Patricia’s pov HINDI MAPIGILANG hindi mapangiti ni Patricia dahil sa mga nangyayari. Hindi niya man napatay si Hunter ay mukhang umayon naman sa kanya ang pagkakataon dahil mukhang nag-aaway ngayon si Hunter at Becca. Sabi nga matalino man ang matsing ay maiisahan din, mabuti na lang talaga at nakita niyang humahangos si Alani at Becca na dumarating mula sa kung saan man galing ang mga ito. Kaagad na umagaw sa atensiyon niya ang dala nitong tumbler na may laman. Kaagad siyang kinutuban. Kaya pala nawala sa lababo ang kape na may lason iyon pala ay kinuha ni Becca. Nang pumasok ito ng banyo ay ipinatong nito sa mesa ang tumbler, kaagad siyang kumuha ng tumbler na kapareho at nilagyan niya ng kape. Ipinagpalit niya ang dalawa kung kaya malakas ang loob niya na walang lason ang kape na inin

