sa akin. "Let's go." Nakuha ni Max ang atensyon ko na kabababa lang. As usual hindi na naman maipinta ang mukha nito. "Hindi na kayo kakain dito?" tanong ni Mama. "You can stay a little longer..." Hindi naituloy ni Mama ang sasabihin niya nang masamang tingin ang ibinaling ni Max sa kaniya. Gago talaga ang isang ito. "Mama, bibisita na lang ako sa susunod," nakangiting saad ko habang hawak ko ang kamay niya. "O siya sige. Mag-ingat kayo pauwi." Humalik ito sa aking pisngi. Pagkatapos no'n ay sumunod na ako kay Max. Mukhang may itim na awra ang bumabalot sa kaniya. Ano kaya ang pinag-usapan nilang mag-ama? Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatutok lang ang kaniyang mga mata sa daan kaya naman inabala ko na lang ang atensyon ko sa aking selpon. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang message ng aking kaibigan. Moon (Luna): Totoo bang tatakbo bilang senator si Max? Saglit kong tinapunan ng tingin si Max na tahimik pa rin. Binuksan ko ang link na sinend sa akin ni Luna. Namilog ang aking labi nang mabasa ko ang laman nito. Me: Totoo ba ito? Ito ba ang rason kung bakit bad trip siya at pati ako dinadamay niya? Tsk. Ang hirap niya talagang i-predict, paano kaya siya nananalo sa ugali niyang iyan? Moon: Ewan ko. Nabasa ko nga lang kaya nag message agad ako. Tanungin mo. Huminga ako ng malalim. Tatanungin ko ba siya? "Tatakbo kang senator?" alanganing tanong ko. Hindi naman siya natinag sa pagmamaneho. "May article kasi." "Don't believe on something you read online. You're not stupid, are you?" Napairap ako dahil sa naging sagot niya. "Okay." Muli kong minessage si Luna upang sabihin ang naging sagot ni Max sa akin pero ang gaga tumatawang emoji lang ang sinend niya. "What did that old woman say to you?" Nagugulat pa rin talaga ako sa tuwing nagbabatuhan kami ng conversation. Usually, hindi kasi kami ganito. Mukhang nakikita na niya talaga ako. "Nagtanong lang siya tungkol kay Koko," simpleng sagot ko. Nakita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Why is she asking about it?" "Gusto niyang pag-uwi niya, bumawi siya sa kaniya. At saka hindi 'it' si Koko. She is she." Sa tuwing ganito ang usapan namin hindi ko maiwasang kabahan. Para kasi akong ini-interrogate. "Tsk." Iyan lang ang narinig ko sa kaniya kaya muli akong nagsalita. "I'm planning to send Koko to school this coming school year." Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at mas lalo kong naramdaman ang panganib sa tabi niya. Kahit hindi niya ako balingan ng tingi at ramdam na ramdam ko ang itim na awra na pumapalibot sa kaniya. "No," malamig na saad niya. "Bakit hindi?" muling tanong ko. "I said no." "Hindi puwedeng ikulong lang natin si Koko sa bahay. She also needs to play along with other kids to make her daily lives normal." "She's my daughter and I know what best for her," saad nito sa galit na tinig. "At kailan ka pa naging ama sa kaniya?" Masamang tingin ang ibinaling niya sa akin. "Ni hindi mo nga siya kayang tingnan ng matagal o kausapin man lang. Tapos ngayon sasabihin mong anak mo siya?" Four years ago when that accident happened. Hindi ko iyon ginusto... isa lamang iyong malaking aksidente. Pero hindi ko puwedeng isisi sa anak ko ang katangahang nagawa ko kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon dahil alam ko... kasalanan ko rin naman. Living with him is like living my life inside a cage. Nakatakas nga ako sa bahay ng aking magulang, pero sa ibang kulungan naman ako napunta. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD