KEN
Lumabas ako ng kwarto ko matapos masigurong wala na siya. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Apat na taon na mula nang ikinasal kami, pero sa apat na taon na 'yon, kahit magkasama kami sa iisang bubong, ginagawa ko ang lahat para lang hindi siya makita. Wala rin kasing nangyayaring maganda sa tuwing nag c-cross ang landas naming dalawa.
Alam ko namang ayaw niya rin sa akin. Alam kong napilitan lang siya—at ako ang dahilan kung bakit kami nauwi sa ganito. Gaya ng madalas niyang sabihin sa akin, sinira ko ang plano niya. Siguro plano niya kasama si Ate. Mariin kong ipinikit ang mga mata nang maalala ko ang sinabi niya noong araw ng kasal namin:
"No matter what you do, you will never be able to run away from me. No matter what your plan to escape, I'll destroy it just like how you destroyed mine."
Nag-igting ang panga ko.
“Ang kapal ng mukha niya,” gigil kong bulong sa sarili.
"You're only a design to cover up everything... a piece needed to be hidden. So don't ever fall."
Ako? Ma-in love sa kaniya? Ang kapal talaga!
Sa tuwing naaalala ko ang mga salitang 'yon, gusto ko na lang siyang burahin sa mundo. Pagkatapos kong kumain, naligo na ako’t nag-ayos. May trabaho pa ako. Ayokong umasa lang sa kaniya. Nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko—schedule reminders.
Napabuntong-hininga ulit ako. Sasabak na naman ako sa panibagong linggo ng trabaho.
Pagkabihis, dumiretso ako sa garahe. Kami lang ni Maxwell sa bahay. Walang kasambahay, walang driver. Mas gusto ko 'to—mas nakakahinga ako kapag nag-iisa. Kasal kami ni Maxwell pero may kaniya-kaniya pa rin kaming buhay na dalawa.
Pagdating sa ospital, agad akong dumiretso sa opisina para kunin ang gamit ko para sa conference meeting.
“Good morning, Dra,” bati ng mga nakakasalubong ko. Nginitian ko lang sila bilang tugon. Pagpasok ko sa conference room, halos puno na ito. Buti na lang talaga at napaaga ang gising ko ngayon.
“Ken!” Tawag ni Luna, kaibigan ko. Isa siyang Neurosurgeon.
Lumapit agad ako sa kaniya.
“Mukhang maganda ang gising mo ah! Hindi ba nag-cross ang landas n'yong dalawa kaninang umaga?” mahinang tanong niya, sabay ngiting may ibig sabihin.
“Sira! Kailan ba kami huling nagkita sa loob ng bahay na 'yon?”
“Ay oo nga pala. Invisible pala kayo sa isa’t isa. Sorry, nakalimutan ko."
Napailing na lang ako bago naupo sa tabi niya. Nagsimula na ang meeting. Every Monday morning, ito ang routine—ang preparasyon bago sumabak sa isang linggong trabaho.
Pagkatapos ng meeting, kanya-kanya na kaming labas. Si Luna, gaya ng nakasanayan, nasa tabi ko pa rin, panay reklamo tungkol sa pagiging single niya.
“Ang gwapo talaga ni Mayor Montiez,” sambit ni Nurse Bea, dahilan para mapalingon ako.
“Kung wala lang siyang asawa, ginawa ko na ang lahat para mapasakanya lang ako,” sabay hagikgik ni Nurse Pia.
Napatawa si Luna. Ako? Napailing.
“Umagang-umaga, masamang balita agad pinag-uusapan n’yo,” sabat ni Luna.
Ako naman, diretso sa monitor para i-check ang status ng mga pasyente ko.
“Pero bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya ipinapakilala ang asawa niya sa publiko?”
Oo, walang ibang nakakaalam na ako ang asawa ni Maxwell—maliban sa pamilya at piling mga tao. Isa 'yon sa mga banta niya noon. No one should know that I'm the one he married.
"No one should know your existence. The moment they knew who you are, you'll pay big time."
Wala siyang ibang ginawa kundi bantaan ako. Kaya kahit anong mangyari, ayokong nagkakasalubong kami.
“Siguro concern lang siya sa asawa niya. Gusto niya lang siguro itong protektahan,” dagdag ni Pia.
Napangiwi ako. Protektahan? Baka sarili niya ang gusto niyang protektahan. Sa sobrang laki ng pangalan niya, ingat na ingat siya rito. Pangalawang term na niya sa pagiging mayor at mukhang binabalak ata ng gago na tumakbo bilang governor kapag natapos ang term niya.
“May point ka rin naman. Sa laki ng pangalan niya, marami sigurong gustong pabagsakin siya,” sabat naman ni Bea.
Hindi ko alam kung saan nila kinukuha 'yung mga ideya nila. Napakaimposible. Kung alam lang din nila ang ugali ni Maxwell? Hindi nila ito mamahalin ng ganito. Nagmimistulan kasi talaga siyang santo para sa ibang tao.
“Alam n’yo, epekto lang 'yan ng mga teleserye n’yong pinapanood,” saad ko habang abala sa ginagawa ko.
“Bitter?” pang-aasar ni Luna.
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya.
“Okay, okay. See you later. Trabaho muna.”
Napailing ako. Lahat na lang ng tao sa paligid ko, pangalan ni Maxwell ang laman ng usapan. Nakakairita. Kung alam lang nila ang totoo... baka buong mundo pa ang mamuhi sa kaniya.
Pagkatapos ng trabaho, diretso na ako sa bahay. May rule kasi si Maxwell: bawal akong malate ng uwi. Isang beses lang akong kumain sa labas nang hindi nagpapaalam—hindi niya ako pinagbuksan ng pinto.
Napataas ang kilay ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng sasakyan ko. Ano na naman?
Ayokong sagutin, pero wala rin akong magagawa.
“Hello?” malamig kong bati.
“Why are you not home yet?”
Napakunot ang noo ko. Chineck ko ang oras. Ang aga naman ata?
“Pauwi na ako... Gago!” inis kong sigaw nang binabaan ako ng tawag.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko siyang nanonood sa sala. Suot pa rin niya ang damit niya sa trabaho—siguradong kararating lang din. Hindi ko na siya pinansin. Diretso ako sa kwarto ko.
“You’re ten minutes late.”
Halos mapasigaw ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot. Nakakainis talaga ang gagong ito kahit kailan. Saka lang niya ako kinakausap sa tuwing may nagagawa ako na ayaw niya. Pero kapag siya ang nakagawa ng mali? Tama pa rin ito para sa kaniya. Edi siya na ang perpekto.
Gusto kong sumagot, pero alam kong hindi rin siya makikinig. Kaya hindi ko na lang pinatulan.
Ganito ang buhay ko sa piling niya. May mga patakaran ako na kailangang sundin—mga alituntunin na hindi ko alam kung paano ko babasagin.
“I’ll be having a business trip,” sambit niya, nakasandal sa pintuan.
Huminga ako ng malalim. “Okay.” Sana matagal.
“And you're coming with me.”
“What?”
Hindi ko naiwasang magtaas ang aking tinig. Ano ‘to? Baliw?
“Anong kinalaman ko sa business trip mo—”
“I don’t take no as an answer,” putol niya.
“May trabaho ako.”
“So do I.”
Tinalikuran niya ako at naglakad paalis. Sinundan ko agad siya.
“I can’t just leave my patients—”
“Don’t test my patience.”
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Sobrang imposible niyang kausap.
Hindi kami madalas mag-usap, at kung mag-usap man kami, laging may bangayan. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magkasalubong kami sa loob ng bahay.
“Hindi ako p’wedeng umalis dahil lang sinabi mo.”
“Do I care?”
“I can’t leave you here alone, so you’re coming with me.”
“Pero—”
“We will leave tomorrow.”
“Umalis ka mag-isa mo!” padabog kong sigaw habang nilalayasan siya. “Hindi ako aalis!”
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to.
“I said what I said. You’re coming with me.”
“Why? Why do I need to come with you? I don’t have any deal with your business in the first place.”
“You’re my business.”
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Sasagot pa lang sana ako nang magsalita ulit siya.
“End of conversation.”
“Maxwell, please! Hindi ako puwedeng umalis! I’ll be fine here alone—like always.”
Sa huli, hindi niya ako napilit. Buti nga! Ano bang kinalaman ko sa business trip niya?
Isa siyang Mayor. Bago pa man siya naging isang kilalang mayor, isa siyang kilalang arkitekto. Marami sa magagandang establishments dito ay siya ang may disenyo. Wala akong masasabi sa galing niya, pero as a person? Ugh. Hard pass ako malala.
Kinabukasan, wala na siya sa bahay. At sa totoo lang, sobrang saya at gaan ng pakiramdam ko. Ito ang mga panahon na parang normal ang buhay ko—tuwing wala siya. Buti na lang din talaga ay hindi na niya ako pinilit pa na sumama sa kaniya. Like haler? Ano naman kayang gagawin ko kasama siya kung sakali di ba?
Dahil sa kasal naming ito, nakawala ako sa poder ng magulang ko. Kahit hindi kami okay ni Maxwell, mas okay na ‘to kaysa bumalik ako sa kanila. Hindi naman siya nananakit. Pero isa lang akong palamuti sa bahay niya.
Nakuha ulit ng cellphone ko ang atensyon ko. Maxwell.
“What took you so long to answer?” bungad niya.
Huminga ako nang malalim.
“Anyway, I sent my personal security to check on you. I won’t be home for a week.”
“Huh? Security?”
“And just so you know, I’m watching you right now. So you should behave.”
“Ano ako, bata?”
“You’re not a kid—but you’re a Montiez.”
Napakagat ako sa dila ko dahil sa inis.
“Montiez? Sa papel lang…”
Napamura ako sa sarili ko nang binaba niya ang tawag kahit hindi pa man ako tapos magsalita. May araw din sa akin ang gagong ito! Darating din ang araw na ako naman ang magbababa ng telepono sa kaniya. Abangan lang niya talaga.
“Huwag ka nang umuwi, gago!” singhal ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
Sanay na ako sa ganitong buhay, kahit kami lang... masasabi ko na kahit papaano ay naging tahimik ang buhay ko at mas lalong naging magaan.
---