KEN
"Hindi mo na ako kailangang ihatid o bantayan."
Halos maubos na ang pasensiya ko sa kinuhang security ni Max dahil kahit na anong sabihin ko ay hindi niya pinapakinggan. Instead maaga akong makapasok ngayon dahil wala siya, hindi ko magawa dahil sa security niya.
"Dra., utos po ni Mayor na bantayan ko kayo."
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko.
"Huwag ho kayong mag-alala dahil hindi ho naman ako magpapahalata sa mga katrabaho niyo. Nais lang masiguro ni Mayor ang kaligtasan niyo."
"Look Robi, alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo kaya lang hindi mo na ito kailangang gawin. And just so you know, no one knows my relationship with him. Kaya nga hindi mo na ako kailangang bantayan pa."
Isa si Robi sa pinagkakatiwalaan ni Max. Matagal na itong nagtatrabaho para sa kaniya. Kukuha na nga ng security, si Robi pa na loyal na loyal sa kaniya.
Pero ang oa naman kasi masyado ng gagong iyon. Kung makapag pabantay sa akin akala mo kilala ako ng mga tao. Nananatiling lihim ang relasyon naming dalawa kaya ano pang kinakaputok ng butchi niya? Hays!
Dahil mukhang hindi talaga kumbinsido si Robi sa mga sinasabi ko, wala na akong nagawa kung hindi tawagan si Max. It took him seconds before he answered the phone call.
"Robi is here. I told him not to waste time checking on me..."
"I'll talk to him."
Mariin kong naipikit ang aking mga mata. His tone is super annoying! Hindi ko talaga kinakaya kapag siya ang kausap ko.
Iniabot ko kay Robi ang selpon ko. Puro oo lang naman ito na akala mo ikakawala ng hininga niya kapag nag hindi siya kay gago. Pagkakwa'y inabot sa akin ni Robi ang selpon pero wala na sa kabilang linya si Max. Tarantado talaga.
"Kung may kailangan po kayo, Dra huwag ho kayong magdalawang isip na tawagan ako. Stand by lang po ako."
Finally! Mukhang narealize rin ng gago ang sitwasyon. Hindi na ako nagtanong pa kung anong sinabi ni Max dahil alam ko namang hindi rin niya sasabihin sa akin.
Nang marating ko ang hospital ay dumiretso ako sa aking opisina. Agad namang nagtaas ang aking kilay nang makita ko si Luna na prenteng nakaupo sa sofa.
"Office mo?" taas kilay na tanong ko.
Dumiretso ako sa aking mesa.
"Malapit na," natatawang sagot niya. "Bakit ang tagal mo?"
Umirap ako. "As usual nakipagdebate pa ako kay Robi."
Agad nanlaki ang mata niya nang marinig ang pangalan ni Robi.
"Si Robi? Yung hot na kanang kamay ni Max? Shucks! Nasaan siya? Gagi! Bakit hindi mo naman ako sinabihan agad?"
Napailing na lang ako habang binabasa ang results ng pasyente ko habang siya ay panay pa rin ang kaniyang pag ngawa. Basta pogi kasi, nagiging armalite ang bunganga niya.
"Pupunta ba siya ngayon?"
"Hindi. Bakit naman sana?"
Binalingan ko siya ng tingin.
"Para makita ako?" saad niya saka pa ito tumawa.
"Kadiri ka. Umalis ka na nga. Wala ka namang duty ngayon di ba?"
"Oo, wala nga. Pero night shift ako. Kaya matutulog ako sa quarter mo today."
Nagtaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya.
"Bakit hindi ka matulog sa quarter mo? O kaya umuwi ka. Mukha kang mabaho."
Malutong itong natawa. "Uuwi pa ako? Kumpleto naman gamit mo sa quarter magsasayang pa ako ng gasolina."
"Ewan ko sa iyo. Bahala ka na riyan. Mag r-round na ako."
I have a straight duty today and tomorrow kaya rito rin ako sa hospital matutulog. Wala rin naman si Max kaya okay lang din. Sana magtagal siya sa kung saan man siya nagpunta ngayon.
"Hi Dra."
"Hello, kumusta? Kumakain ka na ba ng maayos?"
"Opo. Salamat po sa pag-aalaga niyo."
I'm so happy to hear that my patients are getting better and better. Sobrang nakakataba lang talaga ng puso na makatulong sa iba. Before I don't like this field because it's not something that I like, but as time goes by... I'm starting to enjoy it.
"Dra. code blue."
Humahangos na lumapit sa akin si Nurse Bea.
"Bakit? Anong nangyari?"
Naging mabilis ang lakad namin habang pinapaliwanag niya sa akin ang sitwasyon.
"Male, 45, involved in car collision. No seatbelt. Unresponsive. Suspected abdominal bleeding!”
“BP 70/40, HR 130! Pale and diaphoretic,” kalmadong saad ni Nurse Pia.
Nang marating namin ang emergency room ay agad kong chineck ang pasyente.
“Okay team, trauma code. ABCs. Airway secure?”
“Airway clear, oxygen mask applied."
Nakangiti kong binalingan ng tingin si Intern Irene.
“Start 2 large-bore IVs. Type and crossmatch 4 units. Call blood bank. Let’s do a FAST ultrasound, NOW.” Binalingan ko ng tingin si Irene.
“Irene, hawakan mo 'to — unang lesson mo sa totoong emergency.”
Mabilis ang naging galaw namin. Wala kaming dapat sayangin na segundo sa mga oras na ito.
“FAST positive for fluid in Morrison’s pouch and pelvis!” ani Nurse Pia.
Binalingan ko ang monitor.
“Internal bleeding. Probable liver or splenic injury. We can’t wait for CT. Prep OR. This patient’s going to surgery STAT.”
“Dok… first time kong makakita ng ganito…" kabadong saad ni Intern Irene.
“Dito mo matututunan na seconds can mean life or death. Pero tandaan mo — kapag kalmado ang doktor, kalmado ang buong team.”
Mabilis naming tinungo ang operating room.
“Let’s move. OR team, standby. We’re saving this life today.”
Saving lives will never be easy. Ilang beses din akong nabigo at ilang beses ko ring sinisi ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko ang pamilya ng pasyente na umiiyak at nagmamakaawa mas lalo akong nanlulumo... hindi ako Diyos ngunit sa mga ganitong sitwasyon hinihilang ko na bigyan ako ng Diyos ng kakayahan na mag ligtas ng tao.
“Ang trabaho ng isang General Surgeon sa ER ay hindi lang pag-opera — ito’y pagtaya sa bawat segundo, pagdedesisyon sa gitna ng kaguluhan, at paninindigan sa buhay ng iba. Kaya Intern, pagpasok mo sa ER unang iisipin mo, hindi ang sarili mo, kundi ang buhay ng taong ililigtas mo."
"Opo, Dra. Tatandaan ko po iyan."
Bago ko tinungo ang aking opisina ay nagpunta ako sa office ni Chief upang mag report sa nangyari ngayon.
"What do you think you're doing?" singhal sa akin ni Doc Perez ang Chief ng aming department.
"I just think what I think is right."
"Do you think her family can afford to pay the hospital bill now? Her family is now requesting her to move into a smaller hospital. You're not a saint, Dra. Martinez."
Naikuyom ko ang aking kamao.
"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan..."
"I didn't say anything about that. What I want you to understand is that, they are poor enough to pay the hospital bill."
"I will handle it, you don't need to worry about that."
Sarkastiko itong tumawa.
"You're indeed stupid." He shrugged his head. "Hindi por que galing ka sa mayamang pamilya ay kaya mong gawin ang lahat."
Sobrang hirap talagang maging mahirap lalo na sa ganitong sitwasyon. Kahit gustong-gusto mong ipanalo ang laban na ito kung wala kang sapat na pera, matatalo ka talaga.
Hindi ko rin maintindihan, why do they need to care more about money than the life of their love ones?
"Huwag kang mag-alala, Chief. Hindi mo naman pera ang gagamitin ko."
Bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa kaniya ay umalis na ako sa kaniyang opisina. Dumiretso ako sa ICU. Nakita ko naman agad sa labas ang pamilya ng pasyente na umiiyak. Lumapit ako sa kanila.
"Dra, paano po si Papa? Wala po kaming pera. Hindi po namin alam kung saan po namin kukunin ang perang pambayad namin dito sa hospital."
Halos lumuhod sila sa harapan ko habang nakikiusap sa akin. Nakakadurog ng puso.
"Huwag kayong mag-alala, may mga tutulong sa inyo."
"Dra., paano po kung ginawa na po natin lahat tapos sa huli wala pa rin pong nangyari? Marami na po kaming utang, at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan namin hahanapin ang pambayad namin ng mga iyon."
"Huwag kayong mag-alala, gaya ng sabi ko, may tutulong sa inyo."
Hindi na ako nagtagal pa. Pagkatapos kong ipaliwanag ang naging sitwasyon ay umalis na rin ako.
Bumalik ako sa aking opisina. Ibinagsak ko ang aking katawan sa sofa at mariing ipinikit ang aking mga mata. Hinilot ko ang aking sentido.
*phone rings*
Nakuha ng aking selpon ang aking atensyon. Agad nagtaas ang aking kilay nang makita ko ang pangalan ni Max. Ano naman kaya ang kailangan nito? Kapag ganitong marami akong iniisip lagi na lang siyang sumisingit. Dagdag problema pa eh!
"What took you so long to answer?"
I rolled my eyes.
"Bakit?"
"I'll be going home tonight."
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya.
"Huh? Akala ko ba one week ka riyan?"
"Tsk. What's wrong with your tone?"
Napairap ako. Ano bang pake ng isang ito?
"I will stay here at the hospital until tomorrow."
"Why?"
"I have a long duty."
Hindi ko ba alam kung bakit kinakausap ko ang isang ito, hindi naman kasi kami close. Kapag nasa bahay kami halos iwasan namin ang isa't isa eh.
"Okay."
Napamaang ako nang bigla niya akong bababaan ng tawag. Hintayin lang talaga ng gagong ito, ako naman ang mambababa ng tawag sa kaniya. Muli kong isinandal ang aking ulo sa sofa. I need to sort out my thoughts now.
Nang gabing iyon, nag round ako sa aking mga pasyente. Inapply ko na rin ang aking pasyente sa medical assistance. Sana lang ay maaprubahan ito agad. The hospital has a charity fund for those who needs financial help, hindi namin alam kung sino ang nag po-pondo dahil private ito.
Literal na hindi ako natulog dahil sa mga emergency calls. Mamaya pa matatapos ang duty ko, buti na lang ay nasanay na ang katawan ko sa ganitong trabaho.
"Nandito si Mayor!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sinabi ni Nurse Bea.
"Sigurado ka? Saan? Bakit?"
Si Max nandito?
"Oo nga! Oh!"
Sumilip ako ng bahagya sa selpon ni Bea. Anong nakain naman kaya ng isang iyon?
"Shucks! Tara!"
Bago ko pa sila mapigilan ay nawala na agad sila sa aking paningin. Napailing na lang ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Susubo palang ulit sana ako nang tumunog ang aking selpon. Bago ako tumayo ay sumubo muna ako.
Nang marating ko ang emergency room ay maraming security ang nasa labas. Anong eksena naman kaya ito? Nakita agad ako ni Robi na akmang maglalakad sana palapit sa akin ng pandilatan ko siya ng mata.
"Dra." saad ni Doc Jem.
"Anong meron?" tanong ko
"Si Mayor."
Pumasok kami sa emergency room.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
"Ewan, sabi exhaustion daw," saad ni Doc Jem.
Nabaling ang tingin ko sa isang hospital bed na maraming doktor ang nakapaligid. Meron din si Chief na akala mo nakasalalay kay Max ang hospital.
"Nawalan daw ng malay si Mayor nang maglanding ang eroplanong sinasakyan niya."
"So bakit siya nandito sa public emergency room? Bakit hindi siya dinala sa private emergency room?"
"Ewan."
Anong drama na naman kaya niya sa buhay.
"Dra. Ken," tawag pansin sa akin ni Chief.
Oh come on! Wala naman akong nagawa kung hindi humarap sa kaniya.
"Yes Chief." Lumapit ako sa kanila.
Nakita ko naman agad si Max na nakahiga sa kama at maputla. Hindi ko naman alam na tinatablahan din ng sakit ang demonyo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang balingan niya ako.
May nakasaksak na IV fluid sa kaniya at naka oxygen din.
"She is Dra. Ken, Mayor. She is one of the top doctor in our country."
Oa naman ni Chief, parang kagabi lang ay inaway niya ako pero ngayon puring-puri niya ako.
"Are you sure she's good?"
Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay baka kanina pa ako nakahandusay.
"Is there something I can help?" nakangiting tanong ko kahit na hindi naman ako masaya na makita siya.
Sobrang sipag niya kasing magtrabaho, akala mo tatakbong presidente eh.
"I'm recommending you as Mayor's personal Doctor."
Napamaang ako dahil sa sinabi ni Chief. Siraulo ba siya? Bahagyang lumapit sa akin si Chief.
"Just say yes. He is helping a lot for our hospital," bulong nito sa akin. "Sige, iwan muna kita rito. Ikaw na ang bahala kay Mayor."
Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Sa isang iglap ay naiwan akong kasama ni Max. Huminga ako ng malalim.
"Why are you staying in a public ward?" I asked in a low tone. "What happened?"
Binasa ko ang results ng tests niya na inabot sa akin ni Chief bago siya umalis kanina.
"You can go home later after the IV drip. Just get a lot of rest, but are you really sure you want to stay in this ward, Mayor?"
Wala akong narinig mula sa kaniya. Nanatili siyang nakapikit. Nang masiguro kong okay naman ang lagat niya ay lumabas ako sa ward niya.
"Dra. kumusta si Mayor? Okay naman po ba siya?"
"Mukhang maayos naman ang lagay. Siguro nawalan siya ng malay dahil sa change of weather kaya bumagsak ang katawan niya."
"Change of weather?"
"Oo, he has an out of the country business meeting yesterday."
"Oh? Meron? Paano mo nalaman, Dra.?"
"Huh?" Bahagya akong napatigil dahil sa sinabi ni Nurse Bea. "A-Article. Hindi niyo ba nabasa?"
Bago pa sila makapagtanong ng iba ay nilayasan ko na sila. Lintik!
---