{16} Another Mistake (Part Two)

2257 Words
Emma’s Point of View Binuksan ni Juna ang pintuan at sumilip kung may tao pa ba sa labas ng kwartong ito. Luminga-linga siya bago niya ako sinenyasan na lumapit sa kaniya at saka siya lumabas. Nagsimula naman ako maglakad papunta sa pintuan at inilapag ang hawak hawak kong folder sa lamesa.  Nang marating ko ang pinto ay ginaya ko naman ang ginawa ni Juna na paglinga linga sa paligid dahil mas maganda kung walang tao na makakakita o makakapansin sa amin, Nagmadali naman akong naglakad kay Juna na hawak hawak ang kaniyang cap pababa para matakpan ang kaniyang mga mata. Narating ko ring ang kaniyang tabi. “Lead the way,” bulong ko. Dinaanan namin ang kasiyahan at may mga kalalakihan namang tumatawag sa amin para saluhan sila pero hindi namin ito pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad at nilibot ang buong lugar. Dumampot naman ako ng isang baso ng soft drinks sa lamesa na aming nadaanan. Nauhaw na ako sa aming mga ginagawa at talaga namang nakakapagod ito. Idagdag pa ang mga problemang gumugulo sa akin ngayon. Ginawa ko ang aking makakaya mapantayan lamang ang bilis ng lakad ni Juna. Sigurado naman akong pinag-aaralan niya na ang paligid para sa plano. Matapos siya maglibot ay nilisan namin ang lugar ng pagdiriwang. Napahawak naman ako sa aking cap nang makasulubong naming ang aking mga magulang na nagtatawanan sa isa’t isa. Parang wala lang ay nilampasan nila kami at para bang walang presensya bukod sa kanilang dalawa. Narating namin ang isang pintuan at sinubokan naman ni Juna na buksan ito pero hindi katulad ng ibang kwarto ay kailangan namin ng susi para rito. Agad namang nagpatuloy si Juna sa paglakad at muli ko siyang sinundan. Bago ko malampasan ang pintuan ay nabasa ko ang senyales dito. “Specimen Room”.  Para saan ang kwartong ito? May kutob naman ako na dito nila inilagay ang vial na dala dala ng tatlong lalaking iyon kanina. “Pssstm Juna,” tawag ko kay Juna na patuloy pa rin sa paglinga linga sa paligid. Nilingon niya naman ako habang patuloy pa rin sa paglakad. “I think that’s the room,” tukoy ko sa specimen room. “Yes I know,” sagot niya at pinanlakihan ko naman siya mata. “It’s obviously locked what do you expect? Barge in?” wika niya at napahiya naman ako run kaya nanahimik na lang ako. Hindi ko na muling ibinuka ang aking bibig para magsalita. Nagpatuloy siya sa paglalakad at inikot lang namin ang lugar at muli kaming nakabalik sa kasiyahan.  Nilapitan naman ni Juna ang isang lalaki at idinikit ang kaniyang dibdib sa braso nito. Nilandi niya ito at ginamit ang kaniyang galing sa pagkuha ng atensyon ng lalaki. “Kuya,” tawag niya sa lalaki at may pagkamalandi naman ang tono nito. Agad naman siyang nilingon ng lalaki na may ngiti sa kaniyang mukha. Mukhang epektibo naman ang ginagawa ni Juna. “Pwede mo bang buksan ang pintuan na iyon?” turo niya sa specimen room. “Kung pagbibigyan mo ako ay maibibigay ko sa iyo ang susi,” nandiri naman ako sa sinabi ng lalaking iyon. “Tara doon tayo sa walang masyadong tao,” aya nito kay Juna. “Sige hehe,” mahinhin na pagsang ayon nito sa kaniya. “Ano bang kailangan mo roon?” tanong ng lalaki. “May nakalimutan kasi kami run pero naka lock,” paliwanag naman ni Juna. “Sige bilisan lang natin baka may makakita sa atin,” tawa tawang tugon ng lalaki. Pasikreto ko silang sinundan at baka kung ano ang mangyari kay Juna. Maigi ng may back-up siya kesa naman sa makawawa siya. Dumeretso sila sa isang kanto na walang tao na masyadong dumadaan at kanila naman iyon na dineretso. Agad naman akong tumakbo sa may gilid at sinilip sila. Hinintay ko munang makalayo sila bago ako magpatuloy dahil wala na akong iba pang pwedeng pagtaguan kapag lumingon sila. Sinundan ko sila nang tama na ang layo nila sa akin at tahimik akong naglakad pasunod sa kanila. Binuksan naman ng lalaki ang isang pintuan at pumasok sila doon, Binilisan ko naman ang aking lakad at narating ko rin ang kwarto na kanilang pinasukan. Sumilip ako sa loob at nakita ko kung paano itulak ni Juna ang lalaki sa pader at dahan dahan niyang inabot ang butones ng kaniyang polo. Sinubukan naman siyang halikan ng lalaki pero pinagbawalan niya ito. “Huwag ka masiyadong excited,” malanding tugon ni Juna. Pinagpatuloy niya ang pag-abot sa butones at nang matanggal niya na ang lahat ng butones ay kaagad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki at napangiti naman ang lalaki. Ang mga sumunod na nangyari ay ang talagang gumulat sa akin. Agad niyang tinuhod ang pribadong parte ng lalaki at tinwist niya ang leeg nito. Narinig kong lumagatok ang mga buto sa kaniyang leeg. Pinanood ko matumba ang walang buhay ng lalaki. Pinatay siya ni Juna, hindi ako makapaniwala kung gaano niya ito kadali ginawa. Lumuhod si Juna at kinapkap ang buong katawan ng lalaki hanggang sa maabot niya ang isang set ng susi. Tumayo siya at nagtungo palabas ng kwarto, ako naman ay nagtago sa gilid at magpapanggap na lang ako na wala akong nakita. Nakalabas siya sa kwarto at agad niya naman akong nilingon. “You saw everything right?” tanong niya sa akin at namawis naman ako ng sobra sa tanong na iyon. Tumango ako dahil sa takot ko sa kaniya. “He deserves it. Those kind of person disgusts me and they get what they deserves,” malamig ang kaniyang boses na lalong nagbigay ng kilabot sa akin. Ipinakita niya sa akin ng susi at agad namang nagbago ang kaniyang aura at naramdaman ko naman ang paggaan ng tensyon. Ngumiti siya sa akin at nanguna na sa paglakad. Narealize ko bigla ang mga aksyon niya kanina. Kung bakit siya luminga linga sa paligid na aming dinaraanan ay para malaman kung saan kami pupunta at kung sino ang kaniyang lalapitan. Dumeretso naman kami patungo sa specimen room. May mga nakasalubong naman kami na mga guwardiyang naglilibot sa pasilidad pero iniwasan na lang namin ito ng tingin para walang mangyaring hindi kasama sa plano. Nang marating namin ang tapat ng pintuan ay kaagad namang sinubukan ni Juna ang isa sa mga susi doon. Unang subok ay hindi gumana at sinubokan niya naman ang kasunod. Nakarami siyang subok bago magkasya ang susi at napihit namit ito. Bumukas naman ang pinto at dahan dahan niyang binuksan ito. Pumasok siya nang masigurado niyang ligtas ang loob nito at sinenyasan naman ako na pumasok. Pumasok ako nang maingat at sinundan kung saan nagtatago si Juna. Sa may kalayuan ay may nakita kaming mga lalaki na nasa puting lab coat at ang mga lalaking naka itim kanina. Naguusap usap sila pero malabo ito para sa amin dahil nga sa malayo kami sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakita ko ang mga jar na may lamang mga mata at ang iba ay may lamang loob ng tao. Naka preserve ito sa isang solution na pumapatay ng bacteria para mapigilan ang pagdecompose nito. Gumapang kami papalapit sa kanila para madinig ang kanilang pinag-uusapan. Habang papalapit kami ay nakakaamoy naman ako ng maalingasaw pero tiniis ko ito at nagpatuloy sa paglapit sa kanila. Ang baho. Kitang kita ko naman sa mga kilos ni Juna na napapansin niya ang amoy na iyon pero katulad ko hindi niya ito pinansn. “Kinuha niyo ba ang mata niya?” tanong ng isang hindi pamilyar na boses at ngayon naman ay kahit papaano ay may naiintindihan na ako sa kanilang pinaguusapan. Agad naman akong sumilip sa mga metal stand na aming dinadaanan at nakita ko namang inilapag ng lalaki ang itim na briefcase na pinaniniwalaan kong pinaglagyan niya ng vial. Inabot niya naman ang isang bag sa lalaking nakaputi na siyang nagtanong. Binuksan niya ang bag at inilabas ang dalawang jar na naglalaman ng dalawang mata. Mata ba ni Miss Mendoza iyon? Napaka creepy naman ng hobby nito. “HAHAHAHA,” nababaliw niyang tawa. “Panibagong dagdag sa aking koleksyon,” proud na proud niyang pagkakasabi. Itinaas niya pa ito at itinapat sa ilaw sa kaniyang itaas. Naglakad ito papunta sa aming direksyon at nakaramdam ako ng matinding kaba sa aking dibdib. Nabigla ako nang maramdaman kong may humila sa akin. Si Juna iyon at hinila niya ako sa natatakpang parte ng mga stand. Binigyan niya naman ako ng isang asar na tingin at naiintindihan ko ang mga sinasabi niya ngayon sa kaniyang isipan, na hindi ako nag iingat sa misyong ito. Binigyan ko naman siya ng isang kinakabahang ngiti. Nilingok ko ang lalaki kanina na papunta sa direksyon namin na inilalagay ang mga mata ni Miss Mendoza sa metal stand niya kung saan inilalagay ang kaniyang sinasabing koleksyon. “Ibibigay ko ang bayad sa inyo mamaya para sa mga matang iyon,” wika niya at naniniwala ako na ang kausap niya ngayon ay ang mga lalaking naka itim na kumuha nun. “Hey,” tawag sa akin ni Juna at agad namang napunta ang atensyon ko sa kaniya. “Be more alert and attentive,” bilin niya sa akin at tumango naman ako sa kaniya. “AND,” madiin ang salitang iyon kahit pabulong. “Don’t panic,” pahabol niya at napahiya naman ako run dahil sa nangyari kanina.  Ipinagpatuloy niya ang pag gapang at sinunda ko naman siya. May paliko rito at sinundan namin ito dahil wala naman ng iba pang dadaanan. Sa kasamaang palad isang pintuan ang sumalubong sa amin at tumayo si Juna at pinagpag ang kaniyang damit. Ginaya ko rin ang kaniyang ginawa at muling pinanood si Juna na dahan dahang binuksan ang pintuan at muli niyang sinilip ang loob nito bago pasukin ito. Dahan dahan siyang naglakad papasok at sumunod naman ako sa kaniya at naging maingat ako sa bawat hakbang na aking gagawin dahil napakaselan nito at mahirap na kung mahuhuli nila kami ngayon. Hindi ako makakapayag. Malayo na ang aming narating ngayon pa ba ako magkakamali. Hindi ako makakapayag. Be competent as they taught you Emma. Sinilip ko naman ang paligid kung saan may ilang mga lalaki at babaeng na nakasuot ng puting labcoat ang pinag aaralan ang mga katawan ng tao. SAGLET! Mga tao iyan? Sa itsura nito ay mutilated ang mga ito at kung ano ano ang kanilang pinag gagawa sa mga katawan na ito. Wala silang respeto. Tinrato nila na parang hayop ang mga taong ito. May inilabas naman na panyo si Juna sa kaniyang bulsa at nag abang sa isang gilid. May isang lalaki naman ang papunta sa aming direksyon ngayon at inihanda naman ni Juna ang kaniyang pwesto. Nang makalapit ito at abot ni Juna ang lalaki ay tumayo siya kaagad at hinawakan ang ulo ng lalaki at saka hinila at mabilis niyang itinaklob ang panyo sa ilong nito. Mga ilang segundo lang ay nawalan ng malay ang lalaki at natumba ito. Hinili niya naman sa aming pwesto ang katawan ng lalaki. Kaya pala niya inisprayan ang panyo kanina sa security room para sa mga ganitong bagay. Laking pasasalamat ko dahil napigilan ako na gamitin ang panyong iyon at kung hindi ay natulad ako sa lalaking ito na mahimbing na natutulog. Dumeretso naman kami ni Emma sa pintuan papunta sa isang pinto kung saan ay umaasa kaming may access pabalik doon sa lalaking may weird na hobby. At sana sa pagkakataong iyon ay wala na ang mga lalaking nakaitim dahil malaking problema talaga iyon. Ginawa ni Juna ang kaniyang ginawa sa isang lalaki sa puti ang mga nakakasalubong namin katulad niya at itinatago ang kanilang walang malay na katawan. Hanggang sa isang babae na lang ang natitira pero hindi ito pinalampas ni Juna at inalisan niya rin ito ng malay. Maigi ng safe kami. Inilabas naman ni Juna ang isang baril sa kaniyang likuran at ako naman ay kinapkap ang aking pantalon at wala akong naramdaman. Bigla ko namang naalala na naiwan ko ang aking bag sa sasakyan. Emma you’re so careless. Pero in the bright side, hindi ako gagamit at kikitil ng buhay. Narating naming ang pinto na magdadala sa amin pabalik sa lalaking iyon. Sinilip niya ito at kita ko naman ang kaniyang sinisilip dahil nasa likuran niya lang ako. Wala na ang mga lalaking nakaitim at pinag-aaralan naman ng lalaking may weird na hobby ang vial. Siguro ayun na yung kinuha ni Anthony sa katawan ni Miss Mendoza. Kaagad na lumabas si Juna sa pintuan at itinutok ang baril sa lalaki. “Hands up and put the vial down. Kung ayaw mong maging isa sa mga koleksyon mo ang mga mata mo!” pananakot ni Juna sa lalaki at agad namang natuon ang kaniyang atensyon sa amin. Nanlaki ang mata nito dahil sa baril na kaniyang hawak. Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay sa may mesa malapit sa kaniya at inilapag ang vial doon at muli niya itong tinaas. Lumapit naman si Juna rito at sumunod naman ako sa kaniya pero pinanatili ni Juna ang kaniyang distansya para hindi siya maabot ng lalaki na pwedeng magdahilan ng isang gulo. Mabilis ko itong inabot habang ang lalaki ay nananatiling nakataas ang mga kamay. Dahan dahan namang lumapit si Juna sa lalaki at nagtangka namang manlaban ang lalaki pero kaagad itong binatukan ni Juna sa bumbunan at nawalan ng malay. Lumapit naman ako kay Juna nang masigurado na hindi na gumagalaw ang lalaki. Ipinakita ko sa kaniya ang vial at isang malaking ngiti dahil nagtagumpay kami. Ngumiti naman siya sa akin pabalik. “We succeed,” tipid at hingal na komento ni Juna. “Yes! WE DID!” masiglang tugon ko. Para naman akong pinagsukloban ng langit at lupa nang tumunog ang isang alarm. Nagkulay pula ang lahat ng ilaw. “THERE WAS A DEAD BODY IN THE STORAGE! INTRUDER ALERT!” OH NO! We did another mistake. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD