{69} Pangamba

1888 Words
Emma’s Point of View Nakapalibot silang lahat sa akin ngayon at napapalibutan ako ng mga mapanuring tingin. Kababalik ko lang sa kampo at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanila. Hinihingal ako dahil sa pagtakbo at ang dumi dumi ng aking itsura. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ang kanilang reaksyon sa akin, dahil umalis ako ng walang paalam at hindi ko sinunod ang kanilang utos. Technically wala naman akong sinira sa kanilang utos dahil nakatayo lang naman ako sa eskinitang iyon trying to reach Alex and Juna. Although aminado ako na may kasalanan din ako sa nangyari dahil hindi ko masiyadong tinakpan ang aking mukha, saka hindi ko naman inaasahan na mangyayari iyon. Sino ba ang tao na naistuck sa kagubatan ng dalawang buwan na malalaman kaagad na isa sila sa mga most wanted criminal sa bansa. “San ka nagpunta?” paunang tanong sa akin ni Ginoong Jose at binigyan niya ako ng nakakaintimidate na tingin na siyang nagbigay sa akin ng matinding kaba. Iniangat ko sa kaniya ang aking tingin at binigyan ko siya ng isang nagmamakaawang tingin. “K- kahit po ako,” utal utal na pagkakabanggit ko. “H- hindi ko rin p- po alam ang nangyari,” amin ko sa kaniya. It was just a spur of the moment. “Ano ang iyong ibig sabihin?” takang tanong niya sa akin. “B- bigla akong t- tinawag ng ina nung bata na t- terorista,” sagot ko sa kaniyang tanong. “Kahit po ako ay nagulat sa kaniyang sinabi at taka ko siyang tiningnan, hindi alam ang nangyayari,” dagdag ko pa sa aking paliwanag. “Ang ibig sabihin mo ba ay nasa wanted list ka na rin ng gobyerno?” pagliliwanag niya at dahan dahan naman akong tumango para kumpirmahin ang kaniyang tanong. “Paano nangyari iyon?” tanong niya at tinitigan ko lamang siya dahil kahit ako ay hindi alam ang kasagutan sa tanong na iyan. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin at kung ano ang sasabihin sa kaniya dahil kahit katiti ng ideya ay walang tumutulo sa utak ko. Hindi ko rin naman masagap ang mga balita sa lugar na ito bukod sa mga impormasyon sa galaw ng kanilang kalaban at iyon ang CRISIS na aming nakalaban. Ilang minuto nanaig ang katahimikan sa amin. Kahit isa sa amin ay walang ideya kung ano ang nangyayari. Mabuti na lang ay hindi nila ako pinagalitan dahil hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon kapag nasabihan nila akong pabigat. “A- ako po a- alam ko,” naglakas loob na magpresinta ang isa sa amin kaya napunta ang atensyon naming lahat sa kaniya. Kilala ko ito, siya yung lalaki na sumundo sa akin bago kami pumunta sa bayan. “Nung ako p- po ay namimili ng sangkap ay nakita k- ko ang b- balita,” utal utal na pagkakasabi niya at halata ang takot sa kaniyang boses. “Anong alam mo?” nakakatakot na tanong ni Ginoong Jose dahil sa aura niya na ma-authority talaga. Nakita ko naman na lalong kinabahan ang lalaki at nakita ko ang pamumuo ng butil ng kaniyang pawis sa noo. “N- nakita ko sila sa TV at ipinakita ang kanilang mukha kasabay ang dalawa pang mukha na hindi ko nakita dahil sa nagkagulo na po nung mga pagkakataong iyon,” wika niya at nagpunas naman siya ng kaniyang pawis saka napalunok sa laway na naipon sa kaniyang bibig. “A- ang sabi po ay sila ang salarin sa pagsabog at sunog sa International Hotel sa Mayanil,” dagdag niya. Lahat kami ay nanlaki ang mata, nasabi ko rin sa kanila ang parteng ito kung bakit namin sinugod ang kanilang kampo. Nakaramdam ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay natraydor ako ng mga taong nasa isip ko ngayon na posibleng nasa likod ng lahat ng pangyayaring ito. “May nakisaling 3rd party at mukhang malaki ang kinikimkim na galit tungo sa inyong dalawa,” wika ni ginoong Jose at hindi naman siya nagkakamali roon dahil mukhang malaki nga talaga ang galit nila sa amin. Nagtataka lamang ako dahil nabanggit niya pa na may dalawang mukha pa ang naisama bukod sa aming dalawa ni Alexa. “Simula ngayon ay dito ka na lang sa kampo upang maprotektahan ka namin at mukhang alam na ng buong bansa ang inyong mga mukha at base sa nangyari kanina ay mukhang matindi ang galit ang itinanim nila sa puso ng mga tao,” wika niya at kahit gusto ko bumalik sa bayan para makontak ko ulit ang dalawa kong kaibigan, ay wala akong magagawa dahil sa nangyayari ngayon. “Mukha nga po,” gatong ko sa kaniyang mga sinabi. “Dahil halos lahat ng mga tao na nakakita sa akin ay hinabol ako at maswerte na lang ako na abala ang lugar na iyon sa mga oras na iyon dahil kung hindi,” bitin ko sa kanila. “Ay siguradong nahuli na nila ako,” pagtatapos ko sa aking mga sinabi. “Mabuti nga na nakatakas ka sa kanila,” saad niya. “Talaga ngang napakailap mo,” natatawang biro niya naman at nakitawa na lang rin ako sa kaniya. “Sige natatapos na ang pagpupulong at bumalik na kayo sa inyong mga gampanin,” sigaw niya at nagsikilusan naman kaagad ang mga tao sa aking paligid. Naiwan naman akong nakaupo habang nakatingin pa rin sa akin si Ginoong Jose kaya hindi ko mai-angat angat ang aking mukha. “Ija,” tawag niya sa akin. “Alam kong mahirap ang sitwasyon na ito sa inyo ngayon,” wika niya. “Sa totoo lang ay mahirap para sa ating lahat ang sitwasyon na ito. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay maprotektahan kayo habang nasa kampo ko kayo, at wala na akong magagawang iba para masolusyunan ang inyong prroblema kahit gustuhin ko man,” dagdag niya at sa pagkakataon namang ito ay napatingin ako sa kaniya. “Mahirap oo pero alam kong malakas ka dahil malayo layo na rin ang narating mo at natitiyak ko na marami ka na ring napagdaanan na mahirap na sitwasyon,” mahinang saad niya. “Ang masasabi ko lang sa iyo, ay ipagpatuloy mo lang iyang pagiging malakas mo. Para na rin sa iyong kaibigan na hinang hina,” pagtatapos niya saka ako tinalikuran at pinanood ko siya na unti unting makalayo. Nanatili pa rin ako sa aking kinauupuan at napaisip naman ako sa mga mangyayari ngayong galit na sa amin ang buong bayan. Huminga ako ng malalim saka tumayo, kailangan ko na rin linisin ang aking sarili at makapagpahinga dahil dumidilim na rin ang paligid. Mabuti na lang ay may mga area rito na kung saan ay mga kababaihan lamang ang pwedeng pumunta at ang mga kalalakihan naman ay mapagkakatiwalaan at sa lugar na ito ay natitiyak ko na nagkakaisa talaga sila sa kanilang layunin. Sana ay ganito ang puso na mayroon ang mga nakaluklok sa pwesto ngayon. Nagtungo ako sa tent namin ni Alexa para kumuha ng damit na aking ipinamili bago magpunta rito. Saka ay magtutungo ako sa isang ilog kung saan ay makakapagrelax ako. Malinis ang ilog na iyon at walang hayop na maaring makasakit sa akin, kaya kampante naman ako. Kinuha ko na rin ang sabon para kahit papaano ay mapanatili kong mabango ang aking sarili. Nakita ko naman si Juna na nasa isang gilid nakasiksik habang tinatakpan niya ang kaniyang mukha ng unan. Mukhang natutulog naman na siya at pagod na pagod. Hinawakan ko ang kaniyang likod at hinimas ito. Ayos lang iyan Alexa, makaka move on ka rin. Basta palagi mong tatandaan na palagi lang ako na nasa tabi mo kapag kailangan mo ng balikat na sasandalan. Hayaan mo naiparating ko na rin sa kuya mo na buhay pa tayo at natitiyak ko na hahanapin nila tayo. Saka yang kaibigan mong si Ross, masaya na siya sa langit at sinusubaybayan ka rito sa ibaba. Kaya huwag na huwag kang bibitaw kahit na anong mangyari. Pagkatapos ng maikli kong mensahe sa kaniya kahit hindi ko ito inilabas sa aking bibig ay lumabas na ako sa tent para maligo. Hindi ko na siya aabalahin sa kaniyang pagtulog dahil deserve naman niya talaga ang pahingang ito. Tumayo ako ng maayos nang tuluyan na akong nakalabas sa tent at tinahak ang daan patungo sa ilog naming mga babae. Medyo madilim na ang paligid dahil sa kahel na kalangitan. Mas masarap maligo sa ganitong oras dahil sa malamig na simoy ng hangin na siyang lalong magpapapresko sa tubig. “Hoy Emma,” tawag sa akin ng isang babae, nilingon ko naman ito at nakita ko ang nakangiting mukha ni Ginang Leila. Kaedaran ko siya pero ganun ang tawag sa kaniya kaya nahawa na rin ako. Siya ang nanggamot sa amin nang dinala nila kami rito pagkatapos nung laban naming dalawa. Simula noon ay nakakwentuhan ko na siya, kahit siya lang halos ang nagkekwento sa kaniyang buhay. Binati ko rin siya ng ngiti at hinintay siya na makaabot sa akin. “Kamusta Ginang Leila,” pabirong wika ko sa kaniya at natawa naman siya. “Ikaw talaga, pinagmumukha mo akong matanda,” wika niya. “Pasensya ka na,” pagpapaumanhin ko sa kaniya kaagad. “Narinig ko kanina ang pag uusap,” bungad niya. “Kapag kailangan mo ng tainga na makikinig sa iyo narito lang ako,” offer niya sa akin at ipinakita ko naman sa kaniya ang pinakamatamis kong ngiti. Hindi rin ako naging lonely sa lugar na ito dahil may isang tao ako na matatawag kong kaibigan sa mga panahong ito. Siya ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa ngayong si Alexa ay ganoon ang kalagayan. Palagi niya akong pinupuntahan kapag nakikita niya akong mag isa at naappreciate ko talaga ang kaniyang mga ginagawa sa akin. “Ano pang bago?” wika ko. “Halos sunod sunod na ang mga nangyayari sa amin kaya halos nasasanay na rin ako sa ganitong sitwasyon,” dagdag ko pa at binigyan niya naman ako ng nag aalalang tingin. “Emma,” mahinang banggit niya sa aking pangalan. “Matagal na akong nakikibaka sa labanan na ito, at maraming tao na rin ang aking napatay,” mahinang saad niya. “Hindi masama ang lumaban para sa mabuti pero ang masama ay ang masanay na pumatay, ang masanay sa ganitong sitwasyon,” matalinhagang pagkakasabi niya. “Ang takot ang bumubuhay sa akin at paniwalaan mo ako, maraming tao na akong nakita na nagkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sarili na hindi maganda ang sinapit. Kaya ang takot na iyan huwag na huwag mo iyang tatanggalin sa iyong puso,” payo niya sa akin at tumango ako sa kaniya. May mga pagkakataon talaga na ganito siya magsalita. Marami na siyang karanasan kung ikukumpara sa akin kaya ibinabaon ko sa aking isipan ang bawat payo na kaniyang maibibigay sa akin. Hindi nagtagal ay narating namin ang ilog. Patuloy ang pagtakbo ng tubig at ang pagbangga nito sa mga bato na nasa gita ng ilog. Malalaki ito at para bang maliliit na isla ito na pwede naming upuan. Inilapag namin sa malinis na damuhan ang mga damit na pamalit namin. Pareho kaming nagtungo sa ilog habang dala ang mga sabon na panlinis namin. Hahayaan ko na tangayin ng rumaragasang tubig na ito ang aking mga pangamba. To be continued... -Into the Apocalypse-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD