{15} Another Mistake (Part One)

1577 Words
Emma’s Point of View Dinaramdam ko pa rin hanggang ngayon ang mga sikreto na tinago sa akin ng aking pamilya at ang masama pa roon ay baka sila pa ang lider ng mga sindikato. Hindi ko pa rin nasisigurado kung mga sindikat nga ba ang mga taong ito. Pinapanood ko sila na ipagdiwang ang makakamit ng aking bunsong kapatid. Nakakalungkot lang isipin na hindi man lang nila ako naisip, parte pa ba ako ng pamilyang ito? Ang ginawa lang naman nila ay ipagkumpara ako sa aking kapatid at ang aming mga nakamit. Nararamdaman ko ang mga namumuong luha sa aking mga mata, dahil inakala ko talaga na nagkakasundo na kami ng aking mga magulang. Mali pala ako. Mali pala na nag expect ako. Sa huli ay ang kanilang pangalan ang mas importante sa kanila. Kinalabit ako ni Juna at nilingon ko naman siya. “We shouldn’t stay here,” bulong niya. “They will find us out sooner,” dagdag na pabulong niya pa. Tumango naman ako pabalik sa kaniya at nakayukod kaming naglakad papunta sa isang pinto na nakabukas. Madilim ang lugar na iyon kung titingnan sa kalayuan kaya doon napagdesisyunan ni Juna na pumunta. Maingat namin itong pinuntahan at nagtago sa mga naglilibot na guard at nang marating namin ito ay may nakita kaming kaunting liwanag na nagmumula rito. Dahan dahang binuksan ni Juna ang naiwang bukas na pinto at ako naman ay nagtago sa gilid habang pinipilit sa silipin ang loob. Sumenyas naman sa akin si Juna na maging tahimik sa paglagay ng kaniyang index finger sa kaniyang labi. Pinilit ko naman na hindi makagawa ng ingay sa bawat galaw ko. Gumapang siya papasok sa pintuan at naghintay ako sa mga susunod na signal niya. Wala akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay kaya ipinaubaya ko na sa kaniya ang magiging kilos namin. Siya ang eksperto sa mga ganitong bagay at ako naman ay isang bata na biglang naisali sa isang laro na wala akong kaalam-alam. Luminga linga ako sa bawat gilid para masiguradong walang tao na papunta sa aming kinaroroonan. Mga ilang saglit pa ay nakarinig ako ng kalabog sa loob at hindi ko napigilan ang aking sarili na sumilip at alaming kung ano ang nangyari. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na walang malay ang dalawang guwardiya na nakabantay sa mga CCTV, pinapasok niya naman na ako ng mapansin ang aking presensya. Agad-agad naman akong pumasok at isinara ang pinto. Sinigurado kong naka lock ito para kung may papasok man ay alam namin. Kinapa ni Juna ang buong katawang ng dalawang walang malay na guwardiya. Inilibot ko naman ang aking paningi sa buong kwarto at nakita ang mga monitor na nakaconnect sa mga CCTV sa buong pasilidad. Agad ko naman hinanap ang monitor kung saan makikita ang aming dinaanan kanina, pero sa kabutihang palad ay wala naman. Sigurado na ako ngayon na hindi pa nila alam ang aming presensya. “Emma help me out here!” tawag niya sa akin. Agad ko naman siyang nilingon at nakita kong hinihila niya ang isang guwardiya papasok sa banyo. Ngayon ko lang napansin na parehong babae pala ang mga guwardiyang ito. Madilim kasi sa kwartong ito kaya hindi ko masyadong nakita kanina. Agad ko namang pinuntahan ang isa pang katawan at hinila ito papunta sa direksyon ni Juna. Nang maipwesto na namin ang parehong katawan sa loob ng banyo ay agad namang kinuha ni Juna ang isa pang ID at iniabot ito sa akin. Tiningnan ko naman ang ID na aking nakuha at nakita ang isang 1x1 picture ng isang babaeng nakangiti na may brownish na buhok. Tiningnan ko rin ang kaniyang pangalan. Hazel Pangilinan Agad ko ring hinanap ang pangalan ng kaniyang pinagtatrabahuhan pero wala akong nakita liban sa kaniyang mga detalye at isang fingerprint. Inilagay ko ito sa aking bulsa at napansin ko naman na hinuhubaran ni Juna ang mga guwardiya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang ginagawa. “Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. “We are going to wear these uniforms and from the looks of it. Kasya naman sa atin,” paliwanag niya. At least ngayon ay may sense na ang kaniyang mga ginagawa. Pinagpatuloy niya ang pagtanggal ng mga butones nito at nang matapos siya sa pantaas ay tumungo naman siya sa pantalon hanggang sa mga underwear na lang nila ang natitira. Bilang kapwa babae ay naawa ako sa kanilang kalagayan ngayon. Ibinato sa akin ni Juna ang pares ng uniporme na aking susuotin. Inobserbahan ko ito. Isang itim na blouse na may nakalagay na SECURITY sa likod at isang slacks na pantalon sa sapatos naman ay isang kulay itim na short heels. Hinubad ko ang aking mga damit na suot ngayon tsaka ko sinuot ang kanilang uniporme. Wala na kaming panahon sa pagkahiya ni Juna dahil pareho naman kaming babae at oras ang pinakamalaking kalaban namin ngayon. Hinubad ko ang aking sneakers at isinuot ko naman ang sapatos niya. Sinigurado kong maayos ang aking pagkakasuot nito bago ako pumunta sa mga walang malay na babae na walang damit at napagdesisyunan ko namang isuot sa kanila ang aking damit para hindi naman sila mag mukhang kawawa at makaiwas na rin sa mga lalaking madudumi ang utak. Pasensya na talaga kayo. Kailangan ko talagang gawin ito. Naunang lumabas si Juna sa banyo at sinigurado ko namang maayos ang pagkakasuot ko ng mga damit namin sa kanilang dalawa. Iniayos ko naman ang kanilang mga pwesto at saka ako lumabas. Naabutan ko si Juna na pinag-aaralan ang mga CCTV. Tinitingnan niya ata ang mga lugar kung saan ito nakalagay. As always wala akong kaide-ideya sa ginagawa niya. Hinayaan ko siya at nilibot ang kwartong ito. Gusto ko makakuha ng maraming impormasyon as much as possible. Una kong pinuntahan ang isang file cabinet at binuksan ko ito. Mga folders ang mga nakalagay rito, kumuha ako ng isa binuksan ito para malaman ko ang mga impormasyon na nakatala sa mga papel sa loob ng folder. Hinili ko ang isang papel sa loob nito at binasa ang mga nilalaman nito. As always walang nakalagay na pangalan ng kanilang organisasyon. Napakaingat naman nila, lalong lumalakas ang kutob ko na hindi legal ang samahan ng mga taong ito. Isa itong attendance log nila kaya kaagad ko itong ibinalik sa folder at muling inilagay sa loob ng filing cabinet. Nagbukas naman ako ng panibagong drawer at ngayon ko lang napansin na may label pala ang bawat drawer, at ang nabuksan ko kanina ay lagayan ng kanilang attendance. Napaka organisado naman nila para sa isang walang pangalan na samahan. Ngayon naman sigurado akong mga identity ng kanilang mga tao ang nakalagay sa mga folder na ito. Sigurado naman akong pag nalaman ko ang background nila ay kahit kaunti ay may malalaman ako sa organisasyon na ito. Dinukot ko naman ang isang folder mula rito at binuksan ko naman ito. Kinuha ko ang papel sa loob nito. Isang larawan ng lalaki ang agad kong napansin at matatalas ang tingin nito. Binasa ko ang kaniyang pangalan. Raymondo Almendra Agad ko namang tiningnan ang kaniyang mga detalye at sa kabutihang palad ay mayroon silang bigraphy. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ata ang kanilang mga resume bago sila matanggap sa trabahong ito. Nakita ko naman kaagad ang kaniyang posisyon which is isang reserve special body guard. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa kaniyang bio at tumatak naman sa akin ang mga pangungusap na ito. ‘Nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong dahil sa mga kasong pagpatay, pagnanakaw, at panggagahasa. Kinuha siya ng organisasyon na ito para magsilbing isang body guard at lumakad ng mga espesyal na misyon. Nagnanais na mabigyan siya ng panibagong pagkakataon sa buhay na ito.’ Isang serial killer at r****t ito na nabalita noon. What are they thinking? Kumukuha sila ng mga convict bilang tao nila? Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa at napansin ko naman na may chips na nakatanim sa may kaniyang ulo at kapag may ginawa siyang labag sa batas na walang pahintulot ng nakakataas ay sasabog ang chip na magsasanhi ng kanilang pagkamatay. Nasabi rin dito na lahat ng tao sa loob ng organisasyon ay may chip sa utak. “Hmmm, convicts huh, kaya siguro nila kinuha ang  mga ganitong uri ng tao ay dahil sa mga ilegal na gawain kagaya ng pagpatay,” wika ni Juna. Napatalon naman ako dahil sa pagkagulat sa kaniya  at muntikan ko ng mabitiwan ang mga papel. Nilingon ko siya. “So, sindikato nga ang pinangungunahan nila dad?” malungkot na tanong ko sa kaniya. “We still don’t know yet,” sagot niya sa akin. At sa hindi ko malamang dahilan ay nagkaroon naman ako ng pag-asa. Bigla namang may kumatok sa pintuan at agad naman kaming napalingon doon. “Ano iyon?!” sigaw ni Juna. “Nagkakainan na pumunta na kayo run,” banggit naman ng isang lalaki. “Sige susunod na lang kami,” tugon naman ni Juna. Hindi na nagsalita ang lalaki at narinig naman namin ang mga yabag papalayo. Kahit papaano ay mababait ang tao rito, dahil inaalala nila ang isa’t isa. “What now?” tanong ko kay Juna. Wala akong plano sa pagkakataong ito at isinasalalay ko nalang kay Juna lahat. “Here’s the plan,” wika niya. “We will venture this unknown areas then we will track down where they put the vial,” paglalahad niya. “I’m pretty sure that we can gather information along the way,” banggit niya. Natuwa naman ako run dahil gusto ko talagang malaman ang lahat lahat na mga sikretong kanilang itinatago. Ang aking kapatid. Ang aking mga magulan. Ano ba ang inyong itinatago sa akin? To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD