{65} Together

1764 Words
Emma’s Point of View It’s been two months since matagpuan nila kami sa kagubatan. Tinatawag nila ang mga sarili nila na mga sundalo para sa bayan kahit na hindi sila mga opisyal na sundalo at sinabi nila sa akin na lumalaban sila para maibalik ang hustisya mula sa mga tiwaling gobyerno. Nakilala nila kami bilang kasamahan ni Alex at sabi nila sa akin na malaki ang kanilang utang na loob sa kaniyang mga nagawa lalong lalo na sa MMED. Napatagal ang aming panunuluyan dito dahil sabi nila na napakadelikado na para sa amin ang maglakbay ng kami lang. Panigurado na pagkatapos ng aksidente na iyon ay nasa wanted list na kami ng kanilang organisasyon dahil napakalaking bagay iyon para sa kanila at ang mapatay namin ang isa sa kanilang lider ay hindi nila kami mapapatawad. Ever since that day ay palagi ko nang napapaginipan ang babaeng iyon. Ang babae noong bata pa ako at kahit anong gawin ko ay para bang may blangko sa history ng aking buhay. Isang madilim na parte na hindi ko maalala. Kahit anong paraan ang aking gawin. Si Alexa ay nanatiling nakamukmok sa isang gilid at kahit sinuman sa amin dito ay hindi siya makausap at sa tuwing lalapitan ko naman siya ay nakatulala lang siya sa akin at hindi ako kinakausap. Nag aalala na ako sa kaniyang kalagayan dahil ang maangas na Alexa ay hindi ko na nakikita. Sa ilang pagkakataon naman ay nahuhuli ko siya sa kaniyang pagtulog na binabangungot at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Ross. Sa totoo lang ay naawa na ako sa kaniyang kalagayan dahil napakalaki ng epekto nun sa kaniyang pagkatao. Speaking of Ross, ay ang mga tao na nakahanap sa amin ang nagdala ng kaniyang bangkay papunta sa kaniyang pamilya para magkaroon siya ng maayos at marangal na lamay. Ang lakas naman na naramdaman ko nung mga panahong iyon ay hindi ko na ulit naramdaman. Siguro nga ay adrenaline rush lamang iyon, pero hindi naman ganun ang normal na adrenaline rush at mukhang napakalaki ng recoil nito sa aking katawan dahil halos hindi na ako makagalaw. -Flashback- Nahihilo ako at hindi ko na maigalaw ang anumang parte ng aking katawan. Kakatapos lang ng laban namin ng halimaw na iyon. Kamusta na kaya si Alexa at Ross. Maayos ba ang kaniyang sitwasyon ngayon? Hindi ko alam at kaunting galaw ko lang sa aking katawan ay gumagapang sa buong katawan ko ang sakit dahil sa epekto ng aking naramdamang lakas kanina. Tanging pagtitig na lang sa madilim na kalangitan ang aking nagawa pinagmamasdang ang kumikinang na bituin at ang buwan na siyang nagbibigay ng liwanag ngayon dahil naparam na ang apoy dahil sa katawan ng halimaw na iyon kanina. Siguro ay dito na magtatapos ang aking buhay dahil napakarami pa ng kalaban ang natira. Nakarinig ako ng paggalaw ng dahon sa mga halaman at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Accepting my tragic end. “ROOOOOOSSSSSS!” rinig ko rito ang sigaw ni Alexa at ang kaniyang paghikbi. “BAKIT!? GUMISING KA NAMAN OH! NAPAKADAYA MO! BAKIT MO AKO INIWAN?” sunod sunod na pagsigaw niya at kahit sinuman ang makarinig nun ay ramdam ang pighati na kaniyang nararamdaman ngayon. Naawa ako sa kaniya pero wala akong magawa para damayan siya ngayon. Palakas ng palakas ang mga yabag ng mga kalaban. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng aking luha. Mukhang may natitira pa akong lakas para umiyak. Talaga namang nalulungkot ako. Hindi ko pa gustong mamatay. Someone help me! “May buhay pa rito!” rinig kong sigaw ng isa sa kanila at naipikit ko ang aking mga mata. Narinig ko ang yabag na mabilis na lumalapit sa akin. This is where I say my goodbyes. Sorry Alex, I have regrets for not telling you how I feel. I am sorry Juna dahil maaga akong umalis. I’m sorry Alexa for leaving you alone. “Humihinga pa ito!” nakita ko ang isang lalaki na may hawak na baril nakaturo sa akin. Ipinikit ko ang aking mata at inihanda ang aking sarili sa aking kamatayan. NO! Kahit masakit ay ginamit ko ang natitira kong lakas para tabigin ang kaniyang baril at dahan dahan akong tumayo sa aking kinahihigaan at  tumakbo papunta kay Alexa. Please! Please JUST LEAVE US ALONE. “Assistance here!” sigaw naman ng isa sa kanila at pareho silang tumakbo papunta sa akin hanggang sa mahuli nila ako at kinapitan ang aking braso. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas umaasa na makakawala ako sa kanilang mga kamay. “Miss kalma hindi mo kami kalaban,” wika niya sa akin pero wala na akong natitira pang tiwala sa ibang tao bukod sa aking mga kaibigan. “AHHHHH!” napasigaw ako nang dumoble ang sakit na aking nararamdaman kanina. “Miss kumalma ka lang hindi ka namin sasaktan,” muling pangungumbinsi sa akin ng lalaki. “MEDIC BILISAN NIYO!” sigaw niya at dahan dahan naman niyang inilapag ang aking katawan sa lupa at narinig ko ang ilan pang mga yabag na patakbo papunta sa akin. “Ilapag niyo ang stretcher dito!” sigaw nung isa sa kanila at nakita ko naman na may dalawang babae ang kaagad na dumating at narelieve naman ako. Kahit papaano ay nagkaroon naman ako ng pag-asa na hindi nga talaga sila kalaban. Kumalma naman ako ng kaunti para hindi na madagdagan ang nararamdaman kong sakit. -End of Flashback- Hanggang ngayon ay maayos pa naman ang aming kalagayan siguro nga ay hindi talaga sila mga kalaban gaya ng aking inisip at kahit papaano I can relax myself cause nag volunteer sila na poprotektahan nila kami habang kami ay nagrerecover pa sa mga natamo naming injury. Nalaman ko rin na ang kanilang objective ay itaboy ang CRISIS palabas dito sa Kahalangdon. Napakabuti ng kanilang layunin at ramdam na ramdam mo ang kanilang patriotismo sa kanilang mga puso pero nakakalungkot lang isipin na itinuturing silang mga terorista ng mga nasa posisyon. Siguro dahil tinutuligsa nila ang mga corrupt at mas inuuna nila ang kapakanan ng bansa. Tinatawag nila ang mga kanilang sarili na mandirigma para sa bayan at ang kanilang kinaroroonan ay napakalayo sa kabihasnan at napakakapal ng gubat dito. Walang signal kaya hindi ako maka connect papunta kela Alex. Nangako naman sila sa akin na gagwa sila ng paraan para makakunekta kami sa kanila. .               .               . Dalawang araw na ang nakakalipas pero ganun pa rin si Alexa at hindi pa rin kami maka konekta kela Alex at Juna. Siguradong nag aalala na sa akin na masyado ang mga iyon. Lalo na rin yata kapag nalaman ni Juna ang nangyayari ngayon kay Alexa at ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Ibig sabihin nito na napakadelikado na talaga ng mga nangyayari. Pero wala naman kaming magagawa kundi ang umabante sa laban na ito. “Ma’am!” napalingon ako sa tumatawag sa akin na lalaki. Tumakbo siya papalapit sa akin at nang makarating siya sa akin ay kaagad naman siya naghabol ng kaniyang hininga. “Pina-“ napatigil siya dahil naghahabol pa rin siya ng kaniyang hinihinga. Itinaas niya ang kaniyang isang kamay habang nakataas ang isang daliri upang sensyasan ako na maghintay at wala namang problema sa akin iyon. Matapos ang ilang sandali ay tumayo siya at umimik. “Pinapatawag po kayo ni Ginoong Jose,” maayos na pagkakasabi niya. Ang tinatawag nilang ginoong Jose ay ang lalaking nagpakalma sa akin noon nung ako ay nagwawala pero hindi ko pinaniwalaan ang kaniyang mga salita. “Bakit daw?” tanong ko sa kaniya dahil hindi naman niya ako pinapatawag sa mga ganitong pagkakataon bukod sa mga panahon na kailangan niya ng impormasyon dahil sa napatumba namin ang isa sa mga kampo ng CRISIS. Sinabi ko naman sa kaniya na wala akong nakuhang importanteng impormasyon sa kanila bukod sa pagkakamodify ng kanilang pinuno. Sinabi ko sa kanila ang buong katotohanan kung saan ko naisip ang pinagmulan ng kaniyang pagkakamodify. Ang tungkol sa aking mga magulang at ang kanilang lab at ang pagtakbo namin ngayon. Spekulasyon niya naman na may maling nangyayari sa bansa pero hindi pa sigurado kung ano iyon. Nasasaamin kung paano namin ito aalamin. “Pupunta sila ng bayan upang mamili ng mga makakain kung nais mo raw na sumama upang matawagan ang iyong mga kaibigan,” wika niya at natuwa naman ako sa aking narinig. Kaagad naman akong tumango sa kaniya dahil sa wakas ay matatawagan ko na rin sila. Kaagad naman akong tumayo at sinenyasan ko naman siya na mauna upang gabayan ako kung asaan sila ngayon. Kaagad niya naman akong tinalikuran at nagsimulang maglakad. Hinugot ko naman sa aking bulsa ang aking smart phone na matagal nang nakapatay dahil walang kuryente sa lugar na ito at mahirap na kung malow batt ito. May basag na ang screen nito dahil sa laban namin nung halimaw na iyon at himalang hindi nasira ang LCD nito kaya laking pasasalamat ko talaga kasi kung masira ito ay wala na talaga akong magiging komunikasyon sa aking mga kaibigan. Mabato ang daan at mahirap talaga ito daanan idagdag pa ang pababa na daan nito dahil nasa may bundok kami kaya ginagawa ko ang buo kong makakaya dahil kapag nawalan ako ng balanse sa lugar na ito ay mababalik nanamang muli ang mga sugat kong gumaling. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa marating na namin ang kinaroroonan nila Ginoog Jose. Lima sila kasama na itong kasama ko at may mga nakatagong pistol sa kanilang balikat panigurado iyan dahil baka magkaengkwentro habang namimili sila at ako naman ay nakasuot ng hoodie at pantalon. Madali lang namang pagtaguan ang mga tao. Hindi naman ako makikipagusap sa mga tao maliban kung may bibilhin ako. Ang pinakamain goal ko lang naman ngayo ay ang makausap sina Alex at Juna at masabi sa kanila kung nasaan ako ngayon. Siguro naman ay enough na iyon para mapuntahan nila kami rito. “Bilisan mo lang ang pakikipagusap sa kanila pagdatin natin doon dahil may mag aabot na ng mga pagkain na bibilhin natin,” wika sa akin ni Ginoong Jose. “Masusunod po,” magalang na tugon ko sa kaniya. Siya ang isa sa mga pinuno rito at nahihiya ako sa tuwing maalala ko ang mga tangaka niya sa aking pagsagip. Tumayo naman sila at nagsimula nang maglakad papunta sa bundok upang marating ang malapit na bayan dito. Magiging mahabang paglalakad ito at magiging worth it naman ang dadanasin kong hirap. Makakausap ko na rin sila at maipapaalam ko sa kanila na ligtas lang kami sa lugar na ito. And again we will fight these challenges together. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD