{66}Give Up

1829 Words
Emma’s Point of View Please! Answer the phone. Nakakailang tawag na ako sa kanila pero hindi ko mareach ang kanilang linya. Narito lamang ako sa may isang kanto kung saan nila ako kikitain kapag nakuha na nila ang dapat nilang kunin dito sa bayan. Maayos naman ang aming naging paglalakbay pababa sa bundok at hindi naman kami nakasagupa ng anumang sagabal. Binilinan ko naman ang mga kababaihan sa kampo na pakitingnan si Alexa at baka ay kung ano ang maisipan nun gawin habang wala ako. Baka lumayas siya at hindi namin alam kung saan pumunta. Dagdag problema nanaman na kakaharapin namin. Muli kong dinial ang number ni Alex at idinikit ko sa aking tainga ang aking smart phone at fortunately it has still 60 battery percentage at hindi ko naman poproblemahin na soon ay malolow batt kaagad ang aking phone. Lumipas ang ilang minuto ay wala nanamang sumagot sa aking tawag. Habang hindi pa sila bumabalik ay hindi ako mawawalan ng pag asa. Muli kong dinial ang kaniyang numero at sana sa pagkakataon na ito ay sagutin na niya ang aking tawag. Please bilang lang ang oras ko sa lugar na ito. Sagutin mo. “Hello,” biglang sagot ng isang babae sa kabilang linya. Nanlaki ang aking mata nang marealize ko kung sino ang babaeng ito sa kabilang linya. “JUNAAA!” hindi ko napigilan ang aking sarili na mapasigaw at naagaw ko ang atensyon ng ilang napadaang tao sa aking kinatatayuan. “Wait who is this Emmato-“ napatigil siya sa kaniyang pagsasalita nang marealize niya ang aking pagkakakilanlan. Gumapang ang cringe sa aking katawan ng maalala ko ang contact name ko sa kaniyang smart phone. Namula ang aking mukha dahil sa kahihiyan at wala namang nakakakita sa akin. Bakit kasi iniiwan mo pa ang phone mo Alex!? Narinig ko ang mabilis na mga yabag niya at hula ko ay tumatakbo na siya papunta kay Alex. ‘Alex,’ rinig kong wika niya sa background. ‘Alex!’ sigaw niya na rinig na rinig ko naman dito. “Mommy,” rinig kong wika ng isang bata kaya napalingon ako sa kaniya. “Diba siya po yung nasa TV,” dagdag na wika pa niya at tumingin naman sa aking mukha ang kaniyang ina. Anong ibig sabihin niya na nakita ako sa TV? Pinag aralan namang ng nanay nung bata ang aking mukha at maya maya ay nanlaki ang kaniyang mga mata at ako naman ay walang kaide ideya.  Siguro ay nag file ng police report si Juna. Hindi na ako magtataka. “Terorista!!” buong lakas na sigaw ng babae at kinarga niya ang kaniyang anak saka tumakbo ng pagkabilis bilis palayo sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa dahil hindi ko talaga inaasahan ang ginawa niyang iyon. Naging alerto namang ang mga tao na nakarinig ng kaniyang sigaw at itinuro ng babae kung nasaan ako. This is my cue para tumakbo. Hindi ko alam bakit pero bigla na lang nila akong pinagbintangan na  terorista. Wala akong kaide ideya kung ano ang nangyayari pero wala ako magawa dahil kahit idefend ko naman ang aking sarili sa kanila ay hindi naman sila makikinig sa akin. PInilit kong hanapin kung nasaan sila Ginoong Jose pero kaagad naman akong napatigil kung susundan ko sila. Tumakbo ako nang tumakbo pero sa kabilang direksyon ng kagubatan at hindi ko tatangkain na idamay pa sila lalong lalo na si Alexa na wala sa wisyo para harapin ang ganitong sitwasyon. Litong lito ako kung paano ako naging terorista sa kanilang paningin, ngayong nga lang ako lumabas sa kagubatan sa loob ng dalawang buwan at para tawagan pa sila Juna. “Hello? Hello?” wika ko sa telepono pero wala na akong naririnig sa kabilang linya kaya kaagad ko itong tiningnan. Napatay ko pala ang tawag na hindi ko sinasadya at muli ko namang dinial ang pangalan ni Alex sa aking telepono. Nakahanap naman ako ng isang madilim na kanto at kaagad ko namang tinungo iyon at kahit ilang minuto ay makaka stall ako sa kanila ng ilang minuto at nag ring naman ang aking pag dial sa kanila. Please sagutin niyo kaagad. Narinig ko ang pag sagot nila sa aking tawag. “Alex,” agad agad na pagtawag ko sa kaniyang pangalan habang ako ay naghahabol ng hininga dahil sa sobrang pagod na aking naranasan kanina. “Yes this is me,” masiglang tugon naman niya sa akin at napangiti naman ako ng bahagya dahil ilang buwan ko ring hindi narinig ang boses na iyan. “Come here-“ “NARITO SIYA,” rinig kong sigaw ng isang lalaki sa aking likuran kaya naman ay napalingon kaagad ako run. s**t! This is bad. Pinutol ko kaagad ang tawag kahit hindi ko nasasabi sa kaniya ang aking lokasyon at sinimulan ko na ulit ang aking pagtakbo para hindi nila ako maabutan. Dahil mukhang masama talaga ang aking aabutin kapag nahuli nila ako. Lumingon lingon ako habang ako ay patuloy sa pagtakbo para malaman ko kung naiiwan ko na ba sila. Gulong gulo nanaman ang aking isipan, pero isa lang ang malinaw sa akin at iyon ang takasan sila. Hindi naman problema ang pagbalik sa kampo dahil alam ko ang daan pabalik dahil sa mga nakatagong tanda sa mga puno na kanilang nilagay. Ang hindi pwedeng mangyari ay ang masundan nila ako, nakita ko ang palabas sa kantong ito at kitang kita ko na abala ang mga tao run. Laking pasasalamat ko sa klima ng bundok dahil nakasuot ako ng hoodie ngayon. Itinaas ko ang aking hood at nang makalabas ako sa eskinitang ito ay kaagad akong humalo sa mga nagsisiksikang tao rito. May ilan naman akong nabangga at hindi ko naman sila pinansin at nagtuloy tuloy naman ako sa aking pagtakbo. Hindi ako lumingon dahil mahahalata lang nila ako. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa dalhin ako nito sa isang comfort room at kaagad naman akong pumasok dito at pumasok sa isang cubicle at kaagad naman akong umupo sa toilet at inilock ko ang pinto. Napahilamos ako sa aking mukha at hindi ko kinakaya ang mga nangyayari ngayon. Isang malaking katanungan nanaman ang nabubuo sa aking isipan. Paano nangyari ito? Parang wala ng tigil ang pagdating ng mga problema sa aking buhay. Pati taumbayan ay hinahabol na ako at ang masaklap ay nabansagan pa ako na isang terrorista na hindi ko rin alam ang aking ginawa para tawagin nila akong ganun. Wala akong kaalam alam. AHH! Biglang nanakit ang aking ulo at kaagad akong napahawak dito. May kung ano ano nanamang larawan ang lumalabas sa aking isipan. -Flashback- Patay buhay ang ilaw, at ako ay tumatakbo sa madilim na hallway na ito. Sa murang edad kong ito ay mabilis akong matakot at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Mommy! Please save me! Paulit ulit ko iyang isinisigaw sa aking isipan. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mata at ang paghikbi ko. Ipinunas ko ang aking braso para malinaw ko ang aking paningin na nanlalabo dahil sa luhang namumuo sa aking mata. Habang sa isa ko namang kamay ay hawak hawak ko ang aking stuff toy na iniregalo ng kaibigan kong si Juna bago ako mapunta rito. Juna? Where are you I need you here. Nakakita naman ako ng isang kwarto at kaagad naman akong nagtungo roon para magtago. Nang makapasok na ako rito ay nakita ko naman ang isang kama at kaagad naman akong nagtago sa ilalim noon. For some reason I started to hear footsteps even they are far away from me so I can tell where they are. Naririnig ko ang yabag nila. Marami silang humahabol sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanila to deserve this kind of treatment. Mommy told me that I should be a good girl to avoid punishments but why? I’ve been a good girl at sinunod ko naman ang utos nila mommy sa akin pero bakit nakakareceive pa rin ako ng punishments? Lumakas ang mga yabag and then lumampas naman sila sa kwartong ito kaya nakahinga naman ako ng maluwag- I see shoes that stopped right in front of the door step. Base sa kaniyang paa na aking nakikita ngayon ay onti-onti niyang hinarap ang pintuan papasok sa kwarto na ito at onti onti namang lumakas ang kabog sa aking puso. Tinakpan ko naman ang aking bibig so that he cannot hear my cries. Ipinikit ko ang aking mga mata para mabawasan ang tensyon na aking nararamdaman. Hearing those footsteps is enough to give me fright. Naging dahan dahan ang kaniyang mga yabag at ako naman ay madilim lang ang aking nakikita dahil sa nakapikit ang aking mata. Palapit ito ng palapit sa akin at ako naman ay pinipigilan ang aking sarili na hindi mapasigaw dahil sa takot sa kaniya. Please don’t hurt me. Please. Don’t. Find. ME! Paulit ulit akong nanalangin sa aking isipan to calm myself and to give myself a little hope in this very dark situation of mine. Mom said that letting darkness consume me will just bring me to the void where I cannot get out once I get there. It will continue to frag me down right to the abyss. Narinig ko naman na palayo na ng palayo ang kaniyang mga yabag at unti-unti ko namang iminulat ang aking mata para makita ko kung palabas na ba siya sa kwartong ito so I can escape very fast and get out of this place. “Anong ginagawa mo riyan?” bati niya sa akin nang mamulat ko na ang aking mga mata at nakita ko naman na tinatapik niya lang ang kaniyang mga paa. “AHH!” napasigaw ako sa gulat at kaagad niya naman akong hinila papunta sa kaniya! “DON’T! PLEASE!” pakiusap ko sa kaniya habang ako ay nagpupumiglas sa kaniyang pagkakapit sa aking mga braso. “You’ve been a bad girl,” wika niya na siya namang nagbigay ng matinding tako sa aking dibdib. “PLEASE!” -End of Flashback- Napasinghap ako sa hangin at nang mabalik na ulit ako sa realidad ay napansin ko naman na nasa CR pa rin ako. What was that? It felt so real. Sino ang lalaking iyon? Ako ba ang batang babaeng iyon? Wala naman akong maalala na may nagdala sa akin doon. Wala akong maalala na nanggaling ako sa lugar na iyon. Wala talaga akong maalala. Narinig ko namang nagkakagulo sa labas at mukhang hindi pa nila tinatantanan ang paghabol sa akin. Siguro ay matatagalan pa ako sa pagtatago rito. Ipapaliwanag ko na lang siguro kina Ginoong Jose mamaya ang nangyari para naman malaman nila ang aking eksplanasyon sa mga pangyayaring ito. Hindi inaasahang pangyayari. Kaagad ko namang pinatay ang smart phone ko pagkapasok na pagkapasok dito para hindi naman ako makagawa ng kung anumang ingay na siyang aagaw sa atensyon ng iba. I just have to hide here until they give up. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD