{17} Panic

2030 Words
Emma’s Point of View “Let’s go Emma, before they find us,” tawag sa akin ni Juna. Natauhan naman ako run dahil nakatulala lamang ako sa mga ilaw na kulay pula. Masama ito dahil nasa state of emergency ang buong pasilidad. Lalo kaming mahihirapan na malampasan sila. Sobra sobra na ang mga nangyayari para sa akin hindi ko kakayanin ito. Agad naman akong tumakbo papunta kay Juna na ngayon ay sumisilip sa labas ng pintuan. Sinenyasan niya ako na tumigil nang makalapit ako sa kaniya at agad ko naman iyong sinunod. Muli niyang inihanda ang kaniyang baril sa mga kamay niya para sa engkwentro. Takot Pangamba Kaba Binabalot ng mga pakiramdam na iyan ang aking puso. Labis na akong nag-aalala para sa kapakanan namin ni Juna. Natatakot ako na baka mamaya ay mapahamak kami at may kung anong mangyari na siyang tatakot sa akin sa habang buhay. Hindi ako handa. Hindi ko inihanda ang aking sarili. Napaka tanga ko, napaka arrogante ko. Hindi ko man lang pinaghandaan ang mga ganitong pangyayari. Sa pagkakataong ito ay isa lang akong pabigat kay Juna. Wala akong baril, wala akong experience sa paglaban, at lalong lalo na sa lahat ay pinangungunahan ako ng aking takot at wala akong ibang magawa kundi ang sundan si Juna at maawa sa aking sarili. Bumubuhos ang aking pawis at hindi ko ito mapigilan. Kahit anong oras ay pwedeng bumuhos ang aking luha na siyang naiipon sa aking mga mata. “Be calm,” putol ni Juna sa aking pagiisip isip. Napatingin ako sa kaniya at ngayon ay may iniaabot siya sa aking panyo. Nahalata yata ako. Inabot ko ito at ipinunas ko ito sa aking pawis at sa aking mata na namumugto na ang luha. “Don’t worry,” wika niya nang matapos na ako magpunas. “From the looks of it, they still did not know our identity,” pag inform niya sa akin at kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag. “Be still and don’t make unnecessary actions that will cause both of us trouble,” sabi niya sa akin at mas lalo ko namang narealize kung gaano ako kabigat sa sitwasyon na ito. Pinakalma ko ang aking sarili sa buo na aking makakaya. Tumayo ako ng matuwid at huminga ng malalim para ihanda ang aking sarili sa apoy na siyang susubok sa amin ngayon. Dahan dahang lumabas si Juna sa pintuan at pinigilan ko naman ang panginginig ng aking tuhod habang naglalakad palabas sa pinto. Halos lumuwa ang aking mata kung gaano karaming guards na may hawak na baril ang tumatakbo sa buong pasilidad at tinitingnan ang bawat kwarto maliban dito. Marami ring dumadaan sa amin at sa pagkamalas ko nga naman ay may isang guwardiya ang tumigil sa aming harapan. “Alam niyo na ba ang nangyayari?” tanong nito sa amin at tama si Juna na hindi pa kami nakikilala ng mga guwardiya rito. “Yes sir!” tugon ni Juna at sumaludo ito sa kausap. “May intruder na nakapasok at kasalukuyang hinahanap ngayon,” dagdag ni Juna na at tumango naman sa kaniya ang kausap na guwardiya. “Hinanap niyo na ba sa loob ang salarin?” tanong pa nito. “Kakatapos lang namin inspeksyunin ang kwarto at all clear naman po ang lahat sir,” palusot ni Juna. “Maganda kung ganun, puntahan niyo ang iba pang mga lugar kung saan pwede mag tago ang salarin,” wika nito at saka sumaludo sa amin. Sumaludo naman si Juna pabalik at ginaya ko iyon at itinuwid ang aking tayo sa aking makakaya. Agad itong umalis sa aming harapan at tumakbo sa isang kwarto at kaniya itong pinasok. “Let’s go,” aya niya sa akin. “Let’s find an alternative exit,” imporma niya sa akin at napatango naman ako run. Tumakbo ito at hinawakan ang kaniyang pistol at sa pagkakataong ito ay kita na ito ng ibang tao para magaya ang ibang guwardiya na may hawak na malalaking baril habang tumatakbo sa buong pasilidad. Tinungo niya ang kabilang direksyon kung saan kami nanggaling kanina at binilisan niya pa ang takbo. Nakakaramdam ako ng pagod dahil sa kanina pa kami tumatakbo pero ininda ko ito tiniis dahil mapapahamak kami kung paiiralin ko ang kaartehan ng aking sarili. Sinundan ko siya ng sinundan at tiwala naman ako na saulo niya na ang pasikot sikot ng lugar na ito. Lumiko kami sa isang kanto kung saan walang masiyadong tao ang dumadaan. Tinahak namin ang madilim na lugar at dineretso ito. Ipinagpatuloy namin ang pagtakbo sa daang ito hanggang sa marating namin ang isang metal na pinto ay may isang kung anong scanner at bigla namang pumasok sa isip ko ang ID na may fingerprint ng mga babaeng guwardiya kanina sa security room. Agad ko itong inilabas sa aking bulsa at sinubokan kung gagana ito. Sa kabutihang palad ay nagkulay green ang ilaw sa itaas ng pinto at ibig sabihin nito ay bubukas ang pinto. Dahan dahan itong bumukas at naglabas naman ito ng isang napakalakas na ingay kaya napatakip naman ako sa aking tenga. “ANDITO SILA!” sigaw ng isang lalaki sa kalayuan. “s**t!” napamura si Juna dahil masama ito. “This is a trap,” bigla naman akong kinabahan sa mga kataga niyang iyon at muling bumilos ang t***k ng aking puso. Muling bumuhos ang aking pawis at bumalik ang matinding takot sa aking dibdib. Ano na ang mangyayari sa amin ngayon? Trapped kami rito at pinapanood namin ang mabagal na pagbukas ng pinto habang gumagawa ng isang nakakarinding ingay. Naririnig namin na papalakas at papalakas ang yabag ng kanilang mga paa. Inihanda ni Juna ang kaniyang baril at itinutok ito sa direksyon kung saan lalabas ang mga guwardiya. “Emma try to fit yourself in the door and if there is enough gap we’ll try to force ourselves out,” wika niya sa akin at agad naman ako nagtungo malapit sa pinto. Sinubukan ko lumusot sa pinto pero hindi ako magkasya rito pero pinwersa kong pagkasyahin ang aking sarili rito. Masakit pero kailangan kong tiisin para sa kaligtasan naming dalawa ni Juna. Sige pa! Emma ipilit mo pa ang sarili mo, huwag mong hayaan na kainin ka ng takot. Magpakatapang ka. AHHHHH! Sa wakas ay nakalusot naman ako sa kabilang banda ng pintuan. “JUNA! TARA NA!” sigaw ko sa kaniya at nakarinig naman ako ng mga putok ng baril. Nagpatuloy ito pero hindi ko masilip ang kabilang banda. Sa pagkakataong ito ay bumuhos ang aking luha ng tumigil ang putukan at napaluhod naman ako. Juna bakit? Agad namang naagaw ng aking atensyon ang isang kamay na pumasok sa pintuan at muli naman akong nabigyan ng sigla nang makita ko na si Juna iyo. Agad niyang inilusot ang kaniyang katawan sa pinto na mabagal bumukas. “Hurry up! This is no time to sit around,” paalala niya sa akin at kaagad naman akong tumayo. Nangunguna na si Juna na tumakbo sa akin ngayon at kaagad ko naman siyang sinundan. Napaisip naman ako na kung paano niya nagawang malampasan ang mga guwardiyang iyon. Paano siya nabuhay sa engkwentrong iyon? Dahil sa totoo lang ay open space ang kinatatayuan ni Juna at wala siyang ibang pwedeng pagtaguan at ang tanging paraan na lamang ay ang makalusot sa pintong iyon. Siguro ay hindi siya mapapasama sa pinakamagagaling na sundalo sa wala lang. Talagang napaninindigan niya ito at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaligtasan kapag nasa tabi ko siya. Ngayon naman ay tumatakbo kami sa isang mahabang hallway at hindi ko ito napansin kanina dahil nakatuon lamang ang aking isip kay Juna at kung ano ang nangyari sa kaniya kanina. Akala ko ay sa labas na kami ihahatid ng pintuan na iyon pero hindi. Nagpatuloy kami ng nagpatuloy sa pagtakbo. May mga pintuan dito at sana ay walang biglang lumabas sa mga iyon at paputukan kami. Nakarinig naman ako ng lagabog sa may kalayuan. Nabuksan na yata ang pintuan at rinig ko rito ang mga yabag ng kanilang paa. Binilisan ko pa ang aking takbo para masigurado ko na hindi ako isang pabigat kay Juna at kahit anong mangyari ay makakatakas kami sa lugar na ito at pareho kaming uuwi sa aming mga pamilya. Walang masasaktan. Sa may kalayuan sa amin ay may bumukas na tatlong pintuan at kaagad naman kaming napatigil dahil dito at itinutok ni Juna ang baril sa direksyon na iyon at handang barilin ang kung sino man na lalabas doon. May dalawang lalaki na lumabas sa isang pintuan at bago pa man ito makatutok ng baril patungo sa amin ay kaagad akong nakarinig ng dalawang putok ng baril at kasunod nun ang pagtumba ng kanilang mga katawan na wala ng buhay. Nakita ko naman ang mga laman nilang kumalat dahil sa bala na tumama sa kanila. Hinili ko ang aking sikmura pababa dahil alos mailuwa ko na ito sa sobrang pandidiri pero sa kabilang banda ay napahanga ako sa galing ni Juna sa paggamit ng baril. Dahan dahan kaming naglakad papalapit sa mga pintuan at nakatutok pa rin si Juna patungo sa mga pintuan na iyon. Nalaman na yata nila na wala silang pag asa kay Juna sa isang shoot out kaya napaatras sila. Sana ay ganoon nga ang nangyari. Sabay sabay namang lumabas ang mga tao sa dalawang pintuan at kung bibilangin ko ito ay nasa walong katao sila lahat lahat. “Emma!” sigaw ni Juna. “Dapa!” kaagad siyang dumapa at kusa namang bumigay ang aking mga tuhod para kaagad akong makadapa sa sahig. Kasunod nun ang sunod sunod na putukan. Tinakpan ko ang aking mga tenga at gumulong sa sahig dahil ito na lang ang paraan na aking naiisip at umaasang hindi matamaan kahit na ligaw na bala. Nakarinig naman ako ng sunod sunod na pagputok ng mga baril at saka ito natigil. Onti onti kong iminulat ang aking mga mata, at nakita ko ang dugo na kumakalat sa buong sahig at nanlaki naman ang aking mata dahil sa labis na pagkatakot. Napaatras ako at nakita ko si Juna na nakaluhod habang nakatutok ang baril. Wala ng buhay ang walong tao na kanina lamang ay puno ng determinasyon ang kanilang mga mata. Hindi ko talaga alam itong aking napasok. Agad naman akong napatayo dahil naririnig ko nanaman ang mga yabag ng kanilang mga paa at papalakas ito ng papalakas. Napansin ko naman na may dugong tumutulo sa mga braso ni Juna ngayon. HALA! May tama siya at kaagad ko namang kinuha ang kaniyang braso para tingnan ito. Nagulat naman siya dahil sa hindi niya ito inaasahan at dahil na rin sa sakit na idinulot nun. Agad niya naman itong binawi at tumayo. “We have no time for this Emma,” wika niya sa akin at sobrang nag-aalala naman ako sa kaniya. “Let’s hurry before they reach us,” hinawakan niya ang kaniyang braso at muli siyang tumakbo ng mabilis. Tumutulo ang kaniyang dugo at kaagad ko itong lulunasan pagdating namin sasakyan at ako ang imamaneho ko ito papunta sa pinakamalapit na hospital. Nagpatuloy kami sa pagtakbo at sa pagkakataon namang ito ay wala ng mga pintuan na siya aalalahanin namin at ngayon ay puro pader na lamang ang aming mga nadadaanan. Mga ilang saglit pa ay nakita namin sa kalayuan ang isang pinto. Lalo pa namin binilisan ni Juna ang aming pagtakbo para marating ang pintong iyon para hindi kami maabutan ng mga humahabol sa amin at baka ay mabagal nanaman ito katulad ng bakal na pinto kanina. Nalapitan namin ang pinto at laking pasalamat ko ay isa itong pintuan na gawa sa isang kahoy at may door knob naman dito. Hindi na sinubokan pang ipihit ni Juna ang door knob at kaagad niya itong binaril at sinipa ang pintuan para matumba ito. Agad naman kaming tumakbo habang natutumba ang pintuan para walang masayang na kahit isang segundo. Agad naman akong napatigil at nanlaki ang aking mga mata sa mga sumalubong sa amin  sa kabilang banda ng pintuang iyon. Isang pulutong ng mga kalalakihan ang sumalubong sa amin. Nakatutok ang kanilang mga baril sa aming direksyon kaagad naman akong napalingon para bumalik sa pinanggalingan namin kanina, pero naroon na ang mga humahabol sa amin nakatutok din ang mga nila patungo sa amin. Tiningnan ko naman si Juna na nakataas ang isang kamay na walang tama at nasa lupa na ang kaniyang baril. I can’t help it now but to panic. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD