CHAPTER 3 THE BOY WHO KEEPS LOOKING

1474 Words
ELARA’S POV “Sis kailan mo pala balak bumili ng gown mo para sa pageant?” tanong ni Akane habang nakapila kami sa buffet ng cafeteria. Dumadampot ito ng mga prutas sa kabilang side habang pumipili naman ako ng dumplings sa tapat nito. Nagkibit-balikat lamang ako habang patuloy sa pagpili ng kakainin ko, “Hmm…” Napanganga ito at tumigil sa pagkuha ng pagkain saka mabilis na lumapit sa’kin, “What? Next month na ang pageant hindi ka pa rin ready?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Kidding. Nagpatahi na si mama ng mga isusuot ko,” nilingon ko ito at nginisihan, “Tapos ka na?” tukoy ko sa plato nitong dalawang hiwa ng melon lamang ang laman. “Hindi pa. Hanap ka na ng table sunod na lang ako sa’yo.” Naglakad na ako patungo sa mga lamesa. Lunch time na kaya halos wala nang lamesa na bakante. Nang makakita ako ng spot malapit sa glass panel ay mabilis akong naglakad patungo roon. Paupo na sana ako nang may naglapag ng designer bag sa lamesa. Nang mag-angat ako ng tingin ay nang-iinis na ngiti ni Morgan ang nakita ko. “This table is reserved para sa’min,” wika nito. Napabuntong-hininga ako at aalis na lang para wala nang gulo ngunit may malalim na tinig ang biglang nagsalita sa likurang lamesa. My eyes met Stryker’s the moment I turned. It’s like our eyes easily snapped into place, instant. “This table is free June. You can sit with us,” wika nito saka umusog upang bigyan ako ng space sa tabi niyo. “H-hindi na, may kasama ako. Thank you,” pagtanggi ko ngunit nagsalita si Kenji at inialok ang lamesa nila. “Kung si Akane ang kasama mo Ela umupo na lang kayo rito,” tawag nito sa palayaw ko. “Huh! Are you sure you want to be seen with that…” pagsingit ni Morgan saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, “That… poor girl?” Hindi sumagot ang dalawang lalaki at nagulat na lamang ako nang kunin ni Stryker ang hawak kong tray at inilapag sa tabi niya, “Sit here. Eat with us. We don’t need other people’s approval. Don’t mind them,” seryosong turan nito at hinila na ako paupo. ‘Ang bilis naman ng lalaking ‘to kumilos! Hindi ko naramdaman na tumayo na pala siya.’ Napatingin ako kay Kenji na nakakunot ang noo habang pinaglilipat ang tingin sa amin ni Stryker. “T-thank you…” nahihiya kong sagot. Nakita ko na naglalakad na palapit sa lamesa si Akane na nanlalaki ang mga mata. Nang makalapit ay tumingin ito sa katabi ko at sa kuya niyang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata ni Akane habang inilalapag ang hawak na tray. Inginuso ko sina Morgan sa kabilang lamesa na masama ang tinging ipinupukol sa’kin. “Oohh… thank you for sharing your table kuya Stryker,” malambing nitong turan at umupo na sa tabi ni Kenji. Mabilis nitong inilabas ang cellphone at ilang segundo lang ay nagvibrate na ang phone ko. ‘What happened?’ tanong nito sa text. ‘Later,’ sagot ko rito. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa paglalapit namin ni Stryker. Hindi pa kami gano’n ka-close ngunit ilang beses ko nang napapansin na sa tuwing susubukan akong i-bully ng grupo nina Morgan ay palagi itong lumilitaw para tulungan ako. ‘Hoy ambisyosa ka naman Elara. Hindi ba puwedeng conincidence lang na nandoon si Stryker?’ “So… how did you guys know each other?” tanong ni Kenji nang mapansing tahimik ang lamesa namin. “Huh?” napaangat ang tingin ko rito na hindi naintindihan ang tanong dahil kinakausap ko ang sarili ko. “Naku kuya I forgot to tell you. I think I remember how they met. Pero… I didn’t know na you guys are close?” “Ha? Nako hindi! Ah-“napamaang kong tanong at iwinagayway ang kamay upang isenyas na hindi kami magkakilala ng katabi kong mula nang maupo ako ay hindi na inalis ang tingin sa akin. “Ouch! I’m hurt June. Akala ko pa naman close na tayo ngayon,” paghawak pa nito sa puso na akala mo totoong nasasaktan. Napanganga na lamang ako sa pagiging biglang OA nito. “OMG! How did you know her second name if you’re not close?” gulat na tanong ni Akane saka bahagyang sinipa ang binti ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin din ako kay Stryker ngunit agad ko ring iniwas ang tingin ko dahil sa tuwing titingin ako sa mga mata niya ay may ibang kabog ang dibdib ko. “O-oo nga… p-paano mo nalaman ang p-pangalan ko?” nauutal kong tanong saka sinubukanh tingnan itong muli. Nagkibit-balikat lamang ito at nagsimulang kumain, “I just know,” makahulugang turan nito habang pangiti-ngiti. Si Kenji naman ay pinaglipat-lipat ang tingin sa amin. Nagkibit na lamang din ako ng balikat dahil hindi ko alam paano sasagutin ang mga tanong nila. Maghapon akong kinulit ni Akane tungkol kay Stryker ngunit isa lang ang isinagot ko sa kanya na ikinayamot nito, “I don’t really know.” Palabas na ako ng school nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nauna nang umuwi si Akane dahil pinuntahan niya pa ang café kung saan nagpapart-time si Devin bilang barista. Naiwan pa ako dahil may meeting kaming mga journalist para sa pagcover ng Mr. & Ms. Preston next month. Wala pa man din akong dalang payong dahil maaliwalas ang panahon kanina pagpasok namin. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si mama para magpasundo sana ngunit out of coverage area ito. Si papa naman ay bukas pa ang balik galing sa mga flights nito. Hinintay ko na medyo tumila ang ulan at nang ambon na lamang ito ay saka ako lumabas ng building namin at tumakbo palabas ng school gate. Sa labas naman niyon ay mayroong shed na puwede kong pag-antayan ng sasakyan kong jeep. Alas-otso na ng gabi at halos wala nang mga estudyante. Ilang minuto na akong naghihintay ng jeep nang may sasakyang biglang huminto sa harap ko. Napaatras ako at hindi ito pinansin dahil baka may hinihintay lamang ito. Nang bumaba ang bintana niyon ay nakangiting mukha ni Stryker ang nakita ko, “Hop in, hatid na kita,” pag-aaya nito ngunit umiling lamang ako. “Ah… no thanks I’m good. Mag-jeep na lang ako…” pagtanggi ko rito ngunit umiling lang din ito at lumabas ng sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat at muli akong niyayang sumakay. “Come on, it’s getting late June ihahatid na kita. Hindi ako nangangagat,” nakangiting wika nito at kinindatan pa ako. “N-nakakahiya, baka out of way pa ang bahay ko sainyo,” pagtanggi ko ngunit hindi ito natinag at mas lalo pang ibinuka ang pintuan ng kotse niya. “I insist. I can’t let you go by yourself at this hour. We’re now friends right? Please?” muling pilit nito at nagpacute pa ito kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako at nahihiyang ngumiti saka tumango. Nang makasakay ay yumuko ito at bigla kaming nagkatitigan. Hindi ako agad nakapagreact. Nakatitig lang ako sa kamay niya habang inaabot niya yung strap sa tabi ko. Then he moved closer— ‘Too close…’ Doon ko siya naamoy. Fresh. Subtle. May konting tamis—parang English pear and freesia. Hindi siya matapang, pero parang bigla na lang bumagal yung mundo ko. Napayuko ako, kunwari inaayos yung bag ko, pero ang totoo… tinatago ko lang yung kaba ko. Ramdam ko maging ang pag-iinit ng mukha ko. “S-Sorry,” bulong ko, kahit hindi ko rin alam kung bakit ako nagso-sorry. He paused for a second, his arm still hovering near me. “It’s okay,” sagot niya, calm lang… habang sinasakto niya yung buckle. Click. Ganun lang kabilis. Pero bakit parang ayokong matapos? Umayos ako ng upo, pilit inaayos yung sarili ko. Pero kahit nakaharap na ako sa bintana, nandun pa rin yung amoy niya—nakadikit na sa hangin… at sa’kin. At doon ko na-realize… Hindi lang pala seatbelt yung kinabit niya. Bakit parang maging sarili niya ay unti-unti niyang ikinakabit sa akin? Pagdating sa tapat ng bahay namin ay mabilis kong inalis ang seatbelt. Mabilis din itong lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. “T-thank you so much for the ride,” nahihiya kong turan. “Ano’ng thank you? May bayad ‘yan.” “Ha? Ano naman ang gusto mong ibayad ko sa’yo?” Ngumisi ito habang hawak ang baba na parang nag-iisip, “I’ll let you know kung kailangan na kitang singilin.” Nagtatanong ang mga matang sinundan ko ito ng tingin. Umaambon pa rin kaya binuksan ko na agad ang gate namin. Sumakay na rin itong muli ngunit hindi agad siya umalis. “Get inside June. Baka magkasakit ka pa. I’ll see you tomorrow, babe.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD