Alex’s Point of View “Is that where your mom is?” tanong sa akin ni Juna ng dahan dahan ko nang ipinapasok ang kotse sa loob ng lawn at tumango naman ako sa kaniya. Tumingin ako sa mga side mirrors para masigurado na wala akong masasagi na kung anuman. Binuksan ko ang pinto para makababa nang makuntento na ako sa pagkakaparada ng sasakyan at pumunta sa may likuran para kunin ang mga kagamitan na aking kakailanganin para maibigay sa kaniya ang lunas para sa MMED na paunang naibigay sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya ngayon pero inihanda ko na ang aking sarili para makita ang kaniyang nanghihinang kalagayan. Huwag kang mag- alala mama dahil tuluyan ka na talagang gagaling sa karamdaman na iyong nararamdaman. Hindi ko na hahayaan na ikaw ay magdusa pa sa mga pasakit na ibi

