{18} Suspects

1674 Words
Emma’s Point of View Tahimik kaming naglalakad ngayon pabalik sa loob ng pasilidad, wala namang posas o tali ang aming mga kamay, pero sapat na ang mga baril na nakatutok sa aming ulo para mapigilan ang mga intensyon namin sa pagtakas. Para bang lagusan patungo sa impyerno ang puting hallway na ito at sa bawat hakbang ko ay lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Nilingon ko si Juna wala itong ekspresyon at nakahawak siya sa brasong may tama. Mukhang wala na ngayon sila Mom and Dad sa lugar na ito, we can plan to escape later. Muhang hindi pa naman ako nakikilala ng mga taong ito dahil kung alam nilang anak ako ng kanilang boss ay hindi nila ako hahawakan o tututokan ng baril, kung ayaw nilang mawalan ng trabaho. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanila ang totoo kong pagkakakilanlan dahil kay Alex at nag-iingat ako na hindi siya madamay sa misyon naming pumalpak. Nararamdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata at gustong gusto ko na pakawalan ang mga ito at umagos sa aking pisngi. Nadaanan naming muli ang mga bangkay ng mga taong naka engkwentro namin kanina at nakita ko naman ang mga reaksyon ng mga kasamahan nila. May natawa siguro dahil sa mga babae lang kami at iniisip na mahihina sila. May mga nandiri at naiintindihan ko naman iyon dahil nakakadiri naman talaga ang itsura ng mga bangkay na iyon. May mga nagalit din at nagpipigil na kami ay saktan o kaya ay barilin. Laking pasasalamat ko naman at kahit papaano ay mababait ang mga taong ito at may kaunti pang natitirang respeto para sa amin, dahil kung hindi ay kanina pa lang na paglabas namin ay napaulanan na kami ng bala. Muli kaming nakarating sa metal na pinto na aming dinaanan kanina, kung hindi sana dahil dito ay siguro nagkaroon pa kami ng kaunting tsansa para matakasan ang lugar na ito. Nilampasan namin ito at muli kaming nakabalik sa loob naroon ay tinahak namin ang madilim na hallway. Muli kong tiningnan si Juna at sa pagkakataong ito ay naagaw ko ang kaniyang atensyon. Sinilip niya ako at may kung ano siyang sinesenyas sa akin gamit ang kaniyang mga mata, ngunit hindi ko siya naintindihan at matapos niya gawin ang mga nakakalitong senyas na iyon ay muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa sahig na aming dinaraanan. Matapos ang ilang sandali ay nakalampas na kami sa madilim na hallway at nasa sentro na kami ng pasilidad at paglabas namin dito ay nakita ko ang mga ibang guwardiya na nakatingin sa amin. Ang iba ay may malalagkit na tingin na siya namang nakakapandiri at ang iba naman ay wala lang. Nakatingin lang sila para kilalanin ang aming mga mukha. May alas pa naman kami mamaya ni Juna. Pero sana ay nakapag isip na siya ng plano para makatakas kami rito. Narating namin ang isang sulok at dinaanan namin iyon hanggang sa marating namin ang tapat ng isang hanay ng steel bars. Binuksan ng isang guwardiya ang gate doon at tinulak naman kami ng mga kalalakihan gamit ang kanilang mga baril. Pumasok kami rito at kaagad naman nilang isinara ang gata. Napakapit naman ako sa steel bars. “Pasalamat kayo at yan lang napala niyo,” wika ng isang lalaki. Tinalikuran kami ng mga kalalakihan at naglakad palayo. Pinanood ko lang sila maglakad dahil wala rin naman akong mapapala kung magmamakaawa lang ako sa kanila. Sasayangin ko lang aking boses at lakas. Si Juna naman ay nakaupo sa isang sulok at malalim ang kaniyang iniisip. Ayaw ko naman siyang gambalain baka masira ko ang kaniyang concentration at masira ko nanaman ang plano. Umupo ako sa kabilang gilid ng silid at pilit kong kinalma ang aking sarili dahil kanina pa nagwawala ang aking puso sa sobrang galit, sa sobrang awa, at sa sobrang kahihiyan. Naniwala ako sa isang false hope, para akong bata dahil inaakala ko na parang fairy tale lang ito at may happy ending kami sa dulo ng misyon na ito. Pero huli na ang lahat nang muli akong mamulat sa realidad, hindi palagi masaya, hindi palagi nagtatagumpay. Ano pa ba ang bago? Masyado lang talaga akong nadala sa mga munting tagumpay namin. Kung naging atentibo lang ako katulad ng kanina pa sinasabi sa akin ni Juna. Mababago ko sana ang nakaraan, kahit kaunti lang. Imposivble naman nang mangyari iyon at ngayon sa huli ay aking pinagsisihan ang lahat. Pero ito lang ang aking maipapangako Juna kapag nalagay na tayo sa napakatinding sitwasyon, ay handa akong itapon ang aking pagkatao mailigtas ka lang. “Emma,” tawag sa akin ni Juna at kaagad naman akong napaangat sa aking ulo dahil sa tuwa na ako ay kaniyang pinansin na kanina. May inabot siya sa kaniyang bulsa at ipinakita sa akin ang vial. Ito pala ang ibig sabihin ni Juna kanina at hindi pa nila alam na nasa amin ito. “They forgot about this,” nakangiting wika niya. “Keep it,” inabot niya sa akin ang vial na naglalaman ng sample blood ni Miss Mendoza. Kinuha ko naman ito at itinago ito sa pagitan ng aking dibdib. Sigurado naman akong hindi sila mangangahas na hawakan ang parteng ito ng aking katawa. “Do you have a plan already?” masiglang tanong ko. Si Juna ito at magaling siya sa mga ganitong bagay. “What plan?” takang tanong niya sa akin. “Our escape,” paglilinaw ko. “There is no plan,” malamig na pagkakasabi niya sa akin at kaagad namang bumagsak ang aking mga balikat. “Ano ang ibig sabihin mong walang plano?” muli ko siyang tinanong at umaasang biro lamang iyon para takutin ako katulad ng mga ginagagawa niya sa akin noong kami ay mga bata pa. “Look Emma, they will know about our identity sooner enough,” paliwanag niya sa akin. “And I am pretty sure that escape is impossible here, now that they are aware of our presence but they still didn’t know about our identity,” dagdag niya. Gumuho naman ang aking mundo sa aking mga narinig mula sa kaniya dahil sa bibig niya na mismo lumabas ang salitang imposible. Sobra akong nabahala at lalong nanaig ang tako sa akin at hindi ko malaman ang aking gagawin. Masyado akong naguguluhan. Masyado akong natatakot. Muli akong napayuko at napahawak sa aking buhok. Naramdaman ko ang onti onting pagbigat ng aking mga mata at hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman. Nakita ko ang aking sarili sa aking kama at hindi ako makapaniwala dahil kanina lamang ay nasa isang kulungan kami ni Juna. Panaginip lang ba ang lahat? Napatayo naman ako at kaagad akong nagtungo sa salamin at tiningnan ang aking sarili kung namamalik mata ba ako. Sinampal sampal ko naman ang aking sarili para mapatunayan ko naman sa aking sarili na realidad ba itong mundo na aking ginagalawan. Napakatotoo sa pakiramdam ang mga pangyayari kanina. Nakaamoy naman ako ng usok at kaagad akong napalingon sa pinanggalingan nito. Sa labas ng aking kwarto. Gumalaw ang aking mga paa kahit hindi ko naman iginagalaw ang aking sarili at para bang may sariling buhay ito at kahit anong gawin kong pigil ay hindi ako matigil sa paglalakad. Tumigil lamang ito nang marating ko ang aking pintuan at wala naman akong ibang magagawa kundi pihitin ang door knob at malaman ang pinanggagalingan ng usok na iyon. Pagbukas ko rito ay mali naman ang inaasahan kong pangyayari dahil inaakala kong nasusunog ang bahay pero parang ginagabayan ako ng usok pababa. Sinundan ko ito at masyadong maraming tanong sa aking isipan kaya hindi ko na ito pinalampas. Narating ko ang hagdan at naglakad ako pababa rito dahil ang narito pa ang tail ng usok. Hanggang sa marating ko ang aming kusina at naroon ang buong pamilya ko na nagsasalo salo sa pagkain kasama si Juna at Alex. Masaya silang kumakain at nagtatawanan pa ito sa isa’t isa. Naagaw ko ang kanilang atensyon at nilingon nila ako lahat. Nagbago ko ang kanilang ekspresyon mula sa pagiging masaya ay napalitan ito ng galit. Ang usok kanina ay nagliyab at nilamon sila ng apoy. Nasusunog ang kanilang mga katawan pati ang napakalinis at eleganteng bahay namin ay nasusunog na rin at napapalibutan ng maraming bangkay. Napaatras ako at napatakip sa aking bibig dahil sa gulat. “Kasalanan mo ang lahat,” sabay sabay silang nagsalita at bigla namang bumigat ang aking pakiramdam. Hindi ito totoo. “Hindi sana mangyayari ito, kung hindi dahil sa’yo,” muli silang nagsalita. Tama sila, kasalanan ko ang lahat at kung hindi dahil sa akin ay hindi sana mapapahamak ang lahat. “Ikaw ang puno’t dulo ng lahat,” muli silang nagsalita hanggang sa maagnas na lang ang kanilang mga katawan at naging mga kalansay. Umagos ang aking mga luha. “OO NA! TAMA NA!” ginamit ko ang aking buong lakas para maisigaw ang mga katagang iyan. Bigla namang sumabog ang buong paligid. Napaangat naman ako ng ulo at agad kong inilibot ang aking paningin. Nasa kulongan na ulit ako at naroon si Juna na natutulog din. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat. Nakakatawa lang isipin dahil dalawang beses kong inakalang panaginip lamang ang lahat. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag sa labas ng kulongang ito. Hanggang sa makita ko na ang silhouette ng katawan ng pinagmumulan ng mga yabag na iyon at nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko ang  lalaking iyon. Si Anthony, ang aking kapatid. This is the last thing that I wanted to happen. Gumuho ang aking mundo at naghalo halo ang mga emosyon sa aking dibdib. Hinarap niya ako gamit ang kaniyang mayabang na mukha, ayun ang kaniyang mga mata na nangmamaliit ng tao na nakatutok sa akin at ang kaniyang ngiti na sobrang mapagmataas. Pumalakpak siya ng dahan dahan at tumigil siya sa tapat ng gate ng aming selda. “Well well well,” mayabang na pagkakasabi nito. “Look who’s here,” natatawa siya na para bang bata na nakuha ang kaniyang paboritong laruan. “Ang aking panganay na kapatid na mas MAGALING pa sa akin,” may diin ang salitang magaling at ramdam ko ang poot na iyon sa kaniyang boses. I feel like that he is the cop and we are suspects. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD