{19} Desperate

1348 Words
Emma’s Point of View Nagtititigan kami ngayon ni Anthony sa isa’t isa at tumatagos sa aking pagkatao ang mga tingin na iyon. Ramdam ko ang pagkadismaya niya sa akin pati ang tuwa dahil alam niya na ito ang magiging dahilan ng aking pagbagsak. Sa buong mundo pati na rin sa paningin ng aking mga magulang at hindi niya na papalampasin ang pagkakataon kung saan ay siya naman ang aangat bilang pinaka magaling. “Ano ang ginagawa mo rito, my dear sister?” tanong niya sa akin at sinigurado niya pang may class ang kaniyang tono pagpapakita sa kaniyang kayabangan. Nakaramdam ako ng inis at iniwas ko nalang ang aking paningin sa kaniya. “What’s wrong? Feeling guilty?” muling tanong niya sa akin at tumawa ng pagkalakas lakas. “I gotta tell mom and dad,” wika niya at kitang kita sa tono ng kaniyang pananalita ang pagka excited. “I am pretty sure that they will be more disappointed than I am,” dagdag niya pang komento at hinugot ang kaniyang smart phone sa bulsa. Binuksan niya ito at hinanap ang numero ng aking mga magulang, hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang kaniyan tatawagan. Either way mapapahamak ako. Dinial niya ang numero na napili at iniligay ang kaniyang smart phone sa kaniyang tenga. “Mom!” masiglang tawag niya kay mom sa kabilang linya. Hindi na rin ako nagulat na si mom ang kaniyang naisip dahil momma’s boy ang lalaking ito, at masyadong makasipsip kay mom kapag may alitan sila ni dad. “Get dad and get back here,” utos niya at parang hindi mga magulang namin ang kaniyang kausap dahil sa kakulangan ng respeto sa tono ng kaniyang pananalita. “I am sure that you will be surprise for what I caught,” may pamisteryos pang nalalaman hindi na lang sabihin na nahuli niya ako. “Okay see you here,” pamamaalam niya at saka ibinaba ang telepono. Muli niya akong hinarap at mas malawak na ang kaniyang ngiti kesa kanina. “You’re dead,” wika niya at saka niya ako tinalikuran at umalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Juna sa selda at napatingin naman siya sa akin. Ramdam ko ang pagka awa niya sa akin. “Told you,” wika niya. “It’s impossible to escape here,” komento pa niya. “Oo na,” tipid at asar kong sagot sa kaniya. “So what’s your plan?” tanong niya. “Bahala na si batman,” sagot ko. Mga ilang sandali ng aming paghihintay ay muli naming narinig ang mga yabag at sa pagkakataong ito ay marami na sila. Lalo akong kinain ng kaba at takot dahil ang mga magulang ko na iyan at ang aking kapatid. Natatakot ako sa aking mga magulang at baka kung ano ang mangyari sa akin at baka idamay pa nila si Juna. Sigurado akong alam nila ang totoong pagkatao ng aking kaibigan kasi sila ang naglagay sa kaniya para bantayan ako nung mga bata pa lang kami. Papalapit ng papalapit ang mga yabag at ang pawis ko ay mas rumaragasa sa aking katawan at mukha. Anong gagawin ko? Nakita ko ang kanilang mga anino at parang multo ay nasindak ako rito. Napaatras ako hanggang sa bumangga sa pader ang aking likod. Anong sasabihin ko? Hanggang sa natanaw ko na ang mga hugis ng kanilang katawan at onti onting humaharap sa amin ang kanilang mga mukha. Paano na ako? “Ta Da!” parang magician ay masigla niya kaming ipinrisinta sa hara nila mom and dad. Hindi ko ma-ilarawan ang kanilang mga mukha ng makilala nila ang aking mukha at napa facepalm pa si papa. Ganun din ang kanilang mga naging reaksyon. “Many people of ours died because of your daughter,” walang respetong pagpapaliwanag niya. “Is this true Emma?” madiin na tanong ni dad. Kaunting salita pero napakabigat at nakakatakot. Sobrang bigat ng aking mga labi at halos hindi na ako makapagsalita sa takot. “Y-yes,” tipid at natatakot kong sagot. Napatungo na lang ako dahil ayaw kong makita ang kanilang mga reaksyon. “And you!” sigaw ni dad na siya namang ikinagulat naming lahat. Nanggigil ito at ramdam namin ang matinding pagkagalit niya. “Hinayaan mo lang dito ang ate mo!” sigurado akong si Anthony ang kaniyang tinutukoy. “But-“ “No buts!” putol ni dad sa kaniya. “Sa bahay tayo mag-uusap,” pagtatapos niya sa usapan at alam kong ako ang tinutukoy niya. Narinig ko ang mga yabag niya na papalayo at papalayo at saka naman sumunod dun ang mga yabag na nagmumula kay mama hanggang sa hindi ko na marinig ang mga yabag. Onti onti ko naman iniangat ang aking ulo at naroon pa rin ang aking kapatid. Kitang kita sa kaniyang mukha ang galit. “MGA GUNGGONG PALAYAIN NIYO NGA ANG ATE KONG MAGALING!” galit na galit niyang sigaw. Hindi talaga siya pumapalya na inisin ako dahil sa kayabangan at kahayupan ng kaniyang ugali. Agad ko namang narinig ang mga nagmamadaling mga yabag ng kaniyang mga inutusan hanggang sa makita ko na sila at binuksan ang gate ng selda. Nilapitan nila ako at itinayo ng maayos at saka ako inalalayan maglakad. “What about Juna?” tanong ko kay Anthony at muli naman niyang ipinakita sa akin ang pagkademonyo ng kaniyang ngiti. “She stays here,” wika niya at doon ay hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin.  “Are you blind?” naiinis kong pagkakasalita sa kaniya. Nagpipigil lang ako sumigaw dahil ayaw kong matulad sa kaniya. “Kitang kita mo naman na malala ang sugat niya sa braso,” tukoy ko sa may tama niyang braso. “Anthony doctor ka rin,” pinagdiinan ko sa kaniya ang mga salitang iyan. “Ano naman ang mapapala ko sa aso mo,” akma ko na siyang sasampalin pero hinawakan naman ako ng mga tao niya. “Gago ka pala, yang utak mo ang mas malala pa sa hayop,” pangiinsulto ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagkainis. “Mamatay siya Anthony hindi mo ba nakikita iyon, o kailangan mo pang linisin ko yang mata mo katulad ng paghuhugas ni mon ng puwet mo,” muli ko siyang ininsulto at kitang-kita na sa kaniyang ekspresyon ang pagka inis. Narinig ko naman na nagpipigil ng tawa ang mga tao sa likod ko. “Anong tinatawa tawa niyo?” asar na tanong ni Anthony sa mga tao sa likod ko. Umayos sila ng tayo at muling hinawakan ang mga braso ko tsaka siya umimik. “Paano naman yung mga taong pinatay niyo?” ganti niya. “Naisip mo bang may pamilya pa silang uuwian?” dagdag niya pa at sinasaksak naman nun ang aking konsensya. “Nagdalawang isip ba kayo ng magaling mong kasama bago niyo sila barilin?” dagdag niya pa at natahimik naman ako. “Isa ka ring hipokrito no? Kung makapag salita ka ay parang napaka inosente mo,” uyam niya sa akin at umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. “Ihatid niyo na yan sa bahay,” utos niya at saka naman ako itinalikod ako ng mga tao niya at dinala ako palayop. Tinahak namin ang dinaanan namin kanina ni Juna papasok dito at tumaas kami sa hagdanan papunta sa isang abandonadong pasilidad kung saan namin iniwan ang aming sasakyan kanina. Nang makarating kami rito ay sumakay kami sa itimna sasakyan na hinahabol namin kanina. Iniayos nila ako ng upo at may tumabi namang lalaki sa magkabilang gilid ko at dalawang lalaki naman sa unahan. Masyado akong nag-aalala kay Juna at baka kung ano ang kanilang gawin sa kaniya. Hindi ako mapakali sa kakaisip dahil mag isa lang siya naiwan doon at walang medikasyon. Masama ang kutob ko dahil si Anthony iyon at ang ugali nun na mas masahol pa sa hayop ay ang pinaka inaalala ko sa kalagayan ni Juna. Sinimulan nilang imaneho ang kotse at sa bawat paglayo namin sa lugar kung saan naiwan si Juna ay lalong lumalala ang pag-aalala ko sa kaniya. Nagwala ako sa loob ng sasakyan para makawala sa kanila at tatalunin ko ang sasakyan na ito para makabalik sa loob na pasilidad at gamutin man lang ang sugat ni Juna. Kinagat ko ang isa sa mga kamay nila at hindi naman nila ako magawang saktan dahil sa anak ako ng amo nila. Wala rin naman akong pake kung saktan nila ako basta mabalikan ko si Juna. Ginagawa ko ito because I am truly desperate.                                                                                                                                                                                                                                         To be continued... -Into the Apocalypse  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD