ELARA’S POV (TWO YEARS LATER)
Tiningnan ko ang relos sa braso ko, 5 minutes na lang at alas-diyes na ng umaga, oras na para sa pangalawang subject namin. Mabilis akong tumakbo dahil may pagka-istrikto ang professor namin sa Multimedia Production. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may nakaharang na paa sa dinadaanan ko.
“Aaahhh!”
Lumipad ang mga librong hawak ko at halos humalik sa sahig ang mukha ko dahil sa pagkakasubsob ko.
‘Ouch! Ano ba naman!’ nakaramdam ako ng hapdi sa siko ko dahil sa pagkakasubsob ko. Crop top na short sleeves pa naman lang ang suot kong pang-itaas kaya kita kong namula kaagad ang braso at siko ko.
‘Kapag minamalas ka nga naman! Sabi ko naman kasi sa’yo Elara! Focus!’
Kinagagalitan ko ang sarili habang sinusubukang tumayo nang may tatlong pares ng paa ang huminto sa harap ko. Base sa mamahaling mga sapatos ay mukhang alam ko na kung kaninong paa ang nakaharang, or rather, humarang, sa dadaanan ko.
Dahan-dahan akong tumingala at bumungad sa’kin ang mga nakangising mukha ng ‘Powerpuff Girls’. Tatlong demonyitang ginagawang impyerno ang buhay ko sa school na ‘to mula pa noong freshman year ko.
Powerpuff girls ang bansag sa kanila dahil hindi mapaghiwalay ang tatlong ‘to. They even have that same irritating screeching voice that makes my eyes roll. They are a known bully. Morgan as their leader, then Lyra & Zora as her ‘alalays’. They’re the same year as me, pero elementary pa lang ay sa Preston na sila nag-aaral kaya naman marami na silang na-terrorize na estudyante mula pa noon.
And me? I’ve been their target ever since! Hindi ko maintindihan ang fixation sa’kin ni Morgan pero gigil na gigil sa’kin ang babaeng ‘yon. They’re even in the same class as me & Akane.
“Oops! Sorry… not sorry,” maarteng turan ng leader nilang si Morgan.
Agad akong tumayo kahit nararamdaman ko ang pananakit ng tuhod at siko ko saka malakas na pinagpagan ang sarili. Nandidiri namang lumayo na akala mo ikamamatay nila ang alikabok. Lalagpasan ko na sana sila ngunit humarang ang dalawang alagad niyang sina Lyra at Zora.
‘Ugh! I don’t have time for this!’
“What do you need? May klase pa ‘ko baka gusto ninyong tumabi?” nakataas ang kilay kong tanong saka sila nilabanan ng tingin.
‘Kung hindi lang ako natatakot matanggalan ng scholarship dudukutin ko talaga ang mata ng mga ‘to! Nasaan ba kasi si Akane?’
“Hey poor girl, I just wanna say that hindi mo deserve sumali sa Ms. Preston. You’re just a poor girl with nothing on your name and no one to support you,” wika ni Morgan na ngayon ay nasa harapan ko na habang nakapamewang. Parang mga aso naman na sabay tumango sina Zora at Lyra na tulad ni Morgan ay mga nakapamewang din.
“Ahh… tsk… tsk… tsk… hindi ka pa rin makapagmove-on hanggang ngayon? Why? Are you threatened? Remember, hindi ko gustong sumali. Mr. Archer asked me to,” tukoy ko sa professor naming si Mr. James Archer na siya rin mismong anak ng may-ari ng Preston Academe.
“Me? Threatened? You’re delusional Ynares. Masyado kang… sipsip. You’re nothing you know? Hindi ka makakahakot ng votes because you are a nobody,” matapang na sagot ni Morgan na ikinatawa ng malakas ng dalawang tutang kasama niya.
“Let’s just see Morgan. Meron pang isang buwan, malay ko ba kung ikaw ‘sumisipsip’ para manalo,” matapang ko ring sagot na ikinaputla nito. “If you know what I mean,” dagdag ko nang makalapit dito saka ito sadyang binangga na ikinatumba nito.
“Oh my gosh Morgan!”
“You freak!”
Magkasunod na hiyaw ng dalawang alalay niya na mas lalong ikinangisi ko.
“You’ll pay for this you filthy poor b*tch!” pahabol na sigaw ni Morgan.
I looked back at them and did a middle finger and laughed out loud. I was walking backwards when suddenly I felt like a hit a wall.
“Oh I’m so-“
“Be careful pretty June…” comes a baritone voice that I’ve heard before. The difference is this time, it’s more deep… more like, sexy.
Nanayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ang init ng hininga ng kung sino mang nabangga ko habang umaatras. Nanigas din akong bigla nang hawakan niya ang mga balikat ko. Sa sobrang lapit namin ay ramdam ko ang matigas na dibdib nito maging ang init ng katawan niya.
Hindi pa man ako lumilingon ay may kutob na ako kung sino ito. Mabilis kong nilingon ang nabangga ko at napanganga ako rito.
Stryker Croix Alegre.
Campus hearthrob. Famous because of his rugged yet charming looks. He’s not brawny but his chest is firm and his arms are strong, based on what I felt earlier. He’s one year ahead if us, a well-known student from College of Arts. He’s classmates with Akane’s brother, Kenji. I’ve heard from the grapevine that he’s a scholar like me.
And this handsome specimen infront of me? He can charm girls with his voice. I saw first hand how crazy the girls in this school are whenever he sings in events, or even when he just sing with his guitar wherever he is. He’s an eye candy.
Totally out of my leauge.
“H-how did you-“
“Follow my lead,” putol niya sa sinasabi ko at agad akong inakbayan sabay tingin sa tatlong babaeng mas sumama ang tingin sa akin ngayon. Kung nakamamatay lang ang titig ay baka kuwento na lamang ako ngayon.
Mas lalong lumaki ang butas ng ilong ni Morgan nang makita kung gaano kalapit ang lalaki sa akin. Alam ng buong campus na may gusto si Morgan kay Stryker. She’s a rich spoiled brat na ang magulang ay isa sa shareholders ng Preston kaya naman feeling ang bruhang ‘to pati na rin mga kaibigan niya.
“Stryker!” Morgan’s screeching voice echoed the hallway.
I looked at Stryker helplessly and whispered, “Save me from this drama please, late na’ko sa klase ko.”
“Told you babe, just follow my lead,” muling bulong nito saka kumindat.
Napanganga naman ako at akmang magsasalita nang muling putulin ni Morgan ang sasabihin ko, “I-m not your-“
“Stryker! I didn’t know you know this… her,” Morgan said when she’s already infront of us. She’s throwing me daggers but I just rolled my eyes and look up at Stryker again.
“Told you, she’s demented.”
“What-“
“Morgan stop calling her poor. She’s a scholar-“ subok na paliwanag ni Stryker ngunit agad nanamang pinutol ni Morgan ang sinasabi nito.
Umingos lamang ito at nagpatuloy sa pagsasalita ng hindi maganda, “Don’t be friends with her Stryker. She’s nothing, unlike u-,”
“I’m not doing this with you Morgan,” mabilis na pagputol ng lalaki saka ako mabilisang hinatak palayo sa grupo. Narinig ko pa ang malakas na pagsigaw ni Morgan kaya napangiti ako ng nakakaloko rito saka tuluyang nagpaakay sa lalaki.
Malapit na kami sa classroom ko nang marealize ko na mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hahatakin ko na sana ang kamay ko dahil nasa harap na kami ng classroom nang ito na mismo ang bumitaw doon saka nakangiting humarap sa akin.
“You did great back there babe. But please, be careful,” wika nito na nagpakunot ng noo ko, “Don’t let anyone take your shine off of you… June,” dagdag nito saka nagsimulang lumakad palayo habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.
“Hey! Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?” pahabol kong tanong dito ngunit hindi na ito lumingon at nagpatuloy na sa paglalakad habang sumisipol.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k nito.
‘Lord… ano ‘to? This can’t be! Ayoko!’