bc

Lost

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
mystery
small town
like
intro-logo
Blurb

Makakayanan niya kayang iligtas ang sarili sa lahat ng sakit na simula pa noong bata siya ay kanya nang dinadalamhati o hahayaan nalang ang sarili na tangayin at tuluyan nang malunod?Paano kung sa gitna ng proseso ay makikilala niya ang isang lalaki?Na naging dahilan kung bakit panandalian niyang nakalimutan ang lahat ng sakit.Tuluyan niya na bang kakalimutan ang lahat at magsimula ng panibagong buhay o ang lalaking ito ay magiging isa ring dahilan nang tuluyan niyang pagkawasak?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Papa, payagan niyo na po ako." Naluluha kong sabi pero itong si papa ay parang walang narinig at parang sarap na sarap ang tulog. "Papa, mabilis lang po ako uuwi din po agad ako." hirit ko pa. Kung nagtataka kayo kung anong nangyayari ay wala kayong paki,charot. One week na ang lumipas simula nong matapos ang pasukan. Senior high school na ako at ang strand na kinuha ko ay STEM. Sa susunod napasukan ay ang huling taon ko sa senior high. Kaunting tiis nalang at magcollege na ako. Sa buong isang taon na pag-aaral ko sa strand na STEM ay talaga namang himala na nakapasa ako. Don't get me wrong ha, hindi naman ako ganon kabobo pero, oh well parang ganon na din. Charot! Sakto lang mga sis. Hindi ko nga rin alam kung anong naisipan ko kung bakit STEM ang kinuha ko sa kabila nang kaalaman na sobrang bobo ko talaga pagdating sa math. Tipong 6x5 ay hindi ko pa siguro ang tamang sagot na talaga namang kinakailangan ko pa ng calculator para makasigurado. Samantalang noong elementary ako ay nairerecite ko pa sa harapan ng klase ang multiplication table. Tsk. Pre-cal at Basic cal na sa sobrang BASIC ay nakakamatay na. Tipong habang nagtuturo si prof tapos nalingat ka lang saglit pagbalik ng mga mata mo sa board sandamakmak na yung mga numbers na hindi mo mawari kung paano nangyari. Kaya dapat talaga tutok mga mata mo sa unahan at wag na wag kang magkakamali na ipikit kahit isang segundo lang. Ay sorry napahaba. So ayon nga nagkayayaan kaming magkakaibigan na maggala kaya ako nagpapaalam. Nakasuot ako nang white spaghetti strap top at high waist pants na pinatungan ko ng denim jacket at suot-suot ang paborito kong black boots. Yung mga kaibigan ko ay on the way na samantalang ako heto di pa rin pinapayagan. I'm ready to go na but because I have strict parents, nandito pa din ako. "Papaaa, diba po pinayagan mo naman po ako? Pa, sige na po uuwi din po agad ako." Naiiyak na ako huhu nakakainis naman eh. Pumayag na siya kanina tas ngayon babawiin niya pa?! "Tumigil ka, tria. Hindi ka aalis. Magbihis kana at matulog. Huwag ka nang makulit at baka masaktan pa kita, at isa pa hindi pumayag ang mama mo." Mabilis kong inabot ang phone ko at inopen ang acc ni papa. Wag kayong magtaka ako gumawa ng acc niya kaya alam ko. Si mama ay kasulukuyang nasa Hongkong at kasambahay sa isang kilalang pamilya doon. Eversince I was young wala na siya sa tabi ko. Umuuwi siya minsan. Siguro bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses ko siyang nakita. Kaya naman nasanay na akong wala siya. Papa: ngpaalm c tria ppunta dw mall ksama mga kaibigan.Indi ko pnayagan at kpg ngtx sau wg pygn. Mama: Ok. Pagkatapos kong mabasa ay talaga namang naginit ulo ko.Pano pa ako makakapagpaalam kung una palang sinabihan niya na wag akong payagan? Nakakainis. Palagi nalang silang ganyan lalo na si papa. Pero kapag si ate pinapayagan niya agad. Pero kapag ako hindi. Oh well, ano pa nga ba ang bago. Hindi na ako nagsalita at masama ang loob na umakyat sa.ikalawang palapag. Pumasok ako sa kwarto at sumalubong sa akin ang hindi kalakihang kwarto. Black and white theme. Sa right side ay mayroong study table at nakapatong ang laptop at nakaarrange ang mga libro. Meron ding lampshade at isang swivel chair. Sa right side naman ay ang cabinet. Ang aking higaan naman ay nasa gitna facing the window. Lumapit ako sa cabinet at kumuha ng black jogging pants at white t-shirt. Umupo ako sa aking higaan at chinat ang mga kaibigan para ibalita na hindi ako pinayagan at para narin humingi ng tawad. Napabuntong hininga nalang ako. Ilang minuto din akong nanatili sa aking silid at tsaka napagdesisyunang lumabas. Sa aking pagbaba ay namataan kong nagaabang ang aking paboritong aso. Isa itong Yorkshire Terrier dog na mas kilala bilang yorkie. Yumuko ako at kinarga siya. Ilang minuto ko rin yang nilaro at tsaka napagdesisyunang lumabas nang tuluyan. Napatingin ako sa aming bahay na hindi gaanong kalaki. Ang bahay ay may dalawang palapag. Sa second floor ay may tatlong kwarto at sa unang palapag ay tatlong kwarto din. Ang kulay ng bahay ay brown at white. Ang terrace sa ikalawang palapag ay kitang kita na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak. Ang garahe ay mayroong dalawang kotse at isang motor. Ang hindi gaanon kataasan na gate ay kulay brown. Sa paligid ay mayroong mga naggagandahang mga bulaklak. Ang lola ko kasi ay mahilig sa mga flowers eh. Nagsimula akong maglakad at inalala ang lahat. Ang totoo niyan ay ang bahay na ito ay hindi saamin. Sa tita at lola ko ito. Hindi naman talaga kami taga rito. Sa Laguna ako pinanganak at noong magdalawang taong gulang ako ay lumipat kami sa probinsya ng aking lola Cynthia sa bicol kasama ang aking papa at dalawang kapatid at doon na kami lumaki hanggang sa lumipat kami dito sa alabang. Mayroong akong dalawang kapatid. Isang lalaki at isa pang babae. Si kuya Troy ay graduate na ng college at isa ng Civil Engineer. Ang ate ko naman ay 2nd year college,ang kanyang kurso ay Tourism. Graduate ako sa elementarya noong sinabi saamin ni papa na lilipat kami dito sa manila. Ang sabi ay aalis si tita at lola patungong abroad kung kaya't kami ang magbabantay ng bahay na ito. Pabor naman sa aking papa dahil wala kaming bahay doon at nakikitira lang kami sa bahay ng aking lola Cynthia. Ang buhay doon sa bicol ay masaya at payapa, noong una hanggang sa mangyari ang trahedya na pilit kong binabaon sa limot. Gaya ng sabi ko kanina, lumaki akong walang ina at ama sa tabi ko para alagaan. Lumaki akong ang lola Cynthia at ang tita Lordi ang nag-aruga saakin. Sila ang nanay at kapatid ng aking papa. Nang mga panahon na iyon ang aking papa ay nasal manila, nagtatrabaho bilang isang jeepney driver dahil noong limang taong gulang ako ay iniwan niya kami para magtrabaho at ang aking ina ay nasa Malaysia, Care Giver. Nasanay akong presensya ng aking lola Cynthia at tita Lordi ang palaging kasama hanggang sa mag walong taong gulang ako nang una kong masilayan ang aking ama at ina. 9 years ago..... Kasalukuyan kaming naghahanda ng aking ni ate para sa pagpasok. Grade-three na ako at ang aking ate ay Grade-six. Napatingin ako kay ate Eva na nagaayos ng kanyang bag. Nakasuot na siya ng uniform at naka tsinelas. Medyo wavy ang buhok niya na hanggang balikat. Matangos ang ilong at may bilugang mukha. Maganda siya. Napatingin ako sa salamin at nakita ang sarili. Mayroon akong itim na itim at sobrang bagsak na buhok hanggang bewang. Matangos na ilang, mapulang labi, makapal na kilay at matang nakakaakit. Sa murang edad ay marami na ang nagsasabi na sobrang ganda ko daw at magiging isang napakagandang dalaga ko daw pag dating ng panahon. Napatingin ako sa maliit kong kamay na patuloy na sinusuklay ang aking mahabang buhok. Napangiti ako. Ang ganda koooo hehi. "Tria,hindi ka pa ba tapos?" Tumingin siya at lumapit saakin." Akin na nga,ako na magsusuklay sayo." Kinuha niya ang suklay at siya ang tumapos. Ngumiti ako. "Tara na,malalate na tayo. Baka hindi natin maabutan ang flag ceremony." wika niya. Sinuot ko na ang maliit kong bag. Hinawakan niya ang kamay ko. Palabas na kami sa bahay nang makasalubong namin ang isang may edad na babae at isang may edad na lalaki na kausap si lola Cynthia. May mga dala silang maleta at bags. Napatingin sila saamin. "Mamaaaa!Papaaaa!" Binitawan ni ate ang kamay ko at patakbong lumapit sa mga bagong dating. Niyakap siya nang nakangiti ng dalawa. Nakatingin lang ako sa kanila. "Apo, halika lumapit ka dito." sinenyasan niya ako. Lumapit ako kay lola. Nang makalapit ako ay pinaharap niya ako sa dalawang bisita na ngayon ay nakatingin at nakangiti na pala saakin. "Siya na ba si Chantria?" ani ng medyo chubby na babae. Bilugan ang mukha niya, maganda at sobrang puti ng balat. Napatingin ako sa lalaki at nanlaki ang aking mata nang mamukhaan ko. "Papaaa!" sigaw ko. Agad ko siyang niyakap na siya namang ikinatawa niya. "Ang laki mo na Tria ah." Lumuhod siya at niyakap pabalik. Napangiti ako."Opo, papa kumakain po ako ng gulay eh."sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayapak at hinarap ako. Ginulo niya ang buhok ko. Napatingin ako sa babae na ngayon ay maluha-luhang nakatingin saakin. Nagtataka ako. Sino ang babaeng iyan? Napawi ang ngiti ko nang may mapagtanto. Halaaa siya ang kabit ni papa? Pero paano si mama? Hindi ko pa nga siya nakikita tapos may ibang babae na dadalhin si papa dito? Sa isipang ito ay tuluyan na akong nawalan ng gana. Si mama,asan na siya? Pinigilan ko ang nagbabadyang pagpatak ng aking luha at laking pasasamalat ko nang mapagtagumpayan ko. "Anak siya ang mama mo." nakangiting sabi ni papa. Ha?Ano daw? "Oo tria, siya ang mama natin!" sobrang sayang sabi ni ate. "Po?"nakakunot kong sabi. Tumingin ako sa babae. Nagulat ako ng bigla siyang yumuko at niyakap ako nang sobrang higpit. Nakatulala lang ako. Hala siya ang mama ko? Napangiti ako ng malungkot sa isiping hindi ko man lang nakilala ang babaeng lumuwal saakin. Kumalas siya sa pagkakayakap at maluha luha akong tinignan mula ulo hanggang paa habang ang kaniyang kamay ay nasa aking balikat. "Anak, ang laki-laki mo na ha. Samantalang noong iniwan kita ay sanggol ka pa lamang. Masaya akong makita ka muli, anak ko." nakangiti niyang sabi. Tuluyang bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha. Naiiyak ako dahil lahat sila ay nakangiti samantalang ako ay parang pinipiraso ang puso. Naiiyak ako dahil yung babaeng nasa harapan ko ay ang mama ko pala na hindi ko man lang nakasama sa buong walong taon. Naiiyak ako dahil yung babaeng nasa harapan ko ay pinagkamalan kong kabit ng papa ko. Noong araw na iyon ay napagdesisyunang huwag nalang kami pumasok. Pumunta ang mga kapatid ni papa sa bahay at nagkamustahan at masayang nagusap-usap. Ilang araw lang ang tinagal ni mama sa bahay at umalis din pero si papa ay nagpaiwan at napagpasyahan na samahan nalang kami. Sa ilang araw na pananatili ni mama ay hindi ako naging komportable sakanya. Hindi ko alam pero nahihiya at malayo ang loob ko sakanya. Yon ang unang beses na nakita ko siya. Bumalik ako sa wisyo ng muntikan akong matapilok. "Ay shemaaay!" bwiset kong ginilid ang medyo may kalakihang bato. Mahirap na noh baka may madisgrasya. Patuloy lang ako sa paglalakad papuntang play ground nang pagliko ko ay may nakasalubong akong puppy. Ang cute niya. Napatingin siya sa saakin ngunit iniwas din ang tingin at patuloy sa pag amoy ng kung ano. Ang cute niya. Mayroong siyang diaper na suot-suot. Isasawalang bahala ko na sana kaso agad din akong nilukob ng konsesya. Napatingin ako sa likod nang tuluyan na siyang lumayo. Patuloy pa rin siya sa pag amoy ng kung ano. Tumakbo ako palapit sakanya at yumuko. "Baby, anong ginagawa mo dito ha?Asan ang amo mo?" umupo siya at tumingin lang saakin. Omggg ang kyooot. Unti-unti kong nilapit ang kamay ko at hinaplos ang kanyang ulo. Whoa di ako kinagat.Hmm mukhang mabait. "Halika,hanapin natin amo mo." kinarga ko siya at laking pasasalamat ko dahil hindi siya malikot. Naglakad-lakad ako habang buhat siya at dinaanan kung saan ko siya nakita. Tumingin-tingin ako sa mga bahay at tinitignan na baka sakanilang may nakabukas na gate,pero wala. Kaya pumunta nalang ako sa club house. May nakita akong isang bantay ata. Nakasuot ito ng polong kulay blue at pants na black. Napatingin ito saakin kaya lumapit ako. "Excuse me po. Saan po ito pwedeng iwan? Nakita ko po kasi na palakad-lakad." sabi ko. "Ah ma'am sa office nalang po. Kanina ko pa nga rin po nakita yan na palakad-lakad eh." sabi ni manong. Gusto kong umirap pero pinigilan ko. Kanina mo pa pala nakita bat di mo pa kinuha grr. "Thank you po kuya."sabi ko at umalis. Bumaba ako sa hagdan at don ko nakitaang office. Nakita ko ang isang medyo may edad na lalaki sa loob pero dahil transparent ang bintana ay nakikita ko. Sumaludo ito saakin. Binuksan ang pinto. "Hi dogie." hinaplos niya ang ulo nito at tumingin saakin. "Ano po iyon ma'am? "Ah manong nakita ko po kasi ito sa kalsada palakad-lakad. Nawawala po ata. Pwede pong iwan dito?" tanong ko. "Ah opo ma'am paiwan nalang po dyan." Binaba ko ang aso. Buti nalang malamig dito. Dinilaan niya ang paa ko, whoaa. "Ang manong pwede po bang painumin niyo siyang tubig? Baka po kasi nauuhaw." "Sige po ma'am kami na po bahala. Salamat po." Tinignan ko ang aso sa huling pagkakataon at lumabas na. Whoa grabe. ******* HOPE Y'LL LIKE IT!!!!:))))

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.1K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
21.2K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.1K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.3K
bc

The Baby Clause

read
2.9K
bc

Ava

read
2.6K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook