
Pinag-aagawan ang Puso ni AnaKabanata 1: Ang Simula ng TatloUnang araw ng pasukan sa St. Andrews Senior High School. Punong-puno ng ingay ang mga hallway habang abala ang mga estudyante sa paghahanap ng kani-kanilang silid-aralan.Tahimik na umupo si Ana sa may bandang bintana. Bagong section, bagong mga kaklase, at panibagong simula ang nasa isip niya."H-hi... pwede ba akong umupo rito?" nahihiyang tanong ng isang babaeng may mahabang buhok at matamis na ngiti."Oo naman," nakangiting sagot ni Ana."Ako nga pala si Miya.""Ana."Mula sa simpleng pagpapakilala, hindi nila namalayang buong araw na silang magkasama—sa recess, lunch, at uwian. Kahit unang araw pa lang, pakiramdam nila ay matagal na silang magkaibigan.Lumipas ang isang linggo.Habang nagtuturo ang adviser nila, may kumatok sa pinto."Class, may bago tayong estudyante."Pumasok ang isang matangkad na lalaki na may simpleng ngiti."Good morning. Ako po si Alex. Sana matanggap ninyo ako.""Alex, doon ka na lang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ana."Napatingin si Alex kay Ana at ngumiti."Hi.""Hello," mahinang sagot ni Ana.Noong una, tahimik lang silang dalawa. Pero habang tumatagal, napapadalas ang usapan nila tungkol sa assignments, projects, at kung minsan ay simpleng kulitan.Hindi rin nagtagal ay naging kaibigan na rin ni Alex si Miya. Kumpleto na ang trio. Kahit saan sila magpunta—canteen, library, school events—lagi silang magkakasama.Lumipas ang dalawang buwan.Naging kilala sila bilang inseparable trio sa kanilang section.Ngunit habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan, may unti-unting nagbabago.Isang hapon, habang magkasabay na naglalakad sina Ana at Alex pauwi, napangiti si Alex habang pinagmamasdan si Ana."Hindi na yata ito simpleng pagkakaibigan..." bulong niya sa sarili.Hindi niya alam... may isa pang taong unti-unti ring nahuhulog ang loob kay Ana.Habang pinapanood sila mula sa kabilang hallway, napahawak si Miya sa dibdib niya."Bakit ganito? Parang... gusto ko rin si Ana."Doon nagsimula ang lihim na kompetisyon.Hindi alam ni Ana na pareho na pala siyang laman ng puso nina Alex at Miya.At mula sa araw na iyon...Nagsimula ang laban para sa kanyang puso.Pinag-aagawan ang Puso ni AnaKabanata 2: Unti-Unting PagbabagoLumipas ang ilang linggo, at mas lalo pang tumibay ang samahan nina Ana, Miya, at Alex."Hoy, bilisan n'yo! Mauubusan tayo ng siomai!" sigaw ni Miya habang tumatakbo papunta sa canteen."Teka lang! Ang bilis mo naman!" natatawang sabi ni Ana.Si Alex naman ay nakangiti lang habang sinusundan silang dalawa."Gutom na gutom talaga 'yan," biro niya.Pagdating nila sa canteen, sakto na tatlo na lang ang natitirang order ng siomai."Swerte natin," sabi ni Ana."Swerte kasi magkakasama tayo," sagot ni Alex habang nakatingin kay Ana.Napangiti si Ana, ngunit hindi niya napansin na tahimik lang si Miya habang pinagmamasdan silang dalawa.---Kinabukasan, nagkaroon ng group activity ang klase."By pair ang activity," sabi ng guro.Nagkatinginan sina Alex at Miya."Sana kami ni Ana," sabay nilang nasabi.Napatawa ang buong klase."Hala! Pareho pa kayo!" biro ng isa nilang kaklase.Namula si Ana."Huwag nga kayong dalawa."Sa huli, napareha si Ana kay Alex, habang si Miya naman ay napunta sa ibang kaklase.Habang ginagawa nila ang proyekto, napansin ni Alex na nahihirapan si Ana sa pagbubuhat ng mga gamit."Hayaan mo na, ako na.""Kaya ko naman.""Alam ko. Pero gusto kitang tulungan."Napangiti si Ana."Salamat."Mula sa malayo, nakita iyon ni Miya.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.Parang may kung anong kumurot sa puso niya."Bakit parang nagseselos ako?" tanong niya sa sarili.
Pagkatapos ng klase, niyaya ni Miya si Ana na dumaan muna sa paborito nilang milk tea shop.Habang nag-uusap sila, napansin ni Miya ang ngiti ni Ana."Masaya ka yata ngayon?""Hmm... masaya naman talaga ako kapag kasama ko kayong dalawa."Napangiti si Miya, pero may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata."Kung alam mo lang... sana ako ang piliin mo balang araw."Samantala, nasa kabilang bahagi naman ng kalsada si Alex.May hawak siyang tatlong ice cream."Libre ko!" masaya niyang sigaw.Napatawa sina Ana at Miya.Muli silang nagsama-sama na parang walang problema.Ngunit sa likod ng mga tawanan...Parehong lihim na pinanghahawakan nina Alex at Miya ang iisang pangarap.Ang mapasakanila ang puso ni Ana.At habang lumilipas ang bawat araw...Mas lalo pang lumalalim ang nararamdaman nilang dalawa.Hindi nila alam...Darating ang panahon na kailangan nilang pumili.Pagkakaibigan ba?O pag-ibig?Pinag-aagawan ang Puso ni AnaKabanata
Unang HakbangLunes ng umaga.Kagaya ng nakasanayan, naunang dumating si Ana sa classroom. Tahimik siyang nagbabasa ng notes habang hinihintay ang pagdating ng mga kaklase.Ilang minuto lang ang lumipas, dumating si Alex na may dalang isang karton ng gatas at cheese bread."Good morning, Ana."good m

