Alex’s Point of View Nakatuon ang aking atensyon sa kalsada dahil ako naman ang magdadrive sa gitna ng gabing ito para makapagpahinga naman si Juna. Nakabukas ang maliwanag na headlights ko at nagbibigay ito ng liwanag sa napakadilim na kalsada. Halos kagubatan ang aming dinadaanan at hindi naman hassle dahil sa mga high way. Ganito kadalasan ang routa kapag probinsya ang aming pinupuntahan. Halos ako lang ang kotse sa kalsadang ito at minsan naman ay may nakikita kaming kotseng nakatabi sa gilid para makapagpahinga ang mga tao run o kaya ay naabutan namin ang ibang sasakyan. Ang mga busina ng malalaking truck ang nagpapagising sa akin sa tuwing gumagapang ang antok sa aking katawan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang pag tawag sa amin ni Juna nung isang araw at h

