CHAPTER 1

2104 Words
Umakyat ako at umupo sa pinakamalapit na upuan. Ang upuang ito ay gawa sa semento at parang upuan ng kalesa. Maaliwalas at malinis. Madaming mga naglalakihang puno sa paligid. Ang playground ay pa oblong ang hugis. Sa mga gilid ay may mga upuan na gawa sa semento, ang pinagkaiba lang ay may mga disensyo ito. Ang iba ay parang upuan sa kalesa at mayroong mesa sa gitna. Ang iba naman ay hindi ko masabi, basta iba iba ang design HAHAHA. Sa pababa nito ay mayroong parang hagdan na gawa sa semento, ang nagsisilbing daan pababa sa mismong playground. Sa gilid nito ay ang mga ilaw. Ang paligid ay puno ng mga grass na kaaya-ayang tignan. Sa baba ay may nakikita akong seasaw, slides, swings, climbing walls at kung ano ano pa na normal nakikita sa playground. Napatingin naman ako sa left side, nandon ang office, kung saan iniwan ko ang aso. Meron ding stores and swimming pool. Para siyang nasa underground?Dahil sa taas non ay mayroong venue. Siguro dito pweding magparty-party. Maganda ang design dahil gawa ito sa kahoy. Naglakad lakad ako kung saan nandon ang basketball court at meron ding isa pang court kung saan pweding maglaro ng soccer. Pero mas maliit ito kumpara sa basketball court. Ang lawak. Nagikot-ikot lang ako at bumalik doon sa kaninang inupuan ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa at ang earphone. Inopen ko spotify at nagpatugtog. Sinalpak ko ang earphone sa tenga. Dumausdos ako ng kaunti para maipatong ang ulo ko sa may likod. Napatingin ako sa taas. Ang aliwalas. Ang gandang pagmasdan. Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag aalas-dos na pala. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang sariwang hangin. Ilang minuto din ang lumipas ng maramdaman ko ang antok at hinayaan ang sariling tangayin ng kadiliman. ********** Nagising ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking leeg. Umayos ako ng upo. Inikot-ikot ko ang aking ulo, baka sakaling mawala ang pangangalaw, gosh. Tinanggal ko ang nakasalpak na earphone sa tenga ko na hanggang ngayon ay tumutogtog pa din. Tinignan ko ang oras at nakitang 4:32 pm na pala. Whoa nakatulog ako? Nays. Napatingin ako sa paligid ng makarinig ako ng malakas na tugtog. Agad na kumot ang noo ko ng mapansin na madaming table na napapatungan ng puting tela. Ilan yon?five?May mga monoblocks din. Ang kaninang walang katao-tao ay ngayon meron na. May mga batang nagtatakbuhan. Isang batang babae at dalawang batang lalaki. Ang isa ay mataba kabaliktaran namang ng isang payat. Nakita ko rin ang isang may edad na lalaki na may kausap. Malaki ang tiyan nito. Nakasuot ng longsleeve na kulay puti. Napansin ko na may umuusok kung kaya't napatingin ako sa pinanggalin. Doon ay nakita ko ang isang lalaki at may edad na babae na nagiihaw. Kumalam ang tiyan ko ng maamoy ito ay tsaka naalala na hindi pala ako nananghalian. Napatingin naman ako sa isang matandang babae at dalawa pang babae in their 40's age na bumaba sa kotse. May mga bitbit itong box. "Happy birthday!"Sigaw ng lalaking naka longsleeve kanina. Ah so may party na magaganap. Dito muna ako. Ayoko pa umuwi. Maya maya lang ay sunod-sunod ang pagdating na mga kotse. Gaya kanina ay may mga bitbit itong boxes. Hindi ko nalang pinansin at nakinig sa music. Nang maamoy ko ang mabangong amoy ng barbeque ay kumalam nanaman ang sikmura ko. Ano ba yan. Kumusta na kaya yung aso?May kumuha na kaya sakanya?Kung hindi, katulad ko rin ba siya na nagugutom? Pina-inom man lang ba siya ng tubig? Napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa paligid. Ang daming mga aso na pagala-gala kasama ang kanilang mga yaya. "Happy Birthday to you~, Happy Birthday to you~, Happy Birthday~(2x) Happy Birthday to youuu~ Happy Birthday, Jacob!" Napatingin ako sakanila ng marinig kong sabay sabay silang kumanta. Ang iba ay kumukuha ng video. Ang iba naman ay pumapalakpak. Doon ko napansin ang isang chubby na batang lalaki sa gitna na parang nahihiya. Ah siya pala ang may birthday, akala ko yung matandang babae kanina. Iniwas ko nalang ulit ang tingin ko ngunit sa pangatlong pagkakataon ay tumunog ulit ang tiyan ko. *kruuuuu* Napatingin ako sa paligid sa takot na baka may nakarinig. I sigh in relief ng mapansin na wala. Argh ano ba yan. Gutom na talaga ako. Makikain kaya ako sakanila tutal ay birthdeyan naman?Joke lang noh. Tumayo ako nang mapagdesisyunan na bumili ng makakain. Buti nalang malapit lang at dala ko yung wallet ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa maliit na stores. Napatingin-tingin ako kung ano ang pwede kong bilhin. Napalingon ako kay ate na ngayon ay nagaayos ng mga junk foods. Nang mahanap ko ang gusto kong bilhin ay nagsalita na ako. "Ate pabili nga po ng Pic-A at isang sprite po."Mabilis na kinuha ni ate ang gusto ko. Nang makuha ay binalot sa isang plastic tsaka ibinigay saakin. "76 lahat."Kumuha naman ako ng 100 pesos sa aking wallet at binigay sakanya. Nang maibigay ang sukli ay saka umalis. Napadaan ako sa office at napagdesisyunan na itanong kung may kumuha na ba sa aso. Agad ko namang nakita ang may edad na lalaki. Napatingin din ito saakin. "Ah manong, tatanong ko lang po sana kung may kumuha na ba sa aso? "nag-aalangan kong tanong. "Ah ma'am wala pa rin po eh pero wag po kayo magalala, pinakain at pinainom na rin po namin." nakangiting sabi ni manong. Buti naman. "Ah sige po manong, salamat po." umalis din kaagad ako at bumalik sa pwesto ko. Buti nalang at walang nakaupo. Umupo ako at nilagay sa mesa ang binili. Binuksan ko ang junk food at kinain. Habang kinakain ay napatingin ulit ako sa paligid. Ang daming tao. Ang ganda talaga ng paligid. Hindi nakakasawang pagmasdan at talaga namang nakakaakit. Pag tumingin ka sa taas at para kang hinihiptonismo na manatili sa lugar na ito. Patuloy lang ako sa pag-nguya nang mapansin na magtatakip-silim na. Wala pa rin akong balak umuwi. Ayoko pa. Siguro maglalakad-lakad lang muna ako tsaka uwi. Lumipas ang ilang minuto at naubos ko na ang pagkain at inumin. Nanatili pa ako ng ilang minuto hanggang sa napagdesisyunan kong maglakad lakad. Sinalpak ko ang earphone at nagpatugtog. Napatingin ako sa orasan at nakitang 7:02 pm na. Madami akong pinuntahan pero nasisigurado ko naman na sa loob lang iyon ng village. Nang nasa tapat na ako ng aming bahay ay tinanggal ko na ang earphone at ibinulsa. Binuksan ko ang gate at tsaka pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang malaking pintuan at nang makapasok ay dahan dahan ko rin ulit ito sinarado. Pagkapasok ay naabutan kong nakaabang si ruffi, yung baby kooo. Kinarga ko ito at habang pinaglalaruan ay narinig ko ang boses ni papa. "Saan ka galing? Diba sabi ko hindi ka aalis ng bahay?Ha?" tanong niya. Namumula na siya sa galit pero wala pa rin akong paki. Sanay na ako. Binaba ko si ruffi. Nang hindi pa rin ako nagsalita at tinulak niya ang balikat ko kaya napaatras ako."Tinatanong kita, san ka nanggaling?!"sigaw niya. "Sa playground po." walang emosyong sagot ko. Tumawa siya ng pagak. "Sa playground?ha?sa tingin mo maniniwala ako?!" sigaw niya ulit. Hindi ako nagpapasindak dahil sanay na sanay na ako sa ganitong eksena. Minsan nga sinasaktan niya akong pisikal. Hindi lang pala minsan. "Sa playground po talaga ako galing. Kung ayaw niyo pong maniwala ede huwag po, wala naman akong magagawa kung ayaw niyo maniwala basta sinabi ko na kung saan talaga ako nanggaling."explain ko. "Aba't sumasagot ka pa?!"sinampal niya ako ng sobrang lakas dahilan kung bakit tumilapon ako. Buti nalang ay naitukod ko ang mga kamay ko kasi kung hindi ay baka nakipag-kiss na ako sa sahig. Inangat ko ang ulo ko at inayos ang buhok. Tumingin ako sakanya ng walang emosyon. Gaya nga ng sabi ko, sanay na ako dito. May mas malala pa nga eh. "Wala ka talagang kwentang anak! Sana hindi kana lang isinilang! Sana hindi nalang kita naging anak!"sigaw niya. Sana nga hindi nalang ako nabuhay. Sana nga hindi nalang kayo ang naging mga magulang ko. Ede sana nabubuhay rin ako ng normal at masaya kagaya ng ibang kabataan. "Pa, anong nangyayari?Andyan naba si tria?" sigaw ni ate na nanggaling sa kusina. Napatingin siya saakin. Umiwas ako ng tingin. "Ayan na ang magaling mong kapatid. Nakipagtanan ata sa jowa niya. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay uuwi kang buntis. Malandi kang bata ka!Ang kati kati mo!Wala akong anak na katulad mo!"sigaw niya pa tsaka umalis. Tatayo na sana ako ng sipain ako ni ate. Tumingin siya sakin ng nanlilisik ang mga mata. "Bagay nga sayo." sabi niya at tsaka rin umalis.Napangiti ako ng mapait.Kahit na sanay na sanay na ako sa trato nila simula nang mangyari yon ay masakit pa rin pala talaga. Tumayo at napadaing nang malasahan ang sariling dugo.Napatingin ako sa paanan nang maramdaman kong dinidilian ako ni ruffi.Lumuhod ako at kinarga siya. "I'm okay, Ruffi.Don't worry about me, hmm?" dinilaan niya ako sa mukha na nagpangiti sakin. Binaba ko rin siya at umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at pagkatapos maligo ay humiga sa higaan ko.Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga. Tatlo lang kaming nakatira dito nila ate at papa. Si kuya ay may trabaho at may inuupahan siyang apartment malapit sa pinagtatrabahuhan niya.Si Auntie naman ay nasa abroad at hindi pa umuuwi simula nong dito na kami tumira samantalang si lola ay ilang beses ng umuwi dito.Sa ilang beses niyang pumarito ay hindi naging maganda ang trato sakin ganon din ang mga anak niya saakin sa tuwing bumibisita. Hindi man nila sabihin pero ramdam ko pa din.Dahil sabi nga nila pag ayaw sayo ng isang tao ay mararamdaman mo iyon. Si Lola Shauna ay ang tita ni papa.Siya ang nagbibigay ng pera kay papa kada buwan.Para sa pagkain namin at sa gastusin ng lahat dito sa bahay kagaya ng kuryente, tubig at kung ano-ano pa.Laking pasasalamat namin sakanya dahil kinupkop niya pa rin kami simula nong mangyari iyon. Siguro dahil nagmakaawa si papa or talaga kinakailangan nilang may magbantay ng bahay dito. They are not like this before.Hindi sila ganito.Hinding-hindi nila ako sinasaktan at pinagbubuhatan ng kamay noon kahit na hindi kami ganong ka-close maliban sa ate ko na hindi kami mapaghiwalay noon.Si papa, kahit palagi siyang wala sa bahay noon ay hindi niya ako sinasaktan. Si ate na sobrang mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.Palagi niyang sinusunod ang mga gusto ko.She really cares for me before. Not until that incident happened. Simula noon ay nagbago ang pakikitungo nila saakin. Si tita Lordi na tinuring kong ina at mahal na mahal ako ay kulang nalang patayin niya ako sa sobrang pagkadisgusto niya ganon din ang mga anak niya na naging mga kaibigan ko.Si Papa na kahit malayo ang loob ko ay mahal na mahal ko ay tuluyan niya na akong tinaboy.Si ate na kasangga ko sa lahat at si ate na mahal na mahal ako ay tuluyan nang nagbago. Si Lola Cynthia lang ang hindi nagbago ang pakikitungo saakin simula noong mangyari yon kaya naman sobrang pasasalamat ko dahil hindi niya ako tinanong at kinulit kung ano ang dahilan kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon. Siyam na taong gulang ako nang simulang mangyari ang bagay na iyon hanggang sa mag labing-isang taong gulang ako at nangyari ang insidenteng talaga namang tuluyang pagpapabago ng buhay ko. Kaya naman noong nag labing-dalawang taong gulang ako ay laking pasasalamat ko dahil tuluyan na naming nilisan ang lugar na noon ay siyang aking paborito na ngayon ay akin ng kinamumuhian dahil sa mga taong mapanghusga na hindi man lang inalam ang totoong nangyari. Noong lumipat kami dito ay buong akala ko ay makakapag simula ulit kami.Akala ko tuluyan na akong mapapatawad ng pamilya ko ngunit nagkamali ako.Dahil simula nang lumipat kami dito ay mas lalong lumala ang trato nila saakin, kung noon ay hindi nila ako pinapansin ngayon naman ay mapapansin lang kung sasaktan nila ako mapasalita or pisikal man. Sa loob ng anim na taon na pananatili dito ay bangungot saakin.Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na trinato nila ako bilang kapamilya.Ganon na din ang aking mga tiyahin at pinsan.Pero dahil sa anim na taon na ganon ang trato nila ay nakasanayan ko din.Naging matigas ang dati kong malambot na puso. Napapikit ako nang maramdamang kong sunod-sunod na tumulo ang luha ko.I thought I'm already numb.Hindi pa pala. I miss the old me.I miss the times when I don't have any problem other than doing my homeworks.I miss everything that I had before. Kung hindi niya lang sana ginawa iyon at kung hindi lang sana nangyari iyon, sana ay maayos pa din ang lahat.  *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD